JOSHUA BENITEZ Makalipas lang ang ilang buwan pag-alis ni Liezel ay tuluyan na akong gumaling. Kumuha ako ng physical therapist na tumulong sa akin para makalakad na ulit nang normal. Samantalang si Carla ay patuloy pa rin sa pagpunta dito sa farm. Pero kagaya ng dati, wala akong pakialam sa kanya pati sa anak niya. “Babe, ngayong magaling ka na at nakakalakad, pwede ka nang umuwi sa bahay natin sa Laguna. Para naman makapag-bonding kayo ng anak natin,” sabi ni Carla. Nandito na naman sila sa farm kasama ang anak nila ni Dave. “Pwede ba, Carla? Hindi na ako uuwi doon. Sa Manila muna ako titira para asikasuhin ang kumpanya ko,” inis kong sagot sa kanya. “But Josh, paano naman kami ng anak mo?” “Anak?” mapait kong ulit. “Carla, huwag tayo maglokohan. Alam na alam kong hindi ko anak an

