Jea Raine’s POV “Do you like the food, baby?” nakangiting tanong ko kay Nicole. “Yes mommy.” Ngumiti naman nang matamis sa akin si Nicole. Totoo naman kasi na masarap magluto ang kusinera dito sa mansion nila Rafael. At nakarami na si Nicole ng kinain kaya natuwa ako dahil makita ko lang itong nag-eenjoy sa pagkain at pati ako ay parang nabubusog na rin. “Your baby is really cute, Jea Raine,” narinig kong sambit ni Daddy Ricardo kaya ngumiti rin ako ng matamis dito. I heard Rafael put down his spoon and fork at lihim akong napangisi. I know that his losing his appetite at malamang ay dahilan sa naririnig na usapan namin nila Daddy. Kanina ko pa kasi kine-kwentuhan si Daddy ng tungkol kay Nicole at malamang ay na-torete na si Rafael. Sinigurado ko rin na hindi ito nakakasingit sa usapa

