Chapter 13 Diane’s Pov DINALA ako ni Claw sa patay-patay ilaw. First time kong makapasok sa ganitong lugar kaya medyo hindi ako komportable. Maraming nag iinuman, ang ingay dahil sa lakas ng tugtog. May mga babaeng nag iinuman din at gumigiling. Napapangiwi na lamang talaga ako. Nakahanap kami ng table ni Claw kaya agad akong umupo. Sa katapat na upuan din siya umupo. “Anong gusto mong inumin? Yung hard na ba agad?” Tanong sa akin ni gurang. “Anong hard? Gusto mo ba akong malasing agad?” mataray kong sabi. Tumawa naman siya ng mahina. “Oh ‘di mag tubig ka nalang. Kaya nga tayo pumunta dito para mag inom, eh.” sabi pa niya. “Alam ko ‘yun! Pero dapat ba hard agad ang inumin? May balak ka yata sa akin, eh!” sabi ko, pinaningkitan ko pa siya ng mata ko kaya tinaasan niya ako ng isa

