Chapter Twenty Nine

3037 Words
Chapter Twenty Nine "Huwag mo akong kakausapin. I hate you Aiden!" sigaw ko sa kanya noong nalaman ko na siya ang dahilan ng pag-alis ni Annia. "Shana please listen to me," pagmamakaawa ni Aiden sa akin. "No! I hate you so much! Leave ayaw na kita makita and you are not my friend anymore!" Tinulak ko siya palabas ng bahay namin habang umiiyak ako. I'm hurt with the thought of him hurting Annia and I'm hurt because I'm pushing the most important person in my life. Seeing his pleading eyes while talking to me a while ago made my heart hurt so much. I didn't expect na kaya kong gawin yun kay Aiden, but nangibabaw ang galit ko sa kanyang ginawa. It made me remember scenes that happened weeks ago. It was raining. Kakauwi ko lang from school and nagmadali akong pumasok sa kwarto ko para makaligo ako dahil any time soon ay tatawag na si Clyden sa akin. He said tatawag siya sa akin pag-uwi ko galing sa school dahil yun ang vacant niya. After kong maligo ay nagsuot ako ng plain white summer dress at umupo ako sa aking bed. Hinihintay kong tumunog ang aking phone. At sakto naman ang pagtunog na aking telepono. Dali dali ko itong sinagot. "Hello? Cly!" maligaya kong bati sa kanya. "Shana, how's your day?" tanong niya sa akin. Maykakaiba sa boses niya ngayon, he sound very tired. Unlike last week na parang masigla siya at masaya now he sound like a very tired person. Parang nawalan na siya ng sigla. "It's fine, Cly. How about you? Parang pagod ka ha?" "Ah yeah ang daming ginagawa eh," sagot niya sa akin. Kapansin pansin din sa akin ang monotone voice na ginagamit niya ngayon. "Cly is there sometimes wrong?" tanong ko sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa aking tinanong kay Clyden. It feels like I shouldn't have ask that to Clyden. "Shana do you want to rest?" Clyden ask me. Naguguluhan ako sa kanyang tanong. "I'm resting naman Clyden. Nakahiga nga ako sa bed ko ngayon eh." "No, what I mean is sa relasyon natin. Do you want to rest?" "Cly what are you talking about?" "Hindi ka ba napapagod Shana?" tanong niya pabalik sa akin. "Bakit naman ako mapapagod Cly. I love you and I will never get tired of it," sagot ko pabalik sa akin. I can feel my eyes are about to tear up. "Shana minsan hindi lang sapat na mahal mo ang isang tao. There are some times na kailangan niyo din magpahinga kung ang sitwasyon niyo ang nakakapagod." "Are you saying na napapagod ka sa akin? Napapagod ka sa ating dalawa?" tanong ko sa kanya. Sa totoo lang ayaw kong sagutin niya ang tanong ko na yon dahil alam kong masasaktan ako sa maaaring isagot niya sa akin. Pumikit ako para alalahanin ang mga pangyayari sa nakalipas nag buwan. School is tiring but whenever I remember na makakausap ko si Clyden pag-uwi ko ay nawawala ang pagod ko. "Hindi sa'yo. Napapagod ako sa sitwasyon natin Shana. I want to hug or hold you after a tiring day of school but you are there at Eretria at nasa Manila ako." "Clyden, napapagod din ako sa pag-aaral ko but the thought of talking to you after ng school ko ay nawawala pagod ko." "Shana we are different. Kung ikaw ay sapat na ang pag-uusap natin ng ganito sa akin hindi. I wan more, gusto kita makasama." "Do you want me to go there? at diyan na mag-aral?" "No Shana, ayaw ko. Ang gusto ko ay itigil na natin to." Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha da nga salitang yun ni Clyden. Did he really want to get rid of me? Nasaktan ako na gano'n ang kanyang sinabi, I thought he love me? Pero bakit siya napapagod? Bakit niya gugutuhin na maghiwalay kami? Napakadaming tanong sa akin utak ngayon. Pero ang nasabi ko lang kay Clyden, "Yan ba ang gusto mo Clyden?" "Oo Shana ito ang gusto ko. I feel so tired on everything even with you." That's it. Parang yun lang ang hinihintay kong sabihin niya sa akin para pumayag ako sa gusto niya. "Okay Clyden if that's what you want. Goodbye then." "Goodbye, Shana." Pinatay ko na ang tawag at ibinato ang akong telepono sa pader. Mabilis ang pagtulo ng aking mga luha sa mata. It's a break up na walang halos cheating or anything pero ang sakit padin. Dahil mahal ko siya at I expect na siya na ang makakasama ko habang buhay. I didn't expect him to be tired, because siya ang laging nagsasabi na his love for me won't fade away but maybe he will get tired eventually. Mas lalo akong naiyak sa alalang yun na nagplay sa aking isipan. Clyden hurt me so bad that day, kahit na pumayag ako ay nasaktan padin ako. It shows that day that he can get tired of loving someone even if his love won't fade away. Everything night ay umiiyak ako para makatulog lang. Kahit nasaktan ako at hindi nawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Pero kailangan kong isantabi ang nararamdaman ko sa kanya para makapagpatuloy ako sa araw-araw na buhay ko. "Shana, galing dito si Aiden kagabi?" tanong ni Mommy sa akin habang kumakain kami ng agahan. "Yes po Mom why?" tanong ko pabalik sa kanya. "Nag-away daw kayo sabi ni Manang," sabi ni Mommy sa akin atinignan niya ako. "Ha? Hindi po kami nag-away no." "Ang sabi ni Manang nagsisigawan kayong dalawa kagabi." I can't tell Mommy na nag-aaway kami ni Aiden. Mag-aalala siya sa at alam ko na baka tawagin pa niya si Aiden at ipagbati niya kaming dalawa. Mommy is really like Aiden, she recognized him as his son that she never got. Kaya alam ko na kapag nalaman niyang nag-away kami ni Aiden she would do everything para magka-ayos kami. After breakfast ay umalis na sina Mommy naiwan ulit akong mag-isa dito sa bahay. Pati mga katulong namin ay umalis pati mga driver at gaurd ay wala dahil may occasion sa kabilang bayan kung saan sila nakatira kaya nagpaalam silang umuwi. Kaya mag-isa ako sa bahay ngayon, hindi ko naman matawagan mga kaibigan ko dahil weekend ngayon. Nagbasa ako ng libro at nanonood ng tv para malibang ako sa bahay. Kinagabihan ay wala parin si Mommy ang sabi niya ay baka malate daw sila. Habang nagluluto ako ng dinner ay may naramdaman akong nakatingin sa akin mula sa bintana ng likod bahay namin. Nanlamig ako noong maramdaman ko ito. Pinatay ko ang kalan at lumabas ako sa bahay namin para tignan kung may tao nga ba sa likdo bahay namin. At pagbukas ko ng pintuan ay may nakita akong lalaking naka itim. Nakita ko din na may hawak siya na parang kutsilyo. Parang nanlambot ang aking mga tuhod sa nakita ko. It's the same guy noon sa subdivision namin. "Sino ka?!" sigaw ko sa kanya. Ngunit patuloy lang ito sa pagtakabo palayo sa akin. Nagmadali akong pumasok sa bahay at nilock ko ang mga pintuan sa loob ng bahay namin. Nilock ko din ang mga bintana sa bahay namin. Nanginginig ako sa takot ngayon. Ang nakita ko lang ay kanyang mga mata but that didn't stop me from feeling so scared. Kitang kita ko sa kanyang mga mata na parang may masama siyang binabalak. Their eyes is like a eyes of someone who is about to kill someone. Naramdaman ko ang mga maiinit na luha ko na tumulo sa aking mga mata. Nakaupo ako sa ngayon sa sofa habang na yakap yakap ko ang aking mga tuhod. Nanginginig at umiiyak, hindi ko alam ang aking gagawin napakabilis ng t***k ng puso ko. Noong marinig ko na bumukas ang gate namin ay parang akong hihinatayin sa takot at kaba. At noong may kumatok sa pintuan namin ay tumakbo ako sa banyo dito sa first floor at nilock ko ito. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ang aking paghikbi. "Shana Anak? Nasaan ka?" nawala ang lahat ng kaba ko noong marinig ko ang boses ni Mommy. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng cr at tumakbo palapit sa kanya. Niyakap ko siya siya habang umiiyak ako. "Anak anong nangyari bakit ka umiiyak?" tanong niya sa akin habang hinahaplos ang aking likod. "Mommy umalis na tayo dito please," I said in-between my sobs. Tumingala ako sa kanya habang umiiyak parin ako. Pinunasan ni Mommy ang mga luha ko at inalis ang mga buhok na nasa aking mukha. "What happened Shana?" "Honey bakit umiiyak ei Shana? Ano nangyari?" narinig ko na tanong ni Daddy mula sa likod ko. Hinarap ko naman si Daddy at nilapitan ko siya. "Dad please? umalis na tayo dito. Natatakot ako!" "Ano ba nangyari Anak?" Dad ask me and wiped my tears on my face. "May-may tao kanina sa likdo bahay Dad. They are holding knife Dad. Papatayin nila ako please let's leave." "Rina tumawag ka sa bahay sa Manila. Ipahanda mo ang bahay natin doon, aalis na tayo dito ngayon din. Anak shh tahan na. Aali na tayo dito ha? Hindi na