Chapter 14 Claw’s Pov PANAY ang titig ko kay Diane na sumasayaw na sa dance floor. Hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin dahil sabi niya lalagyan daw niya ng itim ang mata ko kapag pinigilan ko siya sa gusto niyang gawin. Ayaw ko namang masira ang mukha ko kaya hindi ko siya pinigilan na sumayaw sayaw. Mukhang mag eenjoy na naman siya sa paggiling giling. Tangina! Napapainom agad ako ng alak dahil pakiramdam ko ay nauuhaw ako habang pinagmamasdan si Diane. Wala namang lalaking nagtatangkang lumapit kay kulot. Dahil siguro sa hindi siya gusto ng mga lalaki. Kahit ako ay hindi maakit sa sayaw niya. Para sa akin ay para siyang uod na inasinan. Hindi nakakaakit! May dumaan na waiter sa harapan ko kaya agad ko itong tinawag. “Boss..” tawag ko pa sa waiter. “Baka pwedeng maglagay kayo n

