Chapter Four

1801 Words
Unti-unting minulat ni Adriana ang mga mata, puting kisame at amoy gamot ang bumungad sa paningin sakanya. Napangiwi siya ng maramdaman ang kirot sa kanang braso. Nilibot niya ang paningin sa paligid.   "Ba't nasa hospital ako?" Bulong niya at pinilit umupo sa kama. Tahimik sa kwartong 'yon at siya lang mag-isa. Biglang dumaloy sakanya ang ala-ala. Naalala niya ang lalaking 'yon. Tama tinulungan siya nito kanina. Napangiti siya.   "Mabait pala si scorpio eh." Bulong niya.   "Pero teka?! Mukhang umalis na siya ha? Hala wala akong pambayad dito." Bulong niya.   Ano ba yan! 'yong pera ko para 'yon sa pag-aaral ni Denny at gamot ni nanay! Sigaw ng isip niya.   Kahit masakit ang braso ay pinilit niyang bumaba. Wala siyang pambayad dito no?!   "Where are you going?"   Nag-angat siya ng tingin.   Si scorpio! Bulong ng isip niya.   Nilapag nito sa lamesa ang isang plastic.   "Ano yan?" Takang tanong niya dito, nasa sahig na ang mga paa niya. Lumapit ito sakanya.   "San ka pupunta?" Malamig na sabi niya na hindi man lang sinagot ang tanong ko.   "Uuwi na, wala akong pambabayad dito no?" Sabi niya , nagulat siya ng bigla siya nitong hawakan sa magkabilang bewang at inakyat sa kama.   Grabe ang bango niya, hindi niya maiwasang isipin nang maamoy ito. The manly scent pati na rin ang humahalong gamit nitong pabango.   "Humiga ka na lang ang drama mo." Sabi nito at kinumutan siya.   Grabe ha drama agad?! Sigaw ng utak niya.   "Wala naman talaga akong pambabayad dito eh." Sabi niya pa, nakita niyang may nilabas ito sa plastic.   "Wow! Mukhang jollibee 'yon ha?" Bulong niya habang nakatingin sa pagkaing dala nito.   "Oh.. kumain kana." Sabi nito at nilapag sa harap niya ang pagkain.   "Pero wala- - - - - -   "Itahimik mo na lang 'yang bunganga mo dahil masakit sa tenga." Malamig na sabi nito saka umupo. Inirapan niya ito.   "Ano bang pakay sayo ng mga lalaking 'yon ha?" Tanong nito.   "Mga pinag-uutangan ko 'yon, wala akong pambayad eh." Pagkakaila niya.   "Sabi mo eh." Sabi nito na halatang 'di naniniwala.Umayos ito ng upo at tumingin sakanya.   "Halatang wala kang trabaho." Sabi pa nito. Tumaas ang kilay niya. Hindi niya alam kung nang-iinsulto ito o kaswal lang ang pagkakasabi nito.   "Excuse me, marami naman akong raket no?"   "Pero di sapat para makabayad  ka ng mga utang mo to the point na muntik ka ng mamatay kanina."   Natahimik naman siya.Totoo naman eh. Naisip niya.   "Gusto mo ng trabaho? Bibigyan kita"   Nag-angat siya ng mukha .   "Talaga?" Nakangiting sabi niya. Tumaas ang sulok ng labi nito.   "Yes, para makabayad ka sa mga pinagkakautangan mo. Payag kaba?"   Mabilis siyang tumango. Hindi na niya palalagpasin 'yon no?!   "Oo naman ano bang magiging trabaho ko?"   "Katulong." sabi nito saka siya sa ningisihan "..magiging katulong kita." Dugtong pa nito. Nanlaki ang mata niya.   Ano?!  Ako magiging katulong ng damuhong to?!   "Ayoko nga." Mabilis na tanggi niya.  Kumunot ang noo nito.   "Ano? Binibigyan kita ng trabaho tapos ayaw mo?" Nagtatakang sabi nito. Inirapan  niya ito.   "Ayoko nga, ang sama kaya ng ugali mo." Nakairap na sabi niya pa. Hindi niya na kayang magtiwala sa mga taong nag-aalok ng tulong. Alam niyang lahat ay may kapalit.   "Ganon?" Walang emosyon na sabi nito saka tumayo.   "Sige basta ikaw ang magbayad dito, bayarin mo rin ako dahil tinulungan kita. Muntik na rin ako kanina alam mo ba 'yon?" Sabi pa nito. Huminga siya ng malalim.   "Sige magkano ba lahat ng utang ko?" Mataray na sabi niya. Ilang sandali muna siya nitong tinitigan saka ito ngumisi.   "Nabasag ang salamin ng kotse ko, at mahal ang bawat parte ng kotseng 'yon. Ang - - - - -   Hindi na nito natuloy ang iba pang sasabihin dahil binato niya ito ng plastic na kutsara.   "Sabihin mo na lahat kung magkano!" Mataray na sabi pa niya.   "Okay, one hundred thousand pesos plus binayad ko pa dito sa bill ng hospital mo, one hundred twenty thousand pesos. Tinulungan pa kita kanina sa mga lalaking 'yon edi one hundred fifty thousand pesos. Oh, meron pa pala akong biniling pagkain, One hundred eighty thousand pesos."   Nanlaki ang mga mata niya sa labis na pagkagulat.    Adik ba 'to? halos walang butal ha? lahat buo! Naisip niya.   "Ang mahal naman." Angal niya saka niya nilayo 'yong pagkain, "Sayo na 'yan no! ang mahal ng serbisyo mo" Dugtong pa niya.   "Ganon talaga. I'm a businessman okay, gusto ko din pala one give lang ang bigay. Ayoko ng two gives, ang cheap." Sabi pa nito. Tumalim ang tingin niya dito.   Kahit nga two gives eh hindi ako makakabayad sakanya!   "So ano? bukas pa naman 'yong offer ko, pero kung ayaw mo non edi bayaran mo na lang ako." Nakangising sabi nito. Nag-isip siyang maigi.   "Atleast kung tanggapin mo man 'yong una kong offer pwede 'yong hulugan para may maiuwi kang pera." Sabi uli nito. Napatingin siya dito.   Wow, mukhang hindi na masama. Bulong isip niya.   "S-sige,magkano naman se-swelduhin ko sayo?" Tanong niya agad, Nakita niya ang ngising tagumpay nito.   "Seventy thousand a month." Mabilis na sabi nito. Nalaglag ang panga niya.   Seryoso?!   "Wee? ang laki naman" Sabi niya. Nakita niyang natigilan ito.   "Yes, Seventy thousand a month." Natitigilang sabi nito, hindi niya 'yon pinansin.    Maiaalis ko na sila mama sa lugar na 'yon kapag tinaggap ko ang offer niya. Naisip niya.   "Sige, tatanggapin ko 'yan, pero teka ba't parang wala lang sayo na magbitaw ng pera?" Curious na tanong niya dito. Mukha naman itong mayaman eh.   "Well, i have a business here, did you hear about Monosonicx Car Company? Ako ang owner non. Monosonicx Car Company is the top of- - - -   "Ang layo ng sagot mo, umalis kana nga matutulog na 'ko." Putol niya sa sasabihin nito. Inirapan siya nito. Maya-maya pa ay humiga na siya.   "Teka, hindi mo na kakainin yan?" Tanong nito at kinuha sa higaan niya ang pagkain.   "Paggising ko na lang inaantok ako eh." Pagkasabi niya non ay pumikit na siya. Nararamdaman niyang nandito pa ito sa loob. Maya-maya ay naramdaman niyang kinumutan  siya nito. Parang wala lang na tumagilid siya ng higa, gusto na niyang matulog.   "Teka 'yong sugat mo." sabi nito, sa kaliwang braso naman 'yong sugat niya eh.   "Gusto ko ng salad." Bulong niya at tuluyan na siyang nakatulog.             GREAT! Ba't ko ba nasabi 'yon?! ako magbibitaw ng pera para sa babae? huh! babae ang lumalapit sakin at kahit walang kapalit okay lang.   Tahimik lang siya sa buong biyahe habang iniisip ang katangahang sinabi kanina lang. O kung katangahan nga ba!   "Gusto ko ng salad." Naalala niyang bulong nito   Gusto daw niya ng salad edi bumili siya!   Napapailing na pumasok siya sa club ni Grey. Hindi ordinaryo ang club na 'yon, Nasa underground ang club ng pinsan niya na kung tawagin ay Dark Underground Society, lahat nang masasabing kasamaan nasa club na 'yon and that club is his comfort zone.   "Hey jigga." Bati ng nakasalubong niya don. lahat nang nandon ay puro milagro ang mga ginagawa. The light is red , nagkalat ang mga epektos at maraming babae. Nakita niyang nasa gilid ang mga kaibigan, lumapit siya sa mga ito.   "Bwisit kakarmahin ka din! putulan ka sana ng ama mo!" Sigaw nang babaeng naabutan niya don, that woman is pretty pero halata sa panunuot nito na mahirap lang ito. Lihim siyang nagulat nang bigla nitong sampalin si Grey, ngayon lang may gumawa sa pinsan niya nang bagay na 'yon at sa isang babae pa! Nagmamartsang lumabas ang babae. Lumapit naman siya kay Grey.   "Hey, bakit pababayaan mong umalis 'yon? At isa pa pano niya nalaman dito?" Tanong niya dito. Hinimas nito ang pisnging  niya.   "That woman ! ayoko talaga don, ang sama ng ugali kung makautos!" Naiinis na sabi nito, umiling lang siya.   "May salad kaba diyan?" Natanong niya dito.   "Ano namang gagawin mo don ha?" Takang tanong nito, umupo siya sa silyang nandon. Inabutan niya ni Clifford ng cocaine pero tinanggihan niya 'yon.   "Woaahh anong sumapi sayo ha ? " Natatawang sabi ni Clifford na halatang lutang na.   "I'm just tired okay? so, where's the salad?" Tanong niya. Umiling lang si Clifford.   "Sa ref kumuha ka na lang." Sabi naman ni Grey.   "No , gusto ko malinis ang mga kasama ng salad na 'yon." Sabi niya pa.   "Oh i smell something, smell of a boy falling inlove with a girl." Sabog na sabat naman ni Delifico, tumalim ang tingin nito sakanya.   "Mind your own business" Malamig na sabi niya, natatawang umalis naman ito.   "Nandon sa taas , puro gulay ang mga kasama non don't worry." sabi ni Clifford na nakangiti. Tumango siya saka tumayo.   "Hey insan." Tawag sakanya ni Grey. Pailalim niya itong tinignan.   "Are you falling inlove?" Halatang nang aasar na sabi nito, nakangising kinuha niya ang cellphone sa likod ng bulsa ng pantalon saka  may tinawagan.   "Hello SPO1 Deltan. The club Dark Society has a cocaine and using an illegal drugs in the underground. Bilisan niyo ang pagresponde." Pagkatapos non ay umalis na siya.   "What the---Sebastian!"   Napangisi siya nang marinig niya ang sigaw na 'yon. Kinuha niya muna ang salad na sinasabi ni Grey saka siya tumungo sa parking lot. Pagpasok niya sa loob ng kotse ay napatingin siya sa hawak.   "Kakainin ko 'to no ano siya sini-swerte?"   Then he started the engine and drove fast as fast as he can. Nang makarating na siya ng hospital ay huminga muna siya ng malalim sa isiping makikita na naman niya ang babaeng 'yon. Naiiling na bumaba siya ng sasakyan saka naglakad papasok sa hospital.   "Sir, hindi na po pwedeng pumasok." Sabi nung security guard. Tinignan niya ang suot niyang relo pati na rin ang plastic na hawak.   "Gusto ko ng salad." Biglang umalingawngaw 'yon sa tenga niya. Tumingin siya sa guard saka ngumisi.   "Okay." Tumalikod siya at saka nagtungo sa gilid ng hospital. Kinuha niya ang isang maliit na bolang itim sa bulsa at tinapon 'yon sa kabilang bahagi ng hospital. He started counting one to ten then booom! gumawa ng ingay ang binato niyang 'yon kasing lakas ng tunog  ng  granada. Malakas na pagsabog lang ang kaya nong gawin pero hindi 'yon nakakasira ng mga gamit, his cousin romeo invented that small thing pang frank lang. Nakita niyang tumakbo palabas 'yong security guard, tahimik na pumasok siya sa loob. Pagdating niya sa room ng babaeng 'yon ay nakita niyang malalim na ang tulog nito   "Hindi niya ata narinig 'yon." Sabi niya habang nakatingin sa mukha nito. She's innocent yet a fighter woman. Hindi magpapatalo. Nilapag niya ang plastic sa mesa at umupo sa tabi nito. Inayos niya ang kumot nito. Hindi niya alam kung anong sumapi sakanya at nagugustuhan niyang titigan ang mukha nito. Wala namang special sa mukha nito maliban sa masarap itong titigan. Naiiling na umupo siya sa upuang nandon at saka tumingala.   "You're in troubled man." He said then look at her again.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD