THIRD PERSON Medyo hirap nang kumilos si Liezel sa laki ng kanyang tiyan. Bawat galaw niya ay kailangan na niyang pag-isipan. Nahihirapan na siyang bumangon sa kama, maging sa simpleng pag upo ay hirap na rin siya. Parang pakiramdam niya ay sobrang bigat ng tiyan niya at sobrang laki. Tuwing umaga, ginagawa na niyang routine ang dahan-dahang paglalakad sa maliit na garden sa harap ng bahay. Sabi kasi ng OB niya ay makakatulong daw yon para hindi siya mahirapan sa panganganak. Maingat niyang hinahakbang ang bawat paa habang nakahawak sa kanyang likod paminsan-minsan. Mahina ang ihip ng hangin at tahimik ang paligid, tanging huni ng mga ibon at ingay ng mga taong dumaraan sa kalsada ang tanging maririnig. Dahil mababa lamang ang bakod ng bahay, tanaw na tanaw niya ang mga kapitbahay at

