Chapter Fifteen

3321 Words
Chapter Fifteen Sinubukan kong alisin sa isipan ko ang eksenang nakita ko kanina. Pero hanggang sa makarating kami ni Shaun sa parking ay ang mukha ni Cly at Annia ang nasa isipan ko. May something talaga sa babae na yun na hindi ko mawari. I feel the the Adriatico's are so drawn to her they are starting to forget my existence. "Shana, sakay na!" Napalingon naman ako kay Shaun na pinagbuksan pala ako ng pinto. Masyado akong occupied at hindi ko siya napansin na binuksan ang pintuan ng kotse niya. "Ay pasensiya na Shaun nakakahiya na pinagbuksan mo pa ako ng pintuan," nahihiya kong sambit. "Tulala ka kasi kaya ako nagbukas ng pintuan. May nakita ka bang multo?" nagtatakang tanong no Shaun sa akin. "Wala naman, gutom lang siguro ako." Sumakay na ako sa kotse at pagsakay ko ay sinuot ko ang seatbelt. Si Shaun naman ay sumakay na din at ini-start na niya ang kotse. "Gusto mo ba kumain tayp sa bayan? Libre ko!" nakangiting sambit nito sa akin. "Talaga??? OMG! hindi ako tatangi sa pagkain ah!" excited na sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa habang natingin sa dinadaanan namin. Seeing how good Shaun treat me now, makes me think kung bakit ba ang kapatid niya ang nagustohan ko noon.Kitang kita naman na mas okay itong si Shaun kesa kay Julien. Oh well hayaan na nga yang si Julien may isa pa akong problema ngayon si Clyden. How dare he? Hindi niya ba ako nakita? oh how can I forget his attention is all over that Annia girl. Nakakainis siya! sabi niya siya sasamahan niya ako pero narinig niya lang na may nangyari dun sa babaeng yun kinalimutan na niya ako! "Hey bat mukhang kang galit?" Nahinto naman ako sa pag-iisip nang biglang magsalita si Shaun. Napalingon ako sa kanya at sinulyapan niya ako sa rear mirror. "Ha? Ako? Mukha talaga akong galit kapag gutom ako." At binigayan ko siya ng pekeng tawa. Ayaw kong malaman niya kung ano ang iniisip ko. I know na kilala niya itong si Annia, I heard that she's quite famous sa school namin. "Gano'n ba? bibilisan ko na ang pag-da-drive para makakain na tayo," sagot naman ni Shaun sa akin at ngumiti siya nga kaonti. I juts nodded at him. Ibinaling ko ang tingin ko bintana ng kotse ni Shaun at napadaan kami sa hacienda ng mga Villavicencio. Nakita ko ang kotse ni Cly na palabas dito at parang lalong lumalala ang kung ano mang nararamdaman kong inis kanina. Bakit ba kasi kailangan naming madaanan ang sa kanila? Naiinis na talaga ako. Ilang minuto pa ang lumipas ng biglang tumunog ang phone ko at tumatawag si Cly. Hindi ko ito sinagot sa sobrang inis ko sa kanya. Sakto naman na pinark na ni Shaun ang kotse at nandito na kami sa bayan. "Ano ba yung kukunin mo?" tanong niyo sa akin habang nakasunod siya sa likod ko. "Si Mommy kasi gustong-gusto yung cassava cake. Nag-order siya ng madami ngayon sa akin niya pinapakuha," sagot ko kay Shaun habang patuloy kami sa paglakad. Hanggang sa makarating kami dun sa shop na sinabi Mommy. "Hello Miss I'm here to get Rhiana Dela Torre order," sambit ko pagdating namin sa babae na nasa counter pagpasok namin ni Shaun sa loob ng shop. "Are you Miss Shana Dela Torre?" "Yes, I'm her daughter? i bet nasabi na niya ana ako mag-pi-pick up ng mga inorder niya." "Natawag po siya kanina. Wait lang po Miss kukunin ko lang po yung mga order niya." Habang hinihintay ko yung babae ay tinignan ko ang buong paligid at maganda ang pagakakagawa nito. And I like the ambiance of the shop. It has a vibe na mag-enjoy kang kumain ng mga kakainin nga meron sila. Tinignan ko din ang glass counter nila na mayroong display ng mga binabenta nila. May pangalan ito na nakalagay 'moche' (?) kulay white ito na parang may kulay brown sa gitna. "Do you like that, Shana?" parang nagulat ng biglang nagsalita si Shaun mula sa likod ko. "Mukhang kasing masarap eh!" sagot ko at bumaling ako sa kanya. "Mukha nga. Hintayin natin yung babae then mag-o-order tayo ng isang box," sabi nito sa akin. "Talaga? Thank you talaga, Shaun! Ako na nagpatulong ako pa ililibre mo. Nakakahiya." "Nako huwag ka ngang mahiya sa akin, ako lang to." Sasagot pa sana ako nang bilang dumating yung babae kanina. May dala itong basket na mayroong 6 na box ng cassava cake. What the hell? seryoso sa Mommy? Ang akala ko tatlong box lang yung binili niya. Jusko ano ba tong pumasok sa isip na Mommy at bakit parang masyado siyang adik sa cassava cake. "Seryoso? Anim talaga?" "Opo, Miss." Natawa ata ang babae sa reaction ko. Mukhang pati si Shaun ay nagulat din sa dami ng binili ni Mommy. "Ah, miss oorder din kami nitong moche. Ilan pieces yung isang box?" tanong ni Shaun at itinuro niya yung moche mula sa glass counter. "Per piece po yan sir," sagot naman nung babae. "Is that so? Give us six pieces, please." Noong mabayaran at maibigay na yung moche ay lumabas na kami ng shop. Si Shaun ang nagdala dun sa anim na box ng cassava cake habang ako ay yung moche ang dala ko. Inilagay muna namin ang mga ito sa loob ng kotse niya. Nung una ang akala ko ay uuwi na kami, yun pala ay kakain pa kami dito. "Mabuti at inalis mo yung mga suot mong bangles kanina," biglang sabi nito sa akin habang naglalakad kami at naghahanap ng makakainan. "Ah yun, medyo agaw attensyon kasi sila kung susuotin ko sila dito. Alam mo naman wala na tayo sa Eretria kaya nakakatakot." "Mukha nga silang mahal eh. Pero maganda sila bagay sayo," sabi naman nito sa akin. Ngayong binanggit ni Shaun ang mga bangles ay naalala ko ulit si Cly. "Regalo lang sila sa akin. Binigay ni Cly noong birthday ko," sagot ko sa kanya. "Ibang level talaga magbigay ng regalo ang mga Adriatico. I remember noong binili namin ni Aiden yang suot mong kuwintas. Para lumuwa ang mata ko noong sinabi yung presyo." Napahawak naman ako sa kuwintas na nasa leeg ko ngayon. The Adriatico's are known for their extravagant life and hindi nalalayo sa magarbo nilang buhay ang mga regalo na binibigay nila sa akin. They spoiled me so much in things na sinasabi kong gusto ko. Lalo na sa pagkain, but now meeting other people and being with Shaun feels different than being with them. "After all they are the Adriatico's hindi mo maalis sa kanila yun. Hala dun tayo kumain oh!" Itinuro ko sa kanya yung mamihan na nakita ko kanina. "Kumakain ka ng mami?" gulat na tanong niya sa akin. "Oo naman! ano akala mo sa akin rich city girl?" "Paano ko nga pala makakalimutan na kinakain mo lahat ng pagkain!" "Hoy grabi ka sa akin ah! pero totoo naman ang sarap kaya ng mga pagkain no!" Natawa kaming pareho sa sainabi ko. Habang kumakain kaming dalawa ay nag-uusap kami. At habang mas madami akong nalalaman tungkol sa kanya ay how I wish I have a big brother like him. Shaun is such a sweet guy and nasabi din niya na he was supposedly have a baby sister kayo nalaglag ito noong 5 months pregnant ang mama niya. "Medyo nakakalungkot na gano'n ang nangyari. Excited pa naman ako nun na makita siya," malungkot na sabi nito sa akin. "That's kind of sad. I'm sorry to hear that. I'm an only child and I just na mayroon akong kapatid na kagaya mo," ani ko habang nakatingin sa akin. "You are basically my little sister na come on, Shana." "Talaga?" "Oo naman no, I can see you as my little sister since pinakilala ka sa amin nung tatlo." "Waaah yey I'm really happy." "So tell your big brother about you jealousy," sabi nito at itinaas baba niya ang kanyang mga kilay. "Ha? What are you talking about?" "Oh you really thought na hindi ko alam o napansin man lang?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Shaun ngayon. Anong jealousy pinagsasabi nito. "Ano ba pinagsasabi mo?" "Cly and Annia. Alam ko na nagseselos ka," sabi nito sa akin at tumingin siya sa akin. "Oh well yes, basically they are my friends first. And noong nakilala nila siya ay parang nawala na sila sa akin. It feels like they slipping to my fingers." "Yun lang ba?" "May iba pa bang rason?" "Alam mo Shana for someone na maganda tanga ka!" "Ang sakit mo namang magsalit ah! Ni hindi ko nga maintindihan ang sinasabi mo eh," inis kong sabi sa kanya. Tapos na kaming kumain ni Shaun ngayon nagpapahinga lang kami. At habang nagpapahinga ay inumpisahan niya ang usapan na to. To be honest kahit ako ay hindi ko maintindihan itong nararamdan ko kay Cly. Hindi ko naman matanong dun sa dalawa dahil for sure sasabihin nila kay Cly. "Hindi ako tanga, Shana. Alam kong may gusto ka kay Clyden." Ha ako? may gusto kay Clyden? That's impossible. Clyden is my friend, a brother like friend. "Ha? Okay ka lang? Wala akong gusto kay Clyden ah!" "Are you sure?" "Wala nga! Ano ba pinagsasabi mo Shaun?" naguguluhan kong tanoong sa kanya. "I don't know? Maybe I just felt that you are jealousy to Annia dahil lagi sila magkasama ni Cly. I heard na si Cly nagsasabay sa kanya kapag umuuwi siya." Para naman akong may naramdamj na kung ano sa dibdib ko sa sinabi ni Shaun. Paran may masakit na hindi ko mawari kung saan. Umiwas ako ng tingin kay Shaun dahil sa para may kung ano akong nararamdaman sa tingin niya sa akin. "What? Gawa-gawa mo lang yan no? May girlfriend or fling si Cly yun ang mga kasama niya." "Interesting, mas okay sayo na kasama ni Cly ang mga fling niya?" "Ano ba yan, Shaun! Uwi na nga tayo baka hinahanap na ako ni Mommy," sabi ko. Gusto kong iwasa ang usapan naming to ni Shaun dahil may nararamdaman akong mga bagay na hindi ko mawari. Kahit na mukhang hindi siya sangayon sa isinagot ko sa kanya ay tumayo na siya at nag-umpisang maglakad. Sumunod ako sa kanya, habang naglalakad ay naiisip ko ang kanyang mga tinuran kanina. Bakit nga ba mas okay sa akin na kasama ni Cly ang mga fling niya kaysa kay Annia? Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ng katulong namin at kinuha ang nga cassava cake mula kay Shaun. "Shaun, Salamat ha?" "Wala yun ano kaba. Kung kailangan monng tulong tawag ka lang sa akin ha?" "Oo naman, mag-iingat ka ha?" sabi ko at kumaway ako sa kanya noong pinandar na niya ang kotse niya. Pagpasok ko sa loob ay nagulat ako noong nakita ko si Cly na nakaupo sa sofa naman. Mukhang kanina pa naghihintay sa akin. "What are yoy doing here?" walang ganang tanong ko sa kanya. Daretso lang ako sa paglakad papunta sa kusina namin at inilagay sa ref ang moche na binili sa akin ni Shaun. "Saan ka galing? Kanina pa ako naghihintay sa'yo dito," ani ni Cly na mukhang sinundan niya ako dito sa kusina. "Sa bayan, kinuha ko mga binili ni Mommy. Let me ask you again bakit ka nandito?" "Ang sabi mo tutulungan kita kaya nandito ako hinihintay kang dumating," sagot niya sa akin. Ayaw ko siyang harapin kaya naman tumalikod ako sa kanya at magsimulang maglakad papunta sa hagdanan namin. Nararamdan ko na nakasunod siya sa akin kaya bibilisan ko ang paglakad ko. "Shana!" he said with a deep but loud voice. "What?!" inis kong sagot sa kanya habang patuloy padin ako sa pagakyat sa taas. Inis na inis ako ngayon sa kanya at nag-pi-play pa sa utak ko yung sinabi ni Shaun kanina. Naaalala ko din ang pagahawak ni Annia sa kanyang braso. At ang mga tingin niya kay Annia na parang silang dalawa lang ang nasa paligid. Oh hate it so much na parang gusto kong sumigaw at ibato ang kung anong mahawakan ko. "Ano ba problema? May nagawa ba ako?" malumanay na ang boses niya ngayo na tinatanong niya ako. "Ano ba pinagsasabi mo? Pagod ako Cly gusto ko na matulog," sagot ko sa kanya habang daretso padin ang tingin ko. "Hindi mo pa ako sinagot kung sino kasama mo," mahinahon nitong sabi. Noong makarating sa taas ay hinawakan niya ang palapulsuhan ako para maiharap ako sa kanya. Noong makita ko siya ay nakaramdam ako ng inis dahil naaalala ko nanaman kung paano niya tignan si Annia kanina. At kitang kita ko na iba ang tingin niya ngayon sa akin sa tingin niya sa kanya. "Bakit ba kailangan mo malaman? Tinanong ba kita kung saan ka nagpunta kanina? Hindi diba?Stop meddling my life, Cly." Iwinaksi ko ang kanyang kamay para mabitawan niya ako. Noong maalis ang kanyang kamay sa palapulsuhan ko ay tumakbo ako papasok sa room ko. Mabilis na tumulo ang mga luha ko pagkasara ko ng pinto. Sumandal ako sa pintuan at umiyak. Napaupo pa ako sa lapag habang umiiyak ako, hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Pero nararamdaman ko na parang magatagal na akong gustong umiyak pero ngayon ko lang nailabas to. Parang ngayon ko lang din narealize na nagseselos talaga ako kay Annia. Dahil natatakot ako na baka iiwan ako nung tatlo para sa kanya. She look so kind and no one hates her unlike me. Niyakap ko ang sarili ko habang tumutulo mga luha ko sa aking mata. "Shana open the door please?" rinig kong sabi ni Cly habang kumakatok ito. "Go away, Cly. Ayaw kitang makita!" sigaw ko sa kanya. My voice sound very different because I'm preventing go let out a lound sobs. "No, open the door mag-uusap tayo." "Wala tayong pag-uusapan Cly. Just leave! I don't want to see you!" sigaw ko sa kanya. "Shana.. please?" "No go away!!!" Ilang minuto pa ang lumipas at naramdaman ko na umalis si Clyden at yun na ang naging hudyat ng pag-iyak ko nga malakas. Nakayakap ako sa aking mga tuhod habang umiiyak ako. Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan ko si Aiden dahil alam kong darating sa kahit na anong oras ko siyang tawagin. "Aiden *sobs*" "Shana? Hello? Umiiyak ka ba? What happened?" natatarantang tanong nito sa akin. "Aiden, I'm so jealous!" I said in between my sobs. "Jealous? Kanino? Tell me, Shana." He sound so calm right now. At naririnig ko din mula sa kabilang linya na naglalakad ito pati na rin ang tunog ng susi. "Annia. I'm so jealous of her Aiden." "Bakit? What made you jealous of her?" tanong nito sa akin at narinig ko ang pag-andar ng sasakyan. "Clyden," I managed to say in between my getting worst sobs. "Shhh tahan na. Papunta na ako diyan hintayan mo ako." Tumango ako sa kanya na akala mo ay nakikita niya ako. Binaba ako ang tawag at tumayo ako sa mula sa lapag at humiga ako sa bed ko. Niyakap ko ang unan ko at doon ako umiyak. I love Clyden. Mahal ko siya kaya ako nagseselos kay Annia, at umiiyak ako ngayon dahil mukhang Cly is falling fo her also. Nararamdman ko ang sakit sa aking puso. Shaun words a while ago made me think of it, ilang besis ko sinubukan kong iwaksi ito sa aking isipan noon pero dahil sa tanong ni Shaun ay bumalik ito. Matagal ko ng nararamdman ito kay Cly ngunit ipinagsawalang bahala ko ang nararamdaman ko dahil bata pa ako. And knowing that he's always by my side didn't help at all. Ngayon napapansin ko na nagkakaroon siya ng interest sa iba ay doon ko nasigurado kung ano man itong mararamdaman ko na ito. Aiden and Daxon are different to Cly, kahit gaano ko ka-close si Aiden ay iba padin kapag si Cly ang kasama ko. Napapasaya niya ako ng sobra, but now I feel lik I abuse his feelings for me. When he said that he loves me I was over the moon, at noong nalaman ko na kahit kailan hindi magbabago ang nararadaman niya sa akin ay mas lalo akong natuwa. But now seeing him with somebody else is a lot better than me makes me question his feelings fo me. They way he look at Annia is different with his random flings. "Shana, It's me." Binuksan ni Aiden ang kwarto ko at dumiretso niya ng upo sa bed ko. Lumapit ako sa kanya at humiga ako sa lap niya, I'm still sobbing but my tears are gone. "Aiden..." "What happened?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Dahan-dahan niyang hinahaplos ang buhok ko, may isang besis niya din itong sinuklayan. "I like no I love Clyden," mahina kong sagot sa kanya at tumingala ako para makita ang mukha niya. "And ngayon mo lang na-realize kasi nagseselos ka sa kanila ni Annia?" tanong nito sa akin na may konting ngiti sa kayang mga labi. "Shaun made me realize it actually. He knows at sinabi niya sa akin at doon ko na realized na mahal ko talag si Cly. I was just blinded by my thoughts na he's just a friend." "Shana matagal ko ng alam na gusto mo si Cly, napansin ko na iyon. Kapag nagtatawanan tayo si Cly sinusulyapan mo. They said that you will know if you like someone kapag tumatawa kayo then siya ang tinignan mo," sabi ni Aiden sa akin habang sinusuklayan niya ang kaing buhok. "Really? pero teka! how did you know na si Cly ang sinusulyapan ko kapag tumatawa tayo?" "Ha? Okay kana ba?" Sumimangot ako noong hindi niya sinagot ang tanong ko sa kanya. "Nakakainis ka!" "Napatingin lang ako nun sa inyong dalawa huwag kang ma-feeling diyan!" sabi niya at pinitik niya ang noo ko. "Aray! ang sakit ah!" Tinignan ko siya ng masama at tumawa lang siya sa akin. "So tell me, bakit ka umiiyak? Don't tell me umiiyak ka kasi narealize mo feelings mo for Cly?" "Of course not!" Ikinuwento ko ang lahat sa kanya magmula kaninang umalis ako bigla noong lunch. Pati din ang pagkainis ko kay Cly at pagbato ko sa mga bangles sa loob ng bag ko. Sinabi ko din kay Aiden yung nakita ko kanina sa school noong paalis kami ni Shaun dito. Even the bad feelings that I felt habang nasa kotse ako ni Shaun ay sinabi ko sa kanya. Basically sinabi ko ang lahag kay Aiden at wala akong tinira na hindi sasabihin sa kanya. Aiden is like my human diary, na kailangan makausap ko siya sa maghapon para mabuo ang araw ko. His words are my comfort, parang kapag may hindi ako sinabi ay may kulang sa araw ko. "Hindi lang selos yan, Shana. It sounds like selos na selos hahaha," he said while laughing at me. "You shut up! sabi ko na pagtatawanan mo ako kapah sinabi ko sa'yo!" "Sorry I won't laugh na. But to be honest I think Cly loves you so much na kahit na gaano pa siya mamalagi sa tabi ni Annia ay ikaw parin ang pipiliin niya," Aiden said with a sincere tone of voice. "Pinapaasa mo lang ako eh! Who would like someone like me? I don't even look sweet and kind like Annia!" I said with pout on my face. "Oh come on, you don't look sweet because you are the type of girls that is like a beautiful and hot version. I think gano'n ang mga type ni Clyden." "Bat feeling ko binobola mo nalang ako?" "Hindi kaya no! Totoo yan promise!" Tumango ako sa kanya at ngumit siya sa akin at ipinagpatuloy niya ang pagsuklay sa buhok ko. Nakakalma ang ginagawa niya, hindi ko napansin na nawala na pala ang paghikbi ko. I feel so comfortable now. "Nag-dinner kana?" tanong nito sa akin. Umiling ako, "Nagmiryenda kami ni Shaun kanina. But I'm still hungry dahil sa kakaiyak." "Sabi ko na nga ba eh? Tara baba na tayo?" "Piggy back ride mo ako!" "Ayaw ko ang bigat mo kaya no!" "Dali na parang hindi kaibigan eh!" Bumuntomg hininga siya bago tumalikod at ang squat. Dali-dali akong tumayo at sumakay da likod niya. Dahan-dahan siyang tumayo at humigpit naman ang hawak ko sa kanyang leeg. "Huwag mong higpitin ng sobra nasasakal ako!" "Oppss sorry. Tara na baba na." "Ang bigat mo! tas hindi kapag nagpalit ng damit, nakauniform ka padin hanggang ngayon." "Bakit ba mabango naman ako ah!" Inamoy ko ang sarili ko at naramdaman ko ang pagtawa ni Aiden. "Sinabi ko bang mabaho ka? Ang pinapoint out ko baka puno ng alikabok yang suot mo." "Huwag ka nga maarte maligo kana lang ulit pag-uwi mo," sabi ko sa kanya habang pinaglalaruan ko ang kanyang buhok. Mabagala ang pagbaba niya ng hagdan dahil ayaw niya magkamali ng hakbang at mahuloh kaming dalawa. Habang pababa kami ay nag-eenjoy ako at parang ayaw ko nga bumama. Ipinatong ko ang ulo ko sa braso niya at niyakap siya ulit sa leeg niya. "Aiden, Thank you for being my side all the time." "Ano kaba huwag ka ngang magda-drama. Hindi naman ako aalis eh, marami pang araw na aasarin kita no!" Tumawa kaming dalawa. Hanggang sa makababa kami ay tumatawa kaminh dalawa. Pagbaba namin ni Aiden ay nakita namin sina Mommy at Daddy na kakapasok lang sa loob ng bahay. "Ang tanda niyo na naglalaro pa kayong dalawa?" ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD