HINDI tumitigil si Mayor Cody sa paghahanap sa kanyang asawa, ganon din kay Kim. Papasok siya sa munisipyo sa araw, at sa gabi naman ay kung saan-saan siya nakakarating kasama ng kanyang mga tauhan para hanapin si Haide. Lahat ng mga lugar na puwede nitong puntahan ay narating na nila, ngunit hindi nila natagpuan si Haide. Hindi rin alam ng mga kaibigan ni Haide ang kinaroroonan niya. Kaya halos mabaliw si Mayor kahahanap sa asawa. Naging maiinitin na rin ang ulo ni Mayor, dahil sa mga problemang nagkapatung-patong. "Boss, napuntahan niyo na lahat ang mga lugar na malapit dito sa Maynila na puweding puntahan ni Mayora. Baka umuwi talaga siya sa probinsya nila." saad ni She kay Mayor Cody. "Yeah! Naisip ko na rin yan. Pupuntahan ko ang hometown niya sa weekend. Sana nga naroon nga siy

