Chapter Twenty Three
Hindi ako nakasagot kay Julien sa tanong niya sa akin. I didn't expect na makikita niya yung text ni Clyden sa phone ko.
Tinignan ko siya na nakaupo ngayon sa harapan ko at naghihintay ng sagot mula sa akin. Nagdadalawang isip ako na sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Clyden. I want Clyden permission bago ko sabihin kahiy kanino ang tungkol sa aming dalawa.
"Close naman talaga kami ni Clyden noon pa kaya normal lang na gano'n siya mag-text sa akin," kinakabahan kong sabi sa kanya.
"You sure? Sayang naman. I find you two very perfect for eachother pa naman," sambit nito habang pinaglalaruan niya yung order number namin.
"Ano ba pinagsasabi mo," I said and let out a nervous laugh.
"Hindi mo napapansin?"
Hindi ko alam kung ano sinasabi nitong si Julien. Binigyan ko siya ng naguguluhang tingin at ngumiti siya sa akin.
"Clyden is always staring at you kapag nasa gym kayo and nanonood ka ng practice namin. Lagi ko siyang napapansin, kahit malayo ang kinauupuan niya ang tingin niya ay nasayo. There was a time na may kamasa siya pero yung tingin niya nasa'yo."
Hindi ko napigilan mapangiti sa sinabi ni Julien. I know that Cly loves me I didn't know he's this whipped.
"Totoo na yan? Baka pinagloloko mo ako ah!"
" Totoo nga. So tell me did he make a move on you? Kasi kung hindi para siyang tanga," natatawang sabi ni Julien sa akin. He might be worthy to know my relationship to Cly.
"Well yeah. Simula noong nagsimula ang grade 9," nahihiya kong sabi sa kanya.
"Took him so long huh. Pero congrats sa inyong dalawa. You look good together," nakangiting sabi ni Julien sa akin.
I was so happy to see him again after years of not seeing him. Julien is kind, may nagawa man siya dati that doesn't make him a bad person. All of us made mistakes in the past and it's not important kung ano ito ang importante ay nagsisi tayo sa mga kasalananh nagawa natin.
Maghapon ko nakasama sa mall si Julien he told me a lot of stories. He said na mayroon na siyang napupusuan kaya lang ay natatakot siyang lapitan ito.
"Sus bakit ka naman natatakot?" tanong ko sa kanya habang palabas na kami nung fast food chain.
"Natatakot ako na magmahal ulit. Ayaw ko na may masaktan ako ulit Shana," sagot niya sa akin. He seems down now.
"Julien come on. Hindi mo siya masasaktan okay? Nagsisi ka naman sa mga nagawa mo eh."
"But-"
"No buts if you really love this girl make a move like you said. Kagaya noong ginawa mo, ikaw ang unang nag-approach sa akin."
"Are you sure?"
"Oo naman no! Huwag ka mag-aalala magugustohan ka nung babaeng gusto mo if you will regain your confi again."
"Shana thank you talaga. You are so kind to me kahit gano'n ang nagawa ko noon sa'yo."
"Matagal na yun at matagal na din kita napatawad kaya go and get your girl."
Julien and me separated ways noong palabas na kami ng mall. Nag-offer pa siya na ihahatid niya ako pero tumanggi na ako.
Tinawagan ko si Kuya Riko para sunduin na ako. Habang hinihintay ko siya ay bumalik ako sa loob para bumili ng tinapay dun sa bake shop sa loob. Malapit lang naman ito sa entrance kaya kaagad din ako makakalabas kapag dumating na si Kuya Riko.
"Hi do you have garlic bread?" tanong ko sa sales lady na sumalubong sa akin sa shop pagpasok ko.
"Nasa may counter po yung garlic bread Ma'am," sagot niya sa akin haban inilahad ang kanyang kama paturo sa counter.
After kong makabili ng garlic bread ay lumabas na ako dahil baka naghihintay na si Kuya Riko sa labas. Paglabas ko ay wala pa siya naman kinuha ko muna yung phone ko para matignan kung nagtext siya sa akin. May nakita akong missed call from Clyden. Tinawagan ko siya kaagad para malaman kung bakit siya tumawag na walang text after ng tawag niya.
"Cly? Is there something wrong?" tanong ko sa kanya pagkasagot ko sa tawag.
"I thought nakauwi kana kaya tumawag ako," sagot niya sa akin in a low voice.
"Pauwi pa lang ako. Hinihintay ko si Kuya Riko na sunduin ako dito. Ikaw what are you doing right now?"
"Pinagbabati namin sina Aiden at Annia," mahina niya ulit sagot sa akin. Nagtataka na ako kung bakit hinihinaan niya ang kanyang boses.
"Nag-away sila? Atsaka bat hinihinaan mo ang boses?"
"Yung kahapon kasi nasigawan ni Aiden si Annia. Tagtatago kasi kami, kunwari ay silang dalawa lang ang nasa bahay."
"Plano niyo ba ni Dax yan?"
Sakto naman ang paghinto ni Kuya Riko sa harapan ko kaya sumakay na ako sa backseat.
"Si Tita Cali ang nagplano nito. Napansin niya din kasi na parang magkagalit yung dalawa." Nagsusuot ako ng ng seatbelt habang pinakikingan ko si Cly na magsalita. Inilagay ko naman sa tabi ko yung mga paperbags ng mga pinamili ko kanina.
"Yan naman kasing pinsan niyo ang hina. Hindi pa umamin kay Annia. Nakasakay na pala ako sa kotse namin," sambit ko habang inaayos ko ang pagkakahawak ko sa aking telepono.
"Shana not all people are ready to voice out their feelings come on. Atsaka iniisip din ata ni Aiden na kung paano muna siya makikipag-ayos kay Annia. Okay, mag-iingat kayo, take a rest kapag nasa bahay kana."
"Kung sabagay. Galingan niyo sa pagbabati sa dalawa para naman magka-bff na ako. Tawag kita later. Ibaba ko na ang tawag."
"Okay, take care. I love you," Clyden said with soft voice and he hums after that.
"I will. I love you too." At ibinaba ko na ang tawag. Inilagay ko sa bag ang phone at itinuon ko ang aking pansin sa dinadaanan namin.
Napansin ko na palubog na araw. Gano'n ba kami katagal magkausap ni Julien sa mall kanina at hindi ko napansin ang oras. Well madami kaming kinatch up na pangyayari sa buhay namin kaya normal lang siguro yon.
Pagkadating ko sa bahay ay sinalubong ako ni Ate Mari. "Miss Shana, tulungan ko na po kayo."
"Nako Ate Mari huwag na kaya ko naman ang mga to," pagtatangi ko sa kanyang alok. Mukhang may ginagawa siya sa kusina at lumabas lang kasi narinig niya ako dumating.
"Are you sure Miss Shana?"
"Oo naman Ate Mari. Mukhang may ginagawa pa po kayo sa kusina ah."
"Naghahanda na po ako ng hapunan Miss Shana may gusto ka po bang kainin?"
"Kahit ano okay lang sa akin Ate Mari. Sige akyat na ako sa taas."
Pumasok na ako sa aking silid at ipinatong ko sa aking bed ang mga dala ko. Una kong inalis sa paper bag yung relo na binili ko for Clyden. Binuksan ko yung box at tinignan kong muli yung relo napakaganda talaga nito. Inilagay ko siya sa side table ko at yung mga damit na pinamili ko ay inilagay ko sa basket para sa dy cleaning bukas. Nahuli kong kinuha yung garlic bread dahil kakainin ko agad ang mga ito.
Habang kumakain ako ng garlic bread ay tinext ko si Clyden.
To Alaric ♡;
Nakauwi na ako. I'm just going to finish my garlic bread then maliligo na ako. Kamusta ang pagbabati niyo sa dalawa?
Ipinatong ko sa side table ko sa tabi nung relo ang phone. Tumayo na ako sa bed at dumeretso sa banyo para makaligo. Natetempt akong mag-bath tub pero baka tinatamad na akong nag-prepare ng tub, kaya nag shower na lang ako. After kong naligo ay nagsuot ako ng bath robe. Pumasok ako sa adjacent door papunta sa walk in closet ko at kumuha ako ng pantulog. Nagsuot ako ng black silk terno pajama.
Lumabas ako sa walk-in closet at pinatuyo ko ang aking buhok sa vanity table ko. Nakalimutan kong inalis yung mga jewelry na suot ko kanina kaya ngayon ko lang inaalis ang mga ito.
"Miss Shana tawag na po kayo ni Madam Rina," rinig kong sabi ni Ate Mari mula sa labas ng aking silid.
"Pasabi po na baba na ako," sagot ko sa kanya at sinuklayan ko ang aking buhok bago tumayo.
Kinuha ko ang aking telepono bago ako lumabas ng aking silid. Habang naglalakad ako ang binuksan ko yung text ni Clyden sa akin.
From Alaric ♡;
Okay. Kumakain na kami ng dinner. Nagbati na yung dalawa but parang civil parin sila sa isa't-isa.
To Alaric ♡;
Kadarating lang nina Mommy baka kakain na din kami. That's good baka tawagan ko si Aiden mamaya.
Nakababa na ako at hindi ko nakita sina Mommy sa sala, kaya naman dumeretso na ako kusina for sure nandon na sila.
"Shana darling, did you enjoyed your day?" salubong na tanong ni Mommy sa akin pagpasok ko sa kusina namin.
Nilapitan ko silang dalawa ni Daddy at hinalikan ko sila sa pisngi bago ako umupo. "Nag-enjoy naman po ako Mommy."
"That's good to hear honey. Bukas ay magaa kami ulit aalis at gabi na makakabalik make yourself busy and do whatever you want ha?" ani naman ni Daddy sa akin. Tumango ako sa kanya habang nakangiti.
Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami ay naisip ko na hindi ko pa pala nasabi sa kanila na mayrelasyon kami ni Cly. Hindi ko alam kung dapat ko din bang sabihin sa kanila. They just know that me and Cly are close kaya hindi nila pinagtatakan kung bakit siya ang kasama ko.
Hanggang sa matapo akong kumain ay yon ang iniisip ko. Nagpaalam na sa akin sina Mommy na aakyat na sila sa taas habang ako ay nagpaiwan sa sala namin. Binasa ko yung text ni Cly sa akin kanina bago kami kumain.
From Alaric ♡;
Eat well Shana. I'm gonna be busy this night, just tell me kapag matutulog kana. I might not reply to you, but I'm going to reply kapag tapos na ako.
To Alaric ♡;
Okaaayyyy ^_^ lalabas lang ako I'm going to take a night walk.
Ibinulsa ko ang aking phone pagkareply ko kay Clyden. Lumabas na ako sa bahay namin at nagpaalam ako sa isang guard namin baka kasi hanapin ako.
Habang naglalakad ako sa sidewalk ay tumitingin ako sa piligid. Walang masyadong tao dito sa subdivision namin. Kung mayroon man ay nag-jo-jogging lang ang mga ito. Our subdivision is private at mostly business people ang nakatira dito kaya walang masyadong tao na pagagala gala dito.
"Shana!" Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko si Julien na palapit sa akin. Ano ginagawa niya dito?
"Julien? Ikaw nanaman ano ginagawa mo dito?"
"Binibisita ko yung pinsan ko dito. Ikaw dito ba yung bahay niyo?" tanong nito sa akin at tinignan ang suot ko. I'm still wearing my pajama and a pair of black slippers.
"Yep! namamasyal lang ako kasi ngayon lang ulit ako sumama kina Mommy dito. Pangalawang besis na kita nakita ngayon ah. Malapit ko ng isipin na gumagawa ka lang ng paraan para makita mo ako."
"Kapal naman oh. Hindi ko nga alam na dito ka nakatira eh."
"Oo na sige. Mauuna na ako." Kinawayan ko siya at lumiko ako sa isang kanto. Alam ko kung saan ito papunta, don sa isang mini park dito sa area namin.
Umupo ako sa isa sa mga swing at dinail ko ang number ni Aiden. Kaagad naman niyang sinagot ang tawag ko.
"Hello Shana?"
"Kamusta lover boy? Nagkabati na kayo ni Annia?" tanong ko sa kanya.
"Sinabi ni Clyden sa'yo no? Sinet up nila kami kanina kasama si Mama."
"Oh nagbati naman kayo?"
"Ewan? She might consider it sabi niya."
"Sus! di pa kasi umamin e. Gold ka ba?"
"Sira! tigilan mo ako. Ikaw may nabalitan ko na kasama mo si Julien kanina ah!"
"Hoy! kanino mo nalaman yan?"
"Si Shaun nasabi daw ni Julien sa kanya. Nasabi mo na ba kay Cly yan?"
"Hindi pa, nakakalimutan kong sabihin sa kanya e huhuhu," sambit ko habang tumitingin sa paligid ko. May naramdaman kasi akong nakatingin sa akin.
"Bahala ka kapag nalaman niya yan magseselos yun!"
"Shut up Aiden! Hindi gano'n si Clyden no!"
Lumingon muli ako sa likod ko dahil may nararamdaman talaga akong nakatingin sa likod ko. Pero pagtumitingin ako ay wala naman, guni-guni ko lang ba yun?
"Baha-"
"Aide I think uuwi na ako. Tawagan kita later."
"Nasa labas ka? Gabi na ah! Huwag mo ibaba ang tawag."
"Bakit?" Tumayo na ako sa swing at nagsimulang maglakad pabalik ng bahay namin.
"Mas okay na may kausap ka kapag naglalakad ka na mag-isa."
Habang naglalakad ako ay ramdam ko padin na may nakasunod sa akin. I trie to ask some random questions to Aiden para patuloy ang pag-uusap namin.
"Hey nasa kanto na ako, nakikita ko na ang bahay namin."
"Okay mag-iingat ka ha? Sumusunod paba siya?" tinext ko siya kanina noong binababa ko ng kaonti ang phone ko.
"Noong makaliko na ako ay nawala siyang bigla. Papasok na ako byee," ani ko at pinatay ko na ang tawag. Pagpasok ko sa loob ay linock kaagad ng guard namin ang gate.
"Miss Shana lalabas pa po ba kayo?" tanong niya sa akin.
"Hindi na po kuya. I-lock niyo na po ang gate at ng makapagpahinga na oo kayo," ngiti kong sambit sa kanya at dumeretso na ako ng pasok sa bahay namin.
Nagpunta ako sa kusina upang kumuha ng maiinom. Medyo napagod ako sa paglalakad ko kanina. Kinuha ko yung isang pitchel ng malamig na tubig at nagsalin ako dun sa baso ko at uminom pagkatapos. Ramdam ko din ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba ko noong maramdaman ko yung sumusunod sa akin. Ang creepy naman nun, this is a private subdivision for sure nakatira lang dito yung kanina.
Maybe I should just stay sa bahay namin. Huwag na muna siguro akong lalabas labas ng mag-isa. Hintayin ko nalang na dumating si Clyden para may makasama ako na umaalis.
Days have passed and nag-stay na lang ako sa bahay namin dahil dun sa nangyari noong isang gabi. Nanonood ako ng tv, nagbaba sa ng libro and minsan naman ay kausap ko si Cly sa telepono. Ganon yung mga naging routine ko nakalipas na araw at ngayon ay ganon ulit. Heto ako ngayo nakahilata sa sofa namin habang nanonood ng movie.
"Miss Shana may naghahanap po sa inyo. Nasa labas pa po ng subdivision tumawag po yung gaurd sa gate." Napalingon naman ako kay Ate Mari na biglang nagsalita sa likod ko. Napaupo naman ako at tinignan ko yung phone, nakita ko na may text si Cly sa akin.
"Ate Mari si Cly yun pasabi dun sa guard na papasukin siya," sabi ko kay Ate Mari. Nagmadali naman akong nagsuklay dahil sa kanina pa ako nakahiga ay naging magulo ang buhok ko.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakaramdam ako ng may biglang humalik sa pisngi ko mula sa likod. Napalingon naman ako at kaagad akong napangiti noong nakita ko si Clyden. Tumayo ako sa sofa at niyakap ko siya, ang tagal kong hindi nakita si Clyden at ngayon na nakikita ko na siya naramdaman ko ang pagkamiss ko sa kanya.
"Cly!! You are here, namiss kita huhuhu," sabi ko sa kanya habang nakayakap padin ako sa kanya.
"Namiss din kita Shana. Voice calls are not enough to relived how much I missed you," he said with at soft voice. Naramdaman ko din ang paghaplos niya sa aking likod.
"Buti ay napaaga ang pagpunta mo dito?" tanong ko sa kanya. Lumayo ako ng kaonti pero ang mga kamay ko ay nakalagay pa din sa likod ng leeg niya.
"Napaaga ang alis ni Annia sa mansyon kaya noong makauwi siya sa kanila ay nagmadali na akong magpunta dito," sagot no Clyden habang dahan dahan niyang inaalis ang mga buhok na napunta sa mukha ko.
"Kaya pala, I'm so happy na dumating kana. Wait sit here mag-aayos lang ako sa labas tayo kakain."
Tumakbo ako paakyat sa kwarto ko para magbihis. Nagsuot ako ng black chiffon sleeves above the knee dress. Bago ako lumabas ng kwarto ay kinuha ko yung box nung relo na ibibigay ko kay Clyden. Inilagay ko ito sa hand bag na dala ko ngayon.
Pagdating namin ni Cly sa restaurant ay nag-order kaagad kami ng pagkain. Mukhang gutom din siya ngayon kaya naman hindi na ako nagtaka na may kanin ang kanyang inorder.
"Nag-drive kaba papunta dito?" tanong ko sa kanya habang naghihintay kami ng aming order.
"Oo, dumeretso na ako sa bahay niyo padating ko sa manila."
"Nagpahinga ka muna dapat!"
"I wanted to see you. Nawawala naman ang pagod ko kanina noong niyakap mo ako." Ramdam ko naman ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi ni Clyden.
Hinawakan niya ang kamay ko na nasa table. He caressed it with his thumb finger and slightly squeezed my hands. I sweetly smiled at him and then he kissed the back of my hands.
"Clyden oh my God!" mahina kong sigaw. Nagulat ko sa kanyang dahil hindi ko inexpect na gagawin niya yun habang nasa restaurant kami.
"Why you don't like it?" tanong niya sa akin na parang nagulat don sa sinabi ko.
"N-no I like it. Nagulat lang ako I didn't expect na gagawin mo yun dito."
"Nahihiya ka ba?" Malawak ang ngiti niya ngayon na nasa kanyang labi.
"Medyo, ang daming tao sa restaurant eh. Mayroon nakakakita sa atin dito," sagot kay Clyden.
Inilibot ko ang aking paningin. May iilan na sumusulyap sa amin yung iba naman ay busy lang sa pagkain. Nakahinga ako ng maluwag noong walang masyadong nakapansin dun sa ginawa ni Clyden kanina.
"Don't worry about them come on." Uulitin niya sana ang paghalik sa kamay ko ngunit hinila ko na ang kamay ko sa kanya. Tumawa naman siya noong itinago ko sa ilalim ng lamesa ang kamay ko.
"Inaasar mo na ako!"
"Ang cute mo kasi na namumula ang iyong pisngi."
"Shut up, Clyden!" Inirap ko siya at patuloy padin siya sa pagtawa. Hanggang dumating ang order namin ay patuloy padin ang pag-iinis niya sa akin.
At noong kumakain na kami ay nanahimik siya dahil mukhang gutom na gutom ito. Tuloy tuloy kasi ang kanyang pagkain. Nakatingin ako sa kanya habang dahan dahan akong sumusubo ng pasta na inorder ko. At noong napansin ko na medyo patapos na siya ay inilabas ko yung box at ipinatong ko ito sa table.
Napatingin siya doon sa box na ipinatonh ko sa table at tumingin siya sa akin, "What's this?"
"My gift for you," nakangiti kong sambit. I intertwined my hands and I placed my chin on them. I'm waiting for Clyden to open the box, because I wanted to see his reaction.
"Gift? My birthday is still months from now?" nagtatakang tanong nito habang nagpupunas ito ng kamay.
"Kailangan bang may occasion para mabigyan kita ng regalo?" tanong ko habang nakangiti padin.
Kinuha niya yung box at dahan dahan niyang binuksan ang box. Nagulat siya noong mabuksan niya ito at nakita ang laman nang box. Tinigan niya ang relo then ibabalik niya sa akin ang kanyang tingin. He look really confused right now.
"Ayaw mo na mg watch?" Nawala ang ngiti ko sa aking labi noong nakita ko ang kanyang reaction.
"I like it. But alam mo ba ang meaning ng pagbibigay ng watch sa lalaki?" tanong niya sa akin habang inilalabas niya ang relo sa box.
"What? Masama ba ang meaning? Does it mean maghihiwalay tayo??? Gosh Nasaan na yan itatanpon ko na!"
"Calm down. It's not a bad meaning, in fact it was a sweet one. Besides rolex to this might cost a lot." Inabot niya sa akin yung relo inilahad ang kanyang kamay sa harap ko. Gusto niyo na ako magsuot nito sa kanya?
"Sabihin mo yung meaning sa akin. Pake ko sa presyo nito kung maghihiwalay din naman tayo." Ipinasuot ko sa kanya ang relo at napangiti ako noong sakto ito sa kanya wirst. Napakaganda ng relo at bagay na bagay sa kanya.
"It means that my time is yours and your time is mine," Clyden said. Napanganga naman ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam na may gano'n palang ka romantic na meaning yung rinegalo ko sa kanya.
I just bought that watch because I know that it would look good at him and I find it attractive when men wear a silver rolex wrist watch. Plus yung nakaroll hanggang braso ang kanilang sleeves. Ugh! It's so attractive iniimagine ko palang si Clyden na ganon ang suot at kinikilig na ako.
"That is so romantic, Clyden. Omg hindi ko alam na may meaning pala ang pagreregalo ng ganito."
"So you just bought it dahil maganda?"
"Yes! naisip ko din na babagay sayo kaya ko binili," nakangiti kong sambit sa kanya. Nagulat naman ako noong kinurot niya ang pisngi ko.
"You are so cute, Shana. God I'm so in love with you right now."
~~