Chapter Three

1631 Words
"AW! aray masakit abuela!"   Panay ang piksi ni Sebastian sa tuwing idadampi ng kanyang lola ang telang may yelo sa mata niyang may pasa.   Patay talaga sakin ang babaeng 'yon pag nakita ko siya!   "Kasi naman iho ano bang ginawa mo sakanya hindi ka naman niya sasaktan kung wala kang ginawa.."   "Tinuro ko lang naman siya sa naghahanap sakanya ha? masama ba 'yon?" Naiinis na tanong niya. Tumingin siya sa salamin, lalong tumindi ang galit niya ng makita niya ang kulay violet sa palibot ng mata niya.   "Patay ka talaga saking babae ka."   Pero hindi naman niya alam kung saan ito hahanapin. Maliban na lamang kung makita niya uli ito?   Unti-unting sumilay ang ngisi niya sa ideyang gagawin kung sakaling makita niya muli ito.   "Oh ano na namang binabalak mong bata ka?" Narinig niyang sabi ng abuela. Natatawang umiling lang siya.   "Nothing."   "Siyanga pala kumusta na ang mga magulang mo? Baka naman nagpapasaway ka lang don."   Sumandal siya sa sofa at saka pumikit.   "Ayos lang naman sila. Walang pinagbago."   "How about the company? hindi kaba nahihirapan sa pag ha-handle ng business niyo?"   Umiling lang siya.   "Everything is fine abuela." Tipid na sagot niya, dumilat siya nang may maalalang sabihin. Umayos siya ng upo at hinarap ang abuela.   "Abuela nandito pa 'yong ducati ko diba?" Nakangising sabi niya. Kumunot naman ang noo nito.   "Yes, nasa stock room ang mga gamit mo."   "Yes!" Tumayo siya at lumapit dito. Hinalikan niya ito sa pisngi.   "May pupuntahan lang ako." Nakangiting sabi niya saka tumalikod.   "San na naman? At saka hindi kapa kumakain!"   Nilingon niya ito habang naglalakad.   "Saglit lang ako may sasabihin lang ako kay Gray." Sabi niya saka patakbong pumunta sa stock room.           "NAKU ate, compatible po kayo ng asawa mong capricorn, hard-working, loyal at mabait po ang asawa niyo. Responsible din po siyang tao, 'wag niyo ng pakawalan 'yan." Nakangiting sabi niya sa matandang babaeng kaharap.   "Talaga? naku totoo 'yon iha so, ibig sabihin compatible ang virgo at capricorn?" Masayang sabi nito.   "Mismo! at 'yon din ang nakikita ko sa baraha ko." Masayang sabi niya   "Naku salamat ha? sige ito oh." Nakangiting inabot nito sakanya ang isang daan. Nakangiting tinanggap niya 'yon.   "Salamat balik kayo ha?"   Nang umalis na ang costumer ay niligpit niya na ang mga gamit at saka siya lumabas sa maliit na tent kung san niya ginagawa ang panghuhula. Pinuntahan niya si Melinda 'yong may-ari ng mga sampaguita.   "Uy sa-sideline ako ngayon." Sabi niya dito. Inaayos nito ang mga sampaguita.   "Alam mo ikaw, lahat na lang racket  mo." Pinandilatan siya nito ng mata. Ngumiti lang siya.   'Para sa pamilya ko gagawin ko lahat' Sabi niya sa isip.   "Bigyan mo na lang ako." Sabi niya, binigyan naman agad siya nito. isandaang piraso ng sampaguita ang binigay nito sakanya. Naglakad-lakad na siya sa kalawakan ng quiapo, marami-raming nagsisimba kaya sigurado siyang bago pa mag-hating gabi mauubos din ang tinda niya.   "Ate sampaguita, bili ka na teng." Nakangiting alok niya sa aleng dumaan.   "Magkano ba?"   "Bente lang po." Masayang sabi niya..   "Ilang piraso? baka apat na naman." Nakasimangot na sabi nito, tinapik niya ng mahina ang balikat nito.   "Sige dadagdagan ko ng isa." Pamimilit pa niya. At buti naman bumili na rin ito.   "Ate Ading! ate ading!"   Napalingon siya sa tumawag sa pangalan niya. napangiti siya ng makita ang walong taong gulang niyang pamangkin. Namatay ang mama nito sa panganganak dito, 'yong bwisit na tatay naman nito iniwan lang ang bata kaya siya na ang nag-alaga dito.   "Oh bakit Denny?" Sabi niya nang makalapit ito. Yumakap ito bewang niya.   "Si tito Abner sabi niya sama daw kami ni penelope sakanya." Nakangusong sabi nito, bakas sa mukha nito ang kainosentehan. Kumunot ang noo niya.   "Ano? bakit daw?" Kinakabahang tanong niya.   "Bibigyan niya daw kami ng pera saka pag-aaralin." Inosenteng sabi nito. Nakuyom niya ang kamao. Pumantay siya sa mukha ni Denny.   "Hindi! 'wag kayong sasama sakanya, pumunta ka kay ate Melinda at humingi ng sampaguita tulungan niyo 'ko ni Penelope na maglako." Matigas na sabi niya, tumango naman ito saka tumakbo palayo sakanya. Napapikit siya ng mariin... hindi niya hahayaang mangyari ang bagay na 'yon sa pamangkin. Magkakamatayan sila nito! Masama ang loob na tinuloy niya ang ginagawa.   "Oh, siya ang babaeng 'yon honey yung kinu-kwento ko." Sabi nang babae. Nang tignan niya ang dalawang taong huminto sa harap niya ay nanliit ang mata niya. Yung ex niyang walang hiya at yung higad nitong girlfriend. Ningisian siya ni Junie.   "Oh, Ading?" Nanunudyang sabi nito, tumaas ang kilay niya ng suriin siya ng girlfriend nito magmula ulo hanggang paa.   "Wow, nagtitinda ka rin pala ng sampaguita? Akala ko manghuhula ka?" Nanunuyang sabi nung higad, tinaas niya ang noo.   "Marami akong raket eh, at isa pa totoong manghuhula ako. Gust mo bang malaman na 'yang boyfriend mo may ibang babe?" Mataray na sabi niya.   "Kung plano mo lang kaming sirai- - - - -   "Excuse me junie winnie. Wala akong balak sirain kayo okay? concern lang ako dahil ayoko namang mangyari sa ibang babae ang ginawa mo sakin" Sarkastikong sabi niya.   Pwe!   "Oww, sino nga ba uli 'yong kaibigan mo? Yung jennifer? Naku nakita ko sila nung isang araw magkasama bahala ka 'te wag kang maniwala masakit umasa na ikaw lang ang babae niya pero hindi pala." Nakangising sabi niya saka ito tinalikuran.   "What? pano niyang nakilala si Jennifer ha Junie?!"   Narinig niyang nagtatalo ang mga ito kaya naglakad na siya palayo.   Bahala sila!   "Hoy Ading!!!"   Napalingon siya sa tumawag ng pangalan niya.   "Naku po! si Espen!!" Gulat na sabi niya saka ako tumakbo palayo.   Patay na!   Hindi na niya pinansin ang mga nakakabanggang tao. Ang mahalaga para sakanya ngayon ay makatakas, siguradong hindi siya nito sasantuhin kapag nalaman nitong wala sakanya ang mga epektos. Hinihingal na lumiko siya sa isang maliit na eskinita , hindi niya talaga alam kung anong pwedeng mangyari sakanya kapag nahuli siya ni Espen. Patawid na siya ng kalsada nang biglang may humintong motorsiklo sa harap niya. Nanlaki ang mga mata niya.   "Sa palagay mo makakatakas ka ha Ading?!" Pagalit na sabi ni Espen saka bumaba ng motorsiklo. Kinakabahang tumalikod iya. Tatakbo na sana siya pabalik nang makita niya ang  mga tauhan ni  Espen. Pilit niyang ningitian si Espen.   "Ah kasi Espen, babayaran na lang kita." Nasabi niya na lang. Kumunot ang noo nito.   "Bakit? nasan na ang mga epektos ha?!" Galit na sabi nito, napaatras siya.   "K-kasi binigay ko kila Gibo. Mainit na 'ko sa mata ng mga pulis kaya hindi ako pwedeng pa-komportable na gumala. Akala ko dadalhin nila sayo pero tinakbo pala nila eh." Sabi niya, kita niya ang pamumula ng mukha nito.   "Ahh w-wag kang mag-alala Espen, promise mamatay ka man babayaran ko 'yon." Kinakabahang sabi niya dito.   "Bwisit!" Sigaw nito saka bumunot ng baril at tinutok sakanya. Kinakabahang napaupo siya sa lupa.   "E-espen wag naman ganto oh. "   "Hindi mo ba alam na nagkakahalaga ng dalawampung libo ang binayad ko kay Hudo ha Ading?! Wala akong pakialam kung alaga ka ni Ka' Abner papatayin kita!" Gigil na sabi nito saka tinutok sa ulo niya ang baril, napapikit siya.   Diyos ko po kayo nang bahala sa pamilya ko. Piping hiling niya           NAPAILING na lang si Sebastian nang makita niyang tinutukan na ng malaking lalaki sa ulo ang babaeng 'yon.   "Nawala ata tapang mo." Nakangising bulong niya, wala naman kasing ibang ginawa ang babaeng 'yon kundi ang pumikit. Binuhay niya ang makina at mabilis na pinaandar 'yon. HIndi niya alam kung anong sumapi sakanya at balak niya pang tulungan ang babaeng 'yon.   "Anak ng! Sir Espen tabi!" Sigaw nung isang lalaki don sa malaking lalaki. Mabilis silang umalis sa gitna ng kalsada. Hininto niya ang kotse sa tapat nong babae. Binuksan niya ang pinto ng kotse sa likod.   "Pasok!" Sigaw niya dito, nag-angat naman ito ng tingin saka ngumiti. Mabilis itong tumayo saka pumasok sa loob. Maya-maya pa ay narinig niya ang sunod-sunod na putok ng baril.   "Yumuko ka!" Utos niya sa babae. Mabilis niyang  niliko ang sasakyan sa kabilang kalsada, buti naman at hindi na sila nakasunod.   "Hey lady, dito ka sa harap." Utos niya, sinunod naman siya nito. Nasa tabi niya na ito nang pasadahan niya ng tingin ang kabuuan nito.   'Mukha talaga siyang manghuhula sa paningin ko.' Sabi niya sa isip.   "Sino ba 'yong mga 'yon ha?" Tanong niya, pero hindi siya nito sinagot. Nilingon niya ito.   "Hoy kinaka- - - OH s**t!" Mabilis niyang hininto sa tabi ng kalsada ang kotse saka nilingon ang katabi. Hawak nito ang sariling braso, nakita niyang umaagos sa isang kamay nito ang dugo. Hinawakan niya ito.   "Hoy! okay ka lang?!"   Ngumiwi ito.   "O-okay lang... d-daplis lang 'to." Nanghihinang sabi nito. Galit na hinampas niya ang manibela saka mabilis na binuhay ang makina ng sasakyan. Mariin niyang tinapakan ang silinyador at mabilis silang humarurot sa daan. Buti na lang at ilang kanto lang ng may mamataan niya ang hospital. Ipinark niya ang kotse sa harap saka mabilis na bumaba, umikot siya sa kabilang pinto.   "Halika dito bilis." Mahinang sabi niya, saka dahan-dahan itong binuhat.   "Aray gago! masakit!" Daing nito.   Tignan mo 'to nakamura pa.   Pumasok sila sa loob ng hospital.   "Nurse! nurse!" Tawag niya don sa isang nurse na nasa gilid at may kausap. Lumingon sa direksyon niya at mabilis na lumapit samin.   "Ano pong nangyari?" Tanong nito. Nainis siya bigla lalo't sa tuwing napapatingin siya sa dalaga ay nakapikit ito.   "Ipasok niyo na lang siya loob ang daming tanong!" Inis na sabi niya, mabilis naman kumuha ang mga ito ng stretcher , hiniga niya ang babae don. She look pale.. Hindi na siya sumunod ng dalhin ito sa loob.  Hindi naman niya ito kilala eh. Siya na ang bahalang mag bayad ng bill at gamot nito. Napatingin siya sa suot na damit.   "Bwisit! ang daming dugo!" Inis na sabi niya saka siya lumabas ng hospital.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD