Chapter Two
It's my graduation day today and it's the most exciting day for me because finally I will leave this school. While waiting for the program to start I can see the three cousins sitting at the side bench. May dala dala silang bouquet at iilang paper bag na kulay matte black. People here at our school are looking at them like they are some sort of celebrity.
Kumaway sila sa akin noong nakita nila ako na nakatingin sa kanila. Ngumiti lang ako hindi ko kumaway pabalik dahil itong katabi yung kumaway. Akala ata niya siya yung kinakawayan noong tatlo. Wala ang pansin ko sa nagsasalita sa harapan, lumilipad ang isipan ko kung saan saan. Pagkatapos ng graduation ay kasama ko si Mommy, at palapit sa amin yung tatlo.
"Congratulations Shana!" Ibinigay sa akin ni Daxon yung bouquet na hawak niya.
"Thank you Dax." Yinakap ko siya pagkabigay niya ng bulaklak sa akin.
"You're welcome, Shana. By the way you look good right now."
"Ngayon lang? I look good everyday no!" Natawa naman silang tatlo si Mommy ay nakangiti lang.
"Sa bahay na kayo mag-usap. May handaan sa bahay, baka nandoon na din sina Anna."
Mommy is very close to Tita Anna. I heard they are high school friends here in Eteria. Nagkahiwalay lang sila noong tumira sina Tita Anna sa Manila. Sumakay ako sa kotse na dala namin kanina. Katabi ko si Mommy sa backseat at sa front seat naman ay si Daddy. Nauna daw siya sumakay sabi ni Mommy.
"Mommy sa school kung saan po nag-aaral yung tatlo doon po ako mag-aaral!"
"You want to go there, Honey? I thought you want us to stay in Manila?"
"No! gusto ko kung saan nag-aaral sina Aiden."
"Okay, baby kung ano gusto mo. As long as you are happy." I hugged Mommy sideways. I can also feel her rubbing my back.
Pagdating namin sa bahay ay maraming naka-park na kotse sa may parking namin. Isa na doon ang kotse ng mga Adriatico. Hindi pa pinapayagang mag drive ng sariling kotse. Sabi nila ay baka kapag senior high school na sina Cly doon palang sila bibiggyan ng kotse. I bet kating kati na magkaroon ng sarili kotse ang tatlo.
Pagbaba ko sa kotse namin ay siya ding pagbaba ni Daddy. Naglakad ako palapit kay Daddy at niyakap ko siya ng mahigpiy ngunit hanggang tiyan lang ako ni Daddy. Ang taas kasi ni Daddy tapos eto ako ang liit-liit kailan kaya ako tatangkad.
"Shana honey, your Tita Anna is inside. Your mother and I will just entertain some of the guest."
"Okay po Daddy. Papasok po muna ako," ani ko pag kahiwalay ko sa pagkakayakap sa kanya.
Naglakad na ako ako papasok sa loob ng bahay namin. Nasa garden ang mga iilan naming bisita mostly it was Mommy's friends or Daddy's business partners. Sa loob naman ng bahay namin ay sina Tita Anna lang ang nasa loob. Naka-upo sila sa sofa namin, Si Aiden ang naunang naka-pansin ng pagpasok ko sa loob. Sina Cly at Dax naman ay nag-uusap habang si Tita Ann ay nagbabasa ng magazine.
"Hija, nariyan ka na pala." Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko si Tito Cyniel.
"Tito, Hello po. Kasama po pala kayo ni Tita," bati ko sa kanya. Napansin ako ang kanyang dala-dala na isang basong tubig.
"Ah yes. Sumama ako kay Anna wala din naman kasi akong gagawin. Anyways congratulations, Shana." Nakangiti sa akin si Tito, he's features are like Cly. Alam ko na ngayon kung kanino nagmana si Cly.
"Shanaa!" Dali dali naman lumapit sa akin si Tita Anna at yinakap niya ako.
"Tita Anna, kamusta po?" Sa Manila sila nakatira kaya naman madalang ko lang siya nakikita. Sina Cly naman ay dito sa Eretria nakatira kasama si Tita Cali.
"Mabuti naman ako hija. Ikaw ba? Congratulations pala sa graduation mo." Nakangiti niyang bati sa akin. Tita Anna's smile made me feel warm inside.
"Salamat po, Tita at Tito."
Lumingon ako kay Tito at tumango lang siya sa akin. Inabot niya kay Tita Anna yung baso na hawak hawak niya kanina. Pinapanood ko silang dalawa ni Tito and they look very sweet with each other.
"Shana come here! I have something for you." Si Aiden naman at tumatawag ngayon sa akin. Tumingin muna ako kina Tita bago ko lapitan si Aiden.
"Sige Hija, kanina ka pa hinihintay ng mga yan," sabi sa akin ni Tita Anna at naglakad sila ni Tito Cy palabas ng bahay namin.
"Ano ba yang ibibigay mo?" tanong ko habang pa-upo ako sa tabi niya. Sina Cly naman ay nakatingin lang sa aming dalawa.
"Just open it. Inuuna pa kasi ang pagsasalita eh!" Inirap ko siya ay kinuha ang inaabot niyang rectangular velvet box. Pag bukas ko ay nakita ko sa loob ng box yung pendant na gusto ko.
"Omg!!! Aiden," I said with my voice that sounds so overwhelmed. I almost jump on him to hug him, buti at napigilan ko ang sarili ko.
"Diba sabi ko naman sa'yo I will buy whatever you want," he cockily said while smirking on me.
"Oh maybe ask him to buy you a resort Shana." Pang-aasar ni Dax habang tumatawa.
"Shut up Dax! Don't give her ideas!"
"I have gifts for you too Shana." Inabot sa akin ni Cly yung paper bag na kanina niya pa hawak hawak. Nawala kaagad ang pansin ko kina Dax at Aiden na nag-aasaran.
"This is too much!" The paper bag have a lot of different designers dress.
"No it's not, Shana. We just want to give you a gift for completing grade school"
"It's just grade school come on, it's not a big deal," sagot ko kay Clyden. He just smiled at me and he ruffled my hair. Nag-pout lang ako sa kanya habang nakangiti siya.
We stayed here at our living room talking with eachother and Aiden is asking me if he could put my necklace. Kanina niya pa ako pinipilit na gusto niya na isuot ko na yung binigay niya sa akin.
"Dali na, Shana!" he said to me. I can see him doing the puppy eyes to please me.
"That won't work on me Aiden," sabi ko sa kanya at inirap ko siya.
"Ihh dali na kase!"
"Hay nako Shana payagan mo na yan. Hindi ka titigilan ni Aiden hangga't hindi ka pumapayag," ani ni Daxon habnag nakatingin sa amin. Tinignan ko naman si Clyden natumango lang sa akin.
Napabuntong hininga ako at lumingon kay Aiden at inabot ko sa kanya yung box ng necklace. Pag-abot ko sa kanya sa box ay lumiwanag kaagad ang mukha niya. Kinuha niya ito at dali dali niya itong binuksan. Tumalikod ko sa kanya at itinaas ko ang buhok ko.
I felt the cold pendant on my neck and I feel a goosebumps. I can see Clyden is watching us while Aiden is putting the necklace on me. He's jaw clenched a little but it his face quickly change, into his normal smiling face.
"That looks beautiful on you, Shana," ani ni Aiden pagka-lock niya sa pendant. Hinawakan ko ito at humarap ako sa kanya. Ramdam ko padin ang tingin sa akin ni Clyden, pero ipinagwalang bahala ko ito.
"Really? I guess I really have a good taste on jewelries!" Pagmamayabang ko kay Aiden.
"Ano ikaw? ako kaya bumili niyan kaya ako ang may magandang taste!"
"Hindi kaya! Ako namili so sa ako ang magaling hindi ikaw. Atsaka ang panget kaya ng taste mo!" sagot ko pabalik kay Aiden. I'm not being calm right now, dahil umpisa nanaman to ng pag-aasaran namin.
"Here we go again. Tumigil na kayo. Kumuha na tayo ng makakain," ani ni Dax at nagsimula na siyang maglakad palayo sa amin dito.
"Don't annoy eachother too much baka magkasakitan kayo," he said with a neutral voice. Tumayo na din siya pero bago pa siya makalayo ay lumingon ulit siya, "ikukuha kita ng makakain Shana wait for me there."
"Uhm! sure, thank you Cly!"
"Ako din Cly! Thank you!!" Sigaw ni Aiden kay Cly noong tumalikod ito sa amin. Ibinaling naman ni Aiden ang pansin niya sa akin. "Anong sinasabi mong panget ang taste ko?"
"I mean look at your fling now. Really si Cath?! she look very unattractive for me!"
"Excuse me young lady, I don't look someone's physical appearance. I didn't like someone just because of their appearance."
"And you think her attitude is attractive? when I said she's very unattractive I mean both inside and outside, Aiden."
Kilala ko si Cath malapit lang ang bahay nila sa amin at minsan ay naririnig ko siya na sinisigawan ang mga kasambahay nila. Minsan naman ay naririnig ko siya naiinsulto ang kanyang mga magulang di kaya naman ay nakakatatandang kapatid. Cath is the worst out of all Aiden's fling.
Hanggang maggabi ay kasama ko yung tatlo dito sa aming bahay. Naunang umuwi sina Tita Anna kesa sa kanila. Wala na din ang mga bisita nina Mommy pero nandito padin sila. Wala akong ibang kaibigan bukod sa kanila kaya sila lang kasama ko maghapon.
I really wanted to have friends but all of the girls at our school are angry with me. I hope high school I would find new friends.
"Shana do you really think that Cath have a very bad attitude?"
"I mean she bullies their maids. At noong nag-aaral pa siya sa grade school noon she's a bully!"
Ilang linggo makalipas ang graduation ko ay nandito ulit si Aiden sa bahay namin. He's here since I woke up. Naka-upo lang kami sa sofa namin while talking like we used to do.
"Well I broke up with her a while ago," he said at kaagad naman ako napatingin sa kanya. He look kind of sad but not broken hearted.
"Kaya pala nandito ka?"
"At least have sympathy!"
"Ayaw ko nga, tagal kong hinintay na maghiwalay kayo no! I don't really like that girl." Inirap ko siya pero I'm still worried for him, he look really sad.
"Don't tell me you love her?"
"What no?!"
"Good. I mean you can find someone else there. Someone who could love you not just because you are an Adriatico. But someone who could love as Aiden."
He look at me with a shocked reaction. "Are you in-love?"
"What sira kaba?! I'm just trying to say that you could find someone better than Cath! Malay mo mamayang pauwi ka ay makasalubong mo siya."
"Whatever Shana. Don't tell Cly na nagpunta ako dito."
"Bakit naman?" tanong ko. Usually he would come here and then he would call Cly hours later.
"Well ang sabi ko kasi ay pupunta ako kina Cath, and kapag nalaman niya na nagpunta ako dito ay papagalitan niya ako." Nagtataka man ako sa sinabi ni Aide pero tumango na lang ako sa kanya.
"Aide, bakit pala hindi na laging nag pupunta sina Cly dito?" Lately kasi ay si Aiden lang ang laging nagpupunta dito. Kaya nagtataka din ako kung bakit siya papagalitan ni Cly.
"Maybe he's busy with his girlfriend? I don't know?"
Girlfriend? Cly and hindi niya ako sinabihan. I felt something like overwhelming or a nervousness inside of chest. I feel so irritated but I tried to shake it off my mind. I tried my best para makinig sa mga sinasabi ni Aiden pero ang isip ku ay itinatanong "kung bakit hindi sinabi ni Cly na may girlfriend siya."
"Shana, uuwi na ako. Pinapa-uwi na ako, darating daw yung family noong business partner nina Mama." Tumayo na si Aiden sa kina-uupuan namin. Sumunod naman akong tumayo at inayos ang suot ko.
"Gusto mo bang ipahatid kita sa driver namin? Malayo ang sainyo dito sa amin." Pag-aalok ko kay Aiden pero umiling lang ito sa akin.
"Mag lalakad na lang ako," sagot niya sa akin habang inaayos niya ang kanyang buhok.
"Baka makasalubong mo yung babaeng mamahalin mo?" Pang-aasar ko sa kanya habang tumatawa ako.
"Tumigil ka Shana. Aalis na ako, sabihin mo na lang kay Tita." Niyakap niya ako bago siya lumabas ng bahay namin.
Pag-alis ni Aiden ay mas lalo kong naramdaman ang pagka-irita. Na kanina ako pa sinusubukang iwaksi sa aking isip. Dahil wala naman akong ibang kaibigan bukod sa mag pipinsan ay nanatili lang ako sa bahay namin.
Kinagabihan ay nag punta dito sa bahay namin si Clyden. Hindi ako nagsasalita kahit na tignan ay hindi ko siya matignan. Naiirita ako sa hindi niya pag sabi sa akin na mayroo siyang girlfriend.
"Bakit ang tahimik mo?" tanong niya sa akin makalipas ang ilang minuto na naka-upo lang at hindi nag sasalita.
"Ayaw kita maka-usap," maikli kong sagot sa kanya. Hindi ko padin siya hinaharap hanggag ngayon.
"Bakit? May nagawa ba ako?"
Hindi ko siya sinagot. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi niya nakikita ang itsura ako. Nagulat na lang ako ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko.
"Tell me, hm?"
"Naiinis ako sa'yo!"
"Why? what's wrong?" his voice sound so worried right now. Kitang kita ko din sa mata niya ang pag-aalala.
"Aiden said may girlfriend ka, kaya hindi ka masyado nakakapunta. Naiinis ako kasi hindi mo ako sinabihin na may girlfriend kana pala!"
He look amused right now. "Shana, are you upset that I have a girlfriend?"
"No! It's just why can't you informed me na mayroon kana pala. That's the reason kung bakit ako naiinis."
Hindi ako naiinis dahil may girlfriend siya ang kinaiinisan ko ay ang hindi niya pagsabi sa akin nito. Gusto kong maging updated sa kung ano nangyayari sa buhay niya. Gusto ko maging updated sa buhay nila, I don't want to clueless on what's going on.
"Wala naman akong girlfriend kaya wala ako sinasabi," malumanay ang boses niya ngayon. Ang kamay niya ay nasa pisngi ko, hinahaplos haplos niya ito. I feel so fluttered sa ginagawa niya.
"But-"
"Mali ang sinabi sa'yo ni Aiden. Don't mind him, diba ang sabi ko sayo. I love you?"
Yeah I remember the day after my graduation pinuntahan ako ni Clyden. He said, "I love you so much, Shana." And then he left.
"I know you love me! Will you love me less kapag mag girlfriend kana?" tanong ko sa kanya. I was looking at his eyes and the amusement on his face never leave him while looking at me.
"It won't, Shana. My love for you is too much that it won't be lessen by anyone."
Ngumiti ako sa kanya at tumango lang. Hindi ko pinansin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Nararamdaman ko din ang nakakakiliting pakiramdam sa tiyan ko pero hindi ko ito pinansin. Inisip ko na nagugutom lang ako kaya ganoon ang naramdaman ko.
~~