Chapter Seventeen

3628 Words
Chapter Seventeen Para akong nabuhusan ng malamig na tubig noong nakita ko ang pagtataka sa mukha nina Mommy. Kaagad akong nag-isip ng pwede kong irason lalo na't nakatingin din si Cly sa akin and he's looki me directly into my eyes. Parang nanlambot ang mga binti ko sa tingin niya ngayon sa akin. "A-ang akala ko kasi hindi ka sasama. I thought sina Tita Anna lang ang pupunta dito sa amin," kinakabahan kong sagot. "You really thought na hindi ako sasama?" tanong ni Cly sa akin. Umupo ako sa bakanteng sofa dahil kung magtatagal akong nakatayo ay baka mapaupo ako sa sobrang nanlalambot ang mga binti ko. "I just though na busy ka," sagot ko. Lumingon ako kina Tita Anna na wala na sa amin ang attensyon ngayon. "I'm not busy Shana what what made you think of that?" tanong ni Cly sa akin. Sinubukan kong huwag siya tignan dahil parang hindi ako makakalma dahil damang dama ko padin ang tingin nito sa akin. Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil nagyaya na sina Mommy na magpunta sa kusina upang makakain na kami. Inunahan ko si Cly ayaw ko siyang makasabay na maglakad na kaming dalawa lang dahil baka kausapin niya ako at matalisod ako. Pagpadating namin sa kusina at kaagad akong tumabi kay Mommy baka kapag si Tita Anna ang tumabi sa kanya ay si Cly ang makatabi ko. Sinulyapan ako ni Cly naumupo sa upuan na nasa harapan ko. Naka gitna siya ngayon kina Tita Anna at Tito Cyniel. Ginawa ko ang lahat para maiwasan ko ang kanyang mga tingin sa akin. Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay naalala ko ang nakangiti niyang mukha kapag kasama si Annia. "Shana Hija ang sabi ng Tita Anna mo sa akin you love her pastries," ani ni Tito Cyniel napahinto naman ako sa pag-iisip noong narinig ko si Tito. "Ah Opo Tito ang sarap po kasi. Lalo na po yung chocolate mousse ni Tita Anna." "Nako kaya pala ginugulo niya ako mamili ng mga ingredients kagabi. Ipagbebake ka daw niya," nakangiting sabi ni Tito Cyniel sa akin. Napalingon ako kay Tita Anna na namumula sa hiya ngayon dahil sa sinabi ni Tito Cyniel. "Nako masyado mong inispoil itong si Shana, Anna," ani naman ni Mommy at lumingon ito sa akin. "Ano kaba naman Rian parang anak ko na din tong si Shana eh," sagot ni Tita Anna at ngumiti siya sa akin. Ngayon ay ako namumula sa sinabi ni Tita Anna, nararamdaman ko padin ang mga titig ni Cly sa akin. "Kung sabagay lumaki si Shana na lagi kayong nandiyan," sagot naman ni Daddy. Tumango tango naman si Tito Cyniel. "Oo nga parang kailan lang noong tumatakbo takbo pa siya sa buong sala ngayon dalaga na siya. May nanliligaw na ba sa'yo?" "Walang nanliligaw sa kanya papa." Mabilis akong napalingon kay Clyden noong siya ang sumagot sa tanong ni Tito. "Paano mo nalaman?" nagtatakang tanong ni Tita Anna kay Cly. "Anna laging kasama ni Shana yang sina Cly kaya alam niya siguro," sagot naman ni Mommy. Nagtuloy sila sa pag-uusap sina Mommy habang ako ay naka awang parin ang aking bibig dahil sa sinagot ni Cly kanina. Nag-rereplay sa utak ko ng paulit ulit ang kanyang boses at nakakainis. Bakit ba siya ang sumagot? Shana ba pangalan niya? Sinulyapan ko siya at noong nakita ko na nakatingin din siya sa akin at inirap ko siya. Sa buong pagkain namin ay nanatili akong tahimik at hindi nakisali sa pinag-uusapan nila. Hanggang sa matapos kumain ay naging tahimik ako. Umakyat ako sa silid ko habang sina Mommy naman ay nagpaiwan sa sala. Hidni ako kaagad nagbihis pagdating ko sa kwarto ko umupo muna ako sa bed at kinuha ko ang phone ko. Ilang minuto lang ang lumipas pag-upo ko ay narinig ko na may kumakatok sa pintuan ko. Hindi ko pa binubuksan ang pintuan ay alam ko na kung sino ang kumakatok. "What do you want?" tanong ko hindi ko binuksan ang pintuan. Kapag pinapasok ko si Cly sa kwarto ko ay for sure mag-s-stay siya dito sa loob. "Let's talk?" tanong nito sa akin. Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko siyang papasukin sa kwarto ko. Alam ko kung saan aabot ang let's talk niyang yan, baka mapaaamin ako ng wala sa oras. "Ayaw ko. Pagod ako Cly matutulog na ako," walang gana kong sagot kay Cly. Nararamdaman ko nasa may pintuan pa din siya ngayon. "Iniiwasan mo ba ako? Hindi ka naman mukhang pagod kanina ah?" "Ayaw kita makausap, Cly!" "Why?" he's voice is low and calm right now. "Hindi mo na kailangan pang malaman. Umalis kana kasi hindi ko bubukasan ang pintuan," naiinis ko na sabi sa kanya. "May nagawa ba akong masama o di kaya ayaw mo?" "Wala! just don't talk to me." "Shana," mahina niyang tawag sa akin. I know na hindi ako titigilan ni Cly lalo na't gano'n ang mga naging sagot ko sa kanya. "Stop it!" "Shana open the door pag-usapan natin kung ano man yan," tawag niya muli ngunit hindi na ako sumagot. '"Shana, hey!" sabi nito at sabay na kumatok sa pintuan ko. "Stop calling me Shana and leave me alone!" sigaw ko sa kanya. Napapikit ako matapos kong sabihin yun ay narinig ko ang paglakad niya palayo sa pintuan ko. Humiga ako kaagad sa higaan ko at ibinalot ko ang aking sarili sa aking kumot. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko sa inis ko sa aking sarili. Cly is begging me to open the door pero inuna ko ang inis at selos ko sa kanila ni Annia. Kaya hero ako ngayon umiiyak at nasasaktan sa sarili kong gawa. Umiyak ako hanggang sa nakatulog ako, ilang besis nag ring a phone ko pero hindi ko ito sinagot hinayaan ko itong mag-ring lang ng mag-ring. Kinabukasan ay nagising ako sa sinag ng araw na nagmumulasa bintana ko. Nakalimutan ko palang isara ang mga kurtina sa kwarto ko dahil sa nangyari kagabi. Ramdam na ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko. Suot-suot ko pa ang dress na suot ko kagabi. Dumeretso naman ako sa banyo para makaligo na ako bago ako bumaba. Sunday ngayon for sure ay nandito sina Mommy, tuwing sunday kasi ay hindi sila pumapasok ni Daddy. Pagkatapos kong maligo at nagbihis ay bumababa na ako. "Shana, anak okay kana ba?" nag-aalalang tanong ni Mommy sa akin noong nakita ko sila sa baba. "Ha? O-ok-ay na man po ako Mommy. Bakit niyo po natanong?" nagtatakang tanong ko kay Mommy habang paupo ako sa sofa. "Ang sabi kasi ni Cly kagabi ay biglang sumama ang pakiramdam mo. Kaya naman buong gabi ay hinayaan ka nalang naming magpahinga," sagot ni Mommy sa akin habang dinadama niya sa likod ng kanyang palad ang aking temperatura. So hindi niya sinabi na nagkasagutan kami kaya hindi na ako lumabas ng kwarto ko. Nag-stay ba siya o noong nasa kwarto na ako ay umalis na din siya. "Ah opo medyo nahilo lang po ako Mommy. Dahil po siguro sa kakagising ko lang ay naligo kaagad ang ng malamig na tubig," pagdadahilan ko. Kitang-kita naman sa itsura ni Mommy ang pag-alala sa akin. Parang hindi ko maatim sa aking sarili na nagsisinungaling ako ngayon kay Mommy, but what can I do? umamin na inaway ko si Cly kagabi? Baka palaglitan pa ako ni Mommy na inaway ko si Cly. At baka malaman pa nila na may gusto ako dito. Ayaw konh malaman nila na may gusto ako sa kanya dahil baka bigla silang mag arrange ng kasal para sa aming dalawa ni Cly. I don't want to force Cly to love me If he love some else now even if he said that his love won't fade I won't interfere to them, as long as he's happy. "Shana anak okay kana?" Napalingon naman ako kay Daddy na pababa ng stairs ngayon mukhang bagong gising din. "Opo, Dad. Paggising ko po kanina ay okay na pakiramdam ko," sagot ko kay Daddy at ngumit ako sa kanya. "Mabuti naman kung gano'n. Kumain naba kayo?" tanong pa ulit ni Daddy at tinignan niya kaming dalawa ni Mommy. "Nag-pe-prepare pa ng makakain si Manang, hon." Nakatingin lang ako kina Mommy at Daddy ngayon. Nilapitan kasi siya ni Mommy kanina habang pababa siya sa hagdanan. "Gano'n ba sabay-sabay na tayong kumain. Once a week lang natin magawa to kaya naman sulitin natin," ani ni Daddy noong makababa na sila mula sa hagdanan. Habang tinitignan ko sin Mommy at Daddy ay napapaisip ko na sa future ba ay ganyan din kami ng makakatuluyan ko?Like ilang taon ng kasal sina Mommy at Daddy pero mahal parin nila ang isa't isa. Their love of eachother is like a permanent ink that won't fade away no matter how decades will pass. I just wish I could meet someone that is like my father, because I heard that he likes Mommy since grade school they are practically childhood sweetheart. "Shana! kinakausap ka ng Daddy mo." Para naman akong bumalik sa totoong buhay sa pagtawag sa akin ni Mommy. Napalingon kaagad ako sa kanilanh dalawa ni Daddy. "Sorry ano nga po ulit sinasabi niyo Dad?" tanong ko at ibinaling ko ang tingin ko kay Daddy. "Ayaw mo bang imbitahin ang magpipinsan dito?" "Bakit po Dad?" "Tagal na ata nung huli ko makita yung tatlo na magkakasam dito eh. Madalas ay si Aiden lang ang nagpupunta sa bahay. Naka away mo ba yung dalawa?" "Oo nga you and Cly seems so distant to eachother," ani naman ni Mommy. So napansin nila yun? I really thought na hindi nila ito napansin kagabi dahil wala silang binangit tungkol dito. "Ha? Hindi po kami nag-away Dad. Medyo masama lang po talaga pakiramdam ko kagabi kaya gano'n." Medyo kinakabahan ako ngayon dahil baka mapagalitan pa ako nina Mommy. Pero nakahinga naman ako ng maluwag moong tumango ito sa akin. Sakto naman ang pagtawag sa amin ni Manang na handa na ang almusal namin. Habang kumakain ay nagkukwento ako ng kung ano ano na nangyari sa akin buong linggo ko sa school. Mayroong improvement na nagaganap, well girls still hates me but others are looking up at me especially yung mga younger year level sa amin. Pati na rin ang mga lalaki na kaklase ko ay nag-uunahan na makasali ako sa group nila. They would always fight to get me, kaya halos lahat ng leader sa group projects namin ay lalaki. Then I remember noong nakaraang buwan may nag-iiwan na red rose sa armchair ko pero hindi ko alam kung sino nag-iiwan. Nakakalahati ko na ang school year at sa tingin ko I like grade 8 a lot better than grade 7. Some girls might hate me mayroon naman iilan na sumusubok makipag-usap sa akin. "I'm glad na may naririnig na akong kwento mo na may kasundo ka na sa mga kaklase mo," ani ni Daddy at nakangiti ito sa akin. "Ako din, parang noon nakaraan sinasabi mo na wala kang ka-group kasi ayaw nila sa yo," sabi naman ni Mommy na nakaupo sa katapat kong upuan. "Masaya din po ako. I just hope na mas mag-iimprove pa po ito." That day went on like our normal sunday. At heto na ako ngayon papasok na ako sa school. Hindi ko na tinawag yung tatlo dahil alam ko na si Aiden lang nag pupunta. Usually kasi nasa Manila si Dax kapag sunday, si Cly naman ay ewan ko. I really don't know kung ano na ginagawa niya ngayon, pero baka kasama niya si Annia who knows. "Goodmorning, Shainna." "Hi Shainna" Ngumiti lang ako sa mga grade 7 na nakasalubong ko habang papasok ako ng school. Yung ibang higher grade level ay ang sama ng tingin sa akin, nanonood siguro sila sa laban nina Dax noong Friday. Well ano ba pake ko sa kanila, si Dax nga ay hindi nagalit sa akin e. Pagpasok ko sa room ay may nakita akong sulat na nakapatong sa armchair ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong classroom namin pero wala akong nakikita na pwedeng magbigay nito sa akin. Lahat nang nandito ay may sarisariling mundo. Inilagay ko muna ang bag ko sa upuan at umupo ako bago ko binuksan yung letter. Dear Shainna, You must know na ako din nagbibigay ng roses sa'yo noong mga nakaraang araw. I just find you veru beautiful and charming, but I don’t have enough courage to talk to you in-person kaya sumulay na lang ako. You don't have to know who I am because seeing your confused face when you see the rose on your desk and then later on your smile while smelling it make me happy. Napangiti naman ako noong nabasa ko yung sulat at naguilty din ako ng kaonti, dahil yung mga flowers ay binibigay ko lang kay Aiden. Tas pagdating namin sa canteen ay natapon na niya ito sa mga basurahan. I just hope na hindi niya nakita ang pagtaon ni Aiden ng mga bulaklak na galing sa kanya. Inilibot ko mula ang paningin ko sa classroom namin ngunit wala akong napansin na kahit na sinong pwedeng magbigay nun sa akin. Bumuntong hininga ako at hinayaan ko na lang ito. Sa buong klase namin ay nakalimutan ko din ang tungkol sa letter dahil sa hirap nung lesson sa math. Kahit naman ako ang top 1 sa class namin ay nahihirapan padin ako ah. Grade 8 became a normal grade level to me. Hindi ko masyadong nakikita sina Aiden dahil busy sila. Si Daxon ay masyadong busy sa basketball niya at minsan ko na lang nakikita sa school. Even Shaun ans Jacob are so busy kaya bahay at school lang ang destination ko. Sumasabay namab akong kumain kina Alice at Anne na kahit wala yung tatlo ay sa shs canteen parin kami kumakain. Habang summer vacation naman ay nagpunta kami ng Canada kaya hindi ako nakasama sa beach vacation nila. "Shainna Hi? pwede ka bang mayaya na makasabay mag lunch?" tanong sa akin ng isa sa mga classmates ko na lalaki. He's name is Harris Rodrigo I guess, first day pa lang namin ay nilapitan na niya ako. "Sure! Wala ka bang kasabay?" tanong ko pabalik sa kanya. Parang nagulat naman siya na pumayag ako sa pagyaya niya sa akin. "Wala eh, but also I want to invite you," sagot niya sa akin na parang nahihiya pa. Ngumiti ako sa kanya at tumayo na ako sa kinauupuan ko. Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi noong ngumiti ako sa kanya. "Gano'n ba? So tara na? Nagugutom na ako eh," sambit ko at sinulyapan ko siya. Tumango naman ito at nagsimula na siyang maglakad. Habang naglalakad kami sa hallway ay may mangilan-ilan na napapabaling sa aming dalawa. Harris is quite famous I guess? Siya kasi yung nanalo sa taekwando sa buong Eretria an I guess makikipaglaban siya sa Manila next month. "Ano gusto mong kainin?" tanong nito sa akin noong makarating kami sa canteen. Naninibago ako sa itsura ng canteen dahil sa ilang buwan na lumipas ay sa seniro high kami laging kumakain. "Mayroon bang chilli sauce chicken dito?" Alam ko kasi na iba ang menu sa canteen ng mga shs pati mga jhs. "Wala atang gano'n dito. Yun ba kinakain mo sa shs canteen? Ang alam ko chicken bbq lang ang meron dito," nakangiti nitong sabi sa akin. Tumango ako sa kanya, "Iyon nalang sige. Here." Inaabot ko yung pera ko ngunit umiling lang ito sa akin. "No need, Shainna it's my treat. Maghanap kana lang mauupuan nating dalawa." At umalis na siya at nagpunta sa counter. Naglakad naman ako papasok pa sa canteen para makahanap ako ng uupuan naming dalawa. May napansin ako na bakanteng upuan sa may gitna ng canteen and I like that spot. Naglakad na ako papunt sa table na yun at umupo habang hinihintay ko na dumating si Harris. Yung ibang mga tao dito sa canteen ay nagtataka kung bakit nandito ako tumitingin sa paligid, they must thought na si Aiden ang kasama ko. Ilang minuto pa ang lumipas ay napansin ko naman na pumasok si Annie sa canteen may kasama itong dalawang babae. Napunta sa kanya ang lahat ng mga mata na nakatingin sa akin kanina. While looking at her now I can see her annoyed face which is new for me dahil ang nakikita ko lang mukha niya ay nakangiti while looking sweetly. Habang naghahanap siya ng mauupuan ay maraming nag-offer sa kanya ngunit hindi niya pinansin ang mga ito.May nakaupong babae da dun sa upuan na gusto niya but she managed to make her leave the table. Umupo siya sa lamesa na malayo sa akin at yung dalawa niyang kasama ang nag-order, napansin ko may iilan din sumubok na kumausap sa kany pero inirap niya lang ang mga ito. Kitang-kita ko ang galaw niya dahil nakaharap sa kanya ang upuan ko pero hindi naman niya ako kilala kaya okay lang. "Hi sorry sa paghibintay ha?" Nagulat naman ako noong biglang umupo sa harapan ko si Harris. "Okay lang naman pansin ko din na madaming nag-o-order. I bet gutom kana, let's eat?" Tumango lang siya sa akin at inilapag sa harapan ko ang pagkain na dala niya. Nagsimula na akong kumain at para naman akong nabulunan noong may nakita akonh lalaji na biglang humalik sa pisngi ni Annia. Ang kilos palang ay alam ko na kung sino it was Clyden. Dali-dali akong uminom ng tubig at iniwas ang tingin ko sa kanila, dahil damang dama ko ang sakit sa aking puso. Ang huling pag-uusap namin ni Cly ay noong nagkasagutan kami sa bahay ko. After that ay hindi na kami nag-usap pang muli. And now makikita ko siya dito sa canteen hinahalikan ang pisngi ni Annia. "Shana, are you okay?" tanong sa akin ni Harris na mukhang nag-aalala ngayon sa akin. "Oo sorry, nabulunan lang ako," sagot ko sa kanya. Pero ang tingin ko ay nakay Clyden. Binilisan ko ang pagkain dahil parang hindi ko makakayanan na makita silang dalawa dito. "Harris sorry pero pwede na ba akong mauna? tumatawag kasi si Aiden eh!" sambit ko at ipinakita sa kanya ang telepono ko. Nagulat ito pero wala siyang nagawa kundi tumago at sumang-ayon. Tumakbo ako palabas ng canteen at sinagot ang tawag ni Aiden sa akin. "Shana! where are you???" tanong nito sa akin pagkasagot ko sa tawag niya. "Aiden... I saw Cly and it hurts," sagot ko sa kanya ng mahina. Nagsimulang bumagal ang pagtakbo ko hanggang sa naging lakad na lang ito. "Where are you? pupuntahan kita," ani ni Aiden. Tumingin ako sa palagid para makita kung nasaan ako. "Malapit sa jhs canteen 4." "Okay wait for me there," sabi niya at namatay na ang tawag. Umupo ako sa benches na habang hinihintay ko si Aiden. Ilang minto pa ang lumipas ay naaninag ko na siyang tumakbo palapit sa akin. Kinawayan ko siya at noong makalapit siya ay umupo siya sa tabi ko. "What happened? Kumain kana?" tanong niya sa akin. "Oo kakain ko lang ikaw ba?" "Yep, kasabay ko sina Cly." "Aide, do you think Cly love Annia?" tanong ko sa kanya at tinignan ko siya sa mata. Nakita kong nagulat siya sa tanong ko pero kaagad din siyang nakarecover. "I don’t know Shana," mahina niyang sagot sa akin. Bumuntong hininga ako at tumungin sa harapan namin. "Mag-mo-move on na ba ako?" "Gagi huwag! walang move on move on no! Tara nga ilibre kita ng ice cream para huwag ka ng mag sad girl," sabi nito sa akin at hinila hiya ako patayo at palabas ng school. I heard na canceled na ang pasok namin kaya naman sumama na din ako kay Aiden. Pumasok kami sa 7/11 at dumiretso ako dun sa freezer at kumuha ako ng tatlong ice cream. Ipinakita ko sa kanya ang mga yun at tumango lang siya sa akin. Kumuha siya ng tatlo din sa kanya at tinignan ko siya. "Ano gusto ko ikaw lang kumain ng tatlo?" tanong niya sa akin. Inabot ko na sa kanya yung tatlo at umupo ako sa mga upuan dito. Pagbalik niya ay sinimulan na naming kainin yung mga ice cream. Tawang tawa ako sa kanya noong naalala ko na sinabi niyang galing daw sa mga alien ang ice cream. "Ang bata ko pa noon Shana! Sino ba nagsabi nun sayo?" inis niyang tanong sa akin. "Si Daxon!" sagot ko sa kanya habang sinusubukan kong pigilan ang pagtawa ko. "Of course sino pa ba ang walanghiyang magsasabi nun sa'yo," ani nito at inirap niya ako. "Tara na? Nag-text sa akin sina Shaun hinahanap tayo,"pagyaya ko sa kanya. "Oh bakit daw?" "Aba ewan ko sa mga yun." Nauna akong maglakad sa kanya palabas ng 7/11 at nagulat ako ng bigla niya akong akbayan at may ibinulong sa akin. "Habaan mo ng konti skirt mo! I saw some pervert looki at your back noong palabas tayo." Para naman akong na-self conscious at hinila ko ng kaonti pababa ang palda ko. Hanggang sa makarating kami sa school ay hawak hawak ko ang palda ko. "Oh anyare Shana?" tanong ni Shaun noong makita niya kami ni Aiden. "Nag 7/11 kami then noong palabas na kami may costumer na naninilip sa kanya," ani ni Aiden. "Aba ang gago nasaan?" inis na tanong ni Shaun. "Binanatan mo sana Aiden," sabi naman ni Jacob. "Ayaw ko makipag-away na kasama ko si Shana baka mapano siya." "At ayaw ko mapapaaway kayo ng dahil sa akin. Bakit niyo pala kami tinawag?" "So may party mamaya kina Johnny pinapa-invite niya kayo sa akin." "Unfortunately hindi ako makakasama pero may substitute ako." "Really? Sino magsusundo sa akin?" tanong ko at lumingon ako kay Aiden. "Oo na ako na magsusundo sayo mamayang gabi. But ngayon kina Shaun kana muna sumabay na umuwi ha? Isang kotse lang dala namin eh," sabi ni Aiden. Tumango naman ako sa kanya. I just hope I won't see Cly with Annia on that party. ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD