KABANATA 8

1187 Words
"Tumalon ka na, Do! Kapag talaga tayo nahuli ni Miyak, dadagdagan ko poknat mo!" Banta ko sa kaibigan kong si Ando, siya na lang kamo ang hinihintay namin. Nakatalon na kami sa mataas na bakod ng school ni Betong e. "S-saglit... Mauna na k-kayo.." Nanginginig na sagot nito. "Ngayon ka pa naduwag? Tatlong taon na natin 'tong ginagawa a!" Reklamo ni Betong na nakasaludo para salagin ang sikat ng araw.  "Batuhin kaya kitang graba para bumaba ka?!" "Eto na!" Akmang tatalon na sana nang sumulpot si Miyak, "Ngoy! San ngayo mumunta?! Mawal yan! Mumaba nga rito!" Sita nito. Miyak ang tawag namin sa guard kasi ngongo siya. Palagi na lang kaming nahuhuli nito e.  Nagtakbuhan na kami palayo sa bakod at baka makita pa kaming dalawa. Tumalon na rin si Ando at kumaripas ng takbo makahabol lang sa amin. Iika-ika itong maglakad, gusot ang mukha at paiyak na sa sakit.  Gaya nang nakagawian, dumiretso muna kami sa ihawan at street food corner malapit sa labas ng school. Nagmamasid saglit at nang walang makita, astang siga sa daan na animo'y walang tinakasang teacher na pala kwento ng talambuhay.  Basta kuha na kami ng mga ipapaihaw namin, basta tusok din sa mga fish ball at squidball na lumulutang sa mainit na mantika. Sanay naman na si Aling Puring na tumambay kami roon kahit na oras pa ng klase.  Katwiran niya, labas naman na raw siya sa kung anong gusto namin sa buhay basta ang mahalaga, kumikita siya. Nga naman. At isa pang mahalaga, nagbabayad ka. Safe ang sikreto mo kay Aling Puring. Umupo muna kami sa loob ng tindahan, bitbit ang tig-isang plastic na baso na may lamang pagkain.  "Aling Puring, lipat mo naman sa wowowee. Ayokong makakita ng mga r****t sa TV e." Muling reklamo ni Betong nang makaupo kami at nakita ang palabas.  Abala sa pagpaypay ng mga pinaihaw namin si Aling Puring kaya nagbingi-bingihan na lang. "Hanapin mo nga remote, Do. Lipat natin."  "Magtigil nga kayo jan! Aba, nakikinuod na lang kayo nagiinarte pa kayo. Isumbong ko kaya kayo?"  "Walang ganon, Aling Puring. Loyal nga kami sa'yo e. r****t 'yang mga 'yan, ewan ko ba bakit di nakulong." Umiling si Betong at nanahimik na lang sa tabi ko.  "Ayoko sa Wel na 'yon. Hubo't h***d mga dancer, nakakahiya sila!" Dagdag pa nito, 'di na lang namin pinansin. Nilapit ni Ando ang mukha niya sa aming dalawa sabay bulong. "Tanong mo kay tito soco ba't 'di sila nakulong." Sabay tango nito. "Hoy! Anong binubulong bulong niyo jan?" Bumalik na kami sa matinong pag-upo nang dumating si Aling Puring sa pwesto namin, nilapag ang isang plato laman ang pinaihaw namin. Tig-limang isaw at dugo kami, with matching suka na may siling pula at tinipid na cucumber. Solid! Pati 'yung amoy solid! "Kayong mga bata kayo, naniniwala kayo sa chismis. Hindi sila r****t, saka nagpatiwakal nga 'yung babae e, kasi hindi naman totoo. Pasikat lang 'yun!" Huling hirit nito bago umalis.  Bahagya akong nairita sa sinabi niyang yon. Bakit kasalanan ng na-r**e? Siya nga ni-r**e tapos kasalanan niya? Alam naman ng buong bansa ang totoo. Pero bakit nga ba nasa telebisyon pa rin ang dalawang masamang tao? Dahil sikat? Dahil maraming pera? Dahil makapangyarihan?  Oo nga pala, nasa Pilipinas nga pala ako. Ang mga mayayaman ang batas. Sila ang diyos sa mundong ibabaw, at kaming mahihirap ang alipin nila. Ang hustisya ay para lang sa mayaman. Liriko lamang ng kanta pero iyon ang maruming katotohanan.  "Idol ko pa naman dati mga 'yon. Tsk tsk! Swerte nila at may pilit na nagtakip sa baho nilang umaalingasaw. Tsk tsk." Si Ando naman ang humirit pero mahina na lang para hindi marinig ng kahit na sino. Mahirap na at baka totohanin ni Aling Puring ang banta niya na isusumbong kami.  "Dumilim ang paligid... May tumawag sa pangalan ko." Napakanta na lang ako, kinikilabutan talaga ako kapag nai-imagine ko 'yun. Pakiramdam ko, ako 'yung biktima at alaala ko 'yung mga nasa liriko ng kanta. "At bakit ba pag nagsawa na ako biglang ayoko na At ngayon Di pa rin alam Kung ba't tayo nandito Puwede bang itigil muna Ang pag-ikot ng mundo.." "Ano ba 'yan, Andeng! Doon nga kayo magkantahan at 'di ko marinig ang TV!"  Umalis na rin kami matapos ang kainan at kantahan naming nakakabulabog. Kumulo ata ang dugo ni Aling Puring at pinatalsik kami sa tindahan niya. Himala. Sila pala ang weakness ng matanda.  Nagpababa muna kami ng kinain bago akyatin ang matayog na bakod. Pinalagyan na ni Principal Nadura ng barbed wire 'yun noon, kami lang tatlo ang nagkalas. Aba, hindi lang naman kami ang masamang d**o sa eskwelahan na 'to. Sadyang makapal lang talaga ang mukha namin sa lahat.  Tulad ng nakaugaling trip, may nadaanan kaming bahay na may doorbell. Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan... safe! Umiral na naman ang maitim na balak.  "Pag pindot ko, takbo agad a."  "Masakit pa paa ko, Tong. Kayo na lang." Lumipad ang palad ko papunta sa batok ni Ando. "Bahala kayo. Basta kayo na lang."  Hindi natinag si Betong, natuloy ang maitim na balak. Magkakahilera kami na nakatutok sa doorbell sa gilid ng malaking bakal na pinto. Hinatak ko si Ando na tamad ang kilos, wala talagang balak sumali. Mainit ang tirik ng araw, tagaktak na ang pawis ko sa likuran na nagkorteng bilog sa uniporme ko.  Nagtinginan saglit, tumango ako... sabay bilang ng tatlo.  Tinadtad nang pindot ni Betong ang doorbell. Dinig namin ang matinis na tunog mula sa loob, nagtawanan at umapir pa kami sa isat-isa. Walang angal na narinig. Tinira na naman ni Betong ang doorbell! Nakitawa na rin si Ando at umisang pindot sa bugbog na pindutan.  Maya maya pa ay kumahol ang dambuhalang tunog ng aso. Lalo pa kaming naaliw sa pangiinis sa kung sino man ang minalas na tao sa loob.  "Pindutin mo pa tapos ali---" Hindi ko na natapos pa ang litanya ko nang biglang bumukas ang bakal na gate at niluwa ang malaking aso na may muscle. Halos madapa na ako sa mabilis na takbo ngunit mukhang maabutan pa rin kami ng asong sabik sa laman namin. Aswang ata 'to e! Tinalo pa mga nakikita kong nagbubuhat sa gym. Tumahol na naman kaya mas binilisan namin ang takbo.  Takbong snatcher ang ginawa namin. Katapusan ko na kapag nilapa ako nito. Ang kaninang umiinda at iika-ikang si Ando, siya pa ang nauna sa'ming tatlo. Sumunod si Betong na purong Pilipino pero mukhang chinese buddha sa sobrang katabaan.  "Tangina niyo! Antayin niyo ko!!" Maluha-luhang sigaw ko.  Nanghihina na ang tuhod ko sa biglaang ehersisyo, naging pawis na lahat ng ininom kong libreng tubig ni Aling Puring kakatakbo, nanuyot na ang dapat matuyo. Tiyak ang bagsak ko sa impyerno nito kapag nadali ako ng aso ni satanas.  "Bilisan mo, Andeng! Malapit na sa'yo!" Katakot takot na paalala ni Betong nang lingunin ako.  "Tulungan niyo ko! Kailangan ko pang makauwing buhay manunuod pa akong fushigi yuugi mamayang uwian!" "Bala ka sa buhay mo!" Sige, bilisan mo Sandy! Kaya mo yan! Paulit-ulit na sigaw ko sa utak ko. Mind over matter, sabi nila. Todo takbo ako at hindi na namalayan ang humps na mapanlinlang. Tumama ang sapatos ko roon. Nakatingin pa rin ako sa dalawa kong kaibigang tumatakbo papalayo sa akin habang unti-unting bumabagsak ang katawan ko sa mainit sa semento.  Nag blanko ang utak ko, nag flask back ang buhay ko, totoo pala 'yon. Mabilis at puro katarantaduhan lang mga 'yon.  Bahala na si Batman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD