Chapter Fourteen
Napalingon ako sa bintana noong matapos namin yung pinapanood namin. Mag-uumaga na pala, humiga ako at sina Aiden nanaman ay pinatay na yung TV.
"Pagising na mga kasama natin patulog palang tayo," sabi ni Shaun habang inaayos niya ang kanyang hihigaan.
"Bat ba natin kasi tinapos yun?" ani naman ni Aiden na inaalis ang pagkakasaksak ng TV.
"Ang ganda kaya no! Atsak a anong gusto mo isang episode lang papanoorin natin?" tanong ko sa kanya. Nakatingin ako sa kanya habang pahiga siya ngayon sa higaan.
"Hindi naman siguro kahit limang episode lang?"
"Nakakabitin kaya no!"
"That's what you get from watching mystery and psychological shows!" sagot ni Shaun.
"Magsitulog na nga tayo!"
Humiga na si Aiden sa tabi ako at inayos ko na ang pagkakahiga ko. Nilingon ko naman si Cly na mukhang malalim parin ang kanyang tulog. He look so peaceful while sleeping, tignan ko sina Aiden at Shaun kung nakapikit na sila. Noong nasigurado ko na tulog na yung dalawa ay inaas ko yung kamay ko at hinaplos ko ang pisngi ni Clyde. I caressed his face while at him. Noong gumalawa siya dali-dali kong inalis ang kamay ko sa mukha niya at tumalikod sa kanya. Damang dama ko ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba na mahuli niya ako.Ilang minuto pa ang lumipas bago ko naramdaman ang antok. Nakapikit ako habang mabilis ang ang t***k ng puso ko. Waaah bakit ko ba kasi ginawa yun?
"Sha... up....."
"Shana!" Nagulat naman ako noong marinig kong may tumatawag sa pangalan ko. Iminulat ko ang mata ko at sumalubong sa aking paningin ang mukha ni Clyden.
"Gising kana ba?"
"Anong oras na Cly?" I asked him and look at my surroundings.
"11 am, malapit ng mag-lunch. And kayo nina Aiden at Shaun nalang ang tulog," sagot nito sa akin. Nakita ko na tulog padin sina Aiden at Shaun. Hindi ko alam kung sino una nakatulog sa aming tatlo, pero mukhang ako ang una nakatulog dahil hanggang ngayon ay mahimbing padin ang tulog ng mga ito.
Tumayo ako at dumiretso sa aking kwarto para makaligo na ako. Habang naliligo ay naririnig ko na dumadaan sila sa hallway sa labas ng kuwarto ko. Naririnig ko na sumisigaw si Aiden at ang pagtawa ni Shaun at Kevine. Napangiti ako sa naririnig ko. Our house was never been this loud, sa tingin ko nga ito yung unang besis na maging maingay sa loob ng bahay namin.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Nagsuot ako ng black maong shorts at black silk spaghetti strap top. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko ay bumukas ang pituan ng aking silid. Napalingon ako at nakita ko si Clyden na pumasok, may dala itong black velvet box habang palalpait siya sa akin.
"Hey Cly whats that?" tanong ko sa kanya habang patuloy padin ako sa pagsusuklay.
"My gift," maikling sagot ni Cly sa akin. Binuksan niya ito at ipinakita ang laman sa akin. Napanganga ako sa laman ito, it is a Pair of Diamond Bangles by JAR.
"Cly ang mahal nito, how did you bought it?" tanong ko sa kanya. Tinignan ko siya at ngumiti lang siya sa akin at dahan-dahang itinaas ang kamay ko at ipinasuot niya ang bangles.
"I thought it would look good on you kaya binili ko ito para sayo and also it's your birthday. Did you like it?" tanong nito sa akin habang nakaluhod padin siya at hawak-hawak ang aking kamay.
Tinignan ko naman ang mga bangles na nasa kamay ko at tama nga siya ang ganda ng mga ito at they look so good on me.
"I love them! Thank you so much, Cly!" Niyakap ko siya sa leeg at naramdaman ko ang kanyang mga kamay sa aking likod.
"Anything for you, Shana. After you are done fixing yourself bumababa kana para makakain na tayo."
Paglabas ni Cly sa room ko ay tinignan ko muli ang nga binigay niya sa salamin. Itinaas ko ang aking mga kamay at kumislap ang mga ito sa tuwing matatamaan sila ng ilaw. Ang ganda ng mga ito, I usually got gifts from them like clothes, shoes and sometimes necklace (from Aiden) but I never got a bracelet from them. I don't personally like bracelets but since Cly gave them to me I will not take these off.