tayo babalik pa dito kahit kailan." At noong gabing yun ay umalis din kami kaagad sa Eretria. O suffered from PTSD and it took me 6 months to recover from that. Ilang months ko din napapanaginipan ang pangyayaring yun. "I'm so thankful with Jace that time. He helped me to froget about that traumatic experience. He's always my side sa tuwing nararamdaman ko ang takot." May luhang tumulo sa aking mga mata ngunit agad ko din pinunasan ang mga ito. "Shana you should have called me that day noong umaga palang," sambit ni Shaun. He look really worried now at hinawakan niya ang kamay ko na nasa lamesa. "Hindi ko naman alam na gano'n ang mangyayari. Don't worry okay na ako ngayon, hindi na ako sinusumpong noong takot ko. Nakalimutan ko na din yung pangyayari na yun not until now." "I'm sorry, hindi ko nadapat pa tinanong ang tungkol doon." He caressed my hand that he's holding right now. Mukhang nag-aalala padin siya sa akin hanggang ngayon. "Nako Shaun okay lang yun. Okay na ako ngayon magaling yung therapist ko nakarecover ako ng dahil sa kanya." Nginitian ko siya at parang kahit anong sabihin ko ay hindi mawawala ang pag-aalala niya sa akin. "Basta Shana if you felt something again call me please. Kapag wala kang kasama tawagan mo ako sasamahan kita," sabi nito sa akin. Sasagot pa sana ako pero dumating na yung inorder naming pagkain. Nagsimula na kaming kumain ni Shaun at sa bawat pagsubo niya ay sinusulyapan niya ako. Hanggang sa matapos kaming kumain ay nakailang besis ang pagtingin niya sa akin. "Shaun ano ba crush mo ako no?" "Kapal mo ah! Are you sure okay ka lang talag?" tanong niya muli habang tumatayo na ako sa aking pinauupuan. "Oo naman okay na ako. Don't worry about me," nakangiti kong sagot sa kanya. "Saan mo gustong pumunta? Gusto mo bang mag shopping?" tanong niya sa akin. "Mamasayal na lang muna tayp siguro?" Lumabas na kamin sa restaurant. Dala ni Shaun ang bag ko habang ako namab ay dala ko yung paper na may laman ng aking uniform. Habang nalalakad kami ni Shaun at humawak ako sa kanyang braso. Nakakahiya naman kasi naman na hawak hawak niya bag ko tas kung maglakad kami parang di kami magkakilala. "Gusto mo nun?" Itinuro ni Shaun sa akin ang stall ng ice cream. Tumingin naman ako sa kanya at tumango. "Yes ibili mo ako please?" "Sus kahit hindi mo sabihin alam kong gusto mo." Naglakad kami papunta sa stall at bumuli siya ng dalawang ice cream na naka cup. "Patikim ng sa'yo," sabi ko at sumandok ako ng ice cream dun sa cup niya "Ang takaw talaga oh." It feels nice to see Shaun again. I really thought na kapag nakita ko siyang muli ay babalik ang takot ko doon sa lalaking naka itim. Pero iba, I feel more comfortable now that I saw him. It made me think na what if si Aiden ang makita ko? Would I feel the same? Paano kung si Clyden? Inalis ko ang kung ano anong bagay na naiisip ko. Noong matapos naming nalibot ni Shaun ang buong mall ay nagyaya na akong umuwi. Nasabi kasi nito na mayroon siyang 7:00 AM, late na kasi baka hinahanap na din ako ni Jace. Bago kami lumabas ng mall ay nag-take our ako ng bucket meal sa isang fast food chain para sa dinner naming dalawa ni Jace. "Hanggang sa gate lang kita mahahatid niyan Shana," sabi ni Shaun sa akin. Noong malapit na kami sa subdivision namin. "Ay oo nga pala! Wait tatawagin ko si Jace para sunduin niya ako sa gate." Kinuha ko yung phone ko at dinail ko anag number ni Jace. "Hello? Pauwi kana ba?" tanong niya sa akin. Naririnig ko na nanonood nanaman ito ng balita sa sala namin. "Oo. sunduin mo ako sa gate malapit na ako," sagot ko sa kanya. Narinig ko na namatay ang tv at narinig ko din na tumayo siya sa kanyang pagkakahiga. "Okay papunta na ako sa diyan sa gate." "Mag-iinga ka ha?" "I will don't worry." Binababa ko na ang tawag at napalingon ako kay Shaun. Pinark na niya sa harap ng gate ng subdivision ang kotse niya. "Is that your cousin?" "Yes, Si Jace. Siya yung kasama ko sa bahay ngayon," sagot ko kay Shaun at inaayos ko na ang dadalhin ko. "Mabuti naman may kasama kana sa bahay ngayon. Parang mas makakalma ako na alam kong may kasama ka," sabi ni Shaun. Inalis ko naman ang seatbelt ko at niyakap ko siya. "Thank you talaga Shaun. I'm happy na nakita ulit kita." "Always take care ha? Tawagan mo ako kung gusto mo mamasyal. Sasamahan kita kahit sa kahit saan mo gusto." "Salamat talaga Shaun. I'm so grateful." "Come on nakalimutan mo na ba na little sister kita? Kaya I will be forever protective on you. Tara baba kana?" Bumababa si Shaun ng kotse at ako din. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya pa ako ng pintuan. Pagbaba ko ay inabot niya sa akin yung bag ko at paperbag na lalagayan ng uniform ko. Yung pagkain nami ni Jace lang kasi ang hawak ko. Sakto naman ang paglabas ng kotse ni Jace sa subdivision. Kumaway ako kay Shaun bago ako sumakay ng kotse. "Bumili ka ng dinner?" tanong ni Jace sa akin habang papasok kami sa subdivision namin. "Oo bucket meal. Okay na sayo yun diba?" "Oo naman may kasama pasta yan? Parang gusto ko ng spaghetti," sabi ni Jace. "Meron spag dito bilisan mo mag-dirve para makakain na tayo kaagad." "Maligo ka muna no!" Hindi ko na sinagot si Jace dahil nakarating na kami at ipinapasok na niya sa loob ng bahay namin ang kotse. Pagbaba ko ng kotse ay sumunod sa akin si Jace. "Tapos kana ba dun sa assignment mo sa USCSP?" "Yep. Bumili ka ng damit sa mall?" tanong niya sa akin noong napansin niya na iba ang suot kong damit. Ipinakita ko sa kanya ang damit ma suot ko at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Yes maganda ba? Pagpasok ko sa boutique ito kaagad ang kinuha ko eh." "Ang panget!" Inirap niya ako at dumeretso na siya ng pasok sa loob ng bahay. "Bitter ka lang no! Hindi ba ganito yung style na susuot ni Rika noon no?" tanong ko sa kanya habang hinahabol ko siya sa loob ng bahay. "Tigilan mo ako Shana," sabi sa akin habang patuloy parin siya sa paglalakad sa loob ng bahay. Dumeretso naman siya sa kusina at ako ay umakayat sa taas para maligo ako. Pagtapos kong maligo ay nagsuot ako ng white night gown. Habang pababa ako ay napag-isipan ko na takutin ko si Jace. Linagaya ko sa mukha ang aking buhok at nagdahan dahan akong naglakad. Sakto at nakatalikod ito kaya naman noong nakalapit ako ay kinalabit ko siya. "Putangina mo Shana!" gulat niyang sigaw. At tawang tawa naman ako dahil parang takot na takot ito ngayon. Hindi kasi siya nagmumura pero sa sobrang takot niya ay napamura niya. "You should have seen your face!" tawang tawang sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang riyan ko dahil sa kakatawa. "Nakakainis ka! Ang sarap mo batukan!" "Wahahaha you made my day Jace!" "Ewan ko sa'yo umupo kana nga dito para makakain na tayo!" asar niyang sabi sa akin. Umupo naman ako sa upaun na nakaharap sa kanya at kitang kita ko ang pag-kaasar niya sa akin. Kumuha ako ng chicken at kinagat ko ito atsaka ko siya nginitian. Kumain na kaming dalawa at hindi mawala ang ngiti ko sa labi habang siya naman nakasimangot. Tumunog naman ang phone ko habang kumakain kami. Kukunin ko sana para tignan kung sino ang nagtext kaya lang naaala ko na si Jace pala ang kasabay ko na kumakain. Kaya tinapos ko na ang kaagad ang kinakain ko para makita ko kung sino yung nag-text. From Unknown; I saw you with Shaun a while ago. Shana please let's talk? Pagkabasa ko sa text at napatingin ako kay Jace. Tinignan naman niya ako na may pagtataka sa kanyang mukha. "Aiden texted me," maikli kong sabi sa kanya. "Oh ano sabi?" tanong niya sa akin habang ngumunguya siya ng chicken. "Gusto niya akong kausapin." "These past few days you keep on reconciling with the people from your past. Shana maghinay-hinay ka naman please? I know okay kana but still baka biglang bumalik ulit yun." "Hindi ko din naman alam kung kakausapin ko siya. He might trigger some memories frok that incident at ayaw ko na maranasan muli yun." "That's good. Maghintay ka muna ng isang buwan bago ka makipag-usap muli sa tao mula sa past mom," sabi ni Jace sa akin. Tumango naman ako sa kanya at dinelete ko yung text ni Aiden sa akin. Tama si Jace baka hindi ko pa kayanin na kausapin si Aiden sa ngayon. Maybe I should wait for a month para kausapin ko siya. I know I was mad at him but can't deny it na miss ko siya ng sobra. They said that your partner might be your soulmate but for me Aiden is my soulmate. A platonic soulmate. ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD