Chapter Four

2217 Words
Chapter Four Pagdating namin ni Cly sa bayan ay parang kuminang ang mga mata ko. Napakadami ng mga pag kain at parang mas lalo kong naramdaman ang gutom. It's my first time eating here kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin at kung saan kami kakain ni Cly. "What do you want to eat, Shana?" tanong sa akin ni Cly habang patuloy siya sa pag bi-bisekleta. Nakatingin ako sa mga stall na dinadaan namin, sa sobrang daming ng mga pag pipilian ay hindi ko alam kung ano ang kakainin ko. "I don't know Cly. I feel so overwhelmed sa dami ng mga pagkain na nakikita ko." "Ngayon ka lang ba nakapunta dito?" "Oo, ngayon lang ako nakapunta dito. Hindi naman kasi ako nakakapamasyal kung wala kayo," sagot ko sa kanya. Napalingon ako nadaanan naming stall, napakabango ng aroma mula doon. "Cly! Go back. Nakakita na ako ng lugar kung saan tayo kakain." Napahinto si Cly at humarap siya sa akin bago sumagot. "Saan mo gusto tayong kumain?" "You see that beige colored stall? Doon tayo kakain. Naamoy ko yung pagkain mula doon at mukhang masarap." "Okay, Let's go." Umupo ulit siya sa upuan ng bisikleta at nagsimula ulit siyang magpedal. Maraming tao kung nasaan kami, halos naglalakad ang mga ito. May iilan din naman na naka-bike kagaya namin. Huminto si Cly sa harapan ng stall na itinuro ko. Paghinto niya ay amoy na amoy ko ang masarap na aroma ng mga pagkain mula sa loob. Napatingin ako maraming kumakain pero patapos na yung iba. Pagkababa ko pumasok kaagad ako sa loob at umupo sa bakanteng upuan. "Shana! Don't run away from me like that," ani ni Cly pag kapasok niya sa loob. "Baka kasi may mauna pa sa ating umupo dito eh," sagot ko sa kanya. I was looking at him with a sad face para hindi na niya ako pagalitan. Bumuntong hininga siya at lumingon sa counter, "What do you want to eat?" Tumingin naman ako sa counter at namimili ako sa mga iba't ibang pagkain na nakasulat sa taas. Pero ang nakaagaw talaga ng pansin ko mula noong pumasok ako sa loob ay ang special palabok nila. It really look so delicious base sa picture na nasa counter. "Maybe a special palabok and halo-halo?" "Is that all, Shana?" Tumango lang ako kay Cly. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa counter. Pinapanood ko siyang mag-order ng kakainin namin. Marami ang mga naka-upo sa isang lamesa na nasa tabi ng lamesa namin. The stall is a regular size hindi ito malaki at hindi din gaanong kaliit. I think it size is perfect for it's place. Habang hinihintay ko na bumalik si Cly ay nilibot ko ang paningin ko sa loob ng stall. May nakadikit na iba't ibang klase ng pagkain sa dingding, I guess yun ang mga i-sene-serve nilang pagkain. Napalingon naman ako sa bandang likuran, may kumukuha ng inumin. Matapos niyang uminom ay ibinalik niya muli ang kanyang baso sa lamesa kung saan nakalagay ang mga baso na mukhang hindi pa nagagamit ata?. Nakaramdam ako ng kaonting pag-aalangan kung iinom ako sa tubig dito. Kung makikita ako ni Mommy na iinom doon ay baka mapagalitan lang ako sa kanya. "Hey are you alone?" Napalingon ako sa lalaki na nasa nakatayo sa harapan ko. He's tall but Cly is taller that him, he's looking at me intently. "I'm not!" maikli kong sagot sa kanya. Tinignan ko siya sa mata without a sign of being scared, I'm not scared of him. "Talaga ba? you look lonely that's why I approached you," sagot nito sa akin at nag-iwas ng tingin sa akin. His reaction is priceless, he didn't expect na sasagot ako sa kanya while looking at him directly into his eyes. "I'm not lonely. May kasama ako nasa counter nag-oorder, kaya pwede kanang umalis." I rolled my eyes at him and crossed my arms on my chest. I even arched my eyebrows while looking at him. "You know what you are rude for your appearance," ani nito sa akin. Poor you akala ba niya ang mabait ako. "I'm rude. And I don't think I can accept your judgement for my appearance from someone who doesn't have a very appealing appearance." My cousins said I was intimidating if someone unknown to me is in front of me. If I like someone I could be very bubbly and outgoing person. This