Chapter Sixteen

3555 Words
Chapter Sixteen "Shana! dito ka oh!" tawag ni Shaun sa akin habang kumakaway-kaway siya sa akin. "Teka bat ang daming nanonood ngayon?" sabi ko habang naglalakad ako papunta sa puwesto nila. I run my fingers on my hair at inayos ko ang suot ko shades. Nandito kami ngayon ngayon sa gym dahil may laban sina Dax ngayon. It's saturday pero nabigla ako na madami ang mga nanonood ngayon dito. Maybe nalaman nila na nandito si Dax at lalaban siya. "Who's this girl ang bagal niya naman magalakad hindi ko makita sina Dax!" rinig kong bulong noong babae na nasa gilid ko ngayon. Kahit hindi niya nakikita ang mga mata ko ay umirap parin ako. "I'm Daxon's girlfriend, may angal ka?" matapang kong tanong sa kanya. Nakita ko nag gulat niyang mukha at natahimik siya I bet hindi siya dito nag-aaral. "Shana! ano ba ang tagal naman ngangalay na ako kakahawak dito sa pagkain." Napalingon naman ako kay Shaun na tumawag sa akin. Iniwan ko yung babae at nagpatuloy ako sa paglakad palapit kay Shaun. "Don't tell me nakikipag-away kapa dun sa babae?" tanong sa akin ni Jacob noong umupo ako sa free chair sa ginta nilang dalawa ni Shaun. "Hindi no!" maagap kong sagot at nilingonan ko siya. "Talaga ba?" tanong naman ni Shaun na parang hindi naniniwala sa aking mga tinuran. Tinignan ko siya at tumawa siya noong nakita niya ang nakasimangot kong mukha. "Nakakainis kasi eh dumadaan ako kung ano ano sinasabi! kala mo naman siya may-ari nitong gym," inis ko sabi habang nakasimangot. Yung dalawa naman ay tumatawa sa akin, sinamaan ko sila ng tingin habang patuloy padin silang tumatawa. "Nakakainis din kayo! maghanap na nga kayo ng jowa para hindi ako yung lagi niyo inaasar!" "Edi ikaw naman ang walang kasama?" tanong ni Shaun at kinurot niya ang pisngi ko. "You know Shana hindi kami nag-jojowa para may kasama ka," sabi naman ni Jacob at kinuha yung inumin ko nakapatong sa lap ko kanina. "Aray Shaun masakit! Ah talaga ba? Baka wala lang nagkakagusto sa inyo!" "At sayo pa talagang nanggaling yan ha?" "Che! Tigilan niyo nga ako! Saan ba si Aiden?" tanong ko at inilibot ko ang paningin ko sa buong gym. At nakita ko siya na nakikipaglandian sa isang babae na mula sa kabilang room ko. "Nako tinatanong paba yan? Syempre may kasama yung chikababes!" tumatawang sambit ni Shaun at nilingon si Aiden sa may likod namin. Sa mga lumipas na buwan ay sina Shaun, Jacob at minsan ay si Aiden ang kasama ko. Hindi na namin nakakasabay kumain sina Cly, Dax at Alice. Dahil mas pinipili kong kumain sa ibang canteen na wala sila. I don't want see Cly, magmula noong nakita ko silang magkasama ni Annia at nagpunta siya sa bahay namin ay hindi na kami nag-usap. Walang text, tawag o kahit na pagbisita man lang sa bahay namin. Ginawa ko din naman ang lahat para iwasan siya dahil alam ko na kapag nakita ko siya ay hindi ko mapipigilan ang sarili ko na sabihin ang mga salitang nasabi ko noon kay Aiden. Inilibot ko pa ang paningin ko sa buong gym hanggang sa mahagilap ng aking mata sina Cly at Annia sa harapan namin. They look good together, Annia look sweet, cute and kind and Cly seems like a boy version of that sweet looking like Annia. Samantalang ako eto mukhang kayang makipagsabunutan sa sampung babae. I'm not the cute type of girl, or even a soft girl like others want, kaya siguro walang nagkakagusto sa akin. "Tulala ka, may problema ba? Masakit tiyan mo no?" Napalingon naman ako kay Jacob na sumundot sa tagiliran ko. Para akong bumalik sa totoong buhay, naririnig ko muli ang mga sigawan ng babae at ang pagpito ng referee. "Ha? Hindi no! may naisip lang ako. Ano na ba score?" tanong ko at tumingin ako sa court at sakto naman ang hindi pagpasok ng shoot ni Dax. "Ang bano naman maglaro Daxon!" sigaw ko at mabilis na lumingon sa akin ang mga babae na supporters niya. "Sira ka ba? ano pinagsasabi mo?" natatarantang tanong ni Shaun sa akin, dahil nakatingin na sa amin halos ang mga nanonood. "Gagi Shana kapag tayo hindi nakalabas ng buhay dito ikaw sisihin ko!" sabi naman ni Jacob na mukhang kinakabahan din. Ang sama kasi ng tingin sa amin ng mga babae. Pinagsawalang bahala ko ang mag sinasabi nila at ibinaliknko nag tingin sa court. Noong magtugma ang tingin namin ni Daxon ay dilaan ko siya at inirap niya ako. Nagpatuloy ang laban nila, at malaki ang lamang nin Dax sa kalaban nila. 4th quarter na noong nagsimulang makahabol ang kalaban nila at mas lalong naging intest ang mga nag-che-cheer para kay Dax. Samantalang ako ang tingin ko ay parang nag-lock kina Cly at kay Annia na nagtatawanan ngayon. Gosh! hindi ko maalis ang tingin ko sa dalawa, parang wala aking basketball game na pinapanood ngayon. Naiinis ako na nasa harapan namin sila at silang dalawa ang pinapanood ko ngayon. Sinuot kong muli ang shades ko at inagaw ang inumin na kinuha ni Jacob kanina sa akin. Tinignan niya ako pero hindi ako nagsalita at ininom ko yung inumin. Sa aking pag-inom siya ding pagtapos ng game nina Daxon, nanalo sila na may 10 puntos na lamang. Tumayo ako at nagmadali kong hinila sina Shaun at Jacon pababa ng mga bleachers. Pagbaba namin ay sinalubong kami ni Daxon na pawis na pawis at pagod. "Ang bano mo kanina ah!" pang-aasar ko sa kanya at hinampas ang braso niya. "Kapal mo ah! nakaisang missed shoot lang ako no!" sagot naman pabalik sa akin ni Dax. "Sus may missed shoot ka padin, kala ko bang ikaw pinakamagaling sa team niyo?" "Nako Shaun ilayo niyo nga sa akin yang si Shana," asar na sabi ni Daxon at tinawanan lang namin siya nina Shaun. Habang nagtatawanan kami ay napansin ko na palapit sa amin si Aiden pati ang bago niyang fling. Kinawayan ko sila tumango naman si Aiden at may ibinulong siya babaeng kasama niya, tumatango-tango naman ang babae sa binubulong ni Aiden. "Langya nga tong si Shana eh.Akala ko hindi na kami makakalabas ng buhay mula dito sa gym," ani ni Shaun at inakbayan ako. "Isigaw niya banaman yun eh ang daming fans nito si Dax dito," sabi naman ni Jacob at itinuro ang mga naiiwang babae sa bleachers. "Nakalimutan ko na game pala pinapanood natin. Akala ko practice nina Dax eh," nakangiti kong sabi habanag nakatingin kay Daxon. "Kaya ayaw kita niyayaya sa official games eh," ani ni Dax at ginulo niya ang buhok ko. Sumimangot naman ako sa ginawa niya at tumawa lang silang tatlo. Sasagot pa sana ako ng biglang sumabay si Aiden na kakadating lang. "Congrats rookie player!" "Rookie player amp*ta! eh kung ikaw kaya i-shoot ko sa ring!" naasar na sabi ni Dax kay Aiden. "Ang pikon naman, Dax!" nakangiting sabi ni Aiden habang tumatawa ito. "Tigilan mo nga ako. Kayong dalwa ni Shana kanina pa kayo ah. Huwag kayong sasama sa after party namin!" asar na sabi nito at iniwan kami na nakatayo dito at nagpunta na ito sa dug out nila. Nagtinginan kami na nandito habang tumatawa. Nag-umpisa naman mag-alisan ang mga tao sa gym at tignan ko kung nandon pa sina Cly pero wala na sila sa upuan nila kanina. Bakit ko nga ba sila hinahahanap? Para naman may ambag silang dalawa sa buhay ko.Ibinaling ko ang tingin ko sa mga kasama ko ngayon. Napansin ko naman na nakatingin sa aming dalaw ni Shaun ang babaeng kasama ni Aiden ngayon. "Don't get the wrong idea.Hindi ko jowa to," ani ko at itinuro si Shaun. Napansin ko na parang biglang nahiya yung babae sa sinabi ko. "I-i just thought na boyfriend mo siya," nahihiya nitong sagot sa akin. "Okay lang yun. Lagi lang talaga kami pinagkakamalan dahil sila lagi kasama ko." Tumango lang siya sa akin na parang nahihiya parin sa akin. This new, minsan ang nga fling ni Aiden ay titignan ako from head to toe at iirapan ako. "Hoy Aiden ano walang balak ipakilala sa amin ang bago mo?" tanong ni Jacob. "Ay oo nga pala. This is Margaret Sy. Marg meet Shaun and Jacob tas yung babae pet lang namin yan," sabi ni Aiden kaagad ko naman hinampas ang kamay na pinangtuturo niya sa akin. Inalis ko yung suot ko na shades at ibinalo ko ito sa kanya. "Ang kapal mo ah! mas mukha kapa ngang pet sa ating dalawa eh!" Kumawala ako sa pagkakaakbay ni Shaun at nag-akmang susugurin si Aiden. Pinigilan naman ako ni Jacob habang tawang tawa si Aiden. "Nako Marg pagpasensiyahan mo ba yang dalawa ah. You must be shock to see Aiden this playful," pagpapaliwanag ni Shaun. Napalingon ako kay Marg at parang gulat siya sa kanyang nasaksihan. "It's just my first time to see him be like this," sagot niya ng mahinhin. "Nako si Shana lang nakakapaglabas ng inner kakulitan ni Aiden." Ilang besis na naming ini-explain yan kapag may bagong babaeng dinadala si Aiden na sasama sa amin.Halos nagugulat sila sa biglang pag-iiba ng ugali ni Aiden kapag kasama niya ako or di kaya nama kapag nag-uusap kaming dalawa. "Ang tagal ni Dax! nagugutom na ako," ani ko habang tinignan ang buong paligid ng gym. Kami pati ang nga janitor na lang ang nandito ngayon. "Tawagin ko baka iniwan nga tayo. Inaasar niyo kasi kanina eh," sabi ni Shaun. Kinuha nito ang kanyang telepono ngunit sakto naman ang paglabas ni Dax. "Hoy mga hampas lupa tara na!" tawag sa amin ni Dax na kakalabas lang ng dugout nila. Mukhang bagong ligo na din ito at iba na ang suot. "Ang akala ko ay iniwan mo na kami," sagot ko at tumakbo ako palapit sa kanya. Humawak ako sa braso niya at nagumpisa na kami maglakad palabas ng gym. "Gusto ko nga kayong iwan kaso hinahanap kayo ng mga teammates ko pati si coach," sagot ni Dax sa akin at tinignan niya ako habang naglalakad kami. Nakasunod naman sa likod namin sina Shaun, paglabas namin sa gym ay naghihintay sa amin yung mini bus nina Dax. Kumakaway naman sa amin ang mga teammates niya ngitian ko sila at kumaway din sa kanila. Binababa naman ni Dax ang kamay ko, noong napalingon ako sa kanya ay ang sama ng tingin niya sa akin. "Bakit ba?" tanong ko sa kanya habang naka-pout. "Stop being friendly to my teammates!" asar na sabi nito sa akin. "Bakit naman? Masama bang maging friendly?" tanong ko sa kanya. "Oo! I know those guys Shana. Ayaw kong maulit sayo yung nangyari kay Julien," ani nito sa akin. I know Dax is worried about me kaya hindi ko na din siya tinanong pa. Naglakad kami papunta sa mini bus nila at sumakay na kami. Sa harapan kami umupo ni Dax at sina Aiden naman ay sa likod. Nakisakay kami sa mini bus nila dahil walang dalang kotse sina Shaun. Kanina ay nagpahatid lang ako sa driver namin kaya medyo late akong dumating. "Dax, Is that Shana? Pwede namin kausapin?" tanong ng isa sa mga kateammates ni Dax. "Bawal. Magpahinga na lang kayo diyan at huwag niyo guluhin si Shana," sagot nito habang nakapiki siya. Ang puwesto ko kasi ay sa may bintana kaya siya muna ang kakausapin nila bago nila ako maka-usap. "Damot naman!" "Shut up! dun nga kayo, layo!" Umalis naman ang mga ka teammates niya at napabuntong hininga na lang ako at walang nagawa. Dax seems to be more protective of me since the incident with Julien. Kapag may lumalapit sa akin na teammates niya ay agad niya itong pinapaalis. Kahit ilang besis ko ng sinabi sa kanya na wala naman siyang kasalanan sa kung anong nangyari. Pero pinipilit niya na kasalanan niya ito dahil hinyaan niya makalapit sa akin si Julien na hindi inaalam ang totoong intensiyon nito sa akin. Ibinaling ko ang tingin ko sa bintana at pinapanood ko ang dinadaanan namin. Alam ko na kung saan ang after party nila at alam ko din na madaming pagkain niyan dun. Pagkain lang naman ang dahilan kung bakit ako sumasama sa after party nila eh. Naalala ko naman noon na sumama sa amin si Cly, ngayon kasi ay hindi na siya sumasama sa amin.I feel relieved and sad at the same time kahit naman ilang besis kong sabihin na ayaw ko siyang makita ay nag-eexpect padin ako na makita ko siya. "Hey what do you want?" tanong ni Jacob sa akin habang kumuha kami ng makakain ngayon. Natuwa ako na buffet style ang pagkain nila ngayon kaya for sure makakalimutan ko muna isipin si Cly. "Gusto ko nung sweet and sour chicken," sabi ko at itinuro yung chicken na hindi ko maabot. "Ilan? 10?" natatawang sabi nito sa akin. Sinimangutan ko siya at ngumiti siya sa akin habang nilalagay ang dalawang pirasang manok sa plato ko. "Ang sama hindi namana ko gano'n katakaw no!" "Oo na. Ano paba gusto mo?" "Wala na, tara na dun sa table natin." Nahuli kami ni Jacob kumuha ng pagkain dahil yung sina Shaun ay inunahan kami. Si Dax naman ay iniwan ako para tumigil ang kanyang mga teammates na lumapit sa akin. Pagbalik sa table ay kumakain na sina Shaun, Si Aiden at Marg naman ay nag-uusap pa silang dalawa. Sanay na kami na laging may kasamang babae tong si Aiden kaya hinayaan na lang naman silang mag-usap habang kaming tatlo ay kumakain lang. "Sino maghahatid sayo, Shana?" tanong sa akin ni Jacob noong matapos na kumain at pauwi na. "Hihintayin ko yung driver namin susunduin niya ako. Ikaw ba maysusundo sayo? gusto mo sumabay?" "Nako huwag na. Malapit lang ang bahay namin dito kaya pwede ko naman lakarin. Hintayin ko nalang makarating driver mo bago ako umuwi." "Shana sabay ka nalang sa akin," pagyaya ni Aiden na kasama si Marg at Daxon. "Ayaw ko nga!" sabi ko dahil alam ko na si Cly magsusundo sa kanilang dalawa ngayon. "Ang arte naman kala mo naman maganda," sabi naman ni Aiden. "Pake mo ba, maganda naman talaga ako no! Atasaka ayan na sundo ko oh!" sabi ko at itinuro ang kotse namin na papalapit na. Humintonsa harapan namin ang kotse at sumakay na ako. Kinawayan ko sila bago ako pinaandar ng driver namin ang kotse. Pagdating sa bahay ay naligo kaagad ako at saka na ako humiga sa bed ko. Weekend bukas kaya wala kaming pasok for sure, kaya okay lang na late na ako magising bukas. Ano kayang maganda gawin bukas? Bahala na nga, kung ano na lang maisipan kong gawin ay yun na lang. "Shana aalis ka?" tanong ni Mommy sa akin kina-umagahan. "Hindi naman Mommy, why?" tanong ko habang paupo ako sa sofa namin. Mukhang pa alis na rin siya dahil sa suot niya ngayon. "Good, maaga kaming uuwi ng Daddy mo. Bibisita sina Tita Anna at Tito Cyniel mo dito. Kaya kung aalis ka man ay umuwi ka ng hapon." At dumiretso na si Mommy palabas ng bahay. What? Bibisita sila? So it means kasama nila si Cly? Pagkaisip ko palang sa pangalan niya ay bigla ng bumilis ang t***k ng puso ko. Excited ako na ayaw ko siyang makita.Ang gulo ng naiisip ko, may part sa akin na gusto ko siyang makita at may part naman sa akin na hinihiling na sa huwag na lang siyang sumama. Noong nakita ko siya kahapon kasama si Annia ay hindi pa ako nakakapagmove on sa inis no, tas ngayon pupunta siya sa amin. Tinignan ko ang orasan sa sala namin maaga pa kaya naman binuksan ko muna ang telebisyon. Ilang besis ko itong nilipat dahil wala akong makitang maayos na palabas. Pinatay ko yung tv at tumayo ako para lumabas ng bahay namin. Paglabas ko ay sinalubong ako ng makalas ng hangin, kahit na maatas ang sinag ng araw ay malakas padin ang hangin dito. Naglakad lakad naman ako hanggang sa makarating ako sa mini garden namin sa likod bahay. Halos lanta na mga halaman dito dahil napabayan na ito. Atsaka wala naman kasi may interes sa pagtatanim sa amin na nasa bahay. Dumaan naman ako sa kabilang side para makarating ako sa harap ulit ng bahay namin. Pumasok muli ako sa bahay at kumuha ng pwedeng pagkaabalahan.Nakita ko yung puzzle na display at kinuha ko ito para guluhin at buuin ulit. Noong matapos kong buuin ang puzzel ay sumuko na ako at umupo sa upuan dito pavilion namin at nag selpon nalang. Nag-sc-scroll ako sa mga social media ko na may maraming notification ngayon dahil sa pinost na picture ni Dax na naka-tag sa akin.May iilang nag-send ng friend request sa akin pero hindi ko inaccept ang mga ito dahil puro babae na gusto lang makakuha ng inpormasyon sa akin ang mga yun. Muntik ko naman maibato ang phone ko noong bigla itong mag-ring. Lumitaw ang pangalan ni Aiden ang tumatawag sa akin. "Ano kailangan mo?" salubong ko sa kanya pagsagot ko sa tawag niya. "Balita ko uuwi sina Tita Anna ngayon ah. Sainyo din ata sila mag-di-dinner." "Sabi nga ni Mommy sa akin. Huwag mong sabihin tumawag ka para sabihin mo yan sa akin?" "Hindi naman, yayain sana kita kumain sa bayan." "Bakit? Yung fling mo?" "Hiniwalayan ko na." "Oh bakit naman?" "Tumawag kagabi tinatanong kung pwede daw ba akong maging date niya dun sa annual ball ng company nila." "Tas nakipag-break ka dahil dun?" "Oo gagi hindi mo ba alam yung family nila may traditions na kapag sinama mo siya as a date sa annual ball it means papakasalan mo siya." "Ayy may gano'n? Paano pala if trip mo lang isama yung guy?" "Baliw walang trip-trip sa mga yun." "Bat ba laging kasal iniisip agad ng mga fling mo? Ilang weeks naba kayo nun?" "Weeks ka diyan apat na araw pa lang kami no." "4 days? and gano'n na kaagad ang