THIRD PERSON Nagpatuloy ang buhay ni Joshua sa kabila ng pagkawala ni Liezel sa buhay niya. Sinikap niyang magpatuloy ngunit hindi niya pa rin itinigil ang pagpapahanap kay liezel. Ilang buwan na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin niya mahanap. Nawawalan na siya ng pag asa, kumuha na rin si Josh ng private investigator para siya ang maghanap kay liezel. Nag focus sila sa paghahanap sa Visayas at Mindanao dahil sa sinabi ng taxi driver na naghatid kay Liezwel sa airport noong araw na umalis ito sa penthouse. Sa bawat araw na lumilipas ay unti-unting nauubos ang pag-asa ni Josh, ngunit hindi niya pa rin magawang tumigil. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung tuluyan na niyang susukuan ang paghahanap kay Liezel. Abala si Josh sa kanyang opisina habang nakatutok sa ilang papele