guy is annoying me right now, nagugutom na ako and here he is annoying the hell out of me. "I'm just trying to accompany you," he said. I can see clearly na hindi yun ang gusto niya mangyari. I might be young but I know what people's intention by looking at them. "I don't need it. How many times do I have to tell you? This is harassment, and just so you know I'm a minor." Mukhang nagulat pa siya sa sinabi ko at napa-atras siya ng kaonti. "May problema ba?" Cly is here now. I smiled at him at para naman ako nakahinga nang maluwag. "Ah nothing this guy thought na mag-isa lang ako." My attitude change real quick because I feel so vulnerable when Cly is by my side. Not just Cly but whenever the Adriatico's are by my side I feel so vulnerable. Their protectiveness when they are around me make me feel better. "I-i'm sorry to bother you, M-mi-iss," nauutal pa ito sa kanyang pagsasalita. I smirked at him habang paalis siya. Inilapag naman ni Cly ang tray sa table at nakaramdam ako ng gutom lalo. The smell of the food being serve in front of me is not helping. Kaya naman kahit na hindi pa na-uupo si Cly ay inumpisahan ko na ang pagkain ko sa palabok na nakahapag sa harapan ko. "Gutom na gutom ka nga. Mag dahan dahan ka naman Shana baka mabulunan ka," nag-aalalang sabi ni Cly sa akin habang paupo siya. "Kanina pa ako nagugutom eh. You should eat na din, ang layo ng pinuntahan natin. I bet you are hungry too." I smiled sweetly at him before I stuffed a spoonful of palabok inside my mouth. Naging tahimik ang pagkain namin ni Cly. I'm thankful na bumili siya ng bottled water instead of getting drinks from the table at the back. The food is delicious and I'm eating my dessert now. Napatingin ako kay Cly bago ko isubo ang kutsara. He's looking at me in awe, tapos na din siyang kumain. He didn't buy dessert for him kaya naman itinapat ko sa kanyang ang kutsara ko. "You want some?" I asked innocently with a smile on my face. "Can I?" Tumango ako sa kanya bago ko inilapit lalo sa kanya ang kutsara. Pagkasubo niya ng kutsara ay nakaramdam ulit ako ng kung ano sa tiyan ko. Kakain ko lang eh! Hanggang sa matapos akong kumain ng halo halo ay isang beses lang tumikim si Cly. I offered him to have some pero tumangi siya. Matapos akong kumain ay makulimlim na sa labas, kaya naman matapos ayusin ni Cly ang mga plato namin ay umalis na kami. Nakasakay ako sa likuran ng bisekleta ni Cly habang nakahawak sa bewang niya. Hindi pa kami nakakalayo ay nag-umpisa ng pumatak ang ulan. Mabilis na lumakas ang ang ulan, pero patuloy padin sa pagpepedal si Cly. Basang basa na kaming dalawa ngayon at nararamdaman ko na ang lamig dahil malakas din ang hangin. Kahit na malakas ang ulan ay napangiti padin ako, ganito pala ang feeling ng maligo sa ulan habang namamasyal. "Shana sisilong muna tayo," ani ni Cly at inihinto niya ang bike sa gilid ng daan. "Malapit na din tayo Cly huwag na tayong sumilong. Dumeretso na lang tayo." Tumango sa akin si Cly at pinaandar niya ulit ang kanyang bisekleta. Dinama ko ang hangin at ang lakas ng ulan na humahapas sa mukha ko. Pagdating namin sa bahay ay dali dali kaming sinalubong ng mga katulong namin sa bahay. "Nako Miss Shana magpalit na po kayo kaagad ng damit. Pati po kayo Sir Clyden." "Manang huwag mo po kaming isusumbong kay Mommy." "Hindi ko po sasabihin kay Madame kung maliligo ka po kaagad Miss Shana." Tumakbo ako kaagad paakyat sa hagdanan namin pero bago ako kakarating sa taas ay, "Cly maligo kana din sa guest room namin para hindi ka magkasakit." Pagpasok ko sa banyo ko ay kaagad kong tinangal ang mga basa kong damit. Naging mabilis ang paliligo ko dahil narin sa natatakot ako na baka sipunin ako dahil malamig at nabasa pa ako ng ulan. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng oversized cotton baby blue sweater and navy blue cotton pants. Bumababa ako sa sala namin wala pa si Cly kaya naman nagpunta ako sa kusina. "Manang maaari po ba kayong mag luto ng mushroom soup??" Umupo ako sa upuan sa counter top namin habang nakatingin kay Manang. "Pag-akyat niyo po ay nag imula na akong magluto, Miss Shana." Napangiti ako dahil mukhang alam na alam na ni Manang ang gusto ko. Pinapanood ko si Manang na magluto dito sa kusina namin habang hindi pa bumababa si Cly. Napatingin naman ako sa bintana sa kusina namin at mukhang mas lalong lumakas ang ulan. Napapadalas ang pag-ulan ngayon ah, sana ay hindi magkasakit si Cly. "Shana nandito ka lang pala." Napalingon naman ako kaagad kay Cly na naglalakad palapit sa akin. He's wearing a simple white t-shirt and a gray sweatpants. His hair is dry but it's messy, mukhang nag-blow dryer lang pero hindi nagsuklay. "Nagpapaluto ako kay manang ng mushroom soup. We should eat it para maiwasan natin ang pagkakaroon ng sakit." "Okay, Do you want hot chocolate?" tanong ni Cly sa akin. Hindi siya dumeretso sa kung saan ako naka-upo. Sa may lalagyan ng mga cup namin siya nag punta. "Yes please," sagot ko pabalik sa kanya. Kung kanina ay si Manang ang pinapanood ko ngayon ay si Cly naman. He's working very smoothly at our kitchen parang alam na alam na niyang ang gagawin. Nagulat na lang ako noong inilapag niya sa harapan ko ang isang tasa ng hot chocolate na mayroong kulay pink na marshmallows. Napangiti ako pagkakita ko sa inumin ko na inilapag ni Cly. "Thank you Cly!" "Miss Shana ihahanda ko na po yung soup. Saan po kayo kakain?" "Manang dito na lang po kami kakain ni Cly," sagot ko habanag nakangiti. I'm getting excited to eat again. "Kakain lang natin Shana and here you are getting excited to eat again," ani ni Cly bago umupo sa tabi ko. "I love eating, Cly!" "I know. But be careful mainit ang soup baka mapaso ang dila mo," ani ni Cly while looking at me with a worried face. "Don't worry Cly, I will eat this soup slowly." Sa tatlong Adriatico ay si Cly ang pinaka-sweet at caring sa kanila. I'm not saying na hindi sweet yung dalawa pero yung kay Cly nasa ibang level. He has this aura of being sweet person and you can feel his warm presence whenever he's with me. I bet kahit na sinong kasama ni Cly ay mararamdaman ito. I might tease Aiden but I know that he's not like that kapag may kasama siyang iba. Dax is most playful among them, kaya siguro hindi ko nasabi na sweet siya and caring. All I can see for Dax is his playfulness. "Mukhang lalong lumakas ang ulan Cly," ani ko kay Cly habang naka-upo kami sa sofa ngayon. Matapos kaming kumain ay nagpunta kami sa kusina. "Oo nga e, pero maaga pa naman. Baka tumigil din yan mamaya," sagot nito sa akin. Yinakap ko ang mga tuhod ko na nakataas ngayon sa sofa, nanonood kami ng TV ni Cly. Nasa pinapanood namin ang attention ko kaya napatalon ako noong may kumot na biglang bumalot sa akin. Tumigala ako kay Cly na nakatayo ngayon sa likod ng sofa na inuupuan ko. "Put the blanket around your body para hindi ka lamigin," ani ni Cly habang nag lalakad siya pabalik sa kina-uupuan niya. Ang lamig ng panahon pero damang dama ko ang init ng pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit umiinit ang mga pisngi ko ngayon. Ipinagwalang bahala ko ito ibinalot ko ang sarili ko sa kumot na ibinigay ni Cly sa akin. It made me feel the warm that I need at the moment. Lumipas ang ilang oras at hindi pa rin tumitila ang malakas na ulan. Tumawag sina Mommy na baka sa manila nalang sila mag-s-stay ngayon dahil malakas ang ulan. They can't go home dahil baka baha daw sa dadaanan nila papunta dito sa Eretria. Hindi naman lumulubog sa amin pero sa mga lugar bago makarating sa amin ay lumulubog. "Shana!!" Sabay kaming napalingon ni Cly sa pintuan ng bahay namin. Nakita ko yung dalawa na nakatayo sa pintuan namin. "Why are you here?" tanong ni Cly sa dalawa. "Is it obvious? Mag-s-sleep over kami dito!" sagot ni Dax kay Cly. Dumiretso sila dito sa sala at umupo sa mga sofa. Umupo si Dax sa tabi ni Cly at si Aiden ay umupo sa tabi ko. Tinignan ko lang silang dalawa at napa-iling nalang ako. Tinawagan ba si ni Mommy? Oh well maybe we can spend a night here. Mommy must be worried na sina Manang lang kasama ko sa bahay. "Boring! nanonood kayo ng balita?" This is going to be a very long night. ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD