Chapter Twelve
After my conversation with Cly that night, ginawa ko ang lahat para hindi siya makita. Nag-stay ako sa bahay at hindi ako tumatangap ng bisita kung hindi si Aiden. Buong summer vacation ay si Aiden ang nakakasama ko sa bahay. Si Dax naman ay nasa manila kaya hindi din nakakabisita dito. Si Cly naman ay nagpunta sa amin pero hindi ko pinapasok. At ngayon sa tingin ko ay ang girlfriend niya ang kasama niya.
"Shana nagsasawa na ako sa pagmumukha mo ah!"
"Kapal mo naman! mas nakakasawa kaya mukha mo no!" inis na sagot ko sa kanya.
Nandito kaming dalawa ngayon naka upo sa sofa namin. Nag-p-play ang movie sa tv ngunit wala doon ang pansin naming dalawa.
"Malapit na pala birthday mo niyan."
"Oo nga, I told Mom na simpleng dinner nalang with family then dinner din with the Adriatico's."
"Are you sure? Ayaw mo ng part?"
"Party? as if may kaibigan ako no?"
"Kami? sina Shaun, Alice gano'n."
"You think pupunta sila if yayain ko sila?"
"For sure! Atsaka tinuturing ka naman na kaibigan ng mga yon."
Para naman akong na-excite bigla sa birthday ko. First time ko magkakaron ng mga kabigan sa birthday ko except sina Aiden syempre. It makes me more happy to think na pupunta sila at mag-e-enjoy kami dito sa bahay.
"What do you think?" tanong ni Aiden sa akin. Tinignan ko siya ng mga ngiti sa aking labi at tumango ako sa kanya.
"Do you think maganda yung sleep over?"
"Sleep over? Okay din yun. Mismong birthday mo? or Day before?"
"Day before! Then mag stay kayo dito hanggang gabi ng birthday ko," sambit ko habang may ngiti pa din sa aking mga labi.
"Sige, sasabihan ko sila."
"I really like your idea this time, Aiden. May silbi karin pala minsan."
"May silbi talaga ako, ikaw lang ang wala."
Hinampas ko ang braso niya at tumawa lang kaming dalawa. Ibinalik namin ang aming pansin sa movie na nakalimutan namin kanina. Habang nanonood ay hindi mawala wala sa aking isipan ang pagiging excited ko.
"Mom! Pwede ba mag-sleep next week dito sina Aiden pati mga kaibigan namin?" tanong ko kay Mommy kinagabihan.
"For your birthday ba, Anak?" tanong ni Mommy.
Kumakain kami ng hapunan ngayon. Umuwi na kaninang hapon si Aiden dahil hinahanap na siya ni Tita Cali. Pag-alis ni Aiden kanina ay nasimula na akong mag-isip ng plano para sa sleep over namin. Pero bago mangyari yun ay kailangan ko munang magpaalam kina Mommy.
"Opo, Mom. Si Aiden nag-suggest and gusto ko din po kasi first time ko magkaroon ng kaibigan."
"Pwede naman Anak."
"Do you want us to ask manang na ipaghanda kayo ng pagkain nun? O magdadala ba sila?" tanong naman ni Dad sa akin.
"Tatanongin ko po sila diyan bukas, Dad."
"Okay balitan mo kami ng Dad mo sa nagplanuhan niyo ha?"
"I will po."
Habang nakahiga ako sa aking bed at hindi ako mapakali, napapa-isip ako sa mga bagay na pwede naming gawin. O yung kung ano mangyayari sa araw na yun, I never had sleep over before first time ito kaya naman hindi ako mapakali.
Napatalon naman ako noong biglang nag-ng ang telepono ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag, It was Clyden. Hindi ko sinagot ang tawag niya hinayaan ko ito hanggang matapos mag-ring. Ayaw ko padin siyang kausapin bahala siya diyan. Atsaka sa tuwing nakikita or nakakausap ko siya nagiging abnormal ang t***k ng puso ko nakakainis. Ipinagpatuloy ang pag-iisip sa mga bagay na gagawin sa sleep over namin ng bigla nanaman tunong ang telepono ko. This time yung tumatawag ay si Aiden naman, Ano ba tong mga lalaki na to tuwing gabi tumatawag.
"Hello Aiden ano ba?!"
"So you are awake? Kailangan ko pa talagang gamitin ang phone ni Aiden para sagutin mo ang tawag."
Shit! Si Clyden. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya kaya naman dali dali kong pinatay ang tawag. Pinatay ko na din ang telepono ko upang hindi na siya makatawag uli. Sinubukan ko ang lahat upang makatulog ako, ilang beses akong nagpabaling baling sa higaan ko ngunit wala parin. Kaya naman napagpasyahan ko na uminom ng gatas sa kusin.
