Chapter Eleven
"Are you sure about this?" tanong sa akin ni Cly. Tumingin naman ako sa bintana ng kotse niya, the scenery is so beautiful.
"Naka pagdesisyon na ako, Cly. Atsaka I think mas okay yung magkaroon ako ng new hairstyle sa pasukan," ani ko at hinawakan ko ang buhok ko sa dulo.
Ilang linggo na ang nakalipas simula noong matapos ang school year. Matapos ang pag-uusap namin ni Julien ay hindi ko na siya nakitapang muli. Narinig ko na lang mula kay Shaun na ililipat na siya sa manila ng kanyang mga magulang. Apparently nakita daw silang nag-aaway and tinanong kung ano pinag-aawayan, sobrang galit daw ang mga magulang noong nalaman ang ginawa ng kanilang anak. Medyo nahiya ako noon dahil sa akin ay napaaway pa yung magkapatid and kahit yayain siguro ako nina Tita sa kanila ay hindi ako magpupunta.
"Hanggang saan naman yang ipapagupit mo?" tanong ni Cly at sumulyap siya sa akin kaagad din naman niyang ibinalik ang tingin sa dinadaanan.
"I don't know? maybe shoulder length?"
"Shoulder length? are you sure? Ang haba ng buhok mo tapos hanggang doon ang ipapagupit mo?"
"Don't worry kaagad naman humahaba ang buhok ko, I just wanted to know if bagay ko ang maiiksi."
"Okay, Malayo pa tayo. Magpaghinga ka muna gigisingin nalang kita kapag nakararing na tayo."
Isinandal ko ang ulo ko sa upuan at pumikit ako. Papunta kami ngayon sa manila para magpa-salon ako, wala pa kasing maayos na salon doon. Atsaka mas prefer ko din dun sa isang salon sa manila, noong dinala ako ni Mommy doon ay nag-enjoy ako sa service nila. Kaya naman sa manila ko niyaya ngayon si Cly, he got his license by the way. Bago matapos ang pasukan ay may lisensiya na siya at bagong kotse din.
Nagising ako noong biglang huminto si Cly mabuti at naka-seatbelt ako. Napatingin ako sa labas at lumingon ulit kay Cly.
"May batang biglang tumawid, mabuti at kaagad kong naapakan ang break. Are you okay?"
"Yes, I'm okay mabuti at naka-seatbelt ako. Wala bang kasama yung bata?"
"Hindi ko napansin, kinabahan din ako at nataranta."
Nagpatuloy sa pag-da-drive si Cly, malapit na lang kami sa mall dahil naaninag ko na ito. Inayos ko ang suot ko na white halter top at ipinatong ko yung purse ko sa skinny ripped jeans ko. Sinuot ko din yung black shades ko habang nag-pa-park si Cly sa basement ng mall.
"Dadaretso na ba tayo sa salon o kakain muna tayo?"
"Ohh kain muna syempre!" masaya kong sagot sa kanya.
"Alam ko na uunahin mo ang pagkain sa kahit na anong bagay," sagot ni Cly sa akin. Inalis niya ang seatbelt at bumaba na siya ng kotse. Hinintay ko siyang buksan ang pintuan, he won't let me open the door. Kaya naman hindi na ako nagrereklamo sa ginagawa niya, he would put the car on child lock para sa labas lang mabubuksan.
"May mas importante pa ba sa pagkain?"
"Para sayo wala ng mas importante kaysa sa pagkain," ani ni Cly habang inaalalayan niya akong bumababa sa kotse.
"Mabuti at alam mo yan, Cly." Tinignan ko siya at ngumiti siya sa akin. He look so good right now with his simple white shirt and khaki maong shorts. Simple yet girls would look at him with an awe in their face.
Habang naglalakad kami sa loob ng mall ay hindi maiwasan ang mga napapalingon sa amin. Masyadong agaw pansin itong si Cly kahit na napaka simple lang ng kanyang suot. Gano'n ba kasikat ang mga ito na pati sa manila ay nakakabingwit padin sila kahit hindi sila dito nakatira?
"Isn't that Clyden Adriatico?"
"Wow seeing him in person feels like a dream, he look so good."
"Parang ang bait niyang tignan. He have this friendly aura, lapitan kay natin?"
"Nako huwag na, kita mo yung kasama niya? kahit naka-shades ramdam ko ang bigat ng kanyang mga tingin."
"Baka girlfriend ni Cly yan?"
"Eh? Ang akala ko ay yung kulot ang girlfriend?"
Tinignan ko si Cly at nagkibitbalikat lang siya sa akin. Mukhang sanay na sanay na siyang pinagchichismissan. It's my first time to go outside the Eretria with him, pero it's not my first time here in manila. Alam ko na iba ang mga tao dito, kesa sa lugar namin. People here are more liberated with their words and pati mga suot nila. They are more proud of their selves and I like that.
"Dito na lang tayo kumain?" nagulat naman ako sa biglang pagsasalita ni Cly sa tabi ko.
"Sure!" maiikling sagot ko at pinagmasdan ko ang restaurant na pinagdalhan sa akin ni Cly. It has a very calm vibe and parang masarap din ang pagkain dahil pagpasok namin ay naamoy ko kaagad ang mga iniluluto nila.
"Good afternoon po Sir and Ma'am, table for two po ba?" bati sa amin ng isang waiter, tinignan ko ang nameplate niya at nakita ko ang 'John' na nakasulat dito.
"Yes table for two, John."
"This way please." Iginaya niya kami sa isang bakanteng table sa pinakaloob ng restaurant.
Pag-upo ay kinuha ko ang menu upang makapili na ako kung ano ang oorderin ko. I don't really like eating pasta mas gusto ko na kumain ng rice dahil parang mas nabubusog ako doon. Tumingin ako kay Cly at nakatingin din siya sa akin ngayon, kaagad kong tinakpan ang mukha ko ng menu book.
"I'll have lasagna and pineapple juice," ani ni Cly at lumingon siya sa akin.
Nataranta ako kaya kung ano yung unang nakita ko sa menu book ay yun nalang ang nasabi ko, " Garlic butter rice and Sirlon beef steak."
"For drinks po?"
"Pineapple juice," sagot ko at iniabot ko na sa waiter ang menu.
Pag-alis noong waiter ay siya naman pagtunog ng phone ko mula sa purse. Kinuha ko ito at tinignan muna kung sino ang tumatawag bago ko ito sinagot.
"Aiden why?" I asked him. Sumulyap naman ako kay Cly and his attention is on me. Parang kanina ay busy siya sa pakikipag-text.
"Nasaan ka?" tanong nito sa akin.
"Hindi ko ba nasabi sayo na nagpunta ako ng manila ngayon?"
"What? Sino kasama mo?"
"Cly, bakit ba?"
"Magpupunta sana ako sa inyo."
"Nakipaghiwalay ka nanaman ba sa fling mo?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Tinignan ko ang phone at nakita ko na binaba na niya pala yung tawag.
"Is that Aiden? Ano daw kailangan niya?"
"Yes, tinatanong niya lang if nasa bahay ako." Ibinalik ko sa purse ang phone at ipinatong ko ito sa hita ko.
"Bakit daw?"
"Ewan ko sa kanya. Baka naghiwalay na sila noong bago niyang fling," sagot ko sa kanya. Tinignan ko siya at nakita ko ang pag-iling nito.
"Akala ko naman may kailangan na siya," ani niya at tumingin siya sa akin. Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil dumating na yung pagkain namin.
We kinda have this rule kasi na kapag kumakain ay tahimik lang dapat kami. Nag-agree ako kasi gusto ko talagang ninanamnam ang aking kinakain. Sa unang subo ko parang sa garlic rice ay para akong kinikilig sa sobrang sarap. I really like something that is related to garlic kase. Minsan nga ay nagpapagawa ako ng garlic chips kay Manang eh o di kaya naman ay garlic bread minsan. I think that the smell of garlic is so appetizing to me.
Napalingon naman ako kay Cly nasa harapan ko noong napansin ko ang pag-inom niya ng kanyang juice. Noong ibinalik niya ito ay nakalahati niya. I look at him with a confusion on my eyes, napansin ko ang paglunok niya bago sumagot.
"Nabulunan lang ako."
"Are you for real? It's the first time na makita kitang mabulunan sa lasagna!" Nakangiti ako ngayon sa kanya. Napansin ko naman ang pag-iwas niya ng tingin sa akin at ang pamumula ng kanyang tenga.
"Oo nga eh, medyo nagutom siguro ako. Ang layo din kasi ng binyahe natin eh."
"Kung sabagay no?" sabi ko bago isubo ang huling kanin at beef steak sa plato ko. Kinuha ko ang juice ko at ininom ko na ito, si Cly naman ay itinuloy niya ang pagkain niya. Kaonti na lang ang lasagna niya kaya alam ko na hindi na din magtatagal ay matatapos siya.
Pagkatapos magbayad ni Cly at lumabas na kami sa restaurant. Naglalakad kami ngayon papunta sa salon para magpapagupit na ako. I feel nervous and excited at the same time naman, sana maganda ang kakalabasan nito. Habang naglalakad kami ni Cly at napapatingin ako sa mga nadadaanan naming boutique. Wala akong balak bumili ng damit ngayon, magpapagupit lang talaga ako.
"Welcome po Ma'am and Sir," bati sa amin ni Cly pagpasok namin sa salon. Walang masyadong tao loob ng salon pero napansin ko ang paglingon ng mga tao sa loob noong pumasok kami sa loob. Naka agaw pansin talaga tong kasama ko.
"Hi! I'm here for a hair cut," sambit ko at inalis ko ang suot ko na shades. Inabot ko ito kay Cly kasama ang bag ko.
"This way po Ma'am." Iginaya ako ng isang hindi ko kilalang staff dito, mukhang bago lahat ng staff nila dito ngayon.
Pag-upo ko ay sinabi ko na ang gusto kong gupit, "Shoulder medium length sana and curtain bangs na din."
Habang ginugipitan ako ay natuon ang pasin ko kay Cly na kitang kita ko sa salamin. I can see him typing something on his phone he look very serious right now. Seeing him there not looking at me makes me feel the courage to watch him do his things habang wala ako sa tabi niya. Ngunit hindi nagtagal ang pansin niya sa kanyang telepon dahil agad din itong nag-angat ng tingin at tumingin sa akin. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at sinubukang hindi magpahalata na nakatingin ako sa kanya. All I can see right now is him watching me intently, naka-awang nga kaonti ang kanyang bibig habang nakatingin siya sa akin sa salamin.
May napansin ako nga iilang babae na sumubok kumausap sa kanya pero itinuturo niya lang ako. Noong nakita ako ng mga babae at aalis sila kaagad sa harapan niya. Mukhang seryoso siya ngayon sa girlfriend niya ah. I know Cly so much na kapag may tini-turn down siya na babae ay mayroon siyang girlfriend. Pero bakit parang mukhang akong bitter? Hala ano ba naman yan. Huwag ko na nga lang siyang tignan dun baka kung saan pa makarating ang mga pinag-iisip ko.
"How do I look?" tanong ko sa kanya paglabas namin ng salon. Magmula kasi kaninang matapos ako ay hindi siya nagsasalita nakatingin lang siya. Kinakabahan tuloy ako na baka hindi ko bagay.
"You look beautiful," he said while staring at me. Kaagad ko naman naramdaman ang pamumula ng pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin sa kanya at kaagad na sinuot ang shades ko.
"I-Know na maganda talaga ako! Tara na, baka gabihin tayo," I said at nagsimula ng maglakad palayo sa kanya. Inunahan ko siya dahil ayaw ko na makita niya ang pamumula ko ng pisngi.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay kasabay ko na siyang maglakad. Humupa na din ang pamumula ng pisngi ko kaya hindi ko na binilisan maglakad. Palabas na kami ng mall noong napansin ko na parang aligaga itong si Cly. Parang nagmamadaling maka-uwi, may nangyari ba sa kanila?
"Cly, is there something wrong?" tanong ko at lumingon ako sa kanya. Para naman siyang nagulat sa tanong ko sa kanya.
"Wala naman, let's go?"
Pagsakay sa kotse niya ay tahimik lang kami. Hindi ako nagsalita dahil ramdam ko na ayaw niya din magsalita. Parang nagmamadali din siyang maka-uwi. Malayo-layo pa kami kaya baka maggagabi na kami makarating sa Eretria.
Nakatingin ako kay Cly habang nag-da-drive siya, napakahigpit ng pagkakahawak niya sa steering wheel ng kanyang kotse. I can see his veins I felt something in my stomach, shet dapat pala ay hindi na ako tumingin sa kanya. I'm not denying Clyden being attractive. Based na din sa mga nagkagusto sa kanya sinasabi nila na kapag nakikita nila si Cly ay may kung ano silang nararamdaman na kilig. Gusto ko din ba siya? Hala!
"Oh ano ginagawa mo dito?" bungad na tanong ko kay Aiden noong makita ko siyang naka-upo ea sofa namin.
Pagkahatid ni Cly sa amin ay hindi na siya bumababa nagmadali itong umalis. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. What's wrong with him ba? Kanina pa siya noong pauwi kami ah.
"Wala lang naiinip ako sa amin eh. Ang tagal mo dumating," sagot ni Aiden sa akin at tinuloy niya ang kanyang kinakain. Naglakad naman ako palapit sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Naghiwalay na kayo nung ka-fling mo no?"
"Kamusta date niyo ni Cly?"
"Parang tanga, sagutin ba naman daw ng tanong ang tanong ko," sambit ko atsaka ko siya hinampas ng malakas sa braso.
"Aray ha! Wala naman ako ka-fling ngayon no. Simula kaya noong nag-summer vacation wala pa ako bago. Ang boring nga eh!"
"Ah kaya ka nandito kasi bored ka?"
"Oo! Uy teka ang ganda mo ah, bagay mo yang hairstyle mo. 'New look dahil may nanlako sa akin ba ang ano mo'."
"Maganda talaga ako no! Atsaka nakaganti nako dun."
"Sus!" Inis ko siyang hinampas sa braso at tumawa lang siya sa akin. Nakakainis talaga itong si Aiden.
"Ano pala si Cly parang aligaga kanina. Parang nagmamadaling maka-uwi."
"Baka tumawag ang girlfriend niya," sagot ni Aiden sa akin habang nakatingin sa tv na nasa harapan namin.
Para naman akong nawalan ng gana sa sagot ni Aiden sa akin. Ramdan na ramdam ko din ang bigat sa aking dibdib sa sinabi ni Aiden. Bakit ko nga ba nakalimutan na may girlfriend si Cly. Kaya ba siya nagmadali umuwi kanina? Tinagawa ba siya ng girlfriend niya? Minsan na nga lang kami magkita eh.
"Oh bat mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa?"
"Ewan ko sayo!"
"Ang sungit mo naman ngayon."
"Nakakainis kasi ang itsura mo. Ang panget leche!"
Iniwan ko si Aiden sa sala namin at padabog akong umakyat sa aking silid. Pagpasok ko ay inilagaya ko sa sofa ang bag na dala ako at dumeretso ako sa banyo para makaligo ako. Habang naliligo ako ay napatingin ako sa salamin dito sa banyo ko. They said na maganda ako, well tama naman sila. But bakit ang naging unang intensiyon sa akin ni Julien ay lokohin? Kaloko loko ba itsura ko? I know sinabi ko na nakaganti na ako sa kanya pero hindi ko sinabi na naka-move on na ako. Kahit hindi umabot sa love ang nararamdaman ko ay hindi ko pari maipagkaila na nagka-crush ako sa kanya. At nasaktan ako sa nalaman ko pero inuna ko ang galit ko noon kaya ngayon natapos na ang lahat ay saka ko nararamdamanang sakit.
Pinunasan ko ang mga luha na nagbabadyang tumulo sa aking mga mata. Pumikit ako at inisip na makakahanap naman ako ng mas maayos na crush sa pasukan. Sana lang ay hindi ako masaktan muli, ayaw ko umabot sa point na ang hindi ko mawaring damdamin para kay Cly ang matitira sa akin. Gusto ko magkaroon ng ibang nararamdaman bukod doon sa kanya.
"Ang tagal maligo Shana!" rinig kong sigaw ni Aiden mula sa labas ng banyo ko.
"Bakit ba?Ano ba ginagawa mo dito? Labas ka nga!" Panira naman ng moment tong si Aiden.
Dali-dali akong nagbihis at lumabas ng banyo. Paglabas ko ay wala na si Aiden kaya nagsuklay muna ako at nagpatuyo ng buhok bago bumababa. Habang nasa hagdanan ako ay rinig ko na may kausap siya sa telepono.
"Nasaan kaba?.... Nakina Shana ako, bakit?..." Sino ba tong kausap nito? Naka kunot pa ang noo niya habang nagsasalita. Hindi muna ako tuluyan bumababa at nakinig kay Aiden.
"Nandito nga ako kay Shana. Ikaw nalang magpunta kina Annia..." Annia? Ngayon ko lang narinig ang pangalan na yun ah.
"Oo nandun si Clyden," sabi ni Aiden. So yung Annia pala pinuntahan ni Cly, kaya ba siya nagmamadali. Who's that girl anyway, is she more important to me, Cly?
Naiinis ako sa narinig ko kung nasaan si Cly at kung bakit siya nagmamadali kanina. Kaya naman imbes na bumababa ako ng tahimik ay padabog akong bumaba sa dalawang hagdanan. Kaagad naman napalingon si Aiden sa akin at binababa na niya ang tawag na siguro si Dax.
"Aalis ka?" tanong ko habang nakataas ang kilay ko.
"Nope! Kakain tayo diba?" ani niya at bininulsa niya ang kanyang phone at naglakad papunta sa kusina.
Sinundan ko siya doon, "Hindi ka papunta sa niyaya sayo?"
"Why would I? Atsaka tagal kitang hinintay no," sagot niya sa akin habang nagsasalin siya ng juice sa baso niya. Umupo naman ako sa counter top at nangalumbaba.
"Wala lang baka kasi kailangan ka dun."
"Nandon naman yung dalawa, atsaka ayaw kong makita maglandian ang mga yun." Nayayamot na sambit ni Aiden. This confirms my intuition about that Annia girl being Cly's girlfriend.
"Ay ganon? Dito kana lang wala din naman akong kasama."
"Ang hirap ng walang kaibigan no?" natatawang sabi nito sa akin.
"Heh! Kasalanan niyo to. Ikuha mo nga ako ng makakain sa ref para naman may silbi ka."
"May silbi ako no! ikaw lang ang wala. Ano ba gusto mo?"
"Gusto ko ng lechon sana," sabi ko at ngumisi ng nang-iinis kay Aiden.
"Parang tanga talaga. Oh etong cupcake nalang kainin mo, dala ko yan kanina." Inilapag ni Aiden sa harapan ko at umupo siya counter stool na hinila niya.
"Baka may lason to ha?" ani ko bago kagatin ang isang cupcake.
"Meron nga bat ang galing mo?"
"Hoy tanga seryoso??" Nanlaki ang nga mata ko at kaagad ko naman na-realized na linoloko lang pala ako ng kupal na to. Inis ko siyang tinignan at tumigil siya sa kakatawa.
Nag-stay kami ni Aiden sa sala naka-upo siya sa sofa ako naman ay nakahiga sa unan na nakapatong sa hita niya habang nanonood.
Kinagabihan pag-alis ni Aiden ay siya naman pagtunog ng telepono ko.
"Hello, Shana pasensiya na hindi ako nakapagpaalam sayo." Pagkarinig ko sa boses ni Cly ay naalala ko yung narinig ko kanina mula kay Aiden. Bumalik nanaman ang inis na nakalimutan ko kanina.
"Oks lang, nu kaba," maikli kong sagot. Sinubukan kong hindi iparamdam kay Cly ang inis ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko lala na't hindi ako pamilyar dun sa babae na sinasabi ni Aiden kanina.
"Are you mad?" malumanay niyang tanong sa akin. I can imagine his worried face right now.
"I'm not."
"But you sound mad." Kinaka-usap mo lang ako dahil tulog na siguro yung girlfriend mo.
"Bat ba ako ginugulo mo at hindi yung girlfriend mo!!"
Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil masyado ng napuno ng kung ano anong tanong ang isipan ko.
"Shana, what are you talking about?"
"Kanina kaya agad kang umalis dahil tumawag girlfriend mo diba?!"
"Wha-"
"Don't deny it. Bakit ba lagi mo nalang dine-deny sa akin ang mga karelasyon mo?"
"Shana it's not what you think."
"Oh talaga? Cly hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan? Bakit parang lagi mo tinatago sa akin ang mga girlfriend mo." My voice broke sa huling salita ko. The phrase 'girlfriend mo' is hard to say.
"Wha-are you crying? Pupuntahan kita."
"No!"
"But Shana."
"Don't go here."
I tried to stop myself from crying. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon. Ang saya saya ko lang kanina eh, tas nung tumawag si Cly ay naalala ko ang inis ko sa kanya.
Naiisip na mayroon ng mas importanteng babae sa buhay niya na hindi ako ay nasasaktan ako. Sila na nga lang tatlo ang kaibigan ko eh. Tas malalaman ko na he's slowly leaving me for a new girl. Bakit? dahil ba nakikinig yun sa kanya? Does he hates me now? Losing friends scares me the most, especially my friendship with the Adriatico's means so much to me. Just the thought of them having another person that is important to them makes me so vulnerable.
"Shana..."
Hindi ko sinagot si Clyden dahil pinipigilan ko padin ang sarili ko umiyak.
"Have you forgotten na ikaw lang? and hindi magbabago yun."
~~