KABANATA 3

1988 Words
ISANG bangungot ang nangyari sa akin sa mga oras na 'yon. Kung hindi santo, kampon na ni satanas ang tinawag ko upang huminging saklolo.  Dininig naman agad ang panawagan ko. Si Denver, ang salot sa buhay ko, ang siyang tumulong sa akin. "Bulok ata 'yang kinain mo.... nanapak sa ilong!" reklamo pa niya kada abot ng paisa-isang tabo sa ilalim ng pintuan ng cubicle. Paspasan ang ginawa namin, parehas kaming malilintikan kapag nahuli siya nang romorondang gwardiya na andito sa loob ng CR pambabae. Nawalan na rin akong pagasang makakabalik pa ako sa klase at makapag report. Sampung minuto akong natenggang nakaupo sa banyo na naghihintay na may makarinig sa sigaw ko. Kinse minutos naman ang oras na naubos sa pagbubuhos ng dineposito ko, isang malaking malas. Ayaw niyang lumubog! Pinag-igib ko sa timba si Denver sa kabilang banyo, at saka lang iyon lumubog nang ibuhos ko lahat. Kumaripas akong takbo papabalik muli sa klase. Wala na akong naabutan pa bukod sa bag ko at apat na kaibigan. "Lagbu, pinapatawag ka na naman ni mamang sa faculty..." Ni hindi ako magawang tignan ni betong, alam niya ang patong-patong na kasalanan sa'kin. Sa faculty room na naman ang bagsak ko. Mangiyak-ngiyak akong kinausap ni Ma'am Ursula. Mahabang misa ang naganap. Pinili ko na lang na manahimik, mas gugustuhin ko pang pagalitan kaysa malaman ang totoong dahilan.  Bagong araw, bagong kalokohan. May patutsada ulit ako sa buong klase. Recess time, ang paborito ng lahat. Tinipon ko ang 38 kong kaklase. 40 talaga kami, nag cutting lang ang dalawa. Sino pa nga ba? Walang iba kundi ang dalawa kong tropa.   Kaonting tulakan at siksikan sa canteen, bumalik kami sa classroom bitbit ang pagkaing pampadali ng buhay. Nagpalakad lakad ako sa harap. Kaliwa. Kanan. Mistulang pulis na pilit pinapakanta sa tono ang nahuling kriminal.  "Gusto ko 'yang plano mo, Andeng! Gusto ko 'yan." Nangibabaw ang boses ni Arvin sa lahat. Himas ang baba habang nakatingin sa kisame at mala-demonyo kung ngumisi.  "Fafagalitan tayo ni Ma'am Abdula niyan... Baka mafa guidance tayo. Ayokong maging refeater." Pangamba ni Margarita. Walang sumeryoso sakanya. Natabunan ng tawanan ang sinabi niya at ng panibagong usapan.  "Ayoko talaga kay Ma'am Abdula! Mayabang 'yun, e. Piptin yirs old lang daw anak niya tapos college na?" "Boogie wonderland." "Ah basta ayokong mag aral ng math math na 'yan." "Mag welga kaya tayo para mapaalis si Ma'am? Para wala na tayong math subject. Hirap ng friction!" "Huh?! Baka fraction? Bobo!" "Ako nga di ko pa rin kabisado multiplication table, e." "Ang mahalaga alam mo ang one plus one. Mabubuhay ka na."  Nagkanya-kanya silang usapan. May ilang sangayon, may ilan na hindi. Nakapatong ang dalawang kamay ko sa inaanay na lamesa at naghihintay kung ano ang huling desisyon. Sa loob ng maikling oras, nakabuo kami ng matinong plano. Dahil ako ang master mind, ako rin ang gumawang paraan.  Gamit ang water jug ng kaklaseng si Lea, na sapilitang kinuha sakanya, nilublub ko roon ang lahat ng chalk para hindi na sumulat mamaya. Nakaantabay si Julio sa pintuan bilang lookout. Kabado ang lahat. Nasulyapan ko si Margarita na nagno-nobena sa gilid; si Trixie at Anabelle na nagkukutuhan; Si Arvin na nagd-drawing ng dragon sa kamay; Si Lea na luhaang nakatitig sa water jug; Si Barbie na ginagawang lipstick ang lollipop at iilang kababalaghan ng manyak na lalake sa likod. "Paparating na?" Tanong ko.  Tumango si Julio. "Paparating na si Ma'am!" Sigaw nito na halos hininga lang ang lumabas.  May tumakbo pa papasok ng room. Lookout sa may hagdanan. Third year kami kaya sa third floor din ang room. Inahon ko ang chalk at pinunasan ang lamesa. Nakaupo na kami pa-alphabetical order pagpasok ni Ma'am Abdula. Parang walang pananabotaheng naganap. Gaya ng dati, nakakatakot pa rin ang itsura niya. Malinis at pulido ang pagkakaplantsa ng damit, isang linyang kilay na laging nakataas ang isa at lipstick na pink. Hindi naman talaga kami galit sakanya, e. Ayaw lang talaga namin ng subject na math. Damay damay na. Hanggang sa inayawan na rin namin buong pagkatao niya. Bago mag simula o matapos ang klase, ibibida nito kung gaano ka-genious ang anak na dalaga. Hindi naman kami nanininiwala. Mas marami pa ang nalaman namin sa talambuhay niya kumpara sa paghahanap ng value ng X. "Class, mag s-short quiz muna tayo bago mag lesson." Umangal ang lahat.  Nakakainis 'di ba? Sa pagitan ng pagangal at pagtataray ni Ma'am, naglabas na kami ng papel at ballpen.  Nataranta ang lahat nang mag bigay na ng equation, akala ko isusulat sa board. Nahulaan kaya niya? Patapos na kami, may ilan pang dumidiskarte pa lang ng ballpen.  Wala nang gustong magpahiram. Uso sa amin ang ugaling 'Hiram now, Akin na later' Walang patawad ang mga certified ballpen slayer sa klase namin, ultimo HBW na anim na piso lang sa tindahahan ay hindi pinalampas. Puro pamana lang naman nila kuya ang kalahati sa gamit ko. Kami lang din ang nag check ng quiz. Nalaman ko agad na palakol na naman ako. Kaming lahat. Ano pa nga bang bago?  Ang tawag nga nila sa amin ay 'mga latak' ng school. Binubuo ang seksyon namin ng basagulero, tamad, palasagot sa teacher, mga anim na taon na sa highschool, mahina ang utak o sa mas garapal na salita, bobo! Kapag may pa-quiz bee ang school, hindi na nagaabala pa ang adviser namin na isali kami roon. Ipapahiya lang daw namin siya at mga sarili namin. Tuwing intramurals lang kami lumilitaw.  Ipinasa na namin ang papel sa unahan. Nabuhayan muli ang loob ko nang magbuklat ng libro si Ma'am. Kinagat ko ang pangibabang labi para mapigil ang pagtawa. Kinuha niya sa drawer ang chalk na iba't iba ang kulay. Tuloy ang plano. Ayos! Tumalikod si Ma'am, hawak sa kaliwang kamay ang libro. Lumikha nang nakakangilong tunog ang chalk nang isulat niya iyon sa board. Napatakip kami ng tenga. Nagsitawanan ang iba.  Natatakot na ako sa normal na ayos niya, pero ngayon? Naging mala halimaw na! Nagngitngit siya sa galit. Sinubukan niyang isulat ang lahat ng chalk na katulad ng nauna, hindi sumulat. Lalo pang lumakas ang tawanan. "Sino na namang may pakana nito?!" Singhal ni Ma'am nang makaharap sa amin. Literal na namumula ang pisngi niya! Mahihiyang dumikit si Ma'am Ursula'ng mahilig sa putok na blush on sa mala kamatis na pisngi ni Ma'am Abdula! Scary! Naningkit ang mata ni Ma'am at inisa-isa kaming tinignan. Hinuhusgahan kung sino ba ang totoong maysala.... at ako ang huling suspect. "Tumayo kayong lahat!" Nagkatinginan kaming lahat. Sa gilid ko, may pabulong na dasal akong narinig mula kay Margarita na naging tunog bubuyog sa sobrang hina at bilis ng pagbigkas ng salita. "Tayo!" Galit na si Ma'am. Tumayo na kaming lahat. Tinignan ko ang kasabwat ko sa plano, mga nakangisi! Natatakot lang ako na baka maging last supper ko na at i-kick out ako sa school. Kung magkataong mangyari 'yon, maki-kick out din ako sa bahay. "Alam niyo namang tinitipid ang eskwelahan ng chalk dahil nagmamahal na! Tapos sasayangin niyo lang ng ganito?!" "Kapag nagmamahal ka talaga kailangan mong mag tipid. Kaloka." Pabaklang komento ni Chanberling na mas lalong ikinainit ng ulo ni Ma'am. Yari! "Manahimik ka Paredes!" "Ma'am, pwede pa namang magamit 'yan e. Pwede na ulit 'yan kapag natuyo. Parang 'yan lang e.." Katwiran ni Joey, ang number one sa listahan ng teachers' enemy. Hindi pa rin natuwa si Ma'am! Sabay na nag 'oo nga' ang mga kaklase ko. Samantalang nakapako na ang tingin ko sa sahig. "It's not a big deal, Ma'am. I can donate a box of colored chalk anytime. Take note, imported." Nagyayabang na sapaw ni Barbie. "Meyd prom mexico. Mexico pampanga!" Pambasag trip ni Roger sa matigas na ingles. "Silence! Tatayo lang kayo hanggang matapos ang klase ko." Sabay na namang nag 'hala ma'am bakit' ang mga balimbing. "Silence! Sisihin niyo kung sino may kasalanan." Malamig na wika ni Ma'am. Agad namang lumingon ang lahat ng kaklase ko sa akin, dahilan para malaman niyang ako na naman ang pasimuno. Nag angat akong tingin para harapin ang pausbong na sermon niya. Tama nga ako. Nag i-internalize na siya sa unahan. Nag inhale, pigil ng sampung segundo saka marahas na nag exhale. "Ikaw na naman, Crisostomo?! Namumuro ka na kay Ma'am Ursula. Ngayon, sa akin naman?! Hindi ka na talaga nagtanda. Alam mo bang pinaguusapan namin kung anong disiplina ang dapat gawin sa'yo? Hindi pagdidisiplina ang pinagawa sa'yo ni Ma'am, e. Naawala lang siya sa tatay mo kaya kahit gusto niyang mabigat ang parusa mo e hinayaan ka na lang. Kailan ka ba magtitino? Kababaeng tao mo pero mas malala ka pa s-----" Natigil siya sa pagsasalita. Nalaglag ang panga ko at halos lumuwa na ang mga mata namin kasabay ng pagkahulog ng pustiso ni Ma'am! Lumalim pa ang dasal ni Margarita. Nabalot ng katahimikan ang buong silid, lahat nagpigil ng tawa. Pinulot ni Ma'am 'yung pustisong nasa sahig, tumalikod at muling sinuot. Tumagal ang pananatili niyang nakatalikod. May impit na tawa na akong naririnig. Sigurado akong kila Jonvic, Nikoi, Alvin ang mga iyon. Lumala ang pangamba ko. Goodbye SNHS na ba? Goodbye  erpats, ermats, utol na ba? Wag naman sana! Dahan dahang kinuha ang mga gamit sa lamesa, nag ayos ng mahabang palda, pinasadahan ng kamay ang buhok, saka nag martsa palabas ng room. Natameme lang kami, nagpakiramdaman. Tumakbo sa may pintuan si Julio na naka pwesto sa unahang row, dinungaw kung saan pumunta si Ma'am at sumenyas na 'wala na.' Doon lang ako nakahingang maluwag. Ligtas ako! Sumabog ang malakas na tawanan. Nagpagulong gulong ang iba sa sahig. Nakahawak na ang kanang kamay ko sa tiyan, para akong nalulunod sa sarili kong laway, at nauubusan na ng hangin. "Galing talaga ng plano mo! Sakses!!" Nagpalakpakan ang lahat. "Mabuhay ka, Sandy! Mabuhay!" "Talino mo na, Lagbu! Pang star section ka na!" Mahigit isang oras kaming natengga sa loob ng klase. Naglaro na lang kaming spirit of the coin, gamit ang limang piso at ouija board na gawa sa papel na may sulat na 'Yes or No.' Mahaba ang listahan namin ng game. Una, Jackstone-- snaku ang premyo ng nanalo. Pangalawa, snake and ladder-- kokonyatan kapag natalo. Pangatlo, jack en poy-- magkapatid na sampal ang matatanggap ng talo. Walang nagtaas ng kamay sa botohan kaya ang ending... spirit of the coin! "Sagutin mo ang aming katanungan... andito ka ba?" Tanong ni Mark. At dahil maliit ang limang piso para sa 38 na tao, lima lang kaming naglaro at nakinuod na lang sa gilid ang iba. Hindi pa rin tumigil sa pagdadasal si Margarita, sa bait niya baka kunin agad ni Lord. Nagyakapan na lang sa takot ang ibang nakikinuod. "Putcha! Wala naman, e!" Angal ni Warren. Bibitaw na sana siya nang pigilan ko at takutin. "Wag mo ialis. Ang unang mag-aalis ng daliri daw unang mamamatay!" Sabi ko. Naghiyawan sa takot ang audience. Tumikhin si Warren at kabadong binalik ang tingin sa barya. "Oo o hindi, pagalawin mo ang limang piso! Andito ka ba?" Pinagpawisan na si Nikoi. Nakaisip na naman akong plano. Ginalaw ko ang limang piso papunta sa 'oo' bumitaw ang lahat, nagtalunan at sigawan. Kasunod noon ang biglaang pagsugod ni Principal Nadura. Mas gugustuhin ko pang dalawin ng multo kaysa dalawin ng Principal na kapatid ni Lucifer kung magalit! Tatlong araw kaming walang klase sa math. Nag resign na si Ma'am Abdula. Nagbunyi kami sa biglaan niyang pagkawala. Wala kaming math! Siguro, sa sobrang kahihiyan. Nga lang, may dulo pala ang langit. Pinakilala ni Principal Nadura ang bagong math teacher. "Good Afternoon, Ma'am Magsakay." Praktisado namin iyon. First impression lasts, mabait kami sakanya ngayon. Senior Citizen si Ma'am. Puti na ang gupit lalaki at kulot niyang buhok, makapal ang grado ng salamin, kamukha niya si lola basyang. Sinadya ata ni Principal na matanda ang ipalit para makonensya kami. Baka biglang mangisay at atakihin sa puso! Para kaming henehele sa buong pagtuturo niya sa sobrang hina ng boses. Bukambibig namin ang salitang 'ano raw' tuwing magtatanong ng 'Class, do you understand'. "12×7 hindi mo alam, Crisostomo?!" Napakamot ulo na lang ako sa biglaang recitation. "12×7. Ano?" Lumingon ako sa mga kaklase ko. Bumulong sa hangin ang pinaniniwalaan kong matalino sa aming lahat. "Anong sagot?" "90, Ma'am!" Kampanteng sagot ko. Para saan ba kasi ang math? Sapat na siguro na alam mo ang tamang plus at minus. Ang hirap na nga ng buhay tapos naisip pa ng mga mathematician na pahirapan pa ang mundo!  Yayaman ba ang pamilya ko pag nahanap ko ang value ng X? Magmumura ba ang ang langis? Titigil ba ang kurapsyon? Uulan ba ng yelo sa pinas? Kainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD