Jea Raine Serrano’s POV “Madam, napakaganda niyo po. Siguradong mai-inlove po sa inyo lalo si Mr. Clemente.” Natigilan ako sa sinabi ng parlorista sa akin matapos nitong mag-service sa akin ng permanent hair extension. Mai-inlove? Impossible. Mas lalo pa nga na magagalit ‘yun kapag nakita nito muli ang buhok ko na mas mahaba na. Kaya nga hindi ko na ipinabalik ang dating haba ng buhok ko na hanggang siko. Ngayon ay lagpas balikat na lang at mas bumagay pa nga sa akin dahil mas bumata ako. “Sabagay, Ma’am. Maganda ka naman po kahit naka-pixie cut ‘yung buhok niyo. Mas bagay lang talaga itong buhok niyo ngayon. Dalagang dalaga ang itsura niyo.” Muling sabi ng parlorista sa akin. Ngumiti na lang ako rito at tumayo na. Ilang sandali ay nagbayad na ako service fee dito at nakangiting umali