gusto? sabi ko naman kasi sayo huwag sa mga masyadong bata eh!" "Bakit ba? She's my type kaya no, hindi ko naman alam na kasal agad iisipin niya." "Kung magseryoso kana kaya?" "Ayaw ko nga no! Atsaka wala pa akong nakikita na para sa akin talaga." "Sana makakita ka. Kapag may seseyosohin kana susupportahan kita." "Ay ang bait naman bigla. Ikaw ba aamin kana kay Cly?" "Shhh! manahimik ka nga! baka marinig ka niya diyan no." "Wala naman siya dito umalis." "Saan nagpunta?" "Alam mo na." At nagsisi ako natinanong ko pa kung saan nagpunta si Cly. Hindi ko na sinagot pa si Aiden at pinatay ko na yung tawag. Tumayo na ako at ipinasok ko na sa loob yung puzzle na binuo ko. Mukhang hindi siya magpupunta mamaya dito, mabuti na rin yun para makahinga ako ng maluwag mamaya sa dinner table namin. For sure kapag dumating siya ay ma-awkward ako sa kanya at baka mapansin pa nina Mommy. Pagpasok ko sa loob ay nagpunta ko sa kusina upang maghanap ng makakain. "Miss Shana ano po gusto niyong kainin?Ipaghahanda ko kayo." tanong ni Manang sa akin noong nakita niya ako pumasok sa kusina. "Nako manang huwag na po. Etong clubhouse sandwich lang nalang po kakainin ko," sagot ko at ipinakita sa akin yung Tupperware na may Sandwich. "Tawagin niyo po ako may gusto pa kayong kainin." Tumango ako kay Manang habang umuupo ako sa counter stool high chair. Ipinatong ko naman sa counter ang Tupperware pati yung pineapple juice ko. After kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko para umidlip dahil sa wala na rin naman akong magawa. Ata ayaw ko ng makausap si Aiden dahil baka kung ano nanaman sabihin nito at maalala ko ulit si Cly. Nagising ako at kaagad akong napaupo noong inakala kong gabi na dahil wala akong nakikitang araw. Yun pala ay umuulan lang kaya medyo madilim. Tinignan ko yung phone ko para sa oras at nakita ko na 4:30 pm na . Nagpunta na ako sa banyo para makaligo at magbihis na rin para hindi na ako mag-aayos mamaya kapag nandito na sina Tita Anna. Nagsuot ako ng black off shoulder a-line dress at black and gold starppy sandals. Inayos ko din ang buhok ko, i did a beach waves curls on ny hair. Medyo humbaba na ito, lumagpas na ang buhok ko sa aking balikat kaya alam ko na humaba na ito. Sinuot ko din yung necklace na galing kay Aiden at earrings na galing kay Dax. Nahagip ng mga mata ko yung bangles na binigay ni Cly pero hindi ko sinuot ang mga ito. Hinayaan ko lang silang naka display sa vanity table ko. Noong naging satisfied na ako sa itsura ko ay bumababa na ako. Pagbabago ko ay nakita ko sina Tita Anna at Tito Cyniel na naka upo sa sofa namin habang kausap sina Mommy. "Aw Shana you look so pretty," sabi ni Tita Anna noong makalapit ako sa kanila. Nakipagbeso ako sa kanya at pati na din kay Tito Cyniel. "Ikaw din po Tita Anna. You look good on that champagne dress," sagot ko sa kanya habang nakangiti. "Shana dalagang dalaga kana ah. May nanliligaw na ba sayo?" tanong ni Tito Cyniel sa akin habang nakangiti siya. Sasagot sana ako ng biglang bumukas ang pinto namin at iniluwa nito si Cly na naka white polo na nakatupi hanggang braso niya with silver watch and he's wearing slacks too. "Bakit ka nandito?" bulalas ko at kaagad ko naman natakpan ang bibig ko sa hiya. "Why? am I not allowed to go here?" ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD