Chapter One
I was being naive with my feelings all this times. I really don't understand my feelings, because I grew up in a family that is very affectionate. I always I thought it was like a normal thing.
"Shana, darling! Clyden is here."
At a very young age I grow up being with the Adriatico's. My family and their family are quite close, but mostly they would to our house. I rarely go and visit at their mansion because they prefer to visit me here than stay at their mansion. Our house is not as big as their mansion but it's quite big enough for us.
"Hi!" bati ko kay Clyden. He's smiling at me right now habang palapit ako sa kanya. He always go to our house to visit me, but sometimes he's with his cousin. They would always visit me here at our house, and we would go around Eretria.
"You look good with that white dress," he said while looking at me. Napansin ko na magmula noong nakita niya akong papalapit sa kanya.
"Really? Mommy bought it last week. She said white dress look good to me." Nakangiti ako ngayon habang nagsasalita. I always like it when people compliment me.
"Well she's not lying though." Lumingon ako sa kanya at nakangiti siya sa akin.
"Where are we going by the way?"
"Wala, mag-stay na lang tayo dito."
"Bakit?"
"Well it's raining outside as you can see. At next week na ang pasukan, baka lagnatin ka."
"It's raining? Let's go to my room veranda. I want to watch the rain."
"Wait! ilalagay ko lang sa plate yung mga cupcakes galing kay Mama," he said to me with a soft voice. I really like it when he uses that voice.
"Okay! sumunod ka nalang sa akin ha?"
Nagmadali akong umakyat sa taas papunta sa kwarto ko. Kitang kita ko sa sliding door ang ulan, malakas ang ulan pero mahina lang ang hangin. I set up the chairs in front of the sliding door. Kumuha din ako ng unan na gagamitin namin. Pinagtabi ko yung mga upuan at inilagay sa harap ang mini table.
Ilang minuto pa ang lumipas ay pumasok na si Clyden na may dalang tray. Inilapag niya ito sa mini table, nakita ko din na may dala pa itong ibang pagkain bukod sa cupcakes. Mayroon din siyang dalang dalawang baso ng pineapple juice.
"Ang dami naman ng dala mong pagkain," sabi ko habang umuupo ako at niyakakap ang unan. Umupo din siya sa tabi ko at kumuha siya ng cupcake at iniabot niya sa akin ito.
"Hindi ko alam na may cookies pa pala pinadala si Mama."
I started to eat the cupcake and it's a chocolate mousse cupcake. It's one of my favourite cupcake flavour, Tita Anna's cupcakes are very delicious. Watching the rain made me remember the first time I meet the Adriatico cousins.
Napakalakas ng ulan noon at nasiraan ang kotse namin at na sakto ito sa tapat ng mansyon ng mga Adriatico. Napakalayo pa ng bahay namin mula dito at napakalakas din ng ulan. Ako lang mag-isa ang nasa loob ng kotse namin. Sinundo ako ng driver namin mula sa school. Habang pinapanood ko siya sa bintana ay biglang bumukas ang pinto at inilipad ng hangin yung test paper ko.
"Noooo!" Dali-dali akong tumakbo palabas ng kotse at hinabol ito. Hindi ako napansin ni Manong Rey kaya patuloy ako sa pagtakbo. Pumasok sa loob ng gate ng mga Adriatico ang test paper ko. Hindi ko pinansin ang pagiging basa ko dahil sa ulan.
"Hoy bata, bawal pumasok diyan!" rinig kong sigaw sa akin ng guard na naka-upo sa guard house.
"May kukunin lang po ako!" sigaw ko pabalik. He might not hear me because he was being surrounded by glass window.
Tumuloy ako sa pagpasok sa loob ng mansyon ng mga Adriatico. Ang una kong nakita ang malawak na daan papunta sa bahay. May bermuda grass din na nakapalibot sa gilid at may daan papunta sa likod bahay. Yung test paper ko ay na-stuck as isa sa mga puno nila. Sinubukan kong tumalon para maabot ko ito, pero natumba lang ako.
"Aiden! tama na!!" May narinig akong sumisigaw na palapit sa akin. Lumingon ako sa likod ko at may nakita akong lalaki na tumatakbo palapit habang hinahabol ng dalawa pang lalaki.
"Then stop running from us Cly!" sigaw sa kanya ng isang lalaki na naka blue na polo shirt.
They look older and taller than me. Nilalapitan nila ang isang lalaki na naka sando lang. Hindi pa ata nila ako napapansin, kaya pinag patuloy ko ang pag-abot ko sa test paper ko.
"Hoy! Diba sabi ko bawal ka pumasok?!" Nakita ko naman yung guard na palapit sa akin. Napahinto din sa paghahabulan ang tatlong lalaki.
"Kuya guard kinukuha ko lang yun oh!" Itinuro ko yung test paper ko na nasa puno. Basang basa na ito at malamang ay malulusaw na, pero nagbabakasali padin ako. Gusto ko kasi itong ipakita kina Mommy at Daddy, dahil nakakuha ako ng mataas na marka sa test namin.
"Para sa papel? Hay jusko!!" Inabot niya ito at binigay sa akin. Kaagad na nawala ang ngiti ko sa aking labi noong hawakan ko ito at kusang napunit.
"Manong what's happening here? Who's this?" I heard one of the boys talking right now and they might be closer to me, but I did not gave them attention. I just cried while trying to fix the paper.
"Sir Daxon, ito po kasing bata babae bigla nalang pumasok."
"Hey kid this is private property you shouldn't enter here." Lumingon ako at nakita ko ang lalaki na nakasando na kinaka-usap ako. Pero imbes na sagutin ko siya ay pinakita ko lang sa kanya yung test paper ko at umiyak.
"Hey don't cry. Halika pumasok muna tayo sa loob."
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako papasok sa bahay nila. Nakasunod sa amin ang dalawa pang lalaki.Pagpasok namin ay sinalubong kami ng mga katulong nila na may dala towel.
"Manang can you get another towel?" I heard the boy near me talking as he put his towel on my body.
Pagpasok namin sa loob ay bigla akong nakaramdam ng lamig, dahil na rin sa lakas ng hangin mula sa labas. Yinakap ko ang sarili ko na nakabalot ng towel. Yung isang mas batang lalaki kumpara sa dalawa ay ipinatong niya sa akin ang kanyang tuwalya.
"Salamat," ani ko habang ibinabalot ko ang sarili ko sa tuwalya.
"Mayroon kaming guestroom at pwede kang magpalit ng damit doon para hindi ka lamigin. Manang can you please help her sa guest room?"
Hinawakan ako ng katulong nila sa balikat at iginaya niya ako papunta sa taas. Pagpasok namin sa isang kwarto ay binuksan niya ang isang malaking cabinet at ipinagkuha niya ako ang ng mga damit na mukhang bago.
"Maligo po muna kayo miss. Heto po ang damit na pwede niyong suotin."
Noong matapos akong naligo ay sinuot ko ang damit na binigay sa akin. Ito ay yellow floral dress na hanggang ilalim ng tuhod ko. Paglabas ko mula sa banyo ay wala na yung katulong. Kaya naman dahan dahan akong lumabas kwarto at paglabas ko ay naka-salubong ko ang isa sa mga lalaki kanina.
"Hi! Tapos kana pala, tara sa sala. Nandoon na sina Kuya Cly at Kuya Dax," he said to me while smiling from ear to ear.
"Sorry for entering your property illegally," sagot ko sa kanya habang naglalakad kami pababa. I don't know his name or the other two, I just know that they are the Adriatico's.
"Okay lang yung. Hindi ka naman pumasok para gumawa nang masama e," he answered as he walked faster and sitting on their sofa.
"Have a sit-?"
"It's Shana."
Nagpakilala naman din sila sa akin. The boy who give me his towel first was Clyden, then the other boy that seems like his same age is Daxon, at ang kasabay ko naman na bumababa kanina ay si Aiden. They might look intimidating at first because they are so tall but now that I'm talking to them face to face. They seems to be like a very soft.
"Senyorito, may naghahanap na po sa babaeng pumasok kanina." Napalingon kaming lahat sa pasukan ng bahay kung saan naka tayo yung guard.
Nako baka hinahanap na ako ni Manong. Hala baka isumbong niya ako kay Mommy. Sa kaba ko at dali dali akong tumayo at tumakbo palabas ng bahay. Hindi umuulan kaya naman mas naging madali ang paglabas ko ng mansyon.
"Sorry po Manong," nag-bow naman ako sa kanya pagkakita niya sa akin. Mukha siyang alalang-alala ngayon.
"Miss Shana ang akala ko po ay nawala na kayo. Ayos na po yung kotse Miss tara na po?" Binuksan niya ang pintuan ng kotse at sumakay na ako. Habang palayo kami sa mansyon ay napalingon ulit ako. Hindi inaakalang mas maraming besis pa akong makakapunta doon.
"Shana you are spacing out!"
"Sorry, naalala ko lang noong unang besis ko kayong nakita!"
"Ah yes, I can still remember that. It's a first time to have trespasser at our mansion."
"May kinukuha lang ako noon eh!"
"Well hindi mo naman nakuha nang maayos yung test paper mo."
Inirap ko lang si Clyden at tinuloy ko ang pagkain ko sa mga cupcakes. Habang kumakain ay nakatingin lang sa akin si Clyden. Hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha o ano.
"Buti pala at hindi mo kasama sina Aiden?" tanong ko habang kinukuha ko ang juice ko.
"Nilalagnat si Aiden eh, si Dax naman nasa manila pa with Tita Millie," sagot niya pabalik sa akin. He's still looking at me right now, hindi ko alam talaga kung bakit. Pero hinyaan ko siya hindi naman bago ito sa akin.
"Talaga? Can I visit him?"
"Maybe not? Baka mahawa ka Shana. At pagalitan pa ako ni Mama at Tita Cali kapag nag kataon."
"Hmp! I haven't seen Aiden in weeks."
Ever since I meet them, Aiden and me became so close like a best friend. Clyden right her is like a big brother to me just like Daxon. I was always with them in summer sometimes after school. Hindi pareho ang paaralan ko sa kanila, dahil grade 6 palang ako. Next year pa ako mag-hi-highschool and I will go to the same school like them.
"Cly stop staring at me!"
"May chocolate ka kasi sa gilid ng bibig mo." Nahiya ako bigla sa sinabi niya kaagad ko naman kinuha yung tissue at pinunasan ang bibig ko.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi?! Kaya pala kanina kapa nakatingin sa akin," naiinis ko sabi sa kanya at tumatawa lang siya sa akin.
"Nakakatawa ka kasi eh!"
"hmp! shut up, paalisin kita sige ka!"
"Oo na eto na tatahimik na po mahal na prinsesa." I smiled at him right now. I really have this quick change of moods sometimes.
We just stayed there watching the heavy rain falls, while eating the foods in front of us. We talk for hours and hours there until the rain stopped. Gabi na noong tumigil ang ulan pero wala padin sundo si Clyden.
"Shana baby dito ba mag-didinner si Cly?" tanong sa akin ni Mommy pagbaba ko. Naiwan pa kasi pa sa taas si Cly.
"Yes po, Mommy. Wala pa po kasi yung sundo niya. Kaya baka ipahatid na lang po natin siya."
"Okay baby. I will help manang to prepare our dinner. I love you honey."
"I love you din po Mommy," nakangiti kong sagot sa kanya. Pagpasok ni Mommy sa kusina ay siya naman pagbaba ni Cly mula sa kwarto ko dala dala yung pinagkainan namin.
"Cly, dito kana daw mag dinner sabi ni Mommy."
"Nandiyan na ba yung driver namin?"
"Wala pa eh. Baka ipahatid kanalang namin sa driver namin."
"Sige. Wait ilalagay ko lang sa kusina ang mga ito."
Naiwan ako sa sala na naka-upo sa sofa. It was quite a cold night at parang nagsisisi ako na sleeveless ang suot kong dress ngayon. Habang hinihintay ko na bumalik si Cly ay nirurub rub ko ang mga kamay ko sa braso ko. Medyo lumakas kasi ang hangin dahil gabi na kaya nilalamig na ako.
Napalingon naman ako noong may naramdaman akong jacket sa balikat ko. Hinakwan ko ito at nakita ko si Cly na nasa likod ko nakangiti habang nilalagay niya ito sa braso ko. I smiled sweetly to him habang umuupo siya sa tabi ko.
"You should always keep yourself warm, Shana."
"I didn't know na ganito pala kalamig dito sa labas. Hindi naman kasi malamig sa room ko kanina e."
"Umulan ng maghapon Shana so it's just normal na malamig ngayon, lalo na't gabi na."
I can smell his perfume from the jacket that he placed on my shoulders. It smells like a yogurt and mint. Clyden always have this perfume since I met them. All of them have distinct perfume smell except Daxon who change his perfume every year.
Months passed by quickly, malapit na akong matapos ngayon sa elementary. I didn't have some memorable experience at school. Everyone on our school are avoiding me because I was close with the Adriatico. I don't have school friends, but I have the Adriatico naman. Aiden would always visit me after school and Daxon is with Cly kapag pupuntahan nila ako.
"Your graduation is near Shana. What do you want?" Aiden is here now at our house. We are both laying at our couch.
"Bakit ibibili mo ba ako?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Tell me what do you want? I will buy it for you."
"Anything?"
"Yes, I'll buy anything for you."
The three of them always spoil me when it comes to foods. I never ask them anything than food. Kaya siguro nagustohan ko din ang pagkain dahil sa kanila.
Kinuha ko ang phone ko at humarap ako sa kanya. Ipinakita ko yung picture ng necklace na nakita sa mall noong nag-manila kami. Hindi ko nasabi kay Mommy na gusto ko yun dahil nag mamadali siya noon.
"Okay. I will buy it as my graduation gift for you."
It always our bonding together to lay down here at our couch and talk some random things. Sometimes he would tell me about his flings (that's what he called them). I know maraming babae ang nagkakagusto sa kanila. Aiden always have girlfriend every week, Daxon have someone with him every month. Si Clyden lang ata ang hindi ko nakikita na may babae.
"Hey, Shana. May nagkakagusto na ba sayo?"
"Wala pa naman. Bakit?"
"If meron just tell him kailangan niya muna ako maka-usap."
"Bakit naman kailangan kapa niya maka-usap?"
"Syempre tignan ko muna if papasa siya, kailangan magigitan o mapantayan niya muna ako."
"Hmp! Papa ba kita? Parang sinasabi mo na hindi ako mag kakaroon ng boyfriend e! Mayroon bang makakapantay o makahihigit sa isang Adriatico."
"Parang gano'n na nga!" Tumawa pa siya habang nag sinasabi niya ito, inirap ko nalang siya.
It won't be the last time na aasarin ako ni Aiden. Little did I know na umpisa lang ito ng walang tigil namin na pag-aasaran. Naging parte ito ng buhay naming dalawa.
~~