bc

Dark Society 1- Sebastian Arragon

book_age18+
52
FOLLOW
1K
READ
playboy
arrogant
kickass heroine
sweet
bxg
lighthearted
kicking
abuse
discipline
punishment
like
intro-logo
Blurb

"I'm a bad man Adriana and i don't care for everything except my family, but you're my biggest weakness at ikaw ang taong ayokong mawala sakin."

Labing-walong taon lamang si Sebastian ng mangyari ang isang trahedya sa buhay niya. Kinuha siya ng mga di-kilalang kalalakihan at dinala sa kung saang lugar. Akala niya ay magiging katapusan na 'yon ng buhay niya ngunit isang estranghera ang niligtas siya ng gabing 'yon. Hindi niya nakita ang mukha nito dahil madilim ang lugar. Naguguluhan man sa ginawa nitong pagligtas sakanya, tumakbo pa rin siya palayo para takasan ang lugar na 'yon. Nagdulot ng bagong emosyon naramdaman niya ng gabing 'yon at pinangako niya sa sarili na hindi na muling mangyayari 'yon. Lahat ay nagbago sakanya, from a goodboy turn into badboy. Nang muli siyang bumalik sa sariling bansa ay pinamahalaan niya ang underground na itinayo ng pinsan niya, konekta 'yon sa Bar na itinayo nito. When he become the king of the underground ay mas lalong naging negatibo ang nasa paligid niya. Lahat ng masasamang bagay ay ginawa niya na mas lalong nagpatigas ng kalooban niya. Then he met Adriana, unang pagkikita nila nito ay binigyan agad siya nito ng isang malakas na suntok dahil tinuro niya ito sa lalaking humahabol dito. At hindi niya alam na 'yon na ang simula nang lahat sakanya, habang tumatagal na nakikita niya ang dalaga ay bumabalik ang emosyong dati ng nawala sakanya. Ngunit hindi pa pala niya ganap na kilala ang dalaga.

chap-preview
Free preview
Chapter One
"Sino kayo?! pakawalan niyo 'ko dito!" Nakagat ni Adriana ang ibabang labi, wala siyang magawa para tulungan ang lalaking nakatali sa silyang kahoy. Nakapiring ang mga mata nito. Puno ng pasa at may malaking sugat ito sa tagiliran. Hindi niya alam kung ano ang ginawa nitong kasalanan para magalit ang tito Abner niya ng ganon. Naawang nakatitig siya dito, hindi lang naman ito ang unang beses na nakikita niyang may pinahihirapang tauhan ang kanyang tito Abner. Pero labis siyang naaawa sa magiging kalagayan ng bagong dating ngayon.   "Patahimikin mo nga 'yan gagong 'yan Ading!"   Nagulat siya sa sigaw na 'yon ng kanyang tito Abner mula sa labas.. Walang emosyon ang mukhang nilapitan niya ang lalaki.   "Kung ako sayo tatahimik na lang ako kaysa masaktan pa 'ko." Sabi niya dito. Natigilan ito.   "Who the hell are you?!  pakawalan niyo 'ko dito ! kapag ako nakawala dito papatayin ko kayong lahat!" Sigaw nito bumuga na lang siya ng hangin saka akmang lalabas ng kwarto nang mahagip ng mata  niya ang isang wallet sa mesa sa gilid, sa tabi non ay mga kutsilyo at ibat-ibang klaseng lason. Cyanide, arsenic, botulism, lahat nandon. Alam niyang gagamitin ng tito niya ang lahat nang 'yon para makaganti. Kinuha niya ang wallet, bumungad sakanya ang litrato ng lalaking kinuha ng kanyang tito Abner. Kinuha niya 'yon pati na rin ang i.d nito.   "Sebastian D. Arragon, 18 years old. November, 5." Basa niya sa nakasulat, sumilay ang ngiti niya sa labi niya.   "Scorpio ka pala, hindi tayo compatible. Pero interesting." Bulong niya saka niya binalingan ang binata. Tinignan niya kung nandiyan pa ang kanyang tito Abner sa labas, nang makita niyang wala ito ay pinatay niya ang ilaw at nilapitan ang lalaking nakaupo. Pumuntay siya sa mukha nito, unti-unti niyang kinalag ang tali sa kamay nito.   "What the--"   "Sshh, wag kang maingay, gusto mo pang mabuhay diba? umalis kana."  Putol niya sa sasabihin nito, tinanggal niya ang piring nito. Madilim kaya hindi siya nito nakikita. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila sa isang siwang na maliit na tinatakpan lang ng sirang yero.   "Sino ka?" Tanong nito.   "Gemini." Sabi niya saka ngumiti ng matamis.   "Gemini?" Takang tanong nito, tinulak niya ito palabas.   "Kung gusto mo pang mabuhay 'wag na 'wag kang lilingon. May dahilan siguro ang tito ko kaya niya 'yon nagawa sayo." Sabi niya dito.   "But- - - -   "Wag ka ng magtanong, alis na bago pa siya bumalik pumunta ka sa likod ng truck na makikita mo sa dadaanan mo , sa kaibigan ko 'yon ako na ang bahalang magsabi sakanya." Sabi niya, naaaninag niyang tumatakbo na ito palayo. Mula sa liwanag ng buwan nakikita niyang lumilingon lingon pa ito sa direksyon niya. At do'n niya nakita ang buong mukha nito. Alam niyang hindi niya malilimutan ang mukhang 'yon. Tinabi niya ang i.d at litrato nito sa bulsa ng suot niyang lumang pantalon saka bumalik sa upuan nito, dumapa siya sa sahig at saka pumikit.   She smiled, alam niyang makikita niya pa ito..           SAMPUNG TAON na ang nakalipas nang matapos ang trahedya na 'yon. Ngunit para kay Sebastian ay nakapagkit pa rin 'yon sa utak niya. Muling namuo ang galit sa dibdib niya sa mga taong nagtanim ng takot sa puso niya. Pumikit siya ng mariin para alisin sa utak ang ala-alang 'yon na muli na namang lumitaw sa balintataw niya ngayong nakabalik na siya sa sariling bansa.   "Sir nakahanda na ho ang kotse."   Walang emosyon na nilingon niya ang driver nila, tinapon niya sa gilid ang natitira pang sigarilyo saka naglakad papunta sa kinapaparadahan ng kadarating lang na kotse. Pinagbuksan niya ang sarili ng pinto saka pumasok. Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya ngayong nakauwi na siya ng bansa. Naisipan ng mga magulang niya na dalhin siya sa ibang bansa pagkatapos ng trahedyang 'yon. Ilang buwan ang lumipas bago niya ma-recover ang takot, naging magagalitin na siya. Konting mali sa paligid ay pinupuna niya. Tumingin siya sa labas ng bintana, nakita niya ang ilang kabataang naglalaro. Hindi na siya ang binatang ginagawang positibo ang lahat ng bagay sa paligid niya. Natatakot siyang muling maramdaman ang takot na 'yon sa dibdib niya.   "Sir no'ng nakaraan ho pala dumating sa mansion si sir Grey, kapag nakauwi na daw kayo sabihin ko daw sa inyo na dumaan muna kayo sa hide-out niyo." Narinig niyang sabi ng driver. Si Grey ang pinsan niya, mukhang hanggang ngayon ay pinagkakaabalahan pa rin nito ang tinayong Bar sa Ortigas. Kumuha uli siya ng isang stick ng sigarilyo mula sa suot na pocket saka nagsindi. Napuno ng amoy ng sigarilyo ang loob ng sasakyan kaya binuksan niya ang bintana. Nilabas niya ang kamay habang panay ang tingin sa paligid niya. Marami na pa lang nagbago simula ng umalis siya kasama ng mga magulang niya, moderno na ang mga gusali at ang straktura ng daan. He live in states for a years at nababalitaan niya ang mga pagbabago sa Pilipinas ayon 'yon sa kanyang abuela. Huminga siya ng malalim saka bahagyang pumikit, naamoy niya ang samu't-saring amoy sa paligid na bahagyang nagbago. Tinapon niya ang natitirang upos ng sigarilyo saka dumilat. Nakaramdam siya ng matinding pagod kaya sinandal niya ang likod sa upuan.   Napatingin siya sa harap ng sasakyan, kumunot ang noo niya ng makita ang babaeng mabagal na paglakad ng babaeng 'yon. Mahaba ang suot nitong palda at kupas na t-shirt ang suot nito. Nakabuhaghag din ang buhok nito sa likod na hanggang balikat ang haba. Hindi niya alam kung bakit parang mabagal sa paningin niya ang paglingon nito sa direksyon ng kotse niya. Bahagya itong yumuko at umatras para bigyan sila ng daan.   At nang dumaan ang kotse niya sa harap nito ay malaya niyang matitigan ito ng malapitan. Nakatingin lang ito sa malayo habang may bahagyang ngiti sa labi. The innocent face and her kissable lips, ang liwanag ng bukas ng mukha nito. Hind niya alam kung bakit hindi niya kayang tanggalin ang pagkakatingin nito. Nakalagpas na ang sinasakyan niya sa kinatatayuan nito ng bigla naman itong lumingon sakanya. Nakatitig pa rin siya dito, bahagyang kumunot ang noo niya ng inirapan siya nito. Tumaas ang sulok ng labi niya, tumawid na ito habang palingon-lingon sa paligid. Natawa siya ng mahina, hindi niya alam na sa ganitong panahon may mga babae pang katulad nito na ganon manamit. Papikit na siya ng mag-ring ang cellphone niya, tinatamad na kinuha niya 'yon saka sinagot.   "Hey man! welcome back. Oh i'm sorry excited lang akong makita ka." Bungad agad ng pinsan niya.   "Funny, pupunta ako diyan mamayang gabi. May jetlag pa 'ko at gusto kong magpahinga muna agad pag-uwi ko." Sambit niya dito. Tumawa naman ang nasa kabilang linya.   "Yeah i know, so bye for now mukhang kailangan mo ngang magpahinga." Pagkasabi non ay pinatay na nito ang tawag. Simula pagkabata ay si Grey na ang kasa-kasama niya. Wala siyang kapatid at maging ito ay wala ring ibang kapatid. Kaya mas lalo silang naging malapit sa  isa't-isa. Saksi ito sa mga pinagdaanan niya at naiintindihan nito ang mga pagbabago niya. Pumikit siya at muling isinandal ang likod sa upuan. Hindi niya alam kung bakit lumitaw sa balintataw niya ang imahe ng babaeng 'yon. Tumaas ang sulok ng kanyang labi.   Mukhang magiging maayos para sakanya ang manatili sa Pilipinas.       "HEY man! Buti at pinayagan ka ng mama mo na bumalik dito?"   Ningisian niya lang si Maxeau , binato niya ang leather jacket na suot sa sahig at patamad na umupo sa itim na sofa. Sinindihan niya ang sigarilyong na nakita niya sa maliit na mesa at saka humithit.   "Yeah. Nagsasawa na 'ko sa lugar na 'yon. The women? oh  the way they play. Everything , lahat nakakasawa na." Naiiling na sabi ko. Tinapik siya sa tuhod ni Ellifard saka umupo sa tabi niya.   "So kaya kaba bumalik dito para dito naman mambiktima ha?" Nakangising sabi nito, He just smirk at him, naalala niya ang babaeng nakatitigan niya kanina. Well, she's pretty and hot, but not his type. Tinapon niya sa sahig ang sigarilyo niya at tinapakan 'yon.   "Sebastian!! itapon mo sa tamang basura mo ang kalat mo kung ayaw mong palayasin kita dito sa club ko!" Maingay na sabi ni Grey. Hindi niya ito pinansin. Tumayo lang siya nadaanan niya pa si Junie. Si Junie ang bagong pasok sa grupo, hindi niya ito gusto. Na iinis siya sa presensya nito.   "Hey dude." Maangas na bati nito sakanya, hindi niya ito pinansin dumeretso siya sa umpukan nila Grey at nakiinom, tinignan niya ang bagay na sinisinghot ng mga ito. Kinuha niya ang isang maliit na parang straw at nakigaya din sa mga ito. Well, gumagamit siya ng cocaine it makes him feel high and it bring him to a fantasy world.... in short escape to reality. At first snort, he feel great and fearless to do anything he want. He felt a little bit of craziness inside of him.   "That is Ketamine dude, a class C drug- - - - - -   "Stop the explanation Grey hindi ko naman tinatanong." Sabi niya at saka siya tumayo.   "Buti at hindi ka nabubuko nila tita Cindy at tito Dexter insan." Narinig niyang sabi ni Grey, nilingon niya ito.   "Hindi naman nila malalaman kung walang magsasalita diba? At kung sino man ang magsumbong mananagot sakin. " Sabi niya na lang at saka siya tumalikod. Nasa paligid niya ang mga tauhan ng pinsan, balita kasi niya ay palaging puntirya ang underground ng mga batas. Nakikita niya ang mga ginagawa ng mga tauhan sa paligid. Noong una hindi niya alam kung bakit nagtayo ng ganong organisasyon ang pinsan. Pinagbawalan niya pa ito ng malaman niya ang balak nito, pero hindi niya alam na sa huli ikatutuwa niya pa pala ang ginawa nito. Napatingin siya sa upuang nasa di-kalayuan. Itim 'yon at antigo na parang upuan ng hari no'ng unang panahon. Lumapit siya don at umakyat sa hagdan na may kakitiran. Pagdating niya don sa tronong 'yon ay umupo siya.   "Welcome back pinsan."   Nilingon niya si Gray, nasa likod nito ang iba pa niyang miyembro. Tinaas nito ang hawak na kopita sakanya.   Naramdaman niya ang pagpayapa ng kalooban. Ngayon alam niyang walang sino man ang pwedeng mag-alis sakanya mula sa kinasasadlakan.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook