Chapter 2 – Pagtataka

1169 Words
Dahil sa sinabi ng kapitbahay ay tila hindi na matahimik si Layla. Umisip pa s'ya ng paraan kung paano n'ya maipapadala ang wedding ring ng asawa. [Kung bakit pa kasi n'ya ito hinuhubad kapag naliligo siya e, tuloy naiwan n'ya. Paano ko ngayon ito maibibigay sa kanya?] Pangamba ni Layla. Nalayo lamang ang pag-iisip at ang pag-aalala niya nang may tumawag sa kanya para katulungin s'ya sa catering. Paminsan-minsan ay umeextra s'ya catering na pinapasukan ng kanyang kumare na si Lucy kapag kinulang ng tao, kaya kahit paano nakakatulong iyon para sa gastusin nila. Nang makauwi galing sa catering ay doon lang nakontak ni Layla ang asawa. "Hello mahal, kumusta? Nariyan ka na ba? Nakarating ka na ba?" "Oo. Medyo nagkaroon ng traffic kaya medyo natagalan ako. Nandito na ako ngayon sa baracks ni pareng Wilmor, dito daw muna ako tutuloy pansamatala." Sagot ni Fernan sa kabilang linya. "Mabuti naman at ligtas kang nakarating......... Mahal, may problema tayo e." "Problema?" Kumunot ang noo ni Fernan. "Ano naman? Ang aga namang problema niyan." "E kasi yung singsing mo, yung wedding ring natin, naiwan mo dito sa bahay." Natigilan si Fernan, saka nagtawa. "Iyan ba ang problemang sinasabi mo? Para yan lang e. Itago mo lang muna, pag-uwi ko, ibigay mo sa akin para hindi ko na malimutan." "Pero mahal, kailan pa yun? Kailan ka pa uuwi?" May pag-aalalang sagot ni Layla. "Kapag nakasahod na ako, uuwi ako agad." "Hindi ba puwedeng ipadala ko na lang diyan, para maisuot mo na?" Nagtaka si fernan sa kababawan ng asawa. "Ha? Ganun ba ka-importante yan? Huwag na Mahal, gagastos ka lang sa pagpapadala niya dito e, nagtitipid tayo diba?" "E kasi..... Fernan..." Natunugan ni Fernan na tila may problema nga. "Ano ba ang nangyayari sa'yo? Bakit nagkakaganyan ka, e para sing-sing lang naman yan?" At sinabi ni Layla ang sinabi ng matandang kapit-bahay: "Sus! Hindi totoo yun. Alam mo naman ang mga matatanda, diba, mahilig sa pamahiin? Kaya huwag kang basta-basta nagpapaniwala kay aling mameng." Dumating ang araw ng sahod ni Fernan. Saka lang napanatag ang loob ni Layla dahil maisusuot na ni Fernan ang wedding ring nila pag-uwi nito. Mababaw na kung mababaw pero nag-aalala lang naman s'ya para sa pagsasama nila, at ginagawa din naman n'ya ito para mapanatili ang kanilang pamilya, at para sa mga anak nila. "Hay, mabuti naman at magbabayad ka na rin sa wakas. Tingnan mo o, ang haba na ng listahan ng utang mo." Ani ng tindera ng tindahan na palaging inuutangan ni Layla. "Pasensya na po aling bekang, ngayon lang kasi kami nagkapera e." Sagot ni layla pagkalapag niya ng pera, sabay nagpaumanhin. "Pasensya na rin po pala kung ito lang muna, puwede po bang saka na yung iba?" "Ano?" Nahimas ng matandang babae ang kanyang noo. "Naku naman layla, ang tagal na nitong utang mo a. Akala ko pa naman ang magbabayad ka na nang buo. Diba may trabaho na ang asawa mo sa Maynila?" "E, oo nga ho, pero hindi naman po ganun kalaki ang sahod n'ya doon e. Starter pa lang po kasi s'ya. Saka kapag binayaran ko po lahat ng utang ko, wala na pong matitira para sa pang gastos namin, paano naman po ang mga anak ko?" "S'ya. Baka sabihin mo ay malupit ako." Tila mabigat sa loob ng kinolekta ng tindera ang ibinayad ni Layla. "Pero, hindi ka na puwedeng mangutang ha. Kasi baka lumobo na naman ang utang mo, hirap mo na ngang bayaran e." Sa mga sumunod pang sahod ni Fernan ay puro pagbabayad sa mga utang ang ginawa ni Layla, sinisingil na rin kasi s'ya ng mga nito. Hindi man n'ya nakukumpleto ang pagbabayad, atlis, kahit paano ay nababawasan ang mga ito. Nakaupo si Layla sa kusina habang nagkukwenta ng mga bayarin nila, napabuntung-hininga s'ya nang makita n'ya ang natirang halaga. [Paano ito, kakasya ba ito? Kahit hindi pa ako magbayad ng mga utang namin, ganun pa rin e. Sana dagdagan na agad ang sahod si Fernan.] Nang muling sumahod si Fernan at makapagpadala ay nagkausap silang mag-asawa. "Kumusta mahal, kumusta ang mga bata?" Tanging ang buntong-hininga lang ng asawa ang narinig ni Fernan. "O, ba't parang ang lalim ng buntong-hininga mo? May problema ba?" "Kasi mahal, tatapatin na kita. Hindi ko lang ito sinasabi sayo, pero kasi, yung mga ipinapadala mo, sa totoo lang..... kulang e." Natahimik sa kabilang linya. "Ganun ba? Pasensya na mahal, ha. Nagsisimula pa lang kasi ako kaya mababa pa lang talaga ang sahod ko. Hayaan mo, gagawan ko na lang ng paraan." "Anong gagawin mo, magdadalawang trabaho ka? E baka naman mapagod ka na ng husto niyan, baka naman hindi kayanin ng katawan mo." "Ako na ang bahala doon. Hindi ko naman papatayin ang sarili ko e, saka tatantyahin ko naman kung ano lang ang kaya ng katawan ko." Sa mga sumunod na sahod ni Fernan ay tila nagdilang anghel ito, dahil, nadagdagan nang malaki ang perang ipinapadala nito. Siyempre ay natuwa si Layla, ngunit kalakip nun ay ang pag-aalala n'ya para sa kanyang asawa dahil baka napapagod ito nang husto sa pagtatrabaho. Sa pagdaan ng mga araw ay dumadalang na lang ang komunikasyon nila Fernan at Layla dahil, madalas na'ng hindi sagutin ni Fernan ang mga tawag ni Layla. Nakakapagpadala na nga ito ng malaki sa kanila ng mga anak nila, ngunit tila naputol naman ang ugnayan nila dito. Lumaki ang pag-aalala ni Layla nang minsan ay hindi na rin ito nakakauwi. Isang araw ay hindi tinantanan ni layla ang pagtawag kay Fernan, desidido kasi siya na makausap ito at alamin kung ano ang nangyayari dito. Ngunit nang mag konekta na ang linya ay isang pagsinghal ang isinagot ni Fernan sa asawa na hindi nito inaasahan. "Ano ba Layla, bakit ka ba tawag nang tawag?!" Nagitla pa si Layla nung una, ngunit dahil sa pag-aalala para dito ay hindi na n'ya pinansin ang inasal nito. "Mahal, kumusta ka na dyan? Bakit hindi ka na nakakauwi? Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko, ano ba ang nangyayari sayo diyan? Kailan ka uuwi?" "Yan lang ba ang itinawag mo?" Mababakas ang iritasyon sa boses ni Fernan. Dito bahagyang nagdamdam si Layla. "Bakit ka ba nagagalit, nag-aalala lang naman ako para sa'yo e. Hindi ka kasi umuuwi, kahit ang mga anak natin, nagtataka na rin." "Uuwi ako, huwag kayong mag-alala. Busy lang kasi ako sa trabaho ko dito. Para madagdagan ang ipinapadala ko sa inyo, nag-eextra ako." Magsasalita sana si Layla na makarinig s'ya ng boses ng isang babae sa kabilang linya: "Fernan~ tapos ka na ba diyan? Gaano katagal mo ba ako paghihintayin?" Kumunot ang noo ni Layla. "Fernan, sino yun?" "K-katrabaho ko. Sige na......ibababa ko na, hinahanap na ako e." Hindi na hinintay pa ni Fernan ang sagot ni layla, pinutol na kaagad nito ang linya. "Teka fernan!" Napagmasdan ni Layla ang kanyang cellphone. Iba ang kanyang kutob nang marinig n'ya ang malambing na pagtawag ng babae sa kanyang asawa. Pakiramdam n'ya ay parang may mali. 'Sino kaya ang babaeng yun?' Kailangan niya iyon alamin kay Fernan sa susunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD