THIRD PERSON Mabilis na lumipas ang mga araw, patuloy pa rin sila Dan sa paghahanap kay Liezel. Pinuntahan na nila ang mga posibleng puntahan ni Liezel na mga kaibigan at kamag anak nila pero bigo pa rin sila Dan na makita ito sa huli. Samantala, si Joshua ay nagpatuloy sa kanyang trabaho sa kumpanya niya at hindi na rin siya umuuwi sa bahay niya sa Laguna. Hindi niya na binalikan ang posisyon niya bilang gobernaador ng bayan. Nag focus na muna siya sa kanyang kumpanya. Narinig ni Josh na may tumatawag sa kanyang cellphone kaya agad niya itong sinagot. "Josh, are you out of your mind? Seryoso ka talaga sa pag file ng annulment natin!" Galit na sabi ni Carla sa kabilang linya. "Matagal ko na dapat na ginawa ito. And besides, hindi naman tayo naging mag asawa. Just sign the annulm