Bumababa na ako at nakita ko na naka-upo na silang lahat sa dining table at mukhanga ako na lang ang kanilang hinihintay. Habang kumakain kami ay nagkukwentohan sila, and they are planning to have a beach vacation sa sem break daw. Hindi pa nag-uumpisa ang pasukan ay yun na kaagad ang iniisip nila. Nakikisali ako sa usapan nila syempre gusto ko din magbakasyon kasama ang mga kaibigan ko, it's my first time. Noon parang nag-alalangan ako na baka hindi naman talaga kaibigan ang turing nila sa akin, but now that I've interact to them at naging close ko na sila ay parang nag-iba ang tingin ko sa kanila. They are kind, fun to be with, at considerate din sila. I'm happy now.
"Bilisan mo naman mag-aayos, Shana!" pagrereklamo ni Aiden na nakahiga sa bed ko habang ako ay naka upo sa vanity chair ko nag-aayos.
"Can you shut up? Kakalabas ko lang sa banyo eh atsaka ang aga-aga pa ah! bat ba atat na atat kang pumasok?" inis na sagot ko sa kanya habang nagsusuklay ko at tinitignan ko siya ng masama.
"Incase you forgot first day ngayon, and for sure madami tao niyan sa entrance and ayaw kong malate no!"
"Ikaw? tigilan mo nga ako, Aiden. Help me lock my necklace at the back, para naman nay silbi ka!"
Tumayo siya sa higaan ko at naglakad papalapit sa akin habang nilo-lock niya ang necklace ko ay naghahanap ako ng ibang jewelries na isusuot ko.
"Woah saan mo galing yan? Ang mahal ng nga yan ah!"
"Cly gave them to me as a birthday gift," sagot ko habang sinusuot ko ang mga bangles na regalo ni Cly sa akin.
"Oh, maybe change your necklace. Sa tingin ko hindi bagay sa suot mo ngayon."
"Talaga? Ano bagay? Help me to choose."
Lumapit naman sa vanity table ko si Aiden at binuksan niya ang jewelry cabinet ko. Kinuha biya ang red velvet box at kinuha niya ang laman nito. It's the tiffany and co vine drop necklace na binigay niya sa akin noong birthday ko.
"Seriously? Sabi ko na gusto mo lang gamitin ko ang regalo mo eh!" natatawa kong sabi sa kanya habang inaalis niya ang necklace na suot ko kanina.
"Bakit ang ganda kaya no!"
Noong mailagay niya sa leeg ko ang necklace ay hinawakan ko ito at tama nga siya maganda nga ito. Inayos ko na buhok ko at tumayo na ako para makaalis na kami ni Aiden. Pagdating sa school ay tama nga siya ang daming tao at mabuti ay naka kotse kaming dalawa kaya nakapasok kami na hindi na pumipila sa labas. Pagkapark ng kotse ay bumababa na kaming dalawa at may iilang estudyante ang napalingon sa aming dalawa. Hindi ko sila pinansin at nagsimula ng maglakad, si Aiden naman ay sumabay sa akin.
"Agaw pansin ka nanaman, Miss Dela Torre!" napalingon ako sa tabi ko ng may biglang umakbay sa akin. It was Shaun and he's smiling at me from ear to ear.
"Shaun! It was you, akala ko naman kung sino na umakbay sa akin," nakangiti kong sambit sa kanya. Patuloy parin kami sa paglalakad papunta sa building.
"As if may ibang aakbay sayo, lalo na't kasama mo yang si Aiden," tawang tawang sambit nito at niligon si Aiden.
"Magkaklase ba tayo ulit, Shaun? Nagsasawa na ko sa itsura mo ah!"
"Ang kapal mo din naman ah. Akala mo ba hindi ako nagsasawa diyan sa itsura mo," asar na sagot no Shaun. Nasa ginta nila ako lagi sa tuwing nag-aasaran sila at napapailing na lang ako sa inaasal ng dalawa.
"Hay nako mag-aasaran nanaman ba kayo? Mamaya nalang kapag nahatid niyo na ako sa room ko," sabi ko sa kanilang dalawa at nahinto naman sila sa pag-aasaran.
"Eto kasing si Aiden eh!"
"Oh ako nanaman!"
"Tama na kase!"
Napalingon naman sa amin ang mga napapadaan dahil sa parang nasisigawan kaming tatlo. Tinignan ko ng masama yung dalawa at ngumiti lang sila sa akin. Inirap ko sila at nagsimula na akong maglakad ulit, medyo malayo kasi ang building ko ngayon. Ang pagkakaalam ko kasi ay sa bandang likod ang building ng mga grade 8.
