CHAPTER 54

1310 Words

LIEZEL DELA CRUZ Masaya ang lahat sa pag-gising ni Josh. Ramdam ko ang tuwa sa bawat ngiti nila, sa bawat yakap ni kay Josh na may kasamang pasasalamat dahil sa wakas ay muli na siyang nagising. Masaya rin ako—dahil sa wakas, narito na siya. Gising na, at ang araw-araw kong dasal at pagsusumamo sa Diyos ay natupad na. Ibinalik niya na sa amin si Josh. Pero sa likod ng lahat ng iyon, may bahagi ng puso kong tahimik na umiiyak at nasasaktan. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa siya maaalagaan. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako papayagan ng pamilya niya na manatili sa tabi niya. Pero isa lang ang alam ko, ang lahat ng masaya kong alaala na kasama ko siya ay babaunin ko kahit saan pa ako magpunta. Ilang sandali pa’y dumating si Dr. Salmorin at muling sinuri si Josh. “Good mor

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD