Chapter Six

1658 Words
"Ma? Denny?" Tawag ni Adrian mula sa loob ng bahay, ngunit napakatahimik sa loob. Nilibot niya ng tingin ang buong sulok ng bahay ngunit wala don ang pamangkin at ang nanay niya. Kanina, balak pa siyang ihatid ni Sebastian papasok sa loob ng eskinita nila ngunit tumanggi siya, baka makita ito ng kanyang tito Abner. Pumunta siya sa likod ng bahay, baka nandon ang hinahanap niya. Kinabahan na siya nang makitang wala ang mga ito. "MA! Denny!!" Kinakabahang sigaw niya. "Diyos ko po buti umuwi kana Ading!" Nilingon ko ang bagong dating na si Sen-sen. "Nasan sila mama?" "Kinuha sila kagabi ni Espen, hindi ko nga alam kung sila dadahin eh. Pero sabi niya alam mo daw kung san ang kuta niya, sabi pa niya mamayang gabi pumunta ka daw don at ibigay mo ang kailangan niya." Nag-aalalang sabi nito. Napahawak siya sa ulo,, nangangatog na umupo siya sa sahig. "Hindi, baka mapahamak sila." Nanginginig na sabi niya. Tumayo siya at saka tumakbo palabas ng bahay. Kahit bahagya pang kumikirot ang balikat ay tumakbo siya. Pumara siya ng tricycle, matindi ang kabang nararamdaman niya sa mga oras na 'yon. Pero kailangan niyang magpakatatag dahil wala silang aasahan. Nang makarating na sila sa lugar na tinuro niya sa tricycle driver ay pumara na siya. Napalunok siya ng makita ang mga tauhan ni Espen sa bunga pa lang ng gate. Nakita niya ang malisosyong tingin ng isang tauhan nito na nakakakilala sakanya. "Nandito na pala ang traydor." Sabi nito saka pinagbuksan siya ng gate na luma. Kinakabahang pumasok siya sa loob pero hindi siya nagpahalata. Hindi niya ininda ang nananakit na braso. Panay ang hinga niya habang papalapit sa mga nag-uumpukang mga kalalakihan. Nakita niyang nakaupo sa nag-iisang upuan si Espen habang pinupunasan ang baril nito. "Espen." Kinakabahang tawag niya sa atensyon ng mga ito. Lumingon ang mga ito sa direksyon niya. "Oh, buti naman at sumunod ka sa usapan natin Ading." Nakangising sabi nito. Nilibot niya ng tingin ang kabuuan ng bodega, ngunit hindi niya makita ang hinahanap. "Hinahanap mo ba 'yong mama mo?" Napatingin siya kay Espen saka siya tumango. "Please Espen wag mo naman silang idamay oh." Naiiyak na sabi niya. Tumalim ito. "Oh eh dala mo ba yung kailangan ko?!" Sigaw nito, napayuko siya. "Eh ang lakas pala ng loob mo eh! Pupunta ka dito wala kang dala." Sabi pa nito saka binato sa mukha niya ang basahan. Nag-angat siya ng mukha. "Sige na, patayin mo na lang ako pabayaan mo na sila mama." Pagmamakaawa niya dito. Tumawa ito ng malakas at saka siya nilapitan. "Sa tingin mo ba sapat na yang kabayaran 'yang walang kwenta mong buhay ha Ading?!" Sigaw nito bago pa siya makakilos ay binigyan na siya nito ng malakas na sampal. Sumadsad siya sa lupa, nahawakan niya ang labi pumutok , tinignan niya ito. "Ate Ading!" Napalingon siya sa tumawag sa kanyang pangalan. "D-denny!" Abot-abot ang kaba ko ng makita niya ng pamangkin na hawak ng mga malalaking lalaki, hawak din ng mga ito ang kanyang ina. Bumaling siya kay Espen at hinawakan ang paa. "Sige na para mo nang awa, w-wag na sila mama ako na lang." Humagulgol siya ng iyak. Siya ang may kasalanan at kung may mangyaring masama sa pamilya ay hindi niya 'yon kaya. "Wag kang mag-alala pagkatapos mo sila naman ang isusunod ko." Sabi nito saka tinutok ang baril sa ulo niya. Napapikit siya ng mariin. Hanggang dito na lang siguro ako.. Maya-maya ay umalingawngaw sa buong lugar na 'yon ang isang malakas na putok ng baril. Unti-unti niyang minulat ang mga mata nang marinig niya ang malakas na putok ng baril na 'yon, pinakiramdaman niya ang sarili kung buhay pa siya. Nakita niya si Espen na nakabulagta at hawak ang tiyan. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang binubukalan 'yon ng dugo. "Hayop! may dumali kay Espen! hanapin niyo.!" Sigaw nung lalaki pero bago pa ito makakilos ay may naghagis na kung anong bagay at mula don ay lumabas ang isang usok. Natakpan niya ang bibig at hinanap ng mga mata niya ang ina at pamangkin, may sakit ang kanyang ina, hindi ito pwedeng makalanghap non. Bago pa siya makatayo ay may nagbuhat na sakanya. Napatingin siya sa taong 'yon, hindi niya makita ang mukha nito dahil natatakpan 'yon ng mask na itim. Tinignan niya ito sa mata. "Yumuko ka." Utos nito, nakilala niya ang boses na 'yon. "B-baste?" Paninigurado niya. "Yes, it's me!" Sabi niya ,hinawakan nito ang ulo niya at iginaya payuko. Pero muli niya itong tiningala. "Teka sila mama." "May kumuha na sakanila nasa maayos na sila wag ka ng makulit!" Matigas na bulong nito, wala na siyang ibang nagawa kundi ang sumubsub muli sa leeg nito. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang pinasok siya nito sa loob ng kotse, binuhay agad nito ang makina ng sasakyan. Tumingin siya sa labas, nagtaka siya kung bakit marami ang mga nakaitim na lalaki sa labas, may van din siyang nakita, pinapaulanan nila ito ng bala ang mga tauhan ni Espen. Nilingon niya si Baste. "Sila mama?" Tanong niya. Tinanggal nito ang suot na mask. "Nasa kabilang sasakyan wag kang mag-alala hawak sila ni Grey." Sabi nito, Pinaandar na nito ang sasakyan, napatingin siya sa likuran. May mga nakasunod sakanilang Van pati na mga naka single motor. Sigurado siya na nandon ang kanyang ina at ang pamangkin sa loob ng van na 'yon. Umayos siya ng upo at pinayapa ang sarili. Akala ko, akala ko.. katapusan ko na kanina. Hindi niya maiwasang muling kabahan ng maalala ang nangyari kanina. "ARAY! tanga naman 'to masakit kaya!" Angal ni Adriana kay Sebastian, ginagamot nito ang sugat sa labi niya. Kahit anong pilit niyang siya na lang ang . Idadampi sana nito ang bulak sa labi niya nang pigilan niya ang kamay nito. "Ayoko na masakit eh!" Nakairap na sabi niya dito. "Wag ka ng maarte di ka maganda." Sabi nito at pinandilatan pa siya ng mata, inirapan niya lang ito. Panay pa rin ang paggamot nito sa sugat niya , panay din naman ang piksi niya kapag dumadampi ang bulak nito sa labi niya. "Ahm. Baste magkano 'to?" Tanong niya, natigilan naman ito. "Anong magkano?" "Yung pagtulong mo uli sakin." Sabi pa niya, tumiin ang tingin nito sakanya saka binaba ang bulak na hawak. Tumitig lang ito sakanya. "Oh bakit?" Takang tanong niya, nakakatakot siya sa paraan ng pagtitig nito sakanya. "Hindi pera ang kailangan ko." Malamig na sabi nito, nangilabot naman siya sa isiping baka iba ang hingin nito. Ilang beses siyang kumurap ng napansin niyang palapit ito ng palapit sakanya. Umatras naman siya palayo dito, nangapa ang kamay niya. Pang self-depense lang. Anang isip niya. "Gusto mo bang malaman kung pano mo 'ko babayaran nang hindi pera ang ibibigay?" Sabi pa nito at unti-unting nilapit sakanya ang mukha, atlast! may nakapa siya at tinutok iyon dito. "Wag mo 'kong subukan." Sabi niya ngunit ganon na lang ang panlalaki ng mata niya ng makita ang hawak. "Ba't nagkaroon ng talong dito." Bulong niya, napatingin siya dito ng bigla itong tumawa, nakatitig lang siya dito. "What the hell! " Natatawang sabi nito at saka kinuha nito sakanya ang hawak. Ngunit mas lalo siyang nagimbal sa sunod nitong ginawa. Lumapit ang mukha nito sakanya at mabilis na dinampian ng halika ng mga labi niya. Nagulat siya sa ginawa nito. H-hinalikan niya ba 'ko? Hindi pa rin ng-si-sink sa utak niya ang ginawa nito. Hinampas niya ito ng malakas sa dibdib. "Lumabas ka nga !!" Sigaw niya, natatawang pumunta naman ito sa pinto at nilingon siya. "Saka ko na sasabihin ang gusto ko kapag handa ka nang ibigay 'yon." Nakangising sabi nito saka lumabas ng kwarto. Inirapan niya ito. "ALAM mo na ang gagawin mo Grey." Tumawa ang nasa kabilang linya. "You're a demon man!" Sabi ni Grey. "They're almost killed my girl." Napasandal sa headboard ng kama si Sebastian saka pumikit. Nakaramdam talaga siya ng kaba na baka mahuli siya ng dating at maiputok 'yon sa ulo ni Adriana ang baril na 'yon. Halos mandilim ang paningin niya nang makita kong may sugat ang labi nito. "So, mukhang alam ko na ang sagot sa tanong ko huh?" Sabi niya. "Isipin mo na ang gusto mong isipin basta gawin mo ang sinabi ko sayo." Pagkasabi niya non ay in-off niya na ang cellphone. Napatitig siya sa kisame, pagkuwa'y tumayo. Lumabas siya ng kwarto. Tinignan niya ang kaharap niyang kwarto. "Tulog na kaya sya." Bulong niya at saka niya pinihit ang doorknob, kumunot ang noo niya nang makita itong nakatayo sa labas ng terrace. Naglakad siya papalapit dito, patay ang ilaw nito sa loob ng kwarto. Tanging sinag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw. "Bakit gising kapa?" Pukaw niya sa atensyon nito. Mabilis naman itong lumingon sakanya. "Nagulat naman ako sayo." Sabi nito saka muli siyang tinalikuran. Tumabi siya dito saka ito nilingon. "Hindi pa ako inaantok." Tinitigan niya ito. Hindi naman ito ganon kagandahan, ordinaryo lang din ang mukha nito ngunit hindi niya kung anong espesyal dito at gustong-gusto niya 'yon laging titigan. Bigla itong lumingon sakanya, mabilis siyang nag-iba ng direksyon ng tingin. Baka kasi anong isipin nito. "Ikaw anong ginagawa mo dito?" Don niya ito nilingon, napatitig siya sa napakaaliwalas na maamong mukha nito. You're beautiful. Hindi niya alam kung bakit 'yon ang naisip niya. "Hindi pa ako inaantok eh." Sabi na lang niya saka huminga ng malalim. He didn't know what's wrong with him. This is not good! sigaw ng isang bahagi ng utak niya. "Salamat nga pala Sebastian, kahit ganyan ang ugali mo tinulungan mo pa rin ako kahit kailan lang tayo nagkakilala. Kahit minsan gusto na kitang patayin dahil ang yabang mo palagi ka pa ring nandiyan para tulungan ako. Huwag kang mag-alala kapag nakaalis na kami dito at nakahanap ako ng ibang trabaho babayaran kita." Hindi niya alam kung bakit kusang humakbang ang paa niya papalapit dito. Hindi niya pinansin ang pagkagulat nito. All he want is to hold her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD