Chapter Twenty One
Hanggang ngayon ay tulala padin ako dun sa text ni Clyden na yun sa akin. Hindi na niya ako nireplayan naka ilang tanong ako sa kanya pero wala siyang reply sa akin. Iniisip ko padin kung bakit gano'n. Kaya pala iwas na iwas siya joong hinaplos ko ang kanyang leeg. Clyden nakakainis ka! At dahil hindi ako makatulog ay bumababa ako sa kusina namin para kumuha ng gatas.
Pagbaba ko ay dumeretso ako sa kusina para kuhanin yung gatas sa ref. Habang umiinom ako ng gatas ay bigla akong nakaramdam ng gutom. Kaya naman kinuha ko yung garlic bread at toast ko ito at naghanda na rin ako ng maiinom.
Ilang minuto pa ang lumilipas ay nakaupo na ako sa sofa namin nanonood ng telebisyon habang kumakain. Hindi ko alam yung title ng pinapanood ko pero mukha naman itong maganda kaya ito na lang ang pinapanood ko. "
Ano bayan ang tanga naman eh!" sambit ko sa sobrang inis sa aking pinapanood.
Sana ay hindi ako marinig nina manang dito. Tinignan ko ang orasan at nagulat ako noong 3 AM na noong natapos yung pinapanood ko. Hindi parin ako nakakaramdam ng antok dahil na rin sa sobrang busog ko at hindi ko magawang tumayo sa kinuupuan ko. Baka sa sala nalang ako matulog.
"Miss Shana ano ginagawa mo dito?"
Napamulat ang mga ata ko noong maramdaman ko ang mahinang pagtapik sa aking balikat. Nakita ko si Manang na natayo sa mat gilid ko.
"Manang! Sina Mommy po?" Napatayo ako at inayos ko ang aking buhok. Sunday ngayon at alamm kong walang pasok sina Mommy ngayon.
"Nako maaga ata umalis may nabasa lang akong note sa may fridge eh. May emergency daw sa office. "
"Gano'n po ba manang? Akyat na po muna ako sa taas."
"Gusto mo ba ng almusal?" tanong ni Manang. Tumingin siya sa mga pinagkainan ko kaninang madaling araw.
"Hindi na po siguro Manang. Busog pa po ako eh, kayo po manang kumain na po kayo."
Umakyat na ako sa taas at naghilamos bago ko pinalitan ang aking suot na pangtulog. Naalala ko pa kung gaano ako ka saya kagabi kasama si Clyden. It's our second date together and I know more dates will come.
"Ang blooming mo these days Shana," ani ni Shaun habang kumakain kami dito sa canteen. Napasulyap naman ako kay Clyden na naka upo sa harapan ko ngayon.
"Kase maganda ako Shaun!"
"Sus ang sabihin mo lang in-love ka."
"Hay nako tigilan niyo na nga yan bat ako nanaman pinupuntirya niyo? Bat di yan si lover boy?"
"Tumigil na kayong dalawa. Tapos na ang lunch magsibalik na kayo sa roo niyo," ani naman ni Aiden at umalis na ito. He's been avoiding this Annia topic since lagi ko siyang inaasar na lover boy.
It's been months since me and Clyden started dating. Marami na kaming dates, peri minsan ay nagtatawagan lang kami dahil masyado silang busy dahil graduating na sila. Kagaya ngayon wala sila dito sa Eretria dahil sa may seminar daw sila.
Hindi ako nakapasok ngayon dahil sa sobrang sakit ng pakiramdam ko. Nabasa kasi ako ng ulan kagabi dahil sa nakatulog ako sa may balcony ng bahay namin. Nagising na lang ako na sobrang basa na ang suot kong damit. Sinubukan kong iwasan ang mga tawag ni Clyden sa akin magmula kaninang umaga dahil baka kapag nalaman niyang nagkasakit ako ay uuwi yun ng wala sa oras.
"Miss Shana heto na po yung lugaw na pinaluto niyo." Napatingin naman ako kay Manang na kakapasok lang ng aking silid.
Siya ang nag-aalaga ngayon sa akin dahil wala sina Mommy. Mayroon silang business trip sa ibang bansa.
Dahan-Dahan akong umupo at inaalalayan naman ako ni Manang. ipinatong niya sa bed ko yung mini table kung nasaan nakalagay yung lugaw at inumin ko.
"Manang kaya ko na pong kumain mag-isa," ani ko sa kanya dahil mukhang gusto pa niya aking subuan.
"Sigurado ka? pwede na naman kitang subuan.
"Manang naman kaya ko panaman pong igalaw ang mga kamay ko. Tignan mo oh," sambit ko sa kanya at ipinakita ko yung kamay ko na kayang kumuha ng makakain.
"Tawagin mo ako kapag may kailangan ka ha?"
"Opo sige na bumababa na po kayo Manang."
Noong makalabas si Manang ay nagsimula na akong kumain. Wala akong panlasa dahil na rin sa nilalagnat ako. Nakatatlong subo pa lang ako ng lugaw ay naduwal na ako. Kaagad akong tumakbo papunta sa banyo at natabing ko aking paa yung lamesa kaya natapon yun pagkain. Hindi ko na ito naayos dahil sa nasusuka na talaga ako. Noong napayuko asa inidoro para magsukay nakaramdam ako ng pagkahila kaya napaupo na lang ako sa tabi ng bowl.
"Miss Shana!" Naaninag ko si Manang na palapit sa akin ngunit napapikit na ako at hindi ko na siya nakita or narinig pa.
Napamulat ako na may kung anong mabigat na nakapatong sa aking kamay. Nasa higaan na ako at kay cool fever na nakadikit sa aking noo. Tinignan ko kung ano yung mabigat na nakapatong at nakita ko ang natutulog na si Aiden. Nakaupo siya sa vanity table chair ko habang nakayuko ito. Inalis ko ang aking kamay na pinagpatungan niya ng kanyang ulo at pinalitan ko ito ng unan.
"Shana! gising kana. Okay ka lang?" natatarantang tanong nito sa akin at mabilis niyang hinawakan ang noo ko.
"Oo okay na ako. Kanina kapa dito?" tanong ko sa kanya. Lumayo siya sa akin at umupo muli siya sa vanitu chair ko.
"Tinawagan ako ni Manang dahil hindi niya alam ang gagawin sa'yo noong nakita ka daw niyang nakahandusay sa banyo. Ano ba nangyari sa'yo? Kanina pa ako tinatawagan din ni Clyden nag-aalala siya sa'yo."
"Last night nag-stay ako sa balcony kasi ang ganda ng mga stars hindi ko napansin na nakatulog ako. Then nagising na lang ako babad na ako ng dahil sa ulan."
"Shana naman bakit ka naman nag-stay dun. Nagkasakit ka tuloy, ikukuha kita ng pagkain para maka inom ka ng gamot. Si Clyden uuwi na bukas. Hindi siya mapakali magmula noong sinagot ko ang tawag niya."
"Sinabi mo sa kanya?!" gulat na tanong ko kay Aiden.
"Hindi ba dapat? Eh halos mabaliw yun kakatawag sa amin nina Shaun. Nasabi pa namin na hindi ka nakapasok. Kaninang umaga pa nga aligagang bumalik dito eh."
"Ayaw ko siyang mag-alala na may sakit ako eh," mahina kong sagot kay Aiden at yumuko.
"Mas lalo siyang nag-alala na hindi ka nagpaparamdam sa kanya. You know my cousin Shana. He's madly in love with you." Lumabas ng aking silid si Aiden para kumuha ng makakain ko.
Did I really make Clyden more worried dahil sa hindi ko pagpaparamdam sa kanya? Hanggang sa makabalik si Aiden na may dalang pagkain ay gano'n padin ang aking naiisip.
"Kumain kana," sambit nito at ipinatong sa harapan ko ang mini table na may pagkain.
"I'm gonna call Clyde-" Kinuha ko ang telepono ko at nag-aambang tatawagin si Cly.
"Call him kapag nakakain kana." Inagaw ni Aiden ang phone ko sa akin. Sinubukan ko itonh abutin sa kanya ngunit mas lalo niya itong nilayo sa akin.
"Eat Shana."
Wala naman akong nagawa kundi sumuko at kainin ang pagkaing dala ni Adien. Unang subo ko palang sa pagkain ay wala parin ako ng nalalasahan. But this time ay naubos ko yung pagkain, inabutan ako ng gamot ni Aiden at isang basong tubig noong matapos akong kumain. Binigay niya din sa akin ang aking telepono noong matapos ako.
"Kapag bukas ay masakit padin ang pakiramdam mo ay magpacheck up kana."
"Mawawala na din siguro to mamaya," sagot ko kay Aiden at tinawagan ko na si Clyden.
Tumayo naman si Aiden at ibinababa na niya yung pinagkainan ko. Nakaisang ring pa lang ay sinagot na kaagad ni Clyden ang tawag ko sa kanya.
"Shana? Okay kana ba?"
"Cly, I'm sorry na hindi kita pinapansin. Sorry na pinag-alala kita," naiiyak kong sambit sa kanya.
"Shhh wala kang kasalanan. Dapat ay noong hindi ka sumasagot sa tawag ko ay umuwi na ako."
"No.... You don't have too it's my fault Cly. Not you."
"Don't cry hmm? kumain kana? did you drinks your meds?"
"Kakatapos ko lang kumain at uminom ng gamot. Ikaw are you taking a rest, late na din ah."
"Yep. Umuwi na ako sa amin. Bukas ay babalik na ako sa Eretria para mabantayan kita for now si Aiden muna ang magbabantay sa'yo."
"Clyden I love you, hmm?"
"I love you too, Shana. Take a rest na para kaagad kang gumaling."
Hindi naging matagal ang tawag namin dahil kailangan ko ng matulog ng maaga. I can't risk sleeping lates just because I feel a little bit better. Noong pinatay ko ang tawag ay humiga na ako at nagkumot ng buong katawan. Pumasok naman si Aiden na may dalang isang basong tubig.
"Shana, eto yung inumin mo ha? Ipapatong ko dito sa side table mo," sabi nito sa akin habang tinatakpan ang baso para huwag ito madumihan.
"Aide thank you," mahina kong sabi sa kanya at ngitian ko siya.
"Anything for you, Shana. Magpahinga kana, dito lang ako sa sofa mo babantayan kita." Hinaplos niya ang noo ko at inalis ang cool fever na nakadikit sa noo ko at pinalitan niya ng bago.
"Wait, did you make move to Annia na?"
"Hindi pa. This summer vacation promise. Nagpapasundo nga siya kanina kaso hindi ko nakita text niya dahil nagmadali ako noong tinawag ako ni Manang."
"Hala! dapat ay siya yung pinuntahan mo ng una."
"Shana I'm so worried about you noong sinasabi ni Manang na nawalan ka ng malay sa banyo. Nataranta ako mg sobra at hindi ko na pansin ang phone ko."
Tinignan ko si Aiden ngayon na busyin inaayos ang kanyang hihigaan sa sofa. Gusto ko man siyang yayain dito sa tabi ko pero may sakit ako baka mahawa pa siya sa akin.
"Binalikan mo ba?" tanong ko sa kanya habang nakatingin padin.
"Oo kaso umuwi na siya. Tinext ko siya noong naayos na kita sa bed mo pero hindi nag-re-reply."
"Pasensiya kana Aiden," malungkot na boses kong sambit sa kanya at umiwas na ako ng tingin sa kanya.
"Ano kaba wala ka namang kasalanan no. Matulog kana, baka bumalik ulit ang lagnat mo kapag nagpuyat ka."
Hindi ko na sinagot si Aiden dahil tumalikod na ako sa kanya at tinignan ang maliwanag na sinag ng buwan, mula sa kurtina ng sliding door ko. I'm so luck to have these guys in my life, I never would have imagined that he would forget about Annia because he's worried about me. Ayaw ko na gano'n ang mangyari palagi. Ang kailangan ay magkaayos na ang dalawang to para naman lumayag na tong ship ko.
Ang tagal na ding crush nitong si Aiden si Annia. And naiisip ko din na bagay sila sa isa't-isa, sobra. Aiden would probably more sweet to her in private but I know he will do his best for Annia. At syempre gusto ko din silang magkasundo na para makipagkaibigan na ako kay Annia. Her attitude is making me want to be friends with her. Gusto ko din siyang asarin kay Aiden and vice versa. Yay! Im excited.
Hanggang sa makatulog ako ay iniisip ko kung kailan magkakaprogress yung dalawa.
Kinaumagahan ay nagising ulit ako na sobrang bigat ng aking pakiramdam. Ni hindi ako makabuo ng maayos na mga salita ng dahil sa sakit. Hindi ko din mabuksan ang aking mga mata dahil nahihilo ako. Ang kaya ko lang magawa ay subukang kunin ang attensyon ni Aiden. Ginalaw ko ng kaonti ang paa ko pababa at patas para gumawa ito ng tunog.
"Shana? Okay ka lang," rinig kong tarantang tanong ni Aiden. Madali niyang hinaplos ang noo ko. Dahil sa hindi ako makasagot ay umiling ako sa kanya.
"s**t! ang taas ng lagnat mo. Sandali lang tatawagin ko si Manang." Hinawakan ko ang kanyang kamay para hindi ito makaalis. Noong maramdamaj ko na humarap ito sa akin umiling ako.
"Pero kailangan nating matawagan si Manang para madala kana sa hospital."
"Clyden don't leave me..."
Nagising ako sa maliwanag at kulang puting mga pader. Hala nasa langit na ba ako? Hindi ko man mahintay si Clyden. Sayang, bawi nalang tayo next life babe.
"Shana, are you awake?" Nagdedeliryo parin ba ako at si Clyden ang naririnig ko ngayon?
"Aiden parang nagdedeliryo pa ako at si Clyden ang naririnig ko," sambit ko habang paulit ulit kong binukas sara ang aking nga mata.
"Shana ako to si Clyden, hindi kana nagdedeliryo. I'm here."
Mabilis naman akong napaupo at hinila ko palapit sa akin si Cly. Hinawak hawakan ko ang kanyang mukha para maka siguro ako na hindi na ako nagdedeliryo pa. Kinurot kurot ko na din ang pisngi niya na nagpawala sa kanyang ngiti.
"You are here! Omg na miss kita," I said and then I pulled him again, but to hug him this time. Nakayakap ang aking nga braso sa kanay leeg habang ang kanyang mga kamay ay nasa aking mga bewang.
"I was so worried when I heard na may sakit ka," mahina niyang sambit at mas lalo niyang inilapit ang sarili sa akin.
"I'm sorry Cly. I didn't know na magkakasakit ako ng ganito."
"It's your fault naman, Shana. Wait let me call the doctor para macheck ka niya." Lumayo siya sa pagkakayakap sa akin at tumayo ito at lumabas sa aking hospital room.
Ilang minuto ang lumipas noong bumalik ito na may kasama ng doctor. Lumapit sa akin ang doctor para tignan niya ako pati narin kung may sa kaling allergy reactions kaya ako nagkakalagnat.
"What do you feel hija?" tanong nito sa akin habang may isinusulat siya sa chart na kinuha niya kanina.
"I feel perfectly fine na po Doc," sagot ko sa kanya. Sinulyapan ko si Clyden na nakatingin din ngayon sa akin. He nodded at me noong napansin niya akong nakatingin sa kanya.
"Nahihilo kapa ba o di kaya namay sumasakit ang iyong ulo?"
"Medyo na lang po."
"Is she okay? Pwede na po ba siyang makauwi?"
"We still need to monitor her for 24 hours kaya makabubuti na dito kana lang muna. I will check on you in every 3 hours." Tinignan niya ako matapos niyang sagutin ang tanong ni Clyden.
"Is there something wrong about her?"
"As of know I don’t see any problem on her, Mr. Adriatico. She's exhausted and due to the heat at morning her body didn't like that she stayed wet on a rainy and windy evening."
Tumango naman si Clyden sa sinabi ng doctor. Matapos siyang magsulat sa chart ay ibinalik na niya ito sa gilid ng aking bed at nagpaalam na babalik mamaya.
Noong makaalis ang doctor ay umupo si Clyden sa upuan na kinauupuan niya kanina nang magising ako.
"May gusto ka bang kainin? Ibibili kita," malambing na sambit ni Cly habang hinahaplos haplos niya ang aking kamay.
"Gusto ko ng mami, Cly."
"Okay ibinili kita sa may palengke sa bayan. Yun lang ba ang gusto mo?"
"At saka narin cinnamon bread," sagot ko sa kanya at ngumiti. I intertwined out hands na kanina ay hinahaplos niya lang.
"Okay, wait fo me her ibibili kita ng makakain."
Tumango lang ako kay Clyden. Habang hinihintay ko ang pagbalik ni Clyden ay humiga muna ako sa hospital bed. Wala na kaming pasok ngayon, kahapon yung last day of school namin kaya lang ay nagkasakit ako that's why hindi ako nakapasok. It doesn't bother me kasi hindi naman ako hahanapin ng mga kaklase ko for sure parang normal lang sa kanila yun na wala ako.
Sa ilang taon ko ng nag-aaral sa school na yun ay wala padin akong naging mga kaibigan sa mga kaklase ko. Nag-uusap kami pero usually for projects purposes lang. Ang mga lalaki naman ay kakausapin lang ako para yayain sumabay kumain sa kanila. At alam ko kung saan hahantong ang pagyaya nilang mag-lunch na yun.
My relationship to Clyden is still secret, although our friends kinda knew it but we never announced it to them. Ang sigurado lang na may alam ay sina Shaun, Aiden at Daxon and the rest are using their hunched.
"Shana kumain kana," rinig kong sabi ni Clyden. Napalingon ako sa pintuan at nakita ko siya na papasok na may dalang dalawang sytro bowl na naka plastic and a box of bread.
"Cly! Ang dami ng cinnamon bread!"
"Darating daw sina Daxon dito."
"Ha bakit? Akala ko ba may seminar pa kayo sa manila?"
"Alam mo naman yang si Daxon ayaw mag-stay nun na wala ako dun," sabi nito habang inaayos ang mga kakainin namin. Uupo na sana ako ng biglang binitawan ni Cly ang inaayos niya at inaalalayan niya ako makaupo.
"Cly kaya ko naman umupo mag-isa eh," rekalamo ko dahil sa hanggang makaupo ako ay hawak niya padin ang aking likod.
"I just want to help you out. Nag-aalala padin ako sa'yo kahit nandito na ako. It's my first time to see you this sick."
"Lagnat lang naman to. Come on Cly."
"Ayaw lang kita maabutan muli na walang malay sa hospital bed."
"It won't happen again, I promise!"
"Okay, kumain na tayo baka lumamig pa tong mami mo."
Hinahanap ko ang kutsara ngunit wala akong makitang kutasara. Nakita ko naman si Cly na may hawak na dalawang kutsara.
"Cly spoon?"
"Nope susubuan kita," sabi nito at inilagay ang kutsara sa bowl ko. Sinubukan ko itong kunin kaso hinampas niya ng kamay ko.
"Cly naman bakit kasi kailangan mo pa ako subuan nakakahiya!"
"Huwag kanang mahiya tayo lang naman ang nandito," sabi nito at sumandok na siya ng mami sa bowl ko. Hinipan niya ito bago ilalpit sa aking bibig.
Dahan dahan ko nanamn binukasan ang aking bibig at isinubo yung kutsara. Ramdam ko din ang pamumula ng pisngi. Hanggang sa maubos ko ang aking pagkain ay si Cly ang nagpakain sa akin. Sobrang hiya ko noong biglang bumukas ang pinto at sakto na pumasok sina Shaun, Aiden and Daxon. Sakto pa naman na sumusubo ako sa kutsara na inalalapit ni Cly sa labi ko.
"Aba naman may taga subo pa talaga ng pagkain oh!"
"Hala daddeh Cly gusto ko din magpasubo sa'yo."
"Are interrupting something?"
Inirap ko silang tatlo na umupo sa sofa dito at tawang tawa. Ito ang iniisip ko kanina kaya ayaw ko nung gusto ni Clyden eh. Baka biglang dumating tong tatlo at aasarin ako.
"Kung mang-aasar kayo pwede na kayong umalis!" sambit ko habang tinitignan ko sila ng masama.
"Ganito ba naman madadatnan namin."
"Whatever. Bakit ba kayo nandito?"
"Duh edi binibisita ka."
"Talaga ba oh baka nakikikain lang kayo?" Nakita ko kasi na binuksan na nila yung box nung cinnamon bread.
"Pwede naman both diba?" tanong ni Daxon habang inuumpisahan na niyang kainin yung bread.
"How are you? Okay kana ba?" tanong naman ni Aiden sa akin.
"Yes I'm okay na daw, pero need ko pa mag-stay dito ng 24 hours para masigurado na okay na talaga ako."
"Yun oh! Dito muna kami hanggang mamayang gabi babantayan ka namin," Shaun said with his mouththat full of bread. Natawa naman ako sa itsura niya na parang mabubulunan na.
"Bawal. Umuwi na kayo after niyo kumain," sambit ni Clyden hababg inaayos niya yung pinagkainan namin.
"Ang damot!" naka pout na sabi ni Shaun at nagpabalik balik sa akin ang tingin niya then kay Cly.
"Manggugulo lang kayo dito. Kailangan magpahinga ni Shana and I know kukulitin niyo lang siya."
"Cly naman ang damot talaga," ani naman ni Daxon na patuloy padin sa pagkain.
Hinayaan ko silang pilitin si Cly na mag-stay sila dito dahil hindi din ako sigurado kung ano gagawin nila dito. Baka kasi pati yung mga nurse na nag-ro-rounds ay lalandin nito si Daxon. I know him so well, itong sina Aiden and Shaun for sure ay makikipag kwentohan sa akin hanggang madaling araw.
In the end ay wala din nagawa si Cly at nag-stay yung tatlo. Pinagkasya nila ang kanilang sarili sa sofa kung saan sila nakaupo. Kinaumagahan ay pinalabas na din ako. They said na okay na ako but kailangan ko padin iwasan na magmatagal kapag naliligo ako.
And dahil tapos na ang schools year it means ay summers vacation na.
~~