bc

The Stupid Life Of Sandy Crisostomo [TAGALOG]

book_age12+
281
FOLLOW
1.2K
READ
family
badgirl
comedy
sweet
humorous
lighthearted
highschool
coming of age
friendship
self discover
like
intro-logo
Blurb

Si Sandy Crisostomo ay isang problem child at problem student. Makulit, pasaway, one of the boys, at palaging nahuhuling nag cu-cut ng klase. Normal na bata na kakaharapin ang unang hakbang ng pagtanda; Ang pagkilala sa kanyang sarili.

Sino nga ba siya? Ano nga ba ang gusto niya sa buhay? Ano bang pangarap niya para sa kanyang sarili?

Let's find out her journey to adulthood!

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
Simula BIYERNES. Hapon. Maingay. Mainit. Ang grupo namin ang nakatoka sa paglilinis ng klase. In short, cleaners. Abala sa pag f-floor wax ang dalawang kaklase ko habang nagpapanggap naman akong nag a-ayos ng upuan, ngat-ngat ang stick ng sundot kulangot na binili ko kanina sa canteen. "Pinapatawag ka raw ni Ma'am Ursula sa faculty. Red days ata ni mamang. Yari ka!" Humagangos ang kaibigan kong si Anabelle papalapit sa akin. "Red days? Tanga menopause na 'yun!" Kunot noong sabat ng isa ko pang kaibigan na si Trixie, na busy sa pag lalaro ng snake and ladder sa desk ng upuan nito. "Bakit daw?" Tanong ko. "Aba, anong malay ko? Ako ba si Ma'am Ursula?" Pabalang niyang sagot. Automatic na umikot ang mata ko at inubos ang kinakain. Magpapasama pa sana ako sa kanilang dalawa. Kaya lang ay nakisali na rin si Anabelle sa paglalaro. Sobra seryoso na nauwi pa sa pustahan. Mainit din naman ang ulo ko habang nag mamartsa palabas ng room, hatak hatak ang jansport bag ko na nakasalampak lang sa sahig. Ano na naman ba kasing kailangan ni Ursula- Este Ma'am Ursula sa akin? "Hi Sandy! Pauwi ka na? Sabay na tayo?" Bigla sumulpot sa harap ko ang kapitbahay kong si Denver na pataas baba ang kilay. Umarte akong nasusuka sa harap niya. "Grabe ka talaga sa'kin, my labs." Umirap ako habang nilagpasan siya. Feeling gwapo talaga! Sumusunod pa rin talaga si Denver kahit na alam na alam naman niya na nasusuka ako tuwing nakikita siya. Naalibadbaran talaga ako sa malaki niyang mata at gupit bao niyang buhok. Kamukhang niya talaga 'yung anime character na si Rock Lee sa naruto. Mabuti sana kung si Sasuke, e. "My labs naman. Uwi na tayo." "Edi umuwi ka! Nasa akin ba paa mo!?" Tumigil ako sa paglalakad para batukan siya. Hindi talaga matatapos ang araw ko na hindi nasisira ng pangit na 'to! "Aray! Ang sakit mo naman mag mahal, my labs." "Mahal? Baka gusto mong bigwasan kita!" Pinandilatan ko na lang siyang mata at naglakad na. Kailangan kong puntahan agad si ma'am. Baka pumalit na 'yon sa bulkang mayon sa sobrang galit sa akin at bigla na lang sumabog! Yari talaga ako lalo. "Sabi ni Anabelle pinapatawag ka raw kay Ma'am, ah. Ininis mo?" "Shatap! Kapag pangit, manahimik!" At dahil sobrang manipis ang mukha ni Denver, sumunod pa rin talaga siya sa pagaakalang aliw na aliw ako sa presensya niya. Palitan ng pick-up lines at laitan ang bangayan namin papunta kay ma'am. Kumatok muna ako sa pintuan ng faculty room bilang paggalang at pumasok pagkatapos. Umatras ako saglit nang marinig ang pagsunod ni Denver sa'kin. "Susunod pa e. Diyan ka lang!" "Sure, my labs!" Kumindat pa ang kumag. "Sure my labs," Lukot ang mukha kong paggaya sakanya. Kinilig din naman ang kumag! Dinungaw ko ang loob at tanging si ma'am Ursula na lang ang nagiisang teacher doon. Sa itsura pa lang niya, alam kong paliliguan na naman niya ako ng sermon na may kasamang panis na laway. "Ma'am, pinapatawag niyo raw po ako?" Kabado akong ngumisi sakanya, magkahawak ang dalawang kamay ko sa harapan. Dahan dahan siyang nag angat ng pamatay niyang tingin. Napatikhim agad ako sa kaba. Para akong nasaksak doon ng wala sa oras ah! "Anong ibig sabihin ng sinulat mo sa exam?" Pambasag na tanong ni ma'am sa katahimikan. Mabilis akong tumingin sakanya. Inayos ko ang salamin ko at napalunok. "Ahh.. ma'am.. anong exam po?" Mahinahong tanong ko. Nanlaki ang mata ni ma'am sa tanong ko. Mas lalo pang namula ang pisngi niyang sinampal ni iron man sa sobrang pula. "Dios Mio Que Horor, Sandy Crisostomo! Teacher mo ako sa Filipino kaya malamang ay 'yun ang exam na tinutukoy ko. Ano bang inaasahan mo? Tanungin kita tungkol sa Math exam? Sige nga, subukan mong i-divide and pangungusap!" Napayuko na lang ako sa sunod sunod niyang sermon at ine-enjoy ang talsik niyang laway. Ilang marahas na hangin ang pinakawalan niya habang nakatitig sa akin at ang kamay naman ay kinakalkal ang mga papel sa table niya. Palipat-lipat ang tingin ko sa mukha niya at sa kamay na kabisado na ang lahat ng gamit sa lamesa. "Tignan mo at basahin mo, Crisostomo!" Asik ni ma'am sabay marahas na inihambalang ang test paper sa harapan ko. Kinuha ko 'yon sa kamay niya at tinitigan. "Basahin mo!" Muling utos nito. Tinitigan ko ulit. Alin ba kasi ang babasahin dito? Simula ba umpisa? "Sandy ang sabi ko basahin mo..." Nag labasan na ang ugat sa leeg ni ma'am sa sobrang inis. Nataranta ako sa takot. Tinitigan ko ulit ang papel habang nanginginig ang isa kong kamay. "Yung essay sa dulo..." Ayun naman pala, e. Edi sana kanina pa sinabi para natapos na. Bumaba ang tingin ko roon at binasa nga. "Ano? Nabasa mo na. E 'di alam mo na?" Nalaglag ang panga ko sa nakasulat doon. Gusto kong lumuhod kay ma'am dahil alam ko na ang kahihinatnan ng usapang 'to. "Ngayon, basahin mong malakas sa harapan ko." Napalunok ako nang paulit-ulit. "S-si... Si ma'am.. Ursu---" "Ayusin mo!" Napalunok muli ako at humingang malalim. "Si ma'am... Ursula ay.. Mukhang... bal..yena.." "Ulit!" Si ma'am talaga may pagkamasokista. Alam naman niyang masasaktan lang siya sa sinulat ko pero gusto niya pang ulit ulitin ko. E bakit ko nga ba kasi sinulat 'yon?! Sana sa ibang  test paper ko na lang sinulat eh! Badtrip! "Si ma'am Ursula ay mukhang balyena." Diretsong sabi ko. Wala na, tapos na ang maliligayang araw ko. Mata ko na naman ang walang latay kapag nalaman 'to ni tatay. "Good. Bukas na bukas ay dalhin mo ang magulang mo at maguusap kame sa guidance. Ilang warning na 'to Sandy! Hindi ka na nagtino." Tumayo na si Ma'am, hinablot ang test paper sa kamay ko at nilagay sa loob ng maliit na atachicase. Napakamot na lang tuloy ako ng ulo.  Palabas na akong faculty room ng subukang mang-inis na naman ni Denver. Nakipagtitigan na lang ako sa kawalan at hinayaan ang pagpapapansin ng kasama ko.  "Mukha naman talagang balyena si ma'am. Truth hurts ika nga." Pagpapagaan niya ng loob ko.  Wala pa rin namang epekto 'yon lalo na't galing sa bibig niya. Kung tutuusin ay mas sumama pa ang loob ko dahil kasabay ko na naman siyang umuwi. Pakiramdam ko tuloy magkakaroon akong LBM kinabukasan. Mamaya paguwi hahanap na agad akong gamot. Just in case na humilab nga. "Maglaro na lang tayong color game sa perya." "Wala na akong pera."  "Libre ko?" Lumihis agad ako ng lakad patungong perya sa kabilang barangay. Basta libre, game ako diyan! Puno ng mga batang kaidaran ko na hindi magkamayaw sa pakiki-usyoso sa larong color game. Sikat na sikat kasi 'yon kumpara sa ibang laro tulad ng putukang lobo, madadayang sugalan at mainiting ulong sugarol. Natatanging ito lang ang pupwede sa mga katulad naming gusto lang ng katuwaan. "Anong kulay, neng?" Tanong ng negrong payatot sa akin.  Sumulyap ako kay Denver na binulong sa hanging ang kulay 'blue,' tumango ako at muling bumaling sa payatot na lalaki.  "Sa red ako kuya." Nilapag ko ang limang pisong barya na binigay ni Denver sa akin. Kagat labi pa akong pagaabang nang pagulungin ng lalaki ang dice.  Ang malapad kong ngiti ay unti-unting lumiliit nang umikot iyon at nangibabaw ang blue na kulay. Tumitig na lamang ako sa limang piso ni Denver habang kinukuha 'yon ng nanalo. "Sabi ko naman sa'yo blue, e. Talo ka tuloy, my labs." "Gago!"  Imbis na matuwa ay lalo lang akong nabadtrip. Sa lahat ng nilaro namin ni Denver ni isa ay wala kaming napala. Mabuti na lang talaga at pera niya 'yon kaya kahit papaano ay hindi ko pa siya napapatay sa sakal at mura. "See you tomorrow, my labs." "Kahit wag na." Binagsak ko sa mukha niya ang itim na gate namin na naging brown dahil sa kalawang. Kabado akong pumasok sa loob ng bahay. Iniisip ko pa rin kung paano ko ba sasabihin kay tatay na pinapatawag siya sa guidance. 'Wag ko na lang kayang sabihin? Nakatingin ang dalawa kong kuya na mukhang kakauwi lang din galing eskwela. Parehas silang nasa kolehiyo na kaya naman bibihira na lang kaming magkita-kita. Busy sila ang alam ko.  E bakit ang aga naman ata nila? Nag bihis akong pambahay, tumungo sa hapag at hinintay ang paghain ng pagkain sa mesa. Nanatili ang titig ng lahat ng tao sa bahay. Ramdam ko 'yon kaya halos mabilaukan ako sa tuwing magsasalita sila.  "Kamusta ang nangyari sa iskul... Roberto?" Napatigil ako sa pagsubo ng kanin sa pagaakalang ako ang tatanungin ni tatay. Mabuti na lang at si kuya.  "Mabuti naman, tay. Kakatapos lang ng prelim exam kaya hayahay na kami." Nagpatuloy ako sa maganang pagsubo ko ng adobong pangatlong init na. Nasa Cebu kasi si nanay kaya walang nagluluto ng ulam namin ngayon. Sa makalawa pa ata ang uwi. "Sa iskul mo naman, Limuel?"  "Ganon din, tay." "Eh sa iskul mo, Sandy?" Nag angat akong tingin kay tatay. Katakot takot ang mga tingin nila. Itatali na naman ba sila ako sa puno ng bayabas namin? "Ah... eh... Hayahay po." Bumaba ang tingin ko sa plato kong wala ng laman. "Wala ba kaming dapat malaman?" Sabat ni kuya Limuel. Umiling ako. "W-wala! Mataas nama--" "Bakit pinapatawag kami sa guidance!" Binitawan ko agad ang kutsara't tinidor na hawak ko, tumayo at lumapit kay tatay para magmakaawa. "Sorry po, tay! Sinulat ko kasi sa test paper na mukhang balyena si ma'am Ursula. Dapat sa science o sa ibang subject ko na lang sinulat. Sorry po. 'Wag niyo na po akong itali sa puno ng bayabas. Andaming antik doon, tay. Kaawaan mo ako."  "At sino nagsabing itatali kita ro'n?" Ngiting ngiti akong humarap kay tatay. "Talaga? Naisip niyo na nakakaawa talaga ako?" "Hindi! Pumunta ka sa salas at luluhod ka sa monggo."  "Tay!" Pailing iling ako ng ulo habang hila naman niya ang braso ko. Nanunuod lang ang dalawa kong kuya na nagtatawanan.  Sumunod sa amin si kuya Roberto na may dalang garapon ng asin at isang balot ng monggo.  "Tay! Magpapakabait na ako!"  "Luhod, Sandy!" Dumagundong sa buong bahay ang sigaw ni tatay na nagpatindig sa balahibo ko. Tumutulo ang luha kong lumuhod sa sahig na puno ng asin at monggo. Akala ko naman may choices. Bakit biglang naging both? Sinisinghot ko ang mga sipong patulo na. "Mali ang ginawa mo, Sandy! Pinapahiya mo kame ng nanay mo. Hindi ka naming pinalaking bastos!" Nakutuon ang atensyon ko sa dalawa kong kuya na kakalabas lang sa kwarto nila at may bitbit na libro na kasing kapal ng mukha nila.  "Pahawak mo kay Sandy para magtanda. Lumalaking bastos." Komento ni kuya Roberto. Bahagya akong nairita.  "Bastos? Tay mas bastos 'yan si kuya. Nakita ko sa kwarto niya may dvd ng bold." Pagsusumbong ko. Nanlaki ang mata ni kuya. Binalingan siya ni tatay ng tingin at sinenyasang lumuhod din.  Ngumisi ako. Walang laban si kuya kay tatay kaya kahit labag sa loob niya, lumuhod na rin siya sa tabi ko. Bitbit ko sa magkabilaang palad ang tig-isang libro. Gano'n din si kuya. Pumasok na si kuya Limuel sa kwarto niya, nakaramdam marahil na idadamay ko siya para makaganti. "Lumalaki kayong bastos! Lalo ka na, Roberto! Hindi ka na nahiya. May kapatid kang babae! At ikaw Sandy, tinawag mong balyena ang titser mo!" Naglabasan na ang mga ugat ni tatay sa leeg sa sobrang gigil sa amin.  Nakanguso pa akong yumuko. "Honesty is the best policy nga e."  "Ayan! Kung saan saan mo natututunan 'yan." "Sa school ko po 'yon natutunan. Si ma'am Ursula pa nga ang nagturo e." Paliwanag ko.  Napaupo na lang si tatay sa upuang kahoy sa salas. Sapo sapo ang noo niya habang umiiling. "Tonta! Ano ba 'yang sentido komon mo? Daig ka pa ng 8 years old na anak ni Aling Mercy diyan sa may tindahan." "Tay, lumipat na po sila Aling Mercy ng bahay 5 months ago..." Malutong na mura na lang ang nasabi ni tatay, nahihirapang huminga dahil sa konsomisyon. "Junk shop na po 'yung dating tindah--" "Manahimik ka!" Yumuko na lang ako. "Tanga ka talaga, Sandy. Bakit mo ba kasi ginawa 'yon? Bobo." Bulong ni kuya sa akin. "Manahimik ka rin kuya. Baka gusto mong sabihin ko na gay bold talaga 'yung nakita ko sa kwarto mo? Nako. Dila mo lang ang walang latay kapag sinumbong kita kay tatay." Pananakot ko kay kuya. Bakla kasi si kuya at si tatay lang ang hindi nakakaalam no'n. Galit kasi 'yon sa bakla kasi minolestya daw siya dati ng tiyuhin niyang bakla noong highschool siya. Laking pasasalamat naman ni tatay at sumaimpyerno na ang matanda. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Lover Is A Maid (R18+)- Completed

read
387.3K
bc

SILENCE

read
393.7K
bc

The Wedding Betrayal (Tagalog-R18)

read
573.2K
bc

The Dark Psycho Angel(TAGALOG)

read
83.8K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.3K
bc

THE BILLIONAIRE'S SECRET AFFAIR

read
751.2K
bc

The Last Battle

read
4.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook