Chapter 15 Diane’s Pov HILA-HILA ako ni gurang palabas ng bar. Hindi talaga gentleman ang animal. Nahihilo na nga ako, hinila pa ako. Hindi man lang ako binuhat ng animal. Ayaw ko pa sanang umuwi pero kinukulit na niya ako. Gusto ko pang uminom ng alak. Nakakatuwa pala pumunta ng bar. Parang gusto kong bumalik dito pero hindi na kasama si Claw dahil panay ang aya niyang umuwi. Nakalabas na kami ng bar dahil sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Doon kasi sa loob ng bar ay iba’t iba na ang naamoy ko. Halo-halo na kaya para akong nakahinga ng maluwag nang makalabas kami. Agad kong hinila ang kamay ko na hawak ni Claw. Matagumpay ko namang nagawa kaya agad akong sumayaw dahil narinig ko ang tugtog sa loob ng bar na Gasolina. Sumayaw ako at walang pakialam kung nasa hara