Pagdating sa building ko ay I saw some familiar faces and they are looking at me as a walk passed at them. Alam ko naman ang ibig sabihin ng mga tingin nilang iyon;
'That should be me.'
'How dare she walk side by side with them.'
'She's not even that beautiful.'
'And is Aiden carrying her bag? the nerve!'
'This is the reason kung bakit wala siyang kaibigan, dikit ng dikit sa mga Adriatico.'
and the list go on, sa ulit ulit ba naman nilang pagbubulungan sa tuwing dadaan ako ay na-memorize ko na mga sinasabi nila. Hindi ko nalang sila pinapansin dahil alam ko naman hahantungang maganda kung papatulan ko sila. I don't need them because I have the Adriatico's, Shaun, Kevine, Alice, and Anne by my side, they are irrelevant to be honest.
Pagdating sa room ko ay pinaalis ko nakaagad yung dalawa at pumasok na ako sa loob. Umupo ako sa bandang gitna dahil walang naka-upo dun. Kung ayaw nila ako makatabi ayaw ko din silang makatabi no. My family may not as rich as the Adriatico's but I know that my family is a lot better that these people who are hating me now. Kung sa tingin nila ay hindi ako dapat nakakikita kasama ng mga Adriatico at sila ang dapat, they should check their family first. Baka nga wala man lang silang ambag sa pag-unlad ng mga crops, business and industries dito sa Eretria eh.
"Okay calss goodmorning! I will be your adviser for this school year. Since hindi ko kayo kilala ay magpakilala muna kayo."
Nagsimulang magpakilala ang mga kaklase ko at lahat sila ay may nag-che-cheer sa kanila. Noong ako na ang tumayo ay nanahimik silang lahat.
"Shainna Ciarina Dela Torre, I'm 15 years-old." ?Maiksi kong pagpapakilala dahil wala akong balak na sabihin sa kanila kung ano pangarap ko lalo na't kitang kita ko ang pangungutya sa kanilang mga tingin.
"Is that all Miss Dela Torre? How about your dreams? Talent? Ayaw mo ba i-share sa klase?" tanong ng guro namin noong naka upo na ako.
"Is the necessary miss? I mean they are not interested din naman," sagot ko at tinignan ang iilan kong mga kaklase and they are looking. Nagkibit balikat ako at ibinalik ko sa guro namin ang attentsyon ko.
At sa buong klase namin sa umaga ay naging maayos naman kapag napalakilala ako sa edad at pangalan lang sinasabi ko. I don't want to do or the feel the same way like last year. I feel like if these people doesn't like me, pake ko? Kung ayaw nila sa akin, feeling is mutual then. Noong lunch break ay si Cly ang sumundo sa akin papunta sa canteen nila.
"How's your first day, Shana?" tanong niya sa akin. And I just shrugged my shoulders as response sa kaniyang tanong.
"Shana," manumanay nitong sambit muli.
"Let's not talk about it! Nagugutom na ako," sagot ko sa kanya habang patuloy padin ako sa paglalakad. Since Senior highschool na sina Cly ay makakain na kami sa shs canteen. Ang sabi kasi ay masarap daw ang pagkain dito kesa sa jhs canteen.
"I still think na dapat ka magkakaibigan na kasing edad mo, Shana."
"Ayaw nila sa akin Cly at hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kanila no!"
"Pero Shana you use to talk about having friends."
"People change, Cly. Atsaka mayroon naman akonh kaibigan, sina Alice, Anne and Shaun."
"They are older than you, iba padin ang mga kaibigan mo na same age mo."
"Cly ayaw ko nga sa kanila bat ang kulet mo?" inis ko sabi sa kanya at noong narealize ko na nataasan ko nanaman siya ng boses ay napatauptop ako sa aking bibig.
"I'm sorry, Cly."
"Okay lang yun, sinuot mo pala."
"Ito ba? Oo! ang ganda kase kahit saan ata ako magpunta sinusuot ko ito."
"That's good to hear and I'm happy too."
Ngumiti siya sa akin at naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi kaya yumuko ako habang naglalakad kami. Hawak hawak ko ang mga bangles na binigay niya.
"Ano gusto mo kainin? Dadaretso na ako counter at umupo kana sa tabi nina Aiden."
"Sweet and sour pork with garlic rice atsaka pineapple juice din," sabi ko sa kanya at ngumiti ako. Ngumiti siya pabalik sa akin at ginulo niya ang buhok ko.
"I like it better kapag ganyan ka, hindi ako sanay na nagmamaldita ka."
"Whatever, Cly." Iniwan ko na siya noong makapasok kami sa canteen dahil nakita ko na sina Aiden at kumaway sila sa akin.
Paglapit ko sa table nila ay may nakita akong nagong itsura sa naka-upo sa table nila. Ngayon ko lang to nakita, baka jowa ni Alice or ni Anne. Umupo ako sa isa sa dalawang bakanteng upuan. Katabi ko si Shaun ngayon habang sa kaliwa naman ay isang bakanteng upuan, dito na lang siguro si Cly.
"Oh Shana, Meet Jacob. He's one of our classmate," pagpapakilala ni Alice sa lalaki. Tumango ito sa akin at ngumiti ako sa kanya.
"Anong grade kana Shana? Same level ba kayo ni Cly?" tanong ni Jacob sa akin.
"Nope, grade 8 palang ako."
"Ha? I really thought na magkaklase kayo ni Cly sabay kasi kayong dumating."
"Sinundo niya lang ako. Transferee ka?" tanong ko sa kanya habang ang mga kasama namin ay may ibang pinag-uusapan. Magkaharap lang kasi kami ni Jacob kaya hindi nakakaabala sa kanila na nag-uusap kami.
"Oo, kakalipat ko lang dito ngayong school year."
"Sana mag-enjoy ka!" nakangiti kong sabi sa kanya. Sakto naman ang pagdating ni Cly na dala-dala ang kakainin namin.
Noong inilapag ni Cly ang pagkain namin saka ko lang ma realize na kami lang palang dalawa ang wala pang pagkain. Umupp na si Cly sa tabi ko at nagsimula na kaming kumain.
"Kamusta naman ang first day mo, Shana?" tanong ni Alice sa akin.
Tinignan ko siya bago ako sumagot,"As usual girls are hating me and some of them are looking me like I did something bad. Some of the boys are different though."
"Girls would really hate you if you attract boys. They will hate you dahil they can't be like you," sagot naman ni Anne habang kumakain.
Ang mga kasama naming lalaki ay napa-iling nalang, lalo na sina Aiden. Parang hindi nila gusto na nakikinig ako sa mga sinasabi nitong dalawa. But honestly salamat sa kanila at hindi ko nararamdaman na kailangan ko ipilit ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin. I'm alwasy confident of myself but when it comes on having friends parang nawawala ang confidence ko. Pero dahil kina Anne at Alice parang nawala ito, mas lalo kong naisip na mali pala ang pinag-iisip ko noon. Gaya ng sabi nila sa akin let them come to you, huwag mo i serve ang sarili mo sa kanila.
'Show them the real you and if they still hate you, at least you know kung sino yung talagang hate ka.' yan ang sinabi nila sa akin and I will on that.
"Shh kayong dalawa kung ano ano tinuturo niyo kay Shana," saway ni Dax dun sa dalawa.
"Bakit ba? Shana like it though, Right?" Bumaling sa akin si Anne na parang hinihintay ang isasagot ko sa kanya.
"Oo, atsaka hindi naman masama tinuturo nila ah!" sagot ko at tinignan ko si Dax at bumalik ang tingin ko kay Cly na kumakain lang.
"Hayaan na natin si Shana. Alam naman niya ang kanyang ginagawa," ani naman ni Aiden at kumindat sa akin inirapan ko siya at kumain ulit.
"Sabagay. Oo nga pala may practice match kami mamaya manonood kayo?"
"Sino kalaban niyo?" tanong ni Anne.
"Hindi ko pa kilala eh, surprise daw eh."
"Baka pass ako diyan," Shaun said.
"Ako din may pupuntahan ako mamaya eh," sagot ko din kay Dax.
"Saan punta mo?" tanong naman ni Cly.
"Sa bayan may ipinapadaan si Mommy," sagot ko kay Cly habang patuloy ako sa pagkain.
"Samahan kita?"
"Su-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil may bilang babae na lumapit kay Cly. May ibinulong ito sa kanya at dali-dali itong tumayo at nagmadaling makaalis ng canteen.
"Ano nangyari dun?" nagtatakang tanong ni Alice. Tinignan ko yung babae mukhang same grade lang kami. Noong makaalis Cly ay nakatayo padin ang babae na may ibinulong sa kanya.
"Hey girl ano sinabi mo kay Cly?" tanong ni Anne. Parang nagulat pa ito na kinausap siya bigla ni Anne.
"Pinapatawag kasi siya nung teachet namin. Something happened to Annia kasi," sagot nito na nahihiya.
So that Annia girl again? bakit ko nga ba nakalimutan ang tungkol sa kanya. Just because bumalik na kami sa dati ni Cly ay hindi ibig sabihin nun mawawala na siya buhay niya. Never akong nakaramdam ng ganito sa mga girlfriend dati ni Cly dito lang sa Annia na ito. Kitang kita ko kasi kay Cly kung gaano siya kaimportante sa kanya.
"Ha? Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Daxon na mukhang nag-aalala din. Napalingon naman ako sa kanya at napatayo pa ito sa kanyang kinauupuan. Really even him?
"Mataas daw ang lagnat and dinala sa clinic," sagot nanaman ulit noong babae. Tinignan ko siya ng masama dahil naiinis na ako sa kung ano anong bagay na naiisip ko. Mukha naman siya natakot sa akin at tumakbo na siya paalis.
Pag-alis niya ay tumayo na din ako,"Busog na ako. Babalik na akonsa room ko."
Iniwan ko sila doon na hindi ko hinintay ang sasabihin nila sa akin. Habang naglalakad ako ay hindi mawalawala sa isip ko kung sino nga ba ang Annia na yun. At mukhang hindi lang si Cly ang nag-alala sa kanya, Even Daxon now. Hanggang sa makarating ako sa building ko ay naiisip ko padin ang pangalan niya. Pagpasok ko sa room ay wala pa ang mga kaklase ko dito kaya naman kinuha ko ang phone ko at isinearch ko siya sa mga social media. And there I saw the name; 'Annia Villavicencio'. So she's the Villavicencio heiress, she pretty and I feel like nakita ko na siya sa kung saan.
Habang nag-scscroll ako sa social media niya ay may nakita akong picture niya kasama si Dax and Cly. Nakaramdam naman ako ng kung anong kirot sa puso ko noong nakita ko iyon. Both of them look so happy sa picture at sa masion nila ang picture, kahit hindi ako gaanong nagpupunta dun ay alam ko ang itsura nito. Nakita ko rin kung kailan ang picture, it was last week noong niyaya ko sila then si Aiden lang ang dumating. Great! Sa inis ko ay inalis ko ang bangles na suot ko at ibinato ko sila sa loob ng bag ko. Inalis ko na din sa social media ni Annia ang phone ko, yumuko ako sa arm chair ko dahil may kalahating oras pa ako bago mag-umpisa ang klasw ko sa hapon.
Noong uwian na ay nakita ko sa labas na naghihintay si Shaun sa akin. Paglabas ko ay ngumiti ako sa kanya.
"Bakit ikaw lang ang nandito? Si Aiden?" tanong ko sa kanya.
"Nasa parking lot na siya may butas daw kasi yung kotse niya kaya nauna na siya," sagot ni Shaun sa akin. Nagumpisa na kaming maglakad paalis ng building.
"Ha nako baka may nadaanan siyang matulis na bagay kanina," sambit ko.
"Baka ka hindi maayos ngayong ang sasakyan niya, sumabay na lang kayong dalawa sa akin."
"Talaga?? out of the way ang bahay namin sa inyo," sabi ko habang nakatingin ako sa kanya.
"Okay lang hindi naman din ako nagmamadaling uuwi. Atsaka diba pupunta ka ng bayad sabi mo?"
"Ay oo nga pala, sasamahan mo ako?"
"Kung okay lang naman sayo."
"Nako kahit nakakahiya papayag na ako. Baka palayasin ako ni Mommy kapag hindi ko nakuha yun," tumatawa kong sabi sa kanya. Natawa na din siya sa akin.
"Baka sa daan ka matulog kapag hindi mo nakuha yun."
"Oo nga eh! Basta sabi mo yan wala kang gagawin ha?"
"Oo nga ang kulet ah!"
Sasagot pa sana ako sa kanya ng biglang tumunog ang phone ko. Nakita ko na tumatawag si Aiden sa akin.
"Hello? Bakit?" salubong na tanong ko sa kanya pagkasagot ko sa tawag niya.
"Kasama mo paba si Shaun? Pwede sa kanya ka muna sumabay?"
"Hindi ba magagawa ng kotse mo ngayon?"
"Oo mukhang may problema din sa break kaya ipapahila ko nalang sa driver namin atsasabay na nun ako sakanya," sabi ni Aiden. Tumatango ako hahang nagsasalita siya, si Shaun na naman ay nakatingin sa akin.
"Sure, pumayag din naman si Shaun. Mag-iingat ka ha?"
"Kayo ding dalawa."
Pagbaba ko sa tawag ni Aiden ay may naaninag akong naglalakad mula sa clinic. It was Cly and Annia nakahawak ito sa braso ni Cly habang dala-dala ni Cly ang kanyang mga gamit. Hindi ako nakita ni Cly dahil ang tingin niya ay nakay Annia lang. That should be me.
~~