"Ading tawag ka ni tito Abner."
Natigil si Adriana sa pagliligpit ng mga gamit sa panghuhula at nilingon si Sen-sen. Ano na naman bang kailangan ng tito Abner sakanya?
"Sige susunod na lang ako, kumpleto ba silang lahat?" Tanong niya. Tumango naman si Sen-sen. Tumango-tango siya at saka tinabi niya sa ilalim ng mesa niyang maliit ang mga gamit niya.
Kung may pagkakataon lang sana siya para kumalas ginawa na niya. Pero huli na ang lahat dahil hindi niya na pwedeng iwanan ang tahanang kumupkop sakanya at nagpaaral. Huminga siya ng malalim at pumasok sa kwarto, naririnig niyang umuubo ang kanyang nanay. Lumapit siya dito at hinimas ang likod nito.
"Ma, aalis muna ako ngayon ha? saglit lang ako promise." Nakangiting sabi niya dito, umuubong tinignan siya ng kanyang nanay.
"Pinatatawag ka na naman ba niya?"
Tumango siya. Nakita niyang ngumiti ng mapait ito.
"Kung may magagawa lang sana ako hindi mo na sana kailang- - - -
"Sshh quiet na ma' okay lang ako ha?" Malambing na sabi niya at niyakap ito. Payat at halos naririnig niya na ang malakas na pagtibok ng puso nito, kahit mahirapan siya gagawin niya ang lahat para gumaling si ina. Kumalas siya at tinitigan ito.
"Wow ma' nagkakalaman kana!" Natutuwang sabi niya sa ina. Sumimangot naman ito at pabirong kinurot siya sa tagiliran.
"Ikaw bata ka, manang-mana ka sa ama mo bolero."
Ngumiti siya at niyakap ang braso nito, naramdaman niya ang kapayatan nito maging ang kulubot nitong balat. Napapikit siya ng mariin, iniisip niya kung ano ba ang maari niyang gawin para makaalis sila sa lugar na 'yon. Gusto niyang ipagamot ang ina, ang ipon niya ay kasya lang sa baon ng pamangkin na si Denny. Wala rin naman siyang ibang pagkukuhanan ng ibang mapagkakakitaan. Ang benta niya sa pagtitinda ng mga sampaguit, panghuhula at iba pang raket niya ay kulang pa rin. Pasalamat na nga lang siya at may sarili silang bahay kaya hindi na siya mahihirapan sa pagbabayad.
"Oh anak pumunta kana kay Abner at baka ikaw ang malintikan." Narinig niyang sabi ng ina. Umayos siya ng upo at nilingon ito.
"Matulog kana ma' ha? tatawagin ko na lang si Denny para may makasama ka dito." Sabi niya. Tumango lang ito at nahiga sa banig. Inayos niya muna ang kumot nito sa katawan saka tumalikod. Maliit lang ang tinitirhan nila, bukod don ay marami pang butas sa paligid. Wala rin naman siyang dapat ikatakot sa magnanakaw dahil wala namang makikita ito doon. Inayos niya muna ang pagkakapusod ng buhok saka dumeretso sa labas ng bahay. Hindi makita ng paningin niya ang pamangkin.
"Sara!" Tinawag niya ang kaibigan ng pamangkin. Lumingon ito sakanya, mabilis nitong iniwan ang nilalarong manika nang makita siya. Tumakbo ito papalapit sakanya.
"Bakit po ate Ading?"
"Pakitawag na lang si Denny ha? sabihin mo umalis kamo si ate Ading walang kasama si mama sa loob." Bilin niya dito. Tumango naman ito.
"Sige po, mamaya po ate Ading 'yong choco-choco namin ha?"
Natatawang ginulo niya ang buhok nito.
"Sige mamaya dadalhan ko kayo." Nakangiting sabi niya. Pumalakpak naman ito saka tumalikod at tinawag ang pamangkin. Naiiling na tumalikod na siya at tinungo ang makitid na eskinita. Nakita niya ang mga tambay na nandon na abala na sa pagsusugal. Hindi niya pinansin ang mga pagsitsit ng mga ito. Tatlong kanto ang nilagpasan niya bago niya narating ang pakay. Napatingin siya sa isang lumang gusali, huminga muna siya ng malalim saka pumasok sa loob. Sa bungad pa lang ay naririnig na niya ang malakas na boses ng tito Abner. Hind niya ito kadugo, 'yun lang ang tawag nilang lahat dito. Pagpasok niya sa isang kwarto nakita niya ang mga nakatayong kabataan sa harap nito. Panay ang lakad nito sa harap ng mga ito.
"Tito Abner." Tawag niya sa atensyon nito. Lumingon naman ito sakanya.
"Nandiyan ka na pala Ading. Siyanga pala mga bagong kasapi." Tinuro nito ang mga kabataang nasa harap nito. Napalunok siya nang makita ang mga mukha ng mga menor-de-edad.
"Kumusta ang mama mo pala Ading?" Tanong ni tito abner sakanya. Pilit siyang ngumiti at nilingon ito.
"Medyo maayos na po, hindi po kagaya ng dati na malala ang pag-ubo niya." Sabi niya.
"Mabuti naman." Tinignan ng tito Abner niya ang mga bagong recuit na bata na nakahilera. Tumutok ito sa isang lalaking matangkad.
"Ikaw alam mo ba ang mundong papasukin mo?" Tanong ng kanyang tito abner. Pailalim niyang tinignan ang binata.
"Alam ko po sir!" Matigas na sabi nito,
"Mabuti kung ganon. Lahat kayo ay hindi ko ginagaratuhan na malayang makakakilos ayon sa gusto niyo! hawak ko ang buhay niyo pero kapalit non ay ang mga bagay na gusto niyo. Pera! pag-aaral! lahat, lahat ng pangangailangan niyo." Nagpabalik-balik ito ng lakad pagkuwa'y tumingin ito sa mga dalagang babae, Kinakabahan siya sa mangyayari sa mga ito pero wala siyang magagawa. Wala.
"Kayo handa ba kayong mawala ang lahat sa inyo?!" Sigaw nito. Kita niya mula sa gilid ng mga mata niya ang pag aalinlangan ng mga dalaga.
"SAGOT!!" Sigaw ni tito Abner.
"Opo sir!!" Matigas na sabi nito. Tumingin ang kanyang Tito Aner sa direksyon nila ni Sen-sen.
"Dalhin niyo ang mga lalaking 'to at sanayin." Malamig na sabi nito, lalong tumindi ang kaba niya.
"Tito Abner pano ang mga- - - - -
"Alam mo ang mangyayari sakanila hindi ba Adriana? Sila ang lumapit kaya kailangang harapin nila ang mga batas natin dito." Matiim na tumitig ito sakanya, tinignan niya ang mga dalaga. Bakas sa mukha ng mga ito ang takot, alam niyang hindi gusto ng mga ito ang desisyon na 'yon, nakuyom niya ang kamao. Nanikip ang dibdib niya sa sobrang galit.
"Bakit may gusto kabang sabihin ha Ading?" Matiim na tanong ng tito Abner niya. Hinawakan ni Sen-sen ang kamay niya.
"Halika na." Bulong sakanya ni Sen-sen.
"Wala po sir." Matigas na sabi niya, nagpahila siya kay Sen-sen palabas habang nakasunod sakanila ang mga kalalakihan. Parang gusto niyang umiyak ng makita niyang pumasok ang mga lalaking naglalakihan ang katawan sa loob. Nakagat niya ang sariling labi. Pinilit siyang hilahin ni Sen-sen, nakatingin pa rin siya sa pintong nakasarado. Maya-maya ay narinig niya ang mga malalakas na hiyawan ng mga dalagang 'yon mula sa loob, ang iyak ng mga ito.
Naramdaman niya ang sunod-sunod na pagpatak ng luha.
"ABUELA sa susunod na linggo na lang ako pupunta diyan okay?"
"Iho naman, pati ba naman ikaw may galit pa rin sakin."
Napapikit nang mariin Sebastian, hanggang ngayon issue pa rin sakanyang abuela ang galit ng kanyang papa dito noon. Matagal na itong napatawad ng kanyang ama at ina pero parang hindi pa rin ito naniniwala.
"Okay diyan ako kakain mamaya. How about that?"
"Oo naman, mamaya ipapaluto ko ang paborito mong pagkain iho. Bye!" Masayang sabi nito at ito na mismo ang pumatay ng tawag. Nilapag niya ang cellphone sa tabing mesa , naramdaman niya ang kamay ng katabi sa dibdib niya.
"Umalis kana may pupuntahan pa 'ko." Nakapikit na sabi niya sa babaeng katabi. Naiinis na umupo ng kama ang katabi.
"Ano ganito na naman tayo ha Sebastian? can you explaine to me kung ano ba talaga ako sa buhay mo?!" Sigaw na naman nito, nairita siya. Ayaw niya sa mga babaeng masakit sa tenga ang bunganga. Ang kanyang ina lang ang hinahayaan niyang bungangaan siya. He loved his mother, pero pagdating sa ibang babae hindi niya hinahayaang sigawan siya ng mga ito. Dumilat siya saka tumingin sa katabi.
"You want my answer? okay, you're just my toy. At alam mong simula pa lang ay hindi na ako nagbibigay ng mga commitment kahit kanino." Malamig na sabi niya. Hinampas siya nito ng unan sa mukha pero tinaggap niya na lang.
"Asshole!!" Sigaw nito at saka umalis na sa kama, dinampot na nito ang mga hinubad na damit saka lumabas. Napailing na lamang siya.
He's rude and doing a bad things makes him comfortable. Mas pinili niyang huwag ng makaramdam ng kahit ano na katatakutan niya. Muli na namang bumangon ang galit sa puso niya ng maalala niya ang nakaraan. Bumangon siya at dinampot ang mga damit niyang nakakalat, mabilis siyang nagbihis ng damit. Paglabas niya ay kumunot ang noo niya nang makita ang isang babaeng nakatalikod sa direksyon niya, parang may pinagtataguan ito. Napatingin siya sa likuran nito.
"Hmmm nice ass." Nakangising sabi niya, may panyo ang babaeng 'yon sa ulo at maraming nagkakalansingang bracelete, mahabang palda ,naka converse pa ito., mukha itong manghuhula sa paningin niya. Paatras ito ng paatras sa direksyon niya, hindi siya umalis sa kinatatayuan.
"Bwisit kasi 'yong taong 'yon.. sana pala hin- - - -Ay talong!!" Tili nito saka mabilis na humarap sakanya. Naatrasan kasi siya nito. Ilang sandali siya nitong tinitigan.
"Gwapo ata ako," Sabi niya sa sarili , maya-maya ay tumapang ang mukha nito.
"Ano ba 'yan, sa susunod nga tumingin-tingin ka sa dinadaanan mo!" Mataray na sabi nito, nagsalubong ang kilay niya. Parang namumukhaan niya ang babaeng 'to.
"Hmp!" Inis na binangga nito ang balikat niya na para bang ang laki nitong tao, samantalang mukha lang itong 5'1 sa paningin niya. Napapailing na nilingon niya ito, nakatalikod na ito. Hindi niya maiwasang matawa dahil mukha itong jollibeeng maglakad, maybe, because of her nice butt.
"Hey lady with a nice ass." Nakangising tawag niya dito bago pa makalayo. Nakita niyang natigilan ito at nanlalaki ang mga matang nilingon siya.
Me and my big mouth!
"HEY lady with the nice ass.."
Natigilan si Adriana sa narinig. Nanlaki ang mga mata niya.
Loko 'yon ha?!
Unti-unti niya itong nilingon. Nakita niya ang malawak na ngisi nito.
"Ang bastos nito ha." Bulong niya , nakita niya ang pagtaas lalo ng sulok ng labi nito na parang nang-aasar talaga. Kuyom ang kamaong lalapit sana siya dito ng makita niya si Espen.
Naku naman nalintikan na!
Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa likod nong manyak na lalaki at nagtago sa likod nito. Matangkad naman ito at isa pa patakbo naman si Espen sa kaliwang daan kaya hindi siya nito makikita kapag nagtago siya sa likod ng matangkad na lalaking ito.
"Huwag mo 'kong ituturo kung ayaw mong masaktan ka!" Banta niya dito, ngumisi lang ito.
"Sure."
Lumingon-lingon si Espen at tatakbo sana sa kaliwang pasilyo.
"Hey man are you looking for someone?" Sabi nung mayabang.
Anak nang!
Lumingon si Espen sa direksyon nila.
"Bwisit." Bulong niya.
"Eto siya oh, nagtatago sa likod ko." Sabi pa nito. Nakagat niya ang ibabang labi at unti-unting lumabas mula sa pinagkakataguan. Kita niya ang galit sa mga mata ni Espen, nilapitan siya nito.
"Ikaw babae ka! magbabayad ka na nga lang ng utang tinatakbuhan mo pa 'ko." Galit na sabi nito, napayuko siya. Binulungan siya nito.
"Kapag hindi mo binigay ang mga epektos sakin bukas patay ka sakin tandaan mo 'yan, alam mo ang gulong pinasok mo kaya alam mo rin ang gulong kalalabasan mo dahil sa ginawa mo." Makahulugang banta nito saka tumingin sa bandang likuran niya.
"Salamat pare." Paalam nito saka siya nito tinalikuran. Naramdaman niya ang paglapit ng lalaking 'yon sa likod niya
"Hey lady ano- - - -AW WHAT THE HELL!" Sigaw nito. Sinalubong niya kasi ito ng suntok sa mata , natatawang tumakbo siya palayo. Hawak nito ang mata.
"Tsismoso!" Natatawang sigaw niya, nang makalayo na siya ay saglit siyang huminto at nilingon ang direksyon ng lalaking 'yon. Natigilan siya pagkuway napangiti.
"Sabi ko na nga ba eh magkikita pa rin tayo."