Bumababa ako at nagpunta sa kusina para uminom ng gatas. Pagdating ko doon ay narinig ko nag-ri-ring ang telephone namin. Ang rare lang na may tumawag dito, madalas mga relatives namin na wala sa pilipinas ang tumatawag. Kaya bago pa ako nagpunta sa kusin ay sinagot ko na yun.
"Hello?"
"Hello? Shana?" Clyden voice made my legs weak mabuti at malapit sa sofa ang telephone.
"Ano ba gusto mo Clyden? Pati sa house telephone namin tumatawag ka."
"I just want to talk to you."
"Well I don't," maikli kong sagot sa kanya. Narinig ko naman ang paghinga niya ng malalim mula sa kabilang linya.
"Please? Mag-iisang linggo na kitang hind nakaka-usap or nakikita." Rinig na rinig ko sa kanyang boses ang pagmamakawa.
"Bakit? Required ba na makita at makausap kita?"
Natahimik siya at ang kanyang mga paghinga lang ang naririnig ko ngayon. Para namab akong natauhan sa sinabi ko. Because of jealousy on losing my friendship with him naging ganito ako.
"Sorry..."
"Cly wait! sorry. Hindi ako nag-iisip sa aking mga sinasabi."
"It's fine kasalanan ko din naman," sagot niya na parang malamtay. Naguguilty ako sa mga pinagagawa at sinabi ko sa kanya. Cly doesn't deserve that kind of treatment, maybe I should just accept that maybe in the future Cly will have someone to give his attention and it's not me.
"Sorry padin. How's your day by the way?" Umayo ako ng pagkakaupo sa sofa namin. I know this conversation would last hour.
"It was good, galing ako kina Annia. I heard from Aiden na nagyaya ka ng sleep over sa bahay niyo."
Noong narinig ko ang pangalan nung babae ay parang na bitter na nanaman ako. Bakit ba lagi na lang nandoon tong si Cly? Hay bahala na nga, kakabati lang namin ni Cly eh.
"Ah yes. Galing kasi siya dito kanina and napag-usapan namin yun."
"Excited kaba? It's your first time to invite friends sa inyo."
"I am! Hindi nga ako makatulong sa kakaisip eh," masigla kong sagot sa kanya. Tila nawala ang kung ano anong naiisip ko kanina.
"You sound so excited now. I'm glad, Shana." Napangiti ako sa sinabi ni Cly. Eto yung rason ko kung bakit ayaw ko makausap si Cly kaagad. Sa tuwing may sasabihin siya na kagaya niyan ay parang nakakalimutan ko yung naramdaman ko na inis noong nakaraan.
Hindi ko alam kung ilang oras kami nag-uusap ng Cly sa sala namin. Nagising ako ng madaling araw sa sofa namin. Nakatulugan ko ata si Cly kagabi, dali-dali naman akong umakyat sa aking kwarto baka mahuli pa ako ni Mommy at mapagalitan pa ako. I remember na parang ikunuwento ko kay Cly yung lahat ng nangyari sa buong linggo ko and nakikinig siya. He didn't interrupt me, he keep quiet but I know he's listening to me.
Mabilis na lumipas ang mga araw at tatlong araw na lang bago yung birthday ko. At niyaya ko yung tatlo namimili kami ng kakainin para sa birthday ko. Hinihintay ko pa sila na sunduin ako dito sa bahay.
Since nag-highschool ako ay madalang ko nalang kasama yung tatlo, yung kumpleto sila ha. I tried to understand them na busy sila, pero minsan ay nakakalungkot din. I will make sure na magkakaroon na ako ng kaibigan sa pasukan para naman hindi ako umaasa lagi dito sa tatlo.
"Anak, susunduin kaba nina Aiden?" tanong ni Mommy sa akin.
"Yun po napag-usapan namin kagabi," sagot ko sa kanya habang paupo ako sa sofa.
"Saan kayo mamimili? Dito lang ba? Or sa Manila?"
"Siguro sa Manila nalang Mom. Parang mas madami kaming mabibili kapag doon kami namili eh."
"Mag-iingat kayo ha? Kapag ginabi kayo huwag na kayong umuwi dito. Mag-stay na lang kayo sa bahay natin sa manila okaya kina Tita Anna mo."
Tumango ako kay Mommy bago sumagot, "Hindi naman po siguro kami gagabihin, pero kung sakali man ay doon nalang po kami matutulog."
"Osige, Aalis na ako. Mag-iingat kayo ha? I love you!"
"Ikaw din po Mom, I love you too." Hinalikan ko si Mommy sa pisngi bago siya lumabas ng bahay. Umakyat naman ako sa taas para magpalit ng damit.
Nagsuot ako ng white spaghetti strap top and nude high waist mini skirt. Napili ko din suotin yung block boots ko dahil mukhang bagay ito sa suot ko ngayon. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at pinasadahan ko ang aking kamay sa suot kong damin. Umupo naman ako sa vanity mirror at inayos ang curtain bangs at ang buhok ko. Humaba ng konti ang buhok ko mula noong nagpagupit ako sa manila with Cly. Noong matapos akong mag-ayos ay kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko yung tatlo.
"Hello, papunta na ba kayo?"
"Nasa bahay pa kami ang tagal ni Aiden eh," sagot ni Clyden. Napasimangot naman ako noong narinig ko yun.
"Kahit kailan talaga ang kupad ni Aiden!"
"Kanina pa nga naman pinagmamadal-ayan na lumabas na sa kuwarto niya. Aalis na kami niyan sa bahay."
"Osige hihintayin ko kayo. Mag-iingat kayo ha?"
Pinatay ko na yung tawag at kinuha yung sling bag at inilagay ko doon yung wallet at phone ko. Kinuha ko din yung shades ko at sinuot ko ito bago bumababa.
Lumipas ang ilang minuto bago sila makarating sa amin. Pagsakay ko sa kotse ay inasar ko muna si Aiden at natulog ako. Maaga ako nagising kasi ngayon kaya medyo puyat ako.
"Hey Shana gusto mo ba to?" tanong ni Cly sa akin habang ipinapakita ang isang kulay dilaw na chips.
Nandito na kami sa supermarket sa manila. Inuna namin sa list yung mga snacks.
"Ako gusto ko yan!" sambit ni Aiden at inilagay kaagad sa cart namin yung chips.
"Shana na pangalan mo?" inis na sabi ko sa kanya.
"Eww ang panget naman kasi ng pangalan ko kung gano'n," pang-aasar na sabi ni Aiden. Inirap ko lang siya at hinayaan ko na dahil marami pa kaming kailangab bilhin. We can't waste time bickering with eachother.
"Maybe we could split up?" suggest ni Dax. Napatingin ako sa kanya na may dalang sariling cart.
"Sure, para kaagad din tayong matapos. Kayong dalawa ni Aiden ang magsama Dax," sagot ni Cly kay Daxon.
"Talaga, baka wala kaming matapos ni Shana kung kami magkasama."
"At for sure pati ang hindi kailagan bilhin nasa cart natin."
"Okay so, kami na ni Shana dito sa mga snacks. Then kayo yung sa food ingredients?" Inabot naman ni Cly yung listahan kina Daxon at nagsimula na silang umalis sa harapan namin.
"Let's go?" Cly asked.
"Sure. Ano paba kailangan natin sa mga snacks?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Marami rami pa yung nasa list natin, but dito sa part na to wala na. Sa kabila na yung iba nating kailangan."
Naging maayos naman ang pamimili namin ni Clyden ng snacks. Nagdadagdag ako minsan ng ibang snacks na wala sa list dahil parang gusto ko silang tikman. Pagtapos sa snacks ay kami na din ang namili ng mga drink and other miscellaneous needs. Noong matapos kami ni Cly ay napatingin ako sa oras sa phone ko, and it's 5:30 PM hala ang tagal pala namin.
"Nasaan na daw sina Dax, Cly?"
"Papunta na daw sila dito. Why gutom kana?"
"Hindi naman. Ang tagal pala nating namili, hindi ko napansin yung oras."
"Me too. Hindi kapa ba pagod sa pagtulak diyan sa cart?"
"Hindi nag-e-enjoy nga ako eh!"
"Hay nako." Natawa lang ako sa sagot ni Clyden sa akin.
Naaninag ko naman sina Aiden na palapit saamin. May dala silang dawang cart kita ko na punong puno ang kanilang dala-dalang dawalang cart.
"Oh bat ang dami?" tanong ko noong makalapit sila.
"Ang dami kaya nung nasa list no!" sagot ni Aiden sa akin.
"Sus ang dami mo din kaya dinagdag no," ani naman ni Daxon. Napailing nalang si Cly sa kanyang pinsan.
"Bakit ba ipanggagawa ko ng cake si Shana eh," sagot ni Aiden.
"Seryoso ka? Baka magsunoh ka lang ah!"
"Wala kabang tiwala sa akin?"
"Wala," maikli kong sagot sa kanya. Natawa naman ang dalawa sa mukha ni Aiden. Kaagad kasing nawala ang ngiti niya sa sagot ko.
"Ang sakit mo naman magsalita, parang hindi kaibigan."
"Whatever, tara na magbayad na tayo gutom na ako." Itinulak ko yung cart papunta sa counter para maka pagbayad na kami. Naka sunod naman sa akin yung tatlo.
Habang pina-punch ang mga pinamili namain ay nililibot ko ang paningin ko sa supermarket. It's huge, kaya naman pala umabot kami ng ilang oras sa paghahanap ng mga kailangan namin. Noong matapos na lahat ng pinili namin ay inabot ko yung card ma binigay sa akin ni Mommy kagabi. Sabi niya yun daw gagamitin ko sa pagbabayad ng mga pinamili namin ngayon.
Nakalagay sa 3 cart ang pinamili namin habang baka paperbag ang mga ito. Mabuti at mayroong box doon sa dala namin sasakyan. Actually sa family yun nina Aiden kapag namimili sila ay ginagamit nila yung ranger. Mas madali kasing space ito sa likod para sa mga pinamila kaya yun ang dinala nina Cly. Pagkatapos namin ayusin ang mga groceries ay sumakay na kami sa loob ng kotse.
"Sa bahay na lang tayo kakain?" tanong ni Clyden. Nag-seat belt muna ako bago ko siya sinagot.
"Oo, baka doon na rin tayo matutulog niyan. Bilin kasi ni Mommy kapag ginabi tayo dito na tayo magpalipas ng gabi," sagot ko habang nakatingin kay Clyden. Napansin ko naman yung dalawa sa likod na mukhang pagod din.
"Even Tita Cali said that. Tinagawan ko na si Mama kanina habang nagbabayad, naka pag-prepare na ako nga pagkain."
"Gano'n ba? Tara na. Para kaagad na tayong makapag pahinga. Mukhang pagod na pagod na yung dalawa."
"You rest habang nagbibiyahe tayo. Gigisingin nalang kita kapag nakararing na tayo." Nagsimula ng mag-drive Cly. Habang palabas siya ng parkin ay sa kanya lang ako nakatingin.
"Huwag na, malapit lang naman yung sa inyo dito diba?"
"Still it's a 20 minutes of drive and kapag mag traffic baka aabutin tayo ng 40 minutes," sagot niya sa akin habang nasa daan ang kanyang mga mata.
"Ah basta hindi ako matutulog," sagot ko habang nakatingin sa bintana ng sasakyan.
Manila is really different from Eretria. The vibes, mood, color pallet, and the atmosphere is different. I don't know if I like Manila, because I haven't been here for a long time. Papasyal-pasyal lang ako dito, but I never stayed here.
Kinuha ko ang phone ko mula sa sling bag at pinicturan ko ang dinadaanan namin. Lumingon ako sa likod ang kinuhanan ko din ng litrato sina Aiden at Daxon na natutulog. Natawa ako ng kaonti sa puwesto nilang dalawa, nakapatong ang ulo ni Aiden sa balikat ni Daxon habang nakayakap siya sa braso nito. After a few shots ay kay Cly ko naman itinapat ang camera ng phone ko. Naka-silent ang phone ko kaya hindi niya ito maririnig pero alam ko na alam niyang kinukuhanan ko siya.
"Taking pictures?" tanong niya. Hindi siya lumingon sa akin dahil patuloy parin siya sa pagdadrive.
"Yes, for memories. Sayang at hindi yung instax yung dala ko."
"You can bring it next time then."
"May next time pa?"
"Oo naman. Marami pa naman tayong oras para mag-travell sa susunod."
Natuwa ako sa sinabi ni Clyden. It feels like and assurance na babalil kami dito na magkakasama kaming tatlo. I hope our bond wont dissappear because it is the most precious bonds for me, kahit na magkaroon pa ako ng mga bagong kaibigan. The three of them will remain my main friends.
Madalim na ang paligid noong makarating kami sa subdivision kung saan ang bahay nina Clyden. Medyo sa may bandang dulo pa ng subdivision ang bahay nila kaya naman nakailang liko si Cly bago kami nakarating.
"Ako na bahala gumising sa dalawa. Pumasok kana sa loob," ani ni Clyden pagkaalis ko ng seatbelt.
"Sigurado ka? Yung mga pinamili?"
"They are safe naman diyan. Pero yung mga kailangan i-ref ipapasok namin sa loob."
Tumango ako kay Clyden bago bumababa ng kotse. Pagbaba ko sa kotse ay nilingon ko muna ang kotse sa parking lot bago ako dumiretso papasok sa loob. Pagpasok ko sa loob ay sinalubong ako ni Tita Anna.
"Shana my dear, it's good see you." Niyakap niya ako at nakipagbeso siya sa akin.
"Hello po, Tita Anna. Kamusta po?" tanong ko. Iginaya naman niya ako sa sofa dito sa living room nila.
"Okay naman ako hija ikaw? Kamusta ka? It's beem a while."
"I'm doing fine naman po Tita. Oo nga po eh, ang busy po kasi sa school kaya hindi na ako nakaksama kina Mommy dito sa Manila."
"Su-"
"Good evening Mama/Tita Anna," sabay sabay na bati noong tatlo pagpasok nila sa loob. May dala silang tig-iisang kahon, at dumiretso sila sa kusin.
Bago tuluyang makapasok sa kusin ay may sinabi si Clyden, "Mama dito na kayo ea kusina mag-usap ni Shana gutom na kasi siya."
Para naman akong nahiya sa sinabi ni Clyden. Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko sa sinabi niya. Hindi naman ako makatanggi kasi biglang tumunog ang tiyan ko.
"Hala mukhang gutom kana nag hija. Halika sa kusina nandoon na niyang yung tatlo," ani ni Tita Anna sa akin. Tumayo na kami ang nagsimulang maglakad papunta sa kusina.
Pagdating sa kusina ay ramdam na ramdan ko ang gutom lalo na noong nakita ko ang mga nahapag sa lamesa. Ang daming pagkain at mukhang masasarap ang mga ito. Bago umupo ay napansin ko na naghuhugas na ng kamay yung tatla para makapag-umpisa na kami sa pagkain.
"Mama dito kami mag-s-stay ngayon gabi," sabi ni Cly at umupo siya upuan na nasa harapan. Si Dax naman umupo sa tabi niya habang si Aiden ay umupo sa tabi ko. Si Tita Anna ang naka-upo sa kabisera ng lamesa.
"Kahit hindi mo sabihin alam ko. Atsaka hindi ko naman kayo hahayaan na magbiyahe ng gabi no."
"Nasaan nga pala si Papa?"
"Mayroon siyang business trip sa canada with your Tito Daniel," sagot ni Tita Anna at nagsimula na siyang kumuha ng pagkain.
"Kasama niya po si Papa, Tita Anna? Aling business ba yun?"
"Hindi nila sinabi sa amin eh. They said na kapag naging successful ay doon nalang nila sasabihin sa amin. Kumain na muna kayo."
Habang kumakain ay naging tahimik kaminh lahat. Mukhang hindi lang ako ang gutom ngayon ah. Pansin ko din napadami ang kain nun tatlo. Napagod ata talaga sila sa araw na to. Lalo na si Cly na nagdrive sa amin mula sa Eretria hanggang Manila. Kitang kita ko sa mukha niya ang pagod but he's still here with us eating dinner that resting.
After naming kumain ay nag-request pa ng ice cream sina Aiden. Syempre kapag nag-request sila ay hindi lang sila ang kakain. Pagtapos naming mag dessert nagsimula na kaming umakyat sa kanya kanyang silid. Yung silid ko ay yung guestroom na malapit sa kuwarto noong tatlo. Pagpasok ko sa loob ay humiga ako sa bed habang na baba ang mga paa ko. Tinatamad pa akong mag-alis ng sapatos. Ngayob ko naramdaman ang pagod na dapat kanina ko pa nararamdaman.
Napabalikwas ako noong marinig ko na may kumatok sa pintuan ko.
"Shana, It's me Cly. Pwede ba akong pumasok?"
"Sure, bukas naman yan."
Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Cly na naka suot na ng pantulog.
"Hindi kapa napagligo," tanong niya. Lumapit siya sa akin at lumuhod, naramdaman ko ang kanyang mga kamay sa aking paa. Dahan dahan niyang inalis ang mga suot kong sapatos.
"Uyy ako na." Tatayp na sana ko ngunit mabilis niyang tinanggal yung isa kaya wala na akong nagawa.
"Alam kong tamad kang magtanggal ng sapatos. Ipaghahanda ba kita ng warm bath?" tanong niya at umupo na siya sa tabi ko sa bed.
Napatingin ako sa kanya and he's looking at me with adoration in his eyes. Tumango lang ako sa kanya, kahit ang dapat ko talagang sabihin ay 'huwag na.' Nagsimula na siyang maglakad papunta sa banyo at narinig ko pagbukas ng giripo sa banyo.
Cly please don't stop being this nice to me. I like this feeling, that I felt right now.
~~