Chapter Twenty Eight
Ilang oras ang lumipas ay may narinig na kaming nag-door bell. Kaagad naman lumabas si Ate Mari para mabuksan niya ang gate namin.
"Miss Shana may naghahanap po sa inyo," sabi ni Ate Mari pagpasok niya muli sa bahay namin.
"Baka si Annia na yan Ate Mari papasukin niyo po," sagot ko sa kanya at ibinababa ko na ang phone ko.
"Annia?"
"Yes! kakasabi ko lang sa'yo diba?"
"Oo nga pala, akyat muna ako sa taas. May gagawin akong case study," sambit nito at tumayo na siya.
"Sandali lang ipapakilala kita kay Annia." Hinila ko ang kamay niya para maupo siyang muli sa sofa. Sakto naman ang pagpasok ni Annia sa bahay namin.
"Shana may kasama ka pala," sabi ni Anna habang palapit ito sa amin.
"Nako pinsan ko lang to. This is Sean Jace Reeves," pagpapakilala ko kay Jace.
Ngumiti naman si Annia at iniabot ang kanyang kamay, "Hi nice meeting you?"
"Jace. Nice meeting you too Annia. Sige maiwan ko na kayong dalawa diyan aakyat na ako sa taas." At tuluyan ng umakyat sa taas si Jace para gawin daw yung case study niya.
Umupo naman si Annia sa tabi ko at tumingin siya sa paligid. "Wait ano gusto mo kainin?"
"Kahit ano Shana pwede na."
"Ate Mari padala na man kami ng cake sa kwarto ko oh," sabi ko kay Ate Mari at umakyat na kami ni Annia sa aking kwarto.
Pagpasok sa loob ay umupo kami sa mga sofa dito sa kwarto ko. Hindi ko alam kung anong una kong sasabihin kay Annia. Nagdadalawang isip ako kung uumpisahan ko ba agad sa pagtatanong sa kanya o ano.
"Kamusta Annia?"
"Ano yang pormal naman parang yung kakakilala lang natin," natatawang sambit ni Annia. Natawa din ako sa unang salita na lumabas sa aking bibig.
Huminga ako ng malalim at inalis ang ka-awkwardan. Tumingin ako kay Annia at natawa na lang akong sa itsura niya ngayon. Para siyang may gustong sabihin na ewan.
"Anong itsura yan Annia ha?" sabi ko sa kanya habang tinuturo ko ang kanyang mukha.
"Ano ba hindi ko kasi alam kung ano sasabihin ko eh!"
"Alam mo kung ganyan hayaan na lang natin? Kapag nalang kaya mo na sabihin."
Ang ginawa na lang naming dalawa ay nagkwento ng kung ano ano. It feels like reviving our old friendship.
"Loka loka ka talaga!" tawang tawang sabi ni Anni habang kinukwento ko sa kanya yung ginawa ko sa bar last month.
"Gusto ko lang kasi sumayaw tas yaya ng yaya sa akin magpunta sa booth eh!"
"Kaya sinipa mo sa ano? gaga buti hindi ka hinabol?"
"Wala hindi na nakatayo eh," sabi ko at kumain ako ng cake.
"Kung sabagay no. Kilala mo ba yun o just random guy sa bar?" tanong ni Annia habang umiinok ito ng juice.
"Hindi ko kilala, random guy lang sa bar." Nagbago ang expression ni Annia ngayon kung kanina ay natatawa siya ngayon ay worried na siya.
"Are you okay?"
"Oo naman okay lang ako dont worry. Kaya ko naman yung lalaking yun," sabi ko at itinaas ko ang mga braso ko. Natawa naman si Annia sa ginawa ko.
We stayed at my room whole day talking about random things. Pero hindi umabot ang paguusap namin sa Eretria. Our stories surrounds at ou daily life here in Manila. Sa dami ng napag-usapan namin ay maggagabi na noong umuwi si Annia. Pinapakain ko siya dito pero kailangan niya daw umuwi dahil may family dinner sila.
Mabilis na lumipas ang mga araw heto ako ngayon nasa school trying to hide sa weird na nanghahabol sa akin. Ang sabi ni Pam sa akin ay kanina pa daw siya pabalik balik sa room namin hinahanap ako. Kaya kumukuha ako ng tiyempo na sumabay sa teacher namin para makapasok ako ng matiwasay sa room. Pero parang minamalas pa ako ngayon dahil absent daw yung first sub teacher namin. Tinawagan ko naman si Pam kung nasa harap pa ng room si Leon.
"Nandyan pa Pam?" mahina kong tanong habang tumitingin ako sa paligid ko.
"Wala na pero may lalaki na naghahanap sa'yo," natatarantang sabi ni Pam. Napaisip naman ako kung sino yung naghahanap sa akin. Kung si Jace ay kilala naman ito ni Pam o kung sa school namin nag-aaral.
"Sino daw?" Kinakabahan ako sa pwedeng isagot ni Pam na pangalan. Sana ay wala sa tatlo ang babangitin niyang pangalan.
"Ayaw sabihin ng pangalan eh. Sabi kilala ka daw niya. Kapag nakita mo daw siya ay alam mo na daw nun," sagot ni Pam sa akin na mas lalong nagpakaba sa akin. Not knowing kung sino naghahanap sa akin ay mas lalong nakakaba kesa sa kilala ko.
"Ha? sabihin mo hindi ako magpapakita kung hindi niya sasabihin kung sino siya," sabi ko sa kanya habang naglilibot parin ako ng tingin sa paligid ko. Baka kasi biglang sumulpot si Leon sa likod ko.
"Nako girl magpunta ka nalang dito. Mukhang galit na si Koya ko malapitan nakakatakot," sabi naman ni Pam. Galit? s**t! si Aiden ba yun?
"Sabihin mo hindi ako pumasok."
"Shana ano-Where are you?" para naman himinto ang pagtibok ng puso ko noong marinig ko kung kaninong boses ang nasa kabilang linya.
"Pa-pa-punta na ako sa room," nauutal ko na sagot sa kanya. Nagsimula na akong maglakad papunta sa room namin.
"I will be waiting for you sa labas ng room niyo. Here's your phone miss," rinig ko mula sa kabilang linya. Pinatay ko na ang tawag at nagmadali na akong makapunta sa room namin.
Pagkarinig ko palang sa kanyang boses ay parang gusto ko na kaagad tumakbo papunta room. Habang naglalakad ako sa hallway na kung saan ang room namin ay naaninag ko na siya. He's standing there with his hand inside his pocket. He's wearing a blue long sleeve polo na naka-tuck in sa kanyang black slacks na umabot hanggang sa taas ng kanyang ankle. He's also wearing black leather shoes na bumagay sa kanyang suot. Ganito ba ang uniform nila sa college? O baka normal na outfit niya lang ito.
Noong makalapit na ako sa kanya ay ang kanyang galit na mukha ay naging maamo.
"God Shana! I've been looking for you everywhere!" Niyakap niya ako ng mahigpit. Napayakap din ako sa kanyang bewang ay ang ulo ko ay hanggang dibdib lang niya.
"Shaun.. I'm sorry," mahina kong sambit sa kanya. Nararamdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.
"You should be. Alam mo bang nagulat na lang ako ng bigla kang hindi pumasok sa school at noong nagpunta ako sa bahay niyo ay wala na kayo don. What happened Shana?" tanong sa akin. Lumayo siya sa pagkakayap sa akin at nakita ko ang mukha niya puno ng mga tanong at pag-aalala sa akin.
"Shaun... mag-usap tayo after ng class namin."
"Totoo ba yan o tatakasan mo lang ako?" tanong niya sa akin na parang walang tiwala sa aking sinabi.
"No! hindi kita tatakasan. Here have my wallet or my phone para makasigurado ka," sabi ko sa kanya habang inaabo ko sa kanya ang wallet at phone ko.
Kinuha niya ang wallet ko ang binuksan niya ito. Kinuha niya polaroid picture na nasa loob ng aking wallet. "As expected may picture ka dito. Kukunin ko ito at ibabalik ko kapag natapos tayong mag-usap."
Inabot niya muli sa akin ang wallet ko at nagsimula na siyang maglakad paalis. "Teka Shaun yung number mo?"
"Don't worry I will message you later. Byee!" At tuluyan na siyang umalis.
What i-message niya ako? Mayroon ba siya ng number ko? saka ko lang narealize na baka binigay ni Pam ang number ko sa kanya. Nagmadali naman akong pumasok sa room kaagad din umalis sa bintana na pinagsisilipan ng aking mga kaklase pagpasok ko.
"Shana! Jowa mo ba yun?"
"Uy grabe ang gwapo ah! Mukhang matalino ah!"
"Shana baka naman may kaibigan yun na single ipakilala mo naman ako."
"Ang sweet yakapan kaagad ang ginawa pagkakita. Ayiiee."
Sunod sunod na sabi ng aking mga kaklase pagpasok ko sa loob ng room namin. Mukha silang nanonood ng kdrama siguro kanina.
"Magsitigil nga kayo! Kaibigan ko lang yun noon sa probinsya no!" sagot ko sa kanila. Yung iilan ay mukhang hindi naniniwala sa akin. Yung iba naman ay tumatango lang na parang kunwari naniniwala sila.
"Nako Shana ah hindi ako naniniwala na kaibigan lang yun. Ang higpit ng pagkakayakap sa'yo," sabi naman ni Pam habang sinusundot sundot ang tagiliran ko.
"Ay Pam tumigil ka ah! Akala mo ba hindi ko alam na binigay mo kay Shaun ang number ko!"
"Tignan mo na pangalan palang gwapo na. Atsaka sino ba naman kasi ako para tumanggi sa request ng pogi." Napailing na lang ako sa isinambit ni Pam.
Inilagay ko na sa aking upuan ang bag at umupo sa arm chair para makapagkwentohan kami ni Pam. Dahil mamaya pa niyan nag secong subject namin.
"Kahit na basta pogi ba ibibigay mo number ko?" Gosh what if hindi si Shaun ay nandito kanina. Teka oo nga pala isa din katungan sa akin kung paano nakuha ni Aiden ang number ko.
"Naki usap naman ng maayos eh," sagot ni Pam sa akin. Sinuklayan niya ang kanyang mahabang kulot na buhok gamit ang kanyang kamay.
"Oh paano pala kapag stalker ko siya?"
"Stalker mo? gano'n ka gwapo tigilan mo ako Shana huwag kang feeling." Napaka sarap naman batukan ni Pam.
"Sa kanya mo lang ba binigay number ko? Wala ng iba?"
"Bakit may iba pa bang naghahanap sa'yo? Grabi ang haba naman ng hair mo kung gano'n ah."
"Seryoso kasi Pam," sabi ko sa kanya at tinignan ko siya sa mata para malaman niya na seryoso na ako.
"Promise sa kanya ko lang binigay wala ng iba." Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay na parang nangangako ito sa akin.
"Good. Kapag may iba pang nagpunta dito na hinahanap ako huwag mo basta basta ibibigay ha?"
"Oo na! Minsan lang yun mukha naman kasi katiwatiwala yung kanina."
"Kahit mukha pa silang mabait don't give it to them."
Paano kung si Clyden pala ang nagpunta dito baka pati whereabouts ko ay sasabihin ni Pam. Mahirap na. Sa mga kaibigan ko noon si Shaun ang pinaka safe na kitain. Mas better na siyang kitain kesa isa sa mga Adriatico.
"Pero seryoso din Shana bakit ba may naghahanap sa'yo? May pinagtataguan ka ba?"
"Satin lang to ha? Lika lumapit ka ibubulong ko sayo." Inilapit niya ang kanyang tenga sa bibig ko. "Tinakasan ko kasi yung mafia boss na fiancee ko."
Hinampas naman niya ng braso ko habang ako tawa lang ng tawa sa kanyang mukha. "Nakakainis ka hindi talaga kita maseryoso!"
"They are just people from my past that are trying to reconnect with. I'm not ready to meet the other people kaya gano'n."
"Sinaktan ka ba ng mga ito?"
"Nope, ako mismo ang nanakit sa sarili ko don't worry. Tara nga nagugutom ako, si Jace kase ang late nagising di tuloy kami nakapag-breakfast."
"Bakit naman? Wala katulong niyo?"
"Umuwi si Ate Mari kasi may emergency daw sa kanila kaya kami lang ang nasa bahay. Eh siya yung nagprisinta magluto di naman kaagad nagising." Kinuha ko yung wallet ko sa bag at nagsimula na kaming naglakad ni pam papunta sa canteen.
Naging mabilis ang mga oras. Heto ako ngayon sa harap ng room ni Jace hinihintay ko siya lumabas para makapagpaalam. Wala na silang teacher pero may ginagawa silang class project kaya nasa room pa sila.
"Shana hinatayin mo-"
"Jace hindi ako makakasabay umuwi sa'yo."
"Ha bakit? Magkikita kayo ni Annia?" tanong niya sa akin. Tumingin siya paligid tila may hinahanap.
"Nope. May kikitain akong kaibigan ko dati sa Eretria," sagot ko sa kanya. Tumango siya sa sinabi he might have clue but hindi niya parin alam kung sino.
"Okay. Mag-iingat ka ha? Tumawag ka kapag pauwi kana."
"Ikaw din. Huwag kana magluto ng dinner mag tetake out na lang ako ng pagkain natin."
"Okay! sige na." Bumalik na siya sa loob ng room nila. Sakto naman na tumunog ang phone ko.
Sabi i-tetext ako bat siya tumatawag.
"Hello, tapos na class mo?"
"Nakauwi na ako actually," pagkukunwari ko na tinakasan ko siya.
"Gusto mo bang paggising mo kala na nawawala ka?"
"Joke lang ito naman di mabiro. Palabas na ako ng gate ng school namin, nasaan ka ba?"
"Nasa harapan ng gate niyo. Kapag may nakita kang white Mercedes benz g wagon sumakay ka."
Paglabas ko ng gate ay sumalubong sa paningin ko ang kotse na sinasabi niya.
"Eto ba?" tanong ko sa kanya.
"Oo sumakaya kana. Or do you want me to open the door for you?"
"Nope! I can do it on my own." Pinatay ko na ang tawag at binuksan ang shot gun seat door.
Shaun really knows na ayaw ko na pinagbubuksan ng pintuan. I'm the type of girl na kung kaya ko naman bat ko pa ipapagawa sa iba. Pagsakay ko sa sasakyan niya ay nagsuot ako ng seatbelt.
"Saan mo gusto mag-usap?" tanong niya sa akin. Nasa manibela ang kanyang mga kamay ngayon. Hinihintay ang sagot ko kung saan ko gusto magpunta.
"Sa mall nalang. Sa may restaurant doon na lang tayo."
"Okay. Take a rest medyo malayo ang mall from your school."
"Wala kang pasok?" Napansin ko kasi na iba na ang suot niyang damit ngayon. He's wearing a tan polo at nakatuck in ito sa slacks niya. He's also wearing a belt and black valentino shoes. Wow Shaun's outfit is really good.
"Meron. Isang subject lang kami ngayon kaya kaagad din ako bumalik sa school mo after ko umuwi from university," sagot niya sa akin. Thus scene bring back memories from Eretria noong nagpunta kami sa bayan.
"It must be hard being college student. Saan ka nag-aaral?" tanong ko sa kanya.
Hindi ko alam kung saan siya nag-aaral even the others ay wala akong kalam alam. I really shutdown myself from them kaya I'm so clueless about there whereabouts. Well except the Adriatico's syempre, my classmates knows them. Laman din sila ng social media ko from my friends and classmates. Para silang artista na kung saan pumunta ay may update sa kanila. Pero salamat din sa mga updates na yon ay naiiwasan ko sila. Ang mga lugar na pinupuntahan nila ay never kong pintuntahan. Ayaw ko silang makita no.
"DLSU," tipid na sagot ni Shaun sa akin. Para naman ako nabuhusan ng malamig na tubig sa kanyang sinabi. Napakalapit lang pala ng kanyang school kung saan ako nagaaral. Pero hindi ako sure kung saan siya baka pala sa zobel siya.
"Sa taft o zobel?" tanong ko sa kanya.
"Sa taft malapit lang ang University ko sa sa inyong school kaya hindi mo ako matatakasan," sagot niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag sa kaniyang sagot. If sa Zobel siya then I'm doomed. Doon nag-aaral ang tatlo eh.
Tumahimik na ako sa buong pagbibyahe namin dahil na rin sa nag-da-drive si Shaun ayaw ko siyang daldalin habnag nag-da-drive siya. Pagdating sa mall ay nag-park siya sa may basement parking lot ng mall at sumakay kami ng elevator papasok sa mall.
"Where do you want to eat?" tanong sa akin ni Shaun pagpasok namin sa mall.
"le petit souffle," sagot ko habang nakatingin ako sa kanya
"Okay."
Naglakad kami papunta sa escalator dahil masyadong crowded ang elevator. Sa may 3rd floor pa kasi yung restaurant na gusto ko.
"You want me to carry your bag?" tanong ni Shaun sa akin noong napansin niya at na nahihirapan ako.
"Kaya ko naman hindi naman gano'n kabigat to," sagot ko sa kanya. At ipinakita ko na parang magaan lang ang bag ko kahit medyo mabigat talaga ito.
"Dapat ay iniwan mo na lang sa kotse ang bag mo," sabi naman niya. Binuhat nita ito at noong mapansin niya na mabigat nga ay kinuha niya ito da akin.
"Such a liar Shana," sambit niya muli at siya na ang nagdala ng bag ko.
"Hindi kasi bagay sa outfit mo ang magdala ng kulay blue na leather backpack."
"Sus yun talaga inisip mo?"
"Ang ganda kaya ng suot mo tas ako nakauniform pa!" simangot kong sabi sa kanya at tinignan ang suot ko.
"Gusto mo magpalit? I can buy you clothes."
"Magpapalit ako ng damit at ako magbabayad, Shaun." Hinila ko siya sa isang pink pastel color boutique para makabili ako ng damit.
Pagpasok sa loob ay kumuha ako ng black tweed pinafore dress at isang kulay white na long sleeve polo. Noong napadaan ako sa mga shoes ay kumuha din ako ng 5 inches block boot and black stockings. Binayaran ko ang mga ito sa counter.
"Miss pwede paalis na mga tag? Susuotin ko kasi kaagad," sabi ko sa inabot ko yung card ko sa kanya.
"Do you need paper bag po Ma'am?" tanong niya sa akin.
"Yes please. Can I use your fitting room?"
"Of course Ma'am. Thank you for your purchase." Inabot niya sa akin yung mga pinamili ko ay nagpunta na ako sa fitting room.
Sinuot ko yung binili kong damit at boots at inilagay sa paper bag ang uniform na suot ko kanina. Paglabas ko ng fitting room ay nag-bow ng kaonti sa akin yung sales lady na kausap ko kanina. Nilapitan ko si Shaun at mukhang nagulat pa ito sa mabilis kong pagpalalit ng damit.
"Well that was fast. You look good on that outfit Shana," sabi ni Shaun sa akin paglapit ko sa kanya.
"Well pagpasok ko kasi alam ko na kaagad ang bibilhin ko. Tara na gutom na ako."
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa restaurant. Pagpasok namin doon ay inabutan kami ng menu noong waiter.
"One Japanese beef curry souffle and for drinks one foest berries," sabi ko sa waiter at inabot ko na menu sa kanya pabalik.
"One Squid ink rice and one ice latte for me," Shaun said at the waiter while looki at his face.
"Is that all Ma'am and Sir?" tanong niya sa amin pagaboy ni Shaun sa menu.
"Tatawag nalang ulit kami kapag nakapili na kami ng dessert," sagot ni Shaun sa kanya. Tumango naman yung waiter at umalis na siya.
"Now Shana tell me what happened? Bigla kang nawala wala akong alam sa nangyari sa'yo. All I knor galit ka kay Aiden, but that's not the only reason kung bakit ka umalis right?"
It feels like I need to tell Shaun everything bago ko makayanan sabihin ang ito kay Annia. Maybe I was just waiting to talk to Shuan before I can tell it so Annia.
~~