Chapter Ten
Hindi ko alam na hahantong sa pagpapakilala sa magulang ang relasyon naming dalawa ni Julien. Napatingin siya sa akin noong binitawan ko ang kanyang kamay. He looked very confused right now. Ang akala ko ba ay pinaglalaruan ako nito? bakit gusto na niya ako ipakilala sa mga magulang niya?
"Ah eh.." Umiwas ako ng tingin sa kanya at pinaglaruan ko ang handle ng bag ko.
"Ayaw mo ba?" marahan niyang tanong sa akin. Tumingala ako sa kanya at nakita ko ang mukha niya na parang nalungkot.
"Ano kasi kailan ba?"
"Pumapayag ka? Talaga?!" Kaagad na nagbago ang expresyon ng mukha niya. He's smiling from ear to ear now.
Gusto ko siyang paasahin na magtatagal ako sa buhay niya. I would leave him month bago matapos ang school year na ito at mayroon na lang siyang tatlong buwan. I tried my best to be a good girlfriend with him kahit na alam ko ang kawalang hiyaan na balak niya sa akin.
"Oo, kailan ba para makapag-prepare ako," sagot ko sa kanya at hinawakan ko muli ang kanyang kamay.
"Weekend, pupuntahan kita sa inyo after ng practice namin." Tumango lang ako sa kanya at nagsimula na ulit kaming maglakad. Noong makalabas na kami ng school ay nakita ko na nakapark ang sasakyan namin.
"Julien, nandito na sundo ko. Next time na lang tayo sabay maglakad pauwi?" tanong ko sa kanya. Nakatingin siya ngayon sa akin na parang ayaw niya akong paalisin.
"Pwede bang ako na lang maghatid sayo?"
"Next time? baka kasi pagalitan ako dahil nandito na si manong eh," sagot ko sa kanya. Actually nagpasundo talaga ako dahil ayaw ko siyang kasama maglakad hanggang sa maka-uwi ako. Baka makita kami ni Aiden at kung ano pa masabi niya dito.
"I hope we could spend more time together," malungkot na sambit nito habang dahan-dahan ko binibitawan ang kamay niya.
Ngumiti ako sa kanya at kahit labag man sa loob ko ay hinalikan ko siya sa pisngi, "See you on weekend, Babe."
Pagsakay ko sa kotse namin ay kumaway ako sa kanya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Para naman akong nakahinga ng maluwag noong makalayo na kami sa school. Julien became so affectionate these days at nahihirapan akong i-turn down siya. Pero kahit na gano'n ay desidido padin ako sa pakikipahiwalay ko sa kanya.
Habang pinapanood ko ang dinadaanan namin ay siya naman pag-vibrate ng telepono ko.
From Shaun;
Julien said na ipapakilala ka niya kina Mom. Is that true?
Alam kong sasabihin niya kina Aiden ito kung hindi ko siya rereplayan ngayon.
To Shaun;
Yes, huwag mo sasabihin kina Aiden. Please?
Napatingin naman ako kay manong pagkasend ko ng text kay Shaun. Hindi ko mapansin na kanina pa niya ako sinusulyapan sa rear mirror ng kotse.
"Okay lang po ba kayo Miss Shana?"
"Okay lang naman po ako manong, bakit niyo po natanong?"
"Ano kasi napansin ko na mula kaninang sumakay ka ay ilang besis kanang bumuntong hininga," sagot ni manong sa akin.
"Tungkol lang po sa school," nakangiti kong sagot. Nakita ko na tumango lang si manong sa akin, natuon naman kaagad ang pansin ko sa text ni Shaun sa akin.
From Shaun;
Akala ko bang hihiwalayan mo na? Huwag ka mag-aalala hindi ko sasabihin kina Aiden.
Para akong nakahinga ng maluwag sa reply niya sa akin. Alam ni Shaun ang binabalak ko sa kanyang kapatid. Narinig niya kaming nagtatalo ni Aiden noong isang araw tungkol sa pakikipahiwalay ko kay Julien. It was an accident ayaw ko sana na mayroon pang-ibang maka-alam nito.
To Shaun;
Makikipaghiwalay ako bago matapos ang school year. Salamat!
Kaagad naman nag-reply sa akin si Shaun.
From Shaun;
Ang tagal naman. Gusto ko ng sapakin ang kapatid ko na ito. I never knew na magkakaroon ako ng walanghiyang kapatid.
Napangiti naman ako noong nabasa ko ang kanyang text. They are Aiden's friends pero ramdam ko na kaibigan din ang turing nila sa akin. It felt nice having friends like them at times like this.
To Shaun;
You can hit him kapag naghiwalay na kami. As of now let's just pretend na walang alam sa mga balak niya.
Inilagay ko na sa bag ang phone ko dahil nakita ko na malapit na kami sa bahay. Paghinto ng sasakyan sa front door namin ay bumababa na ako. Hindi ako nagpapabukas ng pintuan dahil nakakahiya, kaya lagi ko inuunahan si manong. Narinig ko napabuntong hininga na lang siya noong makapasok na ako sa bahay namin. Sinalubong naman ako ni manang pagdating ko sa sala namin.
"May gusto po ba kayong kainin Miss Shana?" ani nito sa akin. Napatingin naman ako sa wall clock namin, 5:30 pm na.
"Hintayin ko na lang po hapunan manang," sagot ko sa kanya at nagsimula na akong umakyat sa taas. Wala pa sina Mommy usually ay dumadating sila ng 7:30 pm at kakain na kami ng hapunan noon.
Pagdating sa aking sillid ay inilagay ko sa mini table ang bag ko at dumiretso ako sa banyo. Naging routine ko na ang paliligo pagkauwi ko galing sa school. Parang nawawala lahat ng pagod at stress ko. Matapos maligo ay nagsuot ako ng black spaghetti strap sando at black short shorts. Napatingin naman ako sa aking buhok sa salamin habang nagsusuklay ako. Parang gusto ko magpagupit, hindi ko namalayan na mahaba na pala ang buhok ko. My hair is straight, black and super long up until my waist, and I have an urge to cut it to shoulder length.
"What do you think about my hair, Cly?" tanong ko kay Clyden na naka-upo sa harapan ko.
Nandito kami ngayon sa canteen ng school at hinihintay dumating ang mga kasama naming mag-lunch. Si Cly ang nagsundo ngayon sa akin dahil siya ang pinakamaagang natapos ang klase.
"It's long and beautiful, Shana. Why?"
"I'm thinking if I could cut to shoulder length," sagot ko at itinuro ko kung hanggang saan ang gusto ko.
Nakita ko naman napalunok siya sa tanong ko. Napaawang din ng kaonti ang kanyang bibig pero hindi siya ako sinasagot.
"Do you want me to help you out?" tanong niya sa akin at umiwas siya ng tingin sa akin.
"Do you want me to cut it?"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil dumating na ang mga kasama namin. Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Aiden at umupo siya sa tabi ko. Tinignan ko siya at umirap ako sa kanya, feeling close to. Naghiwalay na siguro sila ng ka-fling niya kaya feeling close siya sa akin.
"Ang tagal niyo kanina pa ako gutom!" pagrereklamo ko at inirap ko siya. Mas hinigpitan naman niya ang pagkaka-akbay sa akin.
"Nag-over time kasi yung isa naming teacher, gutom na gutom na nga din ako eh!"
"Nasaan sina Alice?" tanong ko at sinulyapan ko yung dalawa na umupo sa tabi ni Cly.
"Ayon kasama yung mga lalaki nila," sagot ni Shaun habang inaayos niya ang kanyang buhok. Ang layo ng itsura niya sa itsura ni Julien, hindi ako makakita ng similarities sa kanilang dalawa. Even sa ugali, I think napakalayo ng ugali niya sa kanyang kapatid.
"Hay nako mag-order na nga tayo. Ano gusto mo, Shana?"
"Garlic rice and beef tapa," nakangiti kong sagot kay Cly na nakatingin sa akin. Si Aiden naman ay parang ayaw alisin ang braso niya sa aking balikat.
Umalis na yung tatlo si Aiden naman ay nagpa-order na lang ng kanyang kakainin kay Dax. "Ayaw mo akong bitawan?"
"Ayaw ko, kita mo yun babae dun?" May itinuro siya sa akin. Tinignan ko yung babae na itinuturo niya, tatlong lamesa ang layo nito sa amin.
"Oh napano?"
"Ayaw niyang makipaghiwalay, she's even planning our wedding!"
"Ayaw mo ba nun? Diba gano'n naman kapag may karelasyon ka diba?"
"I don't even love her! Pretend to be my new girl," bulong nito sa akin. Kaagad naman akong napalingon sa kanya.
"Baliw kaba? Ayaw ko nga! Kadiri ka!"
"Dali na dalawang araw lang."
"Ayaw! Isusumbong kita kay Cly sige ka!"
"Huwag na nga baka makarating pa kay mama to," sagot niya sa akin at ginulo niya ang buhok ko bago niya inalis ang kanyang pagkaka-akbay sa akin.
Napansin ko na palingon-lingon sa amin yung babae at may ibubulong siya sa katabi niya. Hindi ko siya pinansin at hinintay ko na lang dumating yung mga bumili ng pagkain namin. May sinasabi pa sa akin si Aiden pero hindi ko na siya pinakinggan.
"Sa susunod ikaw na bumili ng pagkain mo!" inis na sambit ni Dax habang inilalapag niya sa lamesa ang pagkain ni Aiden.
"Mas masarap kasi kapag ikaw ang bumili sa akin ih," sagot ni Aiden habang nakatingin kay Dax.
"Tigilan mo ako Aiden baka mabatukan kita ng wala sa oras diyan." Naglakad naman siya papunta sa kanyang upuan. Sabay naman ang paglapag ni Cly ng pagkain ko sa pag-upo niya.
Noong naamoy ko ang beef tapa ay mas lalo ko naramdaman ang gutom. Kaya hindi ko na sila hinintay at nagsimula na akong kumain. Habang kumakain ay nag-uusap sina Shaun at Aiden tungkol sa isa nilang subject at ganoon din yung dalawa. I didn't feel left out like others would feel, mas gusto ko nga yun dahil mas nalalasap ko ang kinakain ko.
"Look the asshole is here!" ani ni Dax, sa puwesto niy kasi ay kitang kita ang mga pumapasok sa canteen. Actually silang tatlo ni Cly at Shaun ay naka-upo sa harapan namin ni Aiden.
"Who?"
"Julien, God! his name sound so ugly!" ani ni Shaun habang nakatingin sa likod namin. Napabuntong hininga ako noong maramdaman ko ang paglapit niya sa table namin.
"Babe!" tawag nito sa akin. Napalingon naman ako sa kanya na nakangiti ngayon habang kumakaway. Parang nawalan ako ng ganang kumain pagkakita ko sa kanya.
"J-julien, Hi!" nakangiti kong bati sa kanya. Pinilit kong ngumiti kahit na nawalan talaga ako ng gana ngayon.
"Bakit hindi ka sa akin sumabay mag-lunch?"
"I was so used of eating lunch with them, kaya parang hindi ako makakain kung hindi sila kasama ko. Atsaka kasama mo naman mga kaibigan mo diba?"
"I was just wondering and I also want to introduce you to my friends." Para naman akong nabulunan sa sarili kong laway sa sinabi niya. Is he really serious at me now?
"Maybe next time? text me kapag nakakain na kayo. See you!"
Alam kong hindi sila dito kakain dahil puno na ang canteen at kapag wala ng table ay hindi nag-seserve ang mga nasa counter. Tinignan ko sila habang naglalakad palayo sa amin at sinusubukan maghanap ng lamesa. Julien's attention is still on me, kitang kita ko kung paano niya ako titigan. His friends even tried to ask to share their table with them but they refused.
"Here! may free space pa kami dito!" Aiden's soon to be ex fling waved at them. Then she looked at me with a smirk on her lips. Is she trying to make me jealous? baka naman isusumbong niya ako sa nakita niya kanina.
"Your fling is acting suspicious, Aide," bulong ko sa kanya at nalapalingon siya sa table noong ex niya.
"She's planning to tell him."
"Tell what?"
"Abou what she saw a while ago. She might as well say you are cheating to that dumbass."
"She so desperate," ani ko at itinuloy ko ang aking pagkain.
Napansin ko naman na nakatingin sa akin si Clyden. Tigninan ko siya ng may pagtataka at nagkibit balikat lang siya sa akin. Naunang natapos sina Aiden at Shaun, pagkatapos nilang kumain ay nagmadali na silang umalis sa canteen.
"Dax! tawag ka sa faculty," sambit ng isang lalaki na naka salubong namin habang palabas kami ng canteen.
"Mauna na ako sainyong dalawa. Cly ikaw na maghatid kay Shana sa room niya," ani ni Dax at nagsimula na siyang maglakad papunta sa faculty.
Habang palabas kami ng canteen ay hindi ako lumingon sa likod ko kahit na ramdam na ramdam ko ang mga titig nila. I know Aiden's ex fling and Julien is watching me leave with Cly now. Naging tahimik ang paglalakad namin ni Cly, hindi siya nagsalita magmula noong umalis yung tatlo. Ako din naman ay nanahimik dahil hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya. I know na naiinis siya sa akin dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa hinihiwalayan si Julien. Hanggang sa makarating kami sa kabilang building ay tahimik padin siya, at dahil hindi ko kaya na manahimik ay ako ang unang nagsalita.
"Cly! about my question a while ago." Tinignan ko siya at nagbabakasali na natatandaan niya pa ang pinag-uusapan namin bago dumating sin Shaun.
"Your question? Ano yun?" he said with a confusion on his voice. Hindi niya ba ako narinig kanina?
"Do you want me to cut my hair?" tanong ko. Kitang kita ko ang biglang pagbabago ng kanyang expression. Kaagad na nawala ang pagkainis sa kanyang mukha sa tanong ko.
"If cutting your hair makes you happy, why not. But as for me I prefer your long hair, I like girls with long hair."
"You like long hair? Oh! kaya pala mahahaba halos ang buhok ng mga babae mo," ani ko at ibinalik ko ang aking tingin sa hallway. Nakikita ko na malapit na kami sa room ko.
"Hin-"
"Babye, Cly!" Hindi ko na siya pinatapos pa sa kanyang sasabihin dahil alam ko naman na itatangi niya lang ito. Atsaka ayaw ko na ihatid niya ako hanggang sa tapat ng room ko. Kaya naman matapos akong magpaalam sa kanya ay tumakbo na ako papunta sa room ko.
Weekend na, kung dati ay gustong gusto ko na mag-weekend. Ngayon ay parang gusto ko nalang mag fast forward sa weekdays. Kahit na labag sa loob ko ay tumayo na ako upang maligo at mag-ayos. Ayaw ko na magtagal na maghitay sa akin si Julien sa bahay namin dahil baka makita pa siya nina Mommy. Ayaw ko na silang magkaroon ng ideya kung sino siya. Mawawala din naman siya sa buhay ko, kaya I don't have a plan telling them about him.
Nagsuot ako ng mint colored above the knee puff dress at white heels. I put my hair into a high ponytail. After fixing myself ay sakto naman ang text sa akin ni Julien nasa baba na siya. This is it.
"You look so beautiful," ani niya pagkakita niya sa akin sa labas. Hindi ko na siya pinapasok dahil baka mag-abala pa si Manang. I let him wait outside.
"Thanks!" maikli kong sagot. Hinintay ko siya na pagbuksan niya ako ng pintuan.
Bago niya binuksan ang pintuan ay hinalikan niya ang pisngi ko. Nagulat ako sa ginawa niya ngunit sinubukan ko padin ngumiti. Sumakay na ako sa shotgun seat at hinintay ko siyang sumakay. Siya ang mag-dadrive ng kotse, he said na kapag weekend ay hinahayaan sila ng kanilang mga magulang na mag drive.
"How's you sleep, babe?" He smiled at me. Ganito ba talaga kapag nawalan kana ng feelings sa isang tao? It doesn't feel right to be sweet at him like before. If hindi ko siguro nalaman na linoloko ako nito ay baka nagustohan ko na siya ng sobra.
"It was fine! Medyo hindi ako kaagad naka tulog kagabi dahil kinakabahan ako," I lied. Hindi ako kaagad natulog kagabi dahil ayaw ko mag-weekend. Ayaw ko siyang makita, kapag walang pasok na nga lang siya hindi nakikita eh.
"Don't worry they will like you," he said. Sumulyap siya sa akin at ibinalik niya din ang tingin niya sa daan.
Nagkunwari ako na natutulog para hindi niya ako kausapin. Noong naramdaman ko na huminto na ako sasakyan ay hindi ko kaagad binuksan ang mga mata ko. Hinintay ko na siya mismo ang gumising sa akin. Ngunit ilang minuto na ang lumilipas ay hindi niya padin ako ginising, nagulat naman ako ng bigla siyang nagsalita.
"Shana, I'm sorry, but right now I love you." He then caressed my cheeks, pero agad niya din inalis ang kanyang kamay.
Is he serious? kahit ilang besis niya pang sabihin na mahal niya ako ay hindi na magbabago desisyon ko. Nag-unat na ako para maipakita sa kanya na gising na ako.
"Kadarating lang ba natin?"
"Yes, Let's go? Excited na sina Mom na makilala ka," nakangiting sambit nito sa akin. Tumango lang ako at hinintay ko siya na pagbuksan niya ako ng pintuan.
Pagpasok sa bahay nila ay bumungad sa akin ang family portrait nila. Mukhang kaedad lang nina Mommy at Daddy ang kaniyang mga magulang. Simple lang kung tignan ang kanilang bahay, it's not as grand as the Adriatico's but their house is quite big. I like the mix of nude and peach colors of their wall on the living room.
"Shana! You are here!" Nabaling naman ang tingin ko ngayon kay Shaun na tumatakbo palapit sa akin. I smiled when I saw him, with him being here makes me feel relieved.
"Nandito na pala kayo Julien," ani ng isang ginang na naka-black tea length dress. She look very much like Shaun, sa kanya siguro nagmana ito.
"Magandang umaga po," nakangiti kong bati sa kanya. She smiled at me while walking toward us.
"Ikaw ba si Shana? Napakaganda mo naman pala, hija. Ako nga pala ang mama ni Julien, You can call me Tita Sheila." Yinakap ako ni Tita Sheila and rub my back a little bit.
"Mom don't suffocate her!" rinig kong saway ni Julien sa kanyang Ina.
"Hala, Sorry Hija. I'm just happy na mayroon na ipinakilalang babae si Julien."
"Okay lang po yun Tita. It was nice meeting you po," sagot ko sa kanya atsaka ako ngumiti. I can feel the warm with her, her aura is like Shaun.
"Sige ma-upo muna kayo diyan sa sala. Naghahanda pa kami sa kusina eh," she said and escorted me to seat on one of their sofas.
The family meeting with Julien's parents is so comforting dahil sobrang bait ng Mom at Dad niya. They always ask me kung okay lang ba ako o kung ayos lang ang pagkain sa akin. They never ask me uncomfortable questions. Hanggang sa matapos kaming kumain ay ramdam na ramdam ko padin ang kanilang presensiya. Their presence made me forget my hatred to Julien, napapa-isip tuloy ako kung ampon ba si Julien. His asshole attitude doesn't suit in this family, his family is like fluff.
"I'm glad nakilala ka na namin, Shana Hija. Lagi kang naikukwento sa amin nitong dalawa," ani ni Tito sa akin. Nandito na kami sa labas ngayon dahil uuwi na ako.
"Talaga po? Salamat nga po pala sa pag-iimbita sa akin dito."
"Noong nalaman namin na kaibigan ka ni Shaun at girlfriend naman ni Julien ay natuwa kami. And we wanted to meet you back then."
"Balik ka ulit dito sa amin, Shana. Maghahanda kami ng gusto mong kainin, just tell us," nakangiting sambit ni Tito. I feel so bad, dahil alam ko na wala ng susunod.
Malapit ng matapos ang pasukan at malapit ko na din hiwalayin si Julien. This is the reason kung bakit ayaw ko makilala pa ako ng mga magulang niya. It would be more complicated kung kilala ako ng mga magulang niya.
"Sorry kina Mom. Masyado lang silang excited ma magkaroon ng babae sa family namin," ani ni Julien habang dadrive siya. Palubog na araw, hindi ko namalayan na halos maghapon pala ako sa kanila.
"Ayos lang, nag-enjoy naman akong kausap sila." I smiled genuinely at him.
I'm still mad at him but I feel thankful to him that his parents are very warm and comfortable to be with.
Mabilis na lumipas ang mga araw at heto ako ngayon sa benches kung saan niya ako unang kina-usap.
"Remember this place?"
"How could I forget this place, dito kita unang kina-usap. It was our first conversation."
"Ang saya ko noong kina-usap mo ako dito, after our conversation here para akong nasa ulap noon," ani ko at tumingin sa paligid.
"So it's true that you like me when we first meet."
"Yes, I liked you so much back then. I might be half in-love, but you ruined it!"
"What are-"
"You and your friends! Dax heard about your plans on me and I was so greatful na kaagad kong nalaman diba? Atleast hindi pa ako in-love noon!"
"Shana no-"
"Huwag ka ng mag-explain Julien buo na ang desisyon ko! Kahit na ano pang lumabas diya sa bibig mo ay hindi na magbabago ang nasa isip ko."
"Let me explain? please."
"No! I don't want to. Nasaktan na ako, if mag-e-explain ka parang you are trying to invalidate what I felt back then and now. Sarilinin mo na lang yan. We are done!"
Tumalikod na ako sa kanya, naglakad palayo. At habang naglalakad ako palayo ay siya naman ang pagtulo ng mga luha ko. It hurts but eventually makaka-move on din ako.
~~