Chapter Twenty

3369 Words
Chapter Twenty Mabilis ang paglipas ng mga araw. Weekend na ngayon at excited na ako dahil sabi ni Cly magpupunta daw kami sa mansion ngayon. I heard na nandun din si Shaun. Mukhang isa ito sa weekend na wala silang ginagawa sa school. Nag-aayos ako ng sarili ko habang hinihintay ko pa si Cly na dumating dito sa amin. Nagsuot ako ng white spaghetti starp dress at nagsuot din ako ng sandals. Hinayaan ko na nalugay ang mahaba kong buhok, hinuhuklayan ko ito at napansin ko yung curtain bangs ko noon na sobrang haba na ngayon. hindi na ako nagpagupit ng magmula noon. I like my long hair kaya hiyaan ko na itong humaba. Napangiti naman ako noong naalala ko yung pagpunta namin ni Cly dun sa bagong bread shop. Nang-enjoy ako noong napunta kami dun dahil ang sasarap ng mga tinapay. Ang dami ko ngang nabiling garlic bread dahil may iba-iba silang klase ng garlic bread. "Ang dami naman niyan," natatawang ani ni Cly ngayon dahil nakita niya ang mga nilagay kong garlic bread sa basket namin. Halos ata lahat ng nakikita ko na garlic bread ay inilalagay ko. "Why? Mauubos ko naman lahat ng yan eh!" Tumingin muli ako sa mga tinapay na nadadaanan namin. Huminga siya ng malalim at tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya ngayon sa akin kaya naman lumapit ako sa kanya at humawak ako sa braso niya. "You will pay for them right?" "Of course, kailan ba kita hinayaan na magbayad?" Cly said and then we continue to walk to the counter dahil wala na akong mapipili na bibilhin. May nakita akong tables and chair sa other side ng shop so it means ba you can eat here also. Yayain ko kaya na dito na rin kumain si Cly? Or maybe next time? May nakita kasi akong galing sa school namin na kumakain dito. Ayaw ko ipaalam sa kanila yung sa amin ni Cly. I don't want them to know about my personal life. Napalingon naman ako sa pintuan ko noong bumukas ito at pumasok si Cly sa aking silid. Tumayo naman ako at sinalubong ko siya, niyakap ko siya at hinalikan naman niya ang ulo ko. "Let's go?" Tumingala ako and then ngumiti ako sa 'kanya sabay tango. Humiwalay na ako kay Cly para kuhanin ang bag na dala ko. Linapitan ko muli siya at hinawakan ko ang kanyang kamay. "Did you sleepwell?" malambing na boses na sabi ni Cly sa akin. "Oo naman, ikaw did you dream of me?" nakangiti ko naman na sabi sa kanya. Nakita ko na napataas ng konti ang kanyang mga labi na nag-form ito ng ngiti. "Of course. Wala naman ako ibang napapanaginipan kung hindi ikaw," he said at naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. "Yaaaahh bat ka ganyan," nahihiya kong sambit habang inisway-sway ko ang kamay naming dalawa. Napatawa naman siya sa aking sinabi at ginawa. "Ikaw ang unang nagtanong niyan ah," natatawang sabi ni Cly sa akin. "Nakakakilig naman kasi ihhh. Huwag mo akong masyadong pakiligin baka mahalikan kita ng wala sa oras." Kaagad ko namang natakpan ang bibig ko pagkasabi ko nun. Naramdaman ko din ang paghigpit ng hawak ni Cly sa kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya at umiwas siya ng tingin sa akin. "Don't make a jokes like that, Shana." "You think I'm joking?" "Shana.." Sumimangot ako at sumakay na sa kotse niya. Habang nag-da-drive siya naging tahimik lang ako. Inoofer ko na nga sarili ko ayaw niya pa, bahala siya sayang ang mga malalambot kong labi kung hindi siya ang first kiss ko no. Patuloy ako sa paggiging tahimik at pagpaparinig na parang naiinis ako gamit ang paghinga ko. Naka-cross arms din ako para mapansin ni Cly ang pagkainis ko sa kanya. I bet yung mga ka flings niya nun hinahalikan niya. Ano ha problema sa akin? Bakit sa mga yun gusto niya makipaghalikan? Tas sa akin hindi? Hmp bahala siya diyan. "Are you upset?" Hindi ko siya sinagot. Itinuon ko ang aking pansin sa dinadaanan namin. Napapansin ko na malapit na kami at hindi ko padin siya nililigon o sinasagot. Nagulat ako noong hininto niya sa gate ang kotse niya at narinig ko ang pagtanggal niya ng seatbelt. Napalingon ako at siya naman paghawak niya sa baba ko at dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Napalunok ako sa sa kanyang paglapit at ipinikit ko ang aking mga mata. Naramdaman ko ang mabilis na pagdampi ng kanyang labi sa aking labi. Kaagad din naman siyang lumayo sa akin at iminulay ko ang aking nga mata. "There? Happy?" tanong nito sa akin at inistart niya muli ang kotse at ipinasok niya sa loob. Napahawak naman ako sa aking labi. Napakabilis naman nung parang saktong nararamdaman ko palang ang halik niya ay lumayo na siya. "Yun lang?" "As for now yan lang muna. Shana you are still young and I want us to take it slow. So are you still upset?" "Nope! Tara na baka hinahintay na tayo dun!" My mood change quickly and I understand him naman. I'm still young and I want us to be more of those casual couples, not those super clingy or super s****l ones. Habang papunta kami sa ay nakasalubong namin si Aiden na mukang aburido. "Saan ka pupunta? What happened?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at itinuro niya ang loob ng kanilang bahay. "Ano kaya nangyari sa kanya. Mukhang galit nanaman," ani ni Cly habang patuloy kami sa paglalakad papunta sa likod bahay nila "Ano nangyari dun?" tanong ni Cly pagdating namin sa pavilion nila. Inilibot ko naman ang paningin ko sa buong pavilion nila at nandito sina Shaun, James and Kevine. Nandito din yung fling ni Daxon at Aiden, at napatingin naman ako dun sa nginusuan ni Dax. It was Annia napangiti naman ako dahil finally makakausap ko na siya. My jealousy to her subsidies because I know she's the girl that Aiden likes. Pero bakit siya ang tininuro ni Daxon kung bakit galit si Aiden. Nag-away ha silang dalawa? Pinipigilan ko naman ang pagtawa ko kasi ngayon ko lang nakitang naiinis tong si lover boy Aiden. "What happened Annia?" tanong ni Cly kay Annia. Nakatuon padin ang aking pansin kay Annia dahil gusto ko din malaman kung ano ang nagawa niya para mainis ng gano'n si Aiden. "Wel-" "Sir Clyden? Tumawag po si Mr. Villavicencio hinanap po si Miss Annia," sabi ng isa sa mga katulong nila sa bahay. Ay ang epal naman gusto ko malaman yung dahilan eh! "I guess I need to go home na." Ngumuso ako pero alam kong hindi yung napansin ni Annia dahil kay Cly lang ang pansin niya. Lumayo na ako kay Cly at nilapitan sin Shaun. Pinaupo biya ako sa bakanteng upuan sa kanyang tabi. "Do you want me to give you a ride home?" Cly said. "No, I will walk nalang. Mag si-sightseeing ako." Naririnig ko parin silang nag-uusapn ngayon. Oh well si Aiden na lang tatanungin ko mamaya. Aakyatin ko siya sa kanyang kwarto for sure sasabihin niya sa akin kung ano nangyari. "Hi Shana," bati sa akin ni James. Tinanguan ko lang siya. "Kamus-" Hindi natuloy ni James ang kanyang sinasabi dahil pinutol siya nina Shaun. "Shut up, James." "After Annia si Shana naman ang tatargetin mo? Baka kung wala lang si Annia dito kanina nasapak kana ni Aiden." "Layuan mo si Shana may jowa na yan!" "Ikaw ba yung dahilan kung bakit galit yung si Aiden ha James?" Nagpabalik balik sa kanila ang tingin ko. Pati narin ang babae na kasama ni Daxon ay nagtataka na. "Dude come one stop being possessive with these girls. They are like you own personal toy right?" Para namang napanting ang tenga ko sa kanyang sinabi. Mabilis kong kinuha ang baso na may juice at isinabog ko sa kanyang mukha. Kasunod naman nito ay ang pagsuntok ni Cly kay James. Sinubukang awatin nina Shaun at Kevine si Cly pero hindi ito nagpapa-awat. "Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo ah. Kung si Aiden hinayaan ka lang ako hindi!" galit na sabi ni Cly at nag-aambang susuntukin muli si James. "Cly tama na, please?" Ayaw ko siyang makitang masaktan, dahil kapag nakita ko na dumapo ang kamay ni James sa kanya ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Lumingon si Cly sa akin at noong makita niya ang mukha ko ay kumalma ito at lumayo dun kay James. "Ayaw ko ng makita ang mukha niyamg tarantadong yan ah!" ani ni Cly at pumasok sa kusina nila. Sina Shaun ay inilalabas na si James sa mansyon ng mga Adriatico. Si Dax naman ay inihatid na yung dalawang babae. Ako na lang ang naiwan dito sa pavilion, sinundan ko si Cly sa loob ng bahay nila sa kusina. I saw him drinking a water kitang kita ko ang higpit ng hawak niya sa baso. Linapitan ko si Clyden at hinaplos ko ang kanyang braso upang kumalma ito. Alam ko na galit siya ngayon at sinusubukan ko siyang pakalmahan. Niyakap ko siya ng patagilid nasa bewang niya ang aking nga kamay ngayon, " Cly calm down hmm?" Tinignan ako ni Cly at mabilis na nawala ang pagkakunot ng kanyang noo noong nakita niya ako. Tumingala ako at nginitian ko siya, napangiti din siya sa akin. Mukhang hindi na ito naiinis o galit. "Langya kanina pa ako nagpipigil dun sa lalaking yun ah!" ani ni Dax pagpasok niya sa loob ng bahay nila. Mag-isa na lang itong pumasok dahil umuwi na din sina Shaun. "Bakit ba kasi nandito yan?" mahinahong tanong ni Cly kay Dax. Nakatingin ako kay Dax ngayon habang nakayakap padin kay Cly. "Nakalimutan mo na bang kaibigan yun ng fling of the week ni Aiden yun." "Gano'n magsalita ang sarap hampasin ng upuan ah!" ako na naiinis padin sa sinabi nung lalaking yun. Kahit naman na inaawat ko tong si Cly that doesn't mean na nawawala na ang inis ko dun sa lalaking yun. "Kanina pa ako nagtitimpi dun noong hinalikan niya ang kamay ni Annia. For sure inis na inis dun yung nasa kwarto niyan." Sabay sabay kaming napatingin sa taas. Bumalik naman ang tingin ni Daxon sa akin. "Oh bakit nakatingin ka sa akin?" "Shana we all know na ikaw lang makakapag palabas dun," ani naman ni Daxon habang kumukuha ito ng maiinom sa ref. "Kausapin mo na si Aiden. Baka hanggang mamaya yun sa kwarto niya," mahinahon naman na sabi ni Cly. Lumingon ako sa kanya at tumango. Iniwan ko silang dalawa dun sa kusina at nagsimula akong maglakad papunta sa taas kung nasaan ang room nila. Noong makarating ako sa taas at kumatok sa pintuan ni Aiden. "Daxon mamaya kana manggulo!" sigaw niya mula sa labas. "Aiden it's me Shana," marahan kong sambit habang nakikinig padin ako sa kanya. Hindi siya sumagot sa akin pero narinig ko ang pagbukas ng kanyang pintuan. Binuksan ko ang pintuan niya at pagpasok ko ay nakita ko siyang nakaupo bed niya habang nagbabasa ng book. Linapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya. "What are you doing?" "I'm reading obviously," sagot niya sa akin at ipinakita ang book na binabasa niya. "Really? You don't usually read books, Aiden. Galit ka no?" Ibinalik niya ang kanyang tingin sa binabasa, "I'm not." "Talaga ba? Yakap-yakap ni Annia si James ngayon. Pumayag na ata siyang pagpaligaw," I said using my mapanginis na voice. "What?! Kapal ng mukha nun ah! Kanina pa ako naiinis sa gagong yun ah!" "Oh edi sinabi mo din na naiinis ka kaya ka nandito." "Nakainis kasi itong si Annia eh! Nakikisakay pa dun sa lalaking yun alam ko naman naiinis lang yun sa akin kaya gano'n ang sinabi. At sabi pa 'i like someone older than me' kainis!" Natawa naman ako ngayon sa itsura ni Aiden, bigla niya kasing ibinato sa bed niya yung book bago siya mag rap. Noong narealize niya na tinatawanan ko siya ay sumimangot siya sa akin. "Tinatawanan mo pa talaga ako." "Sorry, Sorry. Nakakatawa lang kasi itusra mo. Bat kasi hindi kapa umamin or mag make move?" "Ayaw ko!" "Oh bahala ka, malay mo next week may boyfriend na yang si Annia," mapang-inis kong sabi sa kanya. "Shana tigilan mo ako." "Sinasabi ko lang naman." Nagkibit balikat ako at tumayo sa kanyang bed at naglibot-libot ako sa loob ng kanyang silid. "Okay fine!" "Finally! tigilan mo na ang paghahanap mo ng fling ha? Then pakilala mo sa akin yang si Annia kapag kayo na." "Ayaw ko nga. Ano ba ginagawa mo dito?" "Tinutulungan ka?" "You are not helping me. Parang nandito ka para bigyan aki ng threat eh!" "Two in one ang pagtulong ko, Aiden." "Ewan ko sa'yo. Tara na baba na tayo." Pangiti-ngiti ako habang pababa kami hagdanan. Maghapon akong nag-stay sa mansyon ng nga Adriatico. Noong hapin na ay umalis kami ni Cly dahil mayroon daw peryahan sa kabilang bayan kaya magpupunta daw kami dun. "Woah! ang ganda naman dito," nakangiti kong sambit habang naglalakad kami papasok sa peryahan. Ang daming iba't-ibang klasi ng ilaw at mga tunog sa mga booth at maririnig mo. Ang una naming nakita ay yung shoot-that-ball. Mayroong stuff toy sa prize pero ang tingin ko ay nasa malaking junk food. Hinila ko ng kaonti ang kamay ni Cly na hawak ko ngayon. Napalingon naman siya sa akin at itinuro ko kaagad yung snacks. "You want that?" malambing niyang tanong sa akin. "Yes please?" "Paano kung ayaw ko?" "Oh edi magkalimutan na lang tayo." "Ate limang bola nga ho," sabi naman niya dun sa babae at tumingin siya sa akin. Napangiti naman ako sa kanyang tingin sa akin ngayon. Clyden is the most not sporty among the Adriatico's. Daxon plays basketball while Aiden play it too but occasionally. Itong si Clyden ay walang sports na sinasalihan. He would always choose to watch or just join an academic competition. But I really think that doing such sports will make him look funny. Noong matanggap ni Clyden ang bola ay nagsimula na kanyang timer. Dapat ay maishoot niya ang mga bola sa loob ng isang minuto para makakuha ng prize. Sa unang shoot niya sa bola ay pumasok ito sa ring gano'n din ang nangyari sa mga sumunod na apat. Didn't expect him to shoot any balls. "Woaah ang galing niyo naman po sir. Since na shoot niyo po ang limang bola ay pwede po kayong mamili ng premyo sa mga naka-display." Inilahad naman ng babae ang kanyang kamay sa mga prize na naka-display sa likod. "What do you want babe?" malambing na tanong ni Clyden sa akin. "I wan that! That super sized snack!" masaya kong sabi habang tinuturo ko yung pagkain. Napangiti naman sa akin si Clyden, " The super sized snacks daw po ate." Inabot sa akin yung snacks at noong nakuha niya ito. Abot tenga ang aking ngiti noong binigay niya sa akin yun. "You really love eating ha?" "Kasalanan niyo pinapakin niyo lago ako eh!" "Gustong gusto mo naman kumain." "Syempre! Ang sarap kaya kumain no." "Sus oo na. Saan tayo niyan?" "Yun oh! Try natin yung horror train." Itinuro ko yunh horror train sa may bandang dulo ng perya. "Seryos ka?" "Why don't tell me takot ka?" "What no! Tara dun tayo pupunta." Lakas loob akong hinila ni Clyden papunta doon sa pila noong horro train. Hindi gano'n kadami ang mga tao dito di kaya ng ibang rides kaya agad kami nakasakay. At noong makapasok na kami ay parang pinagsisihan ko na niyaya ko di Clyden dito sa horror train. Sigaw ng sigaw kala mo kinakatay siya, siya lang ata ang narinig kong sumisigaw noong nasa loob kami. Nahihiya ako sa mga kasama namin parang gusto kong takpan ang kanyang bibig. Noong nasa part na kami noonh horror train na may biglang sasakay sa train ay bigla niyang tinulak yung sumasakay. Nahulog tuloy yung tao na nakapang tikbalang na costume. Tinignan ko ng masama si Clyden at hinampas ko siya sa braso. Tinkapan niya ang kanyang sariling bibig at patuloy padin ang kanyang pagsigaw. Mabuti at walang nakaupo sa likod namin kung hindi baka mabarangay pa kaminsa pagtulak nito dun sa kanina. "s**t I feel so tired!" ani ni Clyden at umupo siya sa chair noong food stall malapit sa horro train. "Tigilan mo ako Clyden nakakainis ka ha. Sigaw ka ng sigaw e wala namang nakakatakot dun sa kanina." "Nakakatakot kaya nga itsura noong mga nasa loob." "Hindi. Ikaw nga lang yung sigaw ng sigaw kanina dun eh!" "Talaga? Grabi naman ang tatapang ng mga nandun." Parang nagtataka pa ito. Inirap ko siya at sinubukan na huwag ayawin kahit na hiyang hiya ako kanina sa ginawa niya doon sa loob ng horror train. "Ewan ko sa'yo Clyden. Masakit lalamunan mo?" tanong ko sa kanya at hinaplos ko ng kaonti ang kanyang lalamunan. Nagulat naman siya sa ginawa ko at lumayo ito ng kaonti. "Me-medyo masakit," nauutal niyang sagot sa akin habang pilit na inilalayo niya ang kanyang katawan sa akin. "Ayan kakasigaw mo yan! Bat kaba lumalayo? Sakalin kaya kita diyan?" "Don't touch my neck," mahina nitong sabi sa akin at hinawakan niya ang kanyang leeg. "Bakit ba? Ano problema sa leeg mo?" tanong ko habang sinusubukan na hawakan muli ang leeg niya. "Stop Shana ano ba?" sinusubukan naman niyang lumayo sa akin. "Bakit muna kase?" "Basta nga. Ano gusto mo sakyan susunod?" Nasimangot ako noong iniba niya ang usapan. Tinignan ko siya at inikot ko ang paningin ko sa buong paligid. Nakita ko yung ferries wheel na bukas, like yung wala siyang pintuan. Mayroon lang itong steel bar na nakaharang sa mga nakasakay. "Yung ferris wheel." "Are you sure? medyo haba yung pila dun ah?" "Ano gusto mo horror train o ferris wheel?" "Tara pila na tayo sa ferris wheel." Habang nakasakay kami sa ferris wheel ay sumabay ang malakas na hangin. Napangiti ako sa view noong huminto kaminsa pinakataas. Ang ganda-ganda ng view dito, kitang kita ang buong peryahan at ang mga tao mula dito. Napalingon naman ako kay Clyden noong hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan niya ito. "I love you so much, Shana. I'm happy na kasama kita ngayon dito." Nakangiti siya ngayon habang nasa labi niya padin ang aking kamay. "Cly... I love you too. Sobrang saya ko din na kasama kita ngayong gabi, at sa mga susunod na araw pa." To be honest today is my happiest day because of this peryahan date with Cly. Kahit nakakahiya siya sa horror house ay natawa at nag-enjoy padin ako. Pagbaba namin sa ferris wheel ay magkahawak kamay kaming bumalik doon sa parking lot kung nasaan ang kotse niya. Pagsakay ko sa shotgun seat at lumingon ako sa likod at nakita ko doon yung pagkain ko na binigay ni Clyden. Pag-uwi ay hinalikan ko sa pisngi si Clyden bago ako pumasok sa loob ng bahay namin. Pagpasok ko ay nasa loob sina Mommy at Daddy nanonood ng teleserye sa tv namin. "Goodevening po Mommy and Daddy," bati ko sa kanilang dalawa. Napalingon naman silang dalawa sa akin. "Goodevening din, Shana. Saan ka galing?" tanong ni Mommy sa akin. "Did you eat Hija?" tanong naman ni Daddy sa akin. Lumapit ako sa kanila at hinalikan ko sila sa pisngi. "Kasama ko po si Clyden Mommy. Kumain na po kami ni Cyden dun sa peryahan Dad." "Gano'n ba anak? Nag-enjoy ka ba?" "Oo naman po!" masaya kong sagot at ipinakita ko ang pagkain na dala ko. "Mukha ka ngang masaya. Umakyat kana dun sa taas mo para makapagpahinga kana." "Opo, Kayo din po magpahinga na po kayo." Matapos akong maligo at magpalit ng pantulog ay tinext ko si Clyden. To Alaric ♡: Naka-uwi kana? ^-^ Mabilis akong nakatanggap ng reply sa kanya. From Alaric ♡: Yep, nakaligo na ako. Ikaw ba? To Alaric ♡: Samedt. Oo ng pala hindi mo pa sinasagot yung tanong ko kanina sa'yo : Akala niya ba ay makakalimutan ko yung leeg scene kanina? Kanina pa nga ako nag-iisip ng pwedeng dahilan kung bakiy ayaw niya ipahawak ang leeg niya eh. From Alaric ♡: Yung alin? To Alaric ♡: Yung sa leeg mo? Masakit ba yun kaya away mo pahawak sa akin? : From Alaric ♡: Nope, It's just it turns me on. To Alaric ♡: Turning you on? From Alaric ♡: Shana, Stop asking about it! ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD