"Wow thank you."
Nakangiting kinuha ni Ading ang salad na nakalagay sa baunan. Tinignan niya si scorpio.
"Thank you scorpio." Nakangiting sabi niya. Kumunot ang noo nito. Inumpisahan niyang ng kainin ang salad.
"Scorpio?" Takang tanong nito, nag-angat siya ng mukha.
"Oo, kasi naman bukod sa hindi tayo compatible isa ka ding- - -- ugaling scorpio ka eh." Bawi niya agad ng ma-realize niya ang sinasabi.
Muntik na akong madulas ah. Bulong ng isang bahagi ng utak niya. Sana lang ay hindi nito napansin 'yon.
"Sebastian Arragon." Sabi nito, tinignan niya ito.
Alam ko naman eh. Gusto sana niyang sabihin dito. Ngumiti siya.
"Hi i'm Adriana 'a.k.a' Ading Montadelo nang quiapo." Parang miss universe na pagpapakilala niya. Nakangiti pa rin siya habang nakatingin dito. Kumunot ang noo niya nang makitang nakatitig lang ito. Medyo yumuko siya dahil nakaramdam siya ng hiya. Nanlaki ang mata niya ng bigla siya nitong hawakan sa baba at inangat ang mukha niya paharap dito. Umatras siya dahil ang lapit nito sa mukha niya. Naamoy niya ang mabango niyong hininga.
"Wag kang mag-alala pangit ka at wala akong balak halikan ka, may dumi ka sa mukha." Pagkasabi nito non ay hinaplos nito gamit ng isang daliri ang gilid ng labi niya. Namumula siya, medyo lumayo siya hindi niya matagalan ang titig nito. Nakangising lumayo na ito sakanya. Tinuloy niya na lang ang pagkain. Nakita niyang umupo ito at tinititigan siya. Hindi niya alam kung bakit nahihiya siya tinignan ito ng masama.
"Why?" Painosenteng tanong nito.
"Alam mo bang may bayad ang titigan ako?" nakataas ang kilay na sabi niya. Tumaas ang sulok ng labi nito.
"So, how much?"
Inirapan niya ito. Ang yabang talaga nito. Naisip niya.
"Oh tapos na 'ko, pahinging tubig." Utos niya dito. Nakita niyang natigilan ito pero tumayo din naman at kinuhanan siya ng tubig inabot nito sakanya 'yon. Kinuha nito ang pinagkainan niya.
"Teka kumain kana ba?" Hindi niya naiwasang itanong. Mukhang kanina pa itong umaga dito at binabantayan siya. Lumingon ito sakanya.
"Tapos na 'wag mo 'kong alalahanin."
Tumango-tango lang siya.
"Teka pwede na ba 'kong lumabas?" Tanong niya.
"Bakit?" Takang tanong nito. Naalala niya kasi ang kanyang ina baka hindi pa kumakain ang mga ito.
"Uuwi ako baka nag-aalala na si mama sakin." Sabi niya, medyo yumuko ito na parang may iniisip.
"Sige ihahatid kita." Prisinta nito. Mabilis siyang umiling.
"Wag! ayoko!" Tutol niya dito, lalong kumunot ang noo nito
"Bakit naman?"
"Ah. kasi baka kung anong isipin ni mama. " Pagsisinungaling niya , baka makita ito ng kanyang Tito Abner don. Kita niya ang pagdududa sa mata nito. Maya-maya ay may nilabas ito sa bulsa nito.
"Oh."
Napatingin siya sa cellphone na hawak nito.
"Anong gagawin ko diyan?" Takang tanong niya.
"Tatawagan kita kapag mag-uumpisa ka ng magtrabaho sakin." Sabi nito, napatingin siya sa hawak nito. Verizon Galaxy S7 ang tatak non sa likod.
"Ayoko ngang tanggapin 'yan pupuntahan naman kita eh. Ibigay mo na lang ang address mo." Tutol niya.
Siniksik nito sa kamay niya ang cellphone.
"Basta tanggapin mo na, kakailanganin mo rin 'yan at isa pa bawas yan sa sweldo mo." Sabi pa nito, wala siyang choice kundi tanggapin 'yon.
Sayang biyaya 'to no? Sabi ng isang bahagi ng utak niya.
"Salamat." nakangiting sabi niya.
"Sige pupuntahan ko lang 'yong doctor para makalabas kana."Pagkasabi nito non ay tumalikod na ito.
"Ah sandali lang Baste." Tawag niya dito, dahan-dahan siyang nilingon nito.
"Anong sabi mo?"
"Yung ano? Baste?" Ulit niya.
Tumango-tango ito at nag-angat ng tingin. Parang napapansin niyang ngumiti ito o baka guni-guni niya lang?
"Bakit ano 'yon?" Tanong nito. Nahihiya siya pero gusto niyang uminom ng kape.
"Lalabas ka naman diba? pwede mo ba 'kong ibili ng kape?" Makapal ang mukhang sabi niya dito.Nagulat siya ng ngumiti ito.
"Sige, ano bang favorite mo? Bibilhan kita sa starbucks."
"Ayoko don, wala naman akong alam sa mga kape nila don lang ako sa timpla-timpla, diyan sa gilid ng kalsada sa labas meron diyan sampung piso lang. Kopiko brown gusto ko." Sabi pa niya. Tumango naman ito.
"Sige diyan ka lang." Pagkasabi nito non ay lumabas na ito
Grabe mukha man siyang demonyito tumingin pero mabait naman. Naisip niya.
Tinignan niya ang cellphone na binigay nito. Hindi niya maiwasang mapangiti.
"OH ba't binili mo 'to?" Takang tanong niya kay Sebastian. Sabi niya sa tabi-tabi lang talagang binilan pa talaga siya nito sa starbucks. Umupo ito sa tabi ng kama paharap sakanya.
"Tikman mo 'yong kape nila masarap 'yan." Sabi pa nito. Tinitigan niya ang cup saka inikot 'yong baso, nagulat siya sa nakabasa don.
"Miss nice ass?!" Gulat na basa niya don. Tinignan niya ito, malawak ang ngisi nito sa mukha.
Naku nag-uumpisa na naman siya! Inis na sigaw ng utak niya. Inirapan niya lang ito.
Tinikman naman niya 'yong kapeng binili nito sakanya.
Wow ang sarap nga! Nakangiting tinignan niya ang kaharap.
"Oo nga no? Napaka-pure ng lasa ng kape nila. Ano 'to?"
"That's latte, sige na mag-ayos kana aalis na tayo." Kaswal na sabi niya saka tumayo. Tumango naman niya habang panay ang higop. Ilang sandali pa ang lumipas ay nakaayos na siya, nakatayo siya sa gilid ng hospital bed habang inaayos niya ang pagkakagusot ng damit niya. Kaya lang ang problema ay kung paano niya itatali ang buhok . Naka-benda ang isa niyang kamay at hindi niya naman mai-angat 'yon. Napapiksi siya nang may maramdaman niyang parang nakatayo sa likuran. Paglingon niya ay bumungad sakanya si Sebastian.
"Bakit?" Takang tanong niya. Hinawakan nito ang buhok niya mula sa likod ay tinipon 'yon.
"May tali kaba diyan? Akina." Sabi nito. Naiilang man ay binigay niya ang ponytail sa binata. Bahagya siyang nakayuko ng talian nito ang buhok niya. Sinuklay pa nito ang buhok niya ng matali nito 'yon.
"S-salamat." Naiilang na sabi niya dito.
"Halika na." Sabi nito. Bahagya pa siyang napaigtad ng humawak ang kamay nito sa bewang niya.
"Uy hindi naman ako pilay." Sabi niya dito. Ngumisi lang ito at tila hindi pinakinggan ang sinabi niya. Hinayaan niya na lang ito. Hanggang sa paglabas nila sa hospital ay naka-alalay pa rin ito sakanya.
"Okay na 'yang mata mo?" Tanong niya ng makarating na sila sa parking lot. Inalalayan siya nitong pumasok sa kotse nito. Umikot ito sa kabila saka sumakay na rin. Napatitig siya sa ilalim ng mata nito na bahagya na lamang naaninag ang kulay violet.
"Okay lang malayo naman sa bituka eh." Sabi nito saka binuhay ang makina. Napatingin siya sa kamay nito, nakakahanga ang galing nito sa pagmamaneho. Minsan hinihiniling niya na sana makapag-drive din siya ng ganong mamahaling sasakyan pero malabo pa sa malabo na matupad ang pangarap niya.
"Sabi ko okay lang wag mo na 'kong tignan baka bumangga tayo." Narinig niyang sabi nito. Inirapan niya ito.
"Feeling ka ha." Nakairap na sabi niya saka tumingin sa labas ng bintana. Maya-maya ay may natanaw siya sa tabi ng kalsada.
"Ahm Basta pwede bang ihinto mo muna diyan sa tabi?" Sabi niya sa binata. Nagtataka man ay hininto naman nito.
"Bakit?" Tanong nito. Tinanggal niya ang suot na seatbelt at nilingon ang binata.
"Bibilhan ko lang sila mama ng pagkain." Sabi niya dito saka akmang bubuksan na ang pinto sa tabi niya.
"Sandali ako na lang." Sabi ng katabi niya, nilingon niya ito. Nag-aalis na ito ng seatbelt saka lumabas ng kotse. Wala siyang nagawa kundi ang habulin na lang ito ng tingin. Napapangiti siya habang tinitignan ang binata. Hindi niya alam na sa paglipas ng mga taon muli pa pala niya itong makakaharap. Masaya siya naligtas ito sa trahedyang nangyari dito. Nang malaman ng kanyang tito Abner na nakatakas ito ay galit na galit ito halos lahat ng masasamang salita ay lumabas sa bibig nito. Nagpapasalamat siya na kinagat nito ang drama niya noon. Maya-maya ay natanaw niya si Sebastian na may plastic. Kinapa niya ang bulsa saka kinuha don ang natitira niyang pera. Nang makapasok na ito sa loob ng kotse ay inabot niya dito ang hawak. Napatingin ito sa kamay niya.
"Ano 'yan?" Tanong nito. Ngumiti siya at siniksik ang pera sa kamay nito.
"Bayad ko diyan."
Inabot nito sakanya ang plastic kinuha naman niya iyon.
"Uy sabi ko bayad dito." Sabi pa niya. Binuhay lang nito ang makina ng sasakyan saka muli 'yong pinaandar.
"Mas kailangan mo pa 'yan kaysa sakin. Kaya itabi mo na lang 'yan." Sabi pa nito. Napanguso na lang siya at walang nagawa kundi ang itabi ang pera. Maganda nga 'yon para hindi mabawasan ang pang-gamot ng kanyang ina. Pa-ilalim niyang tinignan ang binata pagkuwa'y napangiti.
Hindi ko inaasahang ikaw pa ang taong tutulong sakin..