Chapter Twenty Two

3596 Words
Chapter Twenty Two Two days since nakalabas ako ng hospital ay heto ako naghahanda ng aking dadalhin sa summer vacation damin. May inoffer kasing resort house yung isa sa mga kaibigan nung bagong babae ni Aiden. Mukhang maganda iyong resort kaya dun yung napagpasyahan namin. Napalingon ako dun sa maliit na teddy bear na bibigay ni Cly sa akin noong nakauwi na ako sa bahay. He said na binili niya ito sa manila noong may seminar sila. Hindi lang ito kaagad naibigay dahil si Dax ang may dala ng kanyang gamit. Kaagad kasi siyang umalis noong nabalitaan niyang dinala ako sa hospital. He's still worried at me kahit naman malakas na ako. Ayaw niya pa nga akong pasamahin ngayon eh. Buti ay napilit ko lang siya. "Miss Shana nasa baba na po sina Sir Clyden," rinig kong tawag ni Manang sa akin mula sa labas ng aking silid. Ikuha ko ang bag ko at tinignan ko ang suot ko damit sa full length mirror namin. I'm wearing a peach spaghetti strap floral summer dress. Naka white and gold strappy sandals din ako. Naka High ponytail din ako and my brown big shades. Bubuksan ko na sana ang pintuan ngunit bigla itong bumukas ito at siya naman pagpasok ni Clyden. "Hi!" Nakangiti kong bati sa kanya. Nilapitan niya ako at humalik siya sa aking noo at kinuha niya ang bag na dala ko. "Hello? Heto na ba lahat ng gamit mo?" Clyden asked me as I hold on his arms. "Yep! Sino kasama natin sa kotse?" tanong ko kay Clyden habang pababa na kami. "Si Daxon. Si Aiden kasama si Ari and ayaw niya sumabay dun sa dalawa dahil ayaw niya daw kay Ari. Sina Shaun sumabay dun sa mga kaibigan ni Ari." Tumango ako kay Clyden. Naiintindihan ko si Dax kung bakit sa amin siya sumabay. Hindi ko din feel ang babaeng yun, I feel like she's so war freak. Noong unang besis ko siyang kasama niya si Aiden ang sama ng tingin niya sa akin, sarap tusukin ng mga mata niya kainis. Pagsakay ko sa kotse ay tinanguan ako ni Dax na nasa likod. Sinuot ko kaagad ang seatbelt at inayos ko ang suot kong dress na naipit sa seatbelt. "Okay kana? Dax pakilagay naman diyan sa likod ang bag ni Shana," sambit ni Cly pagsakay niya sa kotse. Inabot niya kay Daxon yung bag ko at ini-start na niya ang kotse. "Saan nga yung resort?" tanong ko. Nakatingin ako sa ulap ngayon dahil napapansin ko na medyo madilim. "3 bayan daw ang layo sa Eretria. Sa may Loannina daw," sagot naman ni Dax sa tangong ko. "Ngayon ko lang narinig ang lugar na yun ah. Nakapunta na ba kayo dun?" "Hindi pa, first time din namin makapunta doon," Clyden said while his eyes are still on the road. Nasa Ereteria pa din naman kami hindi pa kami gano'n kalayo. "Pero rinig ko maganda daw yung hot springs nila dun." Napatingin naman ako kay Dax noong binanggit niya ang hot spring. Ang tagal ko ng gusto ma-try mag-hot spring kaya naman mas lalo akong na excite dun sa pupuntahan namin. "Hot spring? OMG! excited na talaga ko. Pero bakit parang makulimlim may bagyo ba?" tanong sa dalawa at sinilip ko ulap mula sa bintana. "Hindi naman makulimlim kanina sa Eretria ah. Ang taas nga ng sikat ng araw dun kanina eh." Dax is still looking at the window right now. Habang palalayo kami ng Eretria ay siyang pagdilim ng ulap mukhang may malakas na bagyo dito. Matapos niyang tignan yun ay natulog na siya. Ilang minuto pa ang lumipas ay tumunog na ang aking telepono. Nakita ko na tumatawag si Shaun sa akin. Kaagad ko naman itong sinagot, linoud speaker ko na ito para marinig din nung dalawa. "Shana turn around. Huwag na kayong tumuloy nina Clyden," sabi ni Shaun sa kabilang linya. Nagtataka naman ako kung bakit nila kami pinapapabalik. "Why? What happened?" "May bagyo and masyadong malakas ang ulan at hangin doon sa lugar na pupuntahan natin. May possibilities din na magkaroon ng baha doon. We can't take a risk to go there." "Okay lang ba kayo?" tanong ko kay Shaun. "Nasaa kayo?" tanong naman ni Cly na mukhang nag-alala sa kanila. "Pabalik na kami sa Eretria. Sina Aiden nasa may bayan hinihintay nila tayo dun," sagot ni Shaun sa tanong ni Cly. Para akong nakahinga ng maluwag noong malaman na malayo sila dun. "Babalik na din kami nina Shana diyan. Magkita tayo sa bayan," ani ni Cly. "Shaun mag-iingat kayo please," paalala ko sa kanya. I was so scared and worried for them. "Kayo dapat ang mag-ingat mas malapit ako diyan sa lugar kesa sa amin." Pinatay ko na ang tawag at sumulyap ako kay Clyden na busy sa pag-da-drive. Si Daxon ay masarp padin ang tulog sa likod naming dalawa. Nagulat ako noong biglang hinawakan ni Clyden ang aking kamay na nasa lap ko. "Calm down they are safe," mahina nitong sabi habang nasa daan padin ang tingin. "I'm just worried, Cly. What if hindi tayo nakatanggap ng balita and we went there." "Shhh huwag mong isipin yun Shana. Ang isipin mo na lang ay mabuti at ligtas at okay lang tayo."He caressed my hand with his thumb fingers na nagpakalma sa akin. Tumango lang ako sa kanya at hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay. Hanggang sa makarating kami sa bayan ay hawak hawak ko ang kamay ni Clyden. Si Daxon naman ay nagising lang noong nakarating na kami. "Bakit nandito tayo?" nagtatakang tanong niya habang tinitignan niya ang buong paligid. "Tulog kasi ng tulog. Hindi tayo natuloy dahil may bagyo doon," sagot ko sa kanya. Binitawan ko ang kamay ni Clyden at inalis ko na ang suot kong seatbelt. "Ha? Totoo?? Akala ko nanaginip ako leche." Inalis na din niya ang suot niyang seatbelt at bumababa na siya sa kotse. Sumunod naman akong bumababa at nahuli si Clyden sa aming tatlo. Pagbaba ko ay nakita ko sina Aiden at yung Ari na nakakapit nanaman sa braso ni Aiden. Noong makita niya ako ay umirap siya, hindi naman ako nagpatalo inirap ko din siya. "Shana, Okay lang kayo?" nag-alalang tanong ni Aiden sa akin. Ang sama naman ng tingin sa akin nung Ari. Ang sarap naman dukutin ng kanyang mata. "Okay lang naman kami Aide kayo?" "Yep okay na man din kami. Gusto niyo kumain muna bago tayo bumalik sa mansyon?" "Sasama pa ba siya?" rinig kong bulong ni Ari. "May problema kaba sa akin?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay ko. "Ikaw kung ano gusto mo isipin," sagot nito sa akin at inirap niya ulit ako. "Eh paano kung iniisip ko na may problema ka sa akin tas bigla kita sinabunot?" "What?" "Oh bakit parang gulat ka? sabi mo kung ano iniisip ko eh!" "Aba-" "Ari stop it! Nasa madaming tao tayo. Hindi kaba nahihiya? Atsaka bakit mo ba inaaway si Shana?" "I can't believe na kinakampihan mo siya," inis na sabi ni Ari at tumingin siya kay Aiden. "Shana tara na. Kumain na tayo doon," pagyaya ni Cly sa akin at hinawakan niya ako sa braso. Bago ako tumalikod ay inirap at ang tignan ko si Ari na siya ang talo sa aming dalawa. Hindi na kami sumabay kung saan sila kakain dahil ayaw ko nakikita ang babaeng yun. Sabihan ko kaya si Aiden na hiwalayan na niya yun? "What do you want?" tanong ni Cly sa akin noong makalayo na kami dun. "Ikaw what do you want ba?" tanong ko balik sa kanya. Nakatingin ako sa kanya habang hawak hawak niya ang aking braso. "Kung ano ang gusto mo, Shana. Yun ang gusto ko." "Cly... hindi tayo makakakain niyan," sabi ko sa kanya. "Pumili kana kasi ng gusto mo," ani nito sa akin. Tinignan ko siya ulit at ngumiti lang siya sa akin. "Ikaw naman ang pumili ng gusto mo ngayon. Lagi na lang ako ang pumipili. I want to know kung ano ang gusto mo kainin ngayon," sambit ko at inalis ko ang pagkakahawak niya sa aking braso. Ako naman ang humawak sa kanyang braso at niyakap ko ito. Bumuntong hininga si Cly at nagsimula na siyang maglakad. Napangiti naman ako kasi alam ko na hindi ako matitiis nitong si Clyden. Habang naglalakad kami ay tumitingin tigin ako sa dinadaanan namin. Napangiti ako dahil kahit hindi natuloy ang vacation namin ay heto ako kasama si Clyden. I feel like basta kasama ko siya ay masaya ako. Hindi na ako sumama sa kanila pauwi ng mansyon dahil ayaw ko nakikita yung Ari na yun. Baka mapaaway pa ako ng wala sa oras kapag nakikita ko siya. "Hindi kayo natuloy?" ngulat na tanong ni Mommy sa akin pagpasok ko ng bahay namin. "Nope! May bagyo daw po dun sa kung Loannina. Kaya hindi na kami natuloy," sagot ko bago ko sila nilapitan ang binigyan ng halik sa pisngi. Kakauwi lang nila noong isang araw galing sa business trip nila. And I guess bukas ay aalis na naman sila, baka sumama na lang ako sa Manila niyan. Tagal ko na din hindi nakakapunta sa bahay naming doon. "Gano'n ba? Gusto mo sumama nalang sa Manila for you summer vacation?" Pagyaya ni Daddy sa akin. Kaagad naman aking tumango at ngumiti silang dalawa ni Mommy sa akin. "It's been a while since umuwi ka doon. I bet you miss golfing?" natatawang sambit ni Mommy. "Dad si Mommy oh!" Tumawa silang dalawa sa akin. Inaasar ako ni Mommy dahil noong nag-golf kami ay parang nakalbo yung isang part dun, dahil hindi ko matamaan yung bola. At magmula noong ay inaasar na ako nina Mommy at Daddy dun. "Ayaw mo i-try mag horseback riding?" tanong naman ni Daddy sa akin tinignan ko lang siya at nag pout ako. "Dad naman did you forgot noong huli kong tinry nahulog ako eh. Para akong na-trauma nun!" "Wala kang gagawin doon? Hindi ka ba maiinip niyan?" tanong naman ni Mommy sa akin. "I can go on mall and shopping. Come on Mommy ang tanda ko na po. Pwede ko din pong bisitahin si Tita Anna dun!" "Yeah nandon nga pala si Anna. I heard na pinapauuwi niya din ng Manila si Clyden sa kanila." "Isabay na kaya natin Mommy?" "Bukas na tayo aalis anak baka hindi makasabay si Clyden. Nakausap ko kanina si Cali nandun daw si Annistyn sa bahay nila." Ay ang sayang dapat pala sumama na ako kanina sa mansyon nila para naka-chikahan ko si Annia. Edi sana bff ko na kaagad siya, gusto ko din ikwento sa kanya kung gaano kabaliw si Aiden sa kanya. "Gano'n po ba? Akayat po muna ako sa taas Mommy," pagpapaalam ko kay Mommy at iniwan silang dalawa doon para naman makapag-bonding sila. Tinawagan ko si Cly pag-akyat ko sa aking kwarto pero hindi siya sumasagot. Baka hindi niya napapansin ang phone niya, they might be partying there now. Humiga na lang ako sa bed at natulog ako. Maaga din kasi akong nagising kanina para mag-prepare then di man kami natuloy. Medyo napagod din ako dun sa paglalakad-lakad namin ni Clyden sa bayan kanina. Nagising ako sa paulit-ulit na pag-ring ng phone ko. Hindi ko tinignan kung sino ang tumatawag, nakapikit pa nga ako noong sinagot ko yung tawag e. "Hello?" I said with irregular husky voice because I just woke up. "Nagising ba kita?" Narinig kong tanong ni Clyden mula sa kabilang linya. Napamulat naman ako noong narinig ko ang boses niya. "Cly?? Hindi no! gising ako tinawagan kita kanina hindi ka sumasagot." Umupo ako at inayos ko ngayon ang aking buhok. "Sorry, nagkaroon kasi ng problema dito sa mansyon. Si Annia kasi at Ari nag-away sila." "What? Ang palengkera talaga ng Ari na yon! Kanina pa ako naiinis sa kanya ang sama ng tingin sa akin," nayayamot kong sabi. Narinig ko naman na napa buntong hininga si Clyden sa sinabi ko. "Mabuti at hindi kana sumama dito, baka nakisali kapa sa away." "Eh nakakainis naman kasi yang si Ari ang feeling. Ang panget na nga fake pa mga pinagsusuot na damit." "Hay nako huwag na nating pag-usapan pa yon." "Pupunta ako sa Manila for summer vacation. Ikaw?" sambit ko at tumayo na ako sa bed ko. Inalis ko yung ponytail sa aking buhok at nagsuklay ako. "Baka next week ako uuwi sa Manila. Susunduin ako ni Papa dito," sagot niya sa akin. "Let's have a date kapag nasa manila kana." Hindi ko napansin ang oras dahil sa pag-uusap namin ni Clyden. Nagulat na lang ako noong tinatawag ako ni Manang dahil kakain na daw kami ng dinner. After dinner at naligo ako and then tinext ko na si Clyden na matutulog na ako. Hindi siya nakapag-reply dahil sa tulog na siya. Nasabi niya kasi na baka matulog na siya ng maaga dahil medyo pagod siya. "Shana okay ka lang ba mag-isa dito?" tanong ni Mommy sa akin pagdating namin sa Manila. "Oo naman po Mommy. Nandito na man si Ate Mari kaya hindi ako nag-iisa." "O basta kung aalis ka mag-padrive ka kina Kuya Riko mo ha?" Tumango ako kay Mommy at hinalikan niya ako sa noo. Pagdating kasi namin dito sa Manila ay kaagad silang tinawag dahil may biglang meeting daw sa company namin. Kaya nagmamadali silang umalis ni Daddy para magpunta doon. Umakyat naman ako sa room ko dito para makapagpalit ng damit. Lalabas kasi ako baka magpunta ako sa mall or kahit saan na pwedeng pasyalan. Sana ay kaagad na magpunta dito si Clyden para siya ang makasama ko. Nagsuot ako ng white puff dress na backless sa likod pero may kaonti itong ribbon. Nagsuot din ako ng ankle boots and the a black shades. I let my long hair down and comb it with my fingers before going out of my room. "Miss Shana aali po kayo?" tanong sa akin ni Kuya Riko noong makita niya akong bumababa mula sa aking silid. "Magpapahatid po sana ako sa mall, pwede po ba Kuya?" tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang suot kong dress. "Nako Miss Shana oo naman po pwedeng-pwede. Saang mall po ba?" "Yung pinaka malapit nalang sana dito sa subdivision Kuya." "Okay po Miss Shana. Sakay na po kayo sa kotse." Sumakay na ako sa backseat ng kotse namin at si Kuya naman ay nagsimula ng magdrive. Paglabas sa subdivision ay mga ilang minuto lang siguro ang idinrive ni Kuya Rico bago kami makarating sa mall. "Hintayin ko po ba kayo Miss Shana?" "Tatawag na lang ako sa bahay Kuya Rico," sagot ko sa kanya bago ko isinara ang pintuan ng kotse. Pag-alis ng kotse namin ay pumasok na ako sa mall. Una kong pinuntahan yung isang boutique na mag nakita akong isang red dress. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng isang sales lady at tinanong kung ano daw gusto ko. Ipinakuha ko yung nakadisplay nilang red dress at sinukat ko ita sa fitting room. To Alaric ♡; What do you think of this dress? *photo attached* Sinend ko kay Clyden ang picture ng dress for his opinion gusto ko yung dress kaso medyo nagdadalwang isip ako. Kaagad naman akong nakatanggap ng reply mula sa kanya. From Alaric ♡; Are you toying to kill me? Muntik na ako mabulunan noong nakita ko yung picture. Do you want that? It look so good on you. Napangiti naman ako nireplay niya at tinignan muli ang silk spaghetti starp dress na may criss-cross strap sa likod. To Alaric ♡; Yes, I'm gonna buy it thank you! ^-^ Pagkasend ko ng text kay Clyden ay inalis ko na yung dress at sinuot muli yung dress na suot ko kanina. Lumabas na ako sa fitting room habang hawak-hawak ko sa aking braso yung dress. Naglibot pa ako sa loob ng store nila dahil baka may makita pa akong magustohan ko. May mangilan akong natipuhan kaso ayaw ko yung kulay. Kaya in the end ay itong dress na lang ang binili ko. Paglabas ko sa shop ay naglakad pa ako papasok sa mall. May nadaanan akong accessories shop, pumasok ako para magtingin-tingin ng pwedeng bilhin. "Hi Miss pwede patingin nito?" Itinuro ko yung chain like bracelet na naka display sa counter glass nila. "Ito po ba Ma'am? Para sa'yo po? " tanong niya habang inilalabas ito sa mula doon sa glass. "No, para sa boyfriend ko Miss," sagot ko. Inabot niya ito sa akin at tinignan ko ito ng maiigi at inimagine ko kung babagay ba kay Cly to. "College boyfriend po ba Ma'am? Sa tingin ko po mas maganda po kung ganito ang ibinigay niyo sa kanya." Ipinakita niya sa akin ang isang silver rolex watch. Parang kuminang ang mata ko noong nakita ko ito. "Woah mukhang maganda nga ito Miss. Ito po ba pinaka latest na rolex watch niyo?" Hinawakan ko yung watch at sobra akong gandahan dito. "Limited Edition po yan Ma'am," sagot niya sa akin at ngumiti siya. "Okay kukunin ko to Miss. Can you please use a navy blue box?" "Sure Ma'am. Card po ba or Cash?" "Card." Inabot ko yung card ko sa kanya at kinuha niya ito kasama yung watch. Noong ibinalik niya sa akin yung card ko ay inabot na niya din ang kulay matte black paper bag. "Thank you for you purchase come again Ma'am," nakangiting pagpapaalam sa akin nung sales lady. Paglabas ko sa shop ay may nakita kong pamilyar na mukha. I know it's him kahit siguro malayo siya ay alam ko siya yun. Naglakad ako palayo sa shop at naglakad palapit sa kanya. Noong nakalapit ako sa kanya at para ito nagulat noong nakita niya ako. "S-shana!" he said with a shocked expression on his face. "Julien! it's been a while. Kamusta ka?" naka ngiti kong bati sa kanya. Para naman itong nagulat sa pagbati ko sa kanya. "You are not mad anymore?" "Ano kaba matagal na yon. Naka move on na ako noh. Atsaka hindi ba pwedeng maging kaibigan?" "I'm just surprised na kinausap mo ako. You are so mad to me noong huli kita nakita." "Sus that was a long time ago no. Marunong naman ako magpatawad," sabi ko sa kanya habang nakangiti padin. "Thank you, Shana. I'm doing great naman dito sa manila Ikaw ba? I heard my boyfriend kana." "Uyy kanino mo nalaman. Nakakhiya," sabi ko at pakunwa kong binabangga ang kanyang braso. Natawa naman siya sa aking ginagawa. "Nabanggit ni Shaun noong natanong kita sa kanya. Noong una nga akala ko siya yung bago mo eh," tumatawang sabi nito sa akin. "Ha? Si Shaun? Ang daldal talaga ng kupal na yon! Atsaka anong siya bago ko, parang kuya ko na nga yun eh." "Nabanggit nga niya sa akin. Kumain kana ba? Gusto mo kumain my treat." Pagyaya nito sa akin. Tatanggi sana ako kaso biglang tumunog ang tiyan ko. Ramdam na ramdam ko yung hiya noong narinig niya ito ang ngumiti siya sa akin. "Dahil narinig mo na din ang tiyan ko papayag na ako," sagot ko sa kanya. Nag-umpisa na kaming maglakad. Nag-offer siyang dalhin ang mga paper bag dala ko per hindi ko binigay sa kanya dahil nakakahiya. ililibre na nga niya ako ng pagkain papadala ko pa ang pinamili ko sa kanya. "Saan mo gustong kumain Shana?" "May isusuggest ka ba? I'm new here in Manila. I bet mas alam mo ang mga kainan dito," ani ko at tinignan ko siya na may ngiti sa aking labi. Julien is my firt heartbreak. Siya din ang unang lalaki na naging crush ko well except kay Clyden. Kaya kahit gano'n ang nangyari sa relasyon namin ay hindi ko padin maiwasang hindi pakitunguan ng maayos. He's a kind person and I know it masyado lang siyang nabulag sa katuwaan nilang magkakaibigan kaya siya pumayag noon. I saw his regret when, I encountered him at school for the last time. "May alam kong fast food na siguradong magugustohan mo," masayang sagot nito pabalik sa akin. "Talaga? Siguraduhin mong magugustohan ko yan ah!" "Magugustohan mo dun promise." Ilang minuto pa kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa isang fast food chain. Nasa labas pa lang kami pero amoy na amoy ko na ang masarap na aroma mula sa loob. "See wala pa tayo sa loob naglalaway kana!" tawang-tawang sabi ni Julien sa akin at tinuturo pa niya ako. Na-conscious naman ako at pinunasan ko ang bibig ko kahit namab na wala talaga laway na tumulo. Hinampas ko naman ang kanyang braso pero tuloy padin siya sa pagtawa sa akin. "Napaka mo talaga!" asar na sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya at pumasok na sa loob nang fast food chain. Sumunod naman ako sa kanya papasok . "Maghanap ka ng table natin Shana ako na bahala mag-order sa ating dalawa," bulong nito sa akin noong makalapit ako sa kanya. "Sige, kapag hindi masarap yang inorder humanda ka sa akin." "Masarap to akong bahala." Iniwan ko na si Julien doon para maghanap na ng table. Since ayaw ko dun sa may glasswall ay pinili ko yung sa may pinaka dulong table dito. Umupo ako at ipinatong ko yung mga paperbags sa isang upuan. Habang hinihintay ko si Julien ay kinuha ko ang phone ko. Nagulat naman ako ng may makita akong text si Clyden sa akin. From Alaric ♡; You will look so beautiful on that dress, Shana. Anyway text me kapag nakauwi kana ha? Mag-iingat ka. Napangiti ako noong mabasa ko ang text ni Cly sa akin. Rereplayan ko sana siya ng biglang nagsalita mula sa likod ko si Julien. "Si Clyden ang boyfriend mo?" gulat na gulat niyang tanong sa akin. "Ha?" "Nahagip ng mata ko yung nasa screen mo. Text ni Clyden yun sa'yo diba?" ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD