Napaluha ako. Hindi ko inasahang siya mismo ang magsasabi niyon. “Pero pakinggan mo ako, Liezel.” Mas tumatag ang boses niya. “Aalis ka ngayon dahil iyon ang pinili mong tama. Tatanggapin ko. Hindi kita hahabulin. Hindi kita pipilitin.” “Gov…” nanginginig ang mga labi ko. “Itatama ko ang lahat,” dugtong niya. “Aayusin ko ang mga dapat ayusin. Haharapin ko ang mga pagkakamali ko, hindi dahil gusto kitang balikan… kundi dahil iyon ang dapat kong gawin bilang lalaki.” Saglit siyang tumigil. Kita ko ang pagpipigil niya sa emosyon. “Pero kapag dumating ang araw na maayos na ang lahat… na kaya ko ng humarap sayo ng wala na akong obligasyon sa iba, na kaya na kitang iharap sa lahatng tao., na hindi na kita kailangang itago pa sa iba.. pangako … babalikan kita.” Napailing ako habang tuloy-tu

