Chapter Seven

1737 Words
Hindi alam ni Adriana kung anong gagawin ng makita niyang papalapit na si Sebastian. Umatras ang paa niya, hanggang sa naramdaman niya na lang ang malamig bato sa kalahati ng katawan niya. Humarang naman ang isang kamay nito sa gilid ng bewang niya. Oh no! sinasapian ata siya! sigaw ng utak niya, napatingin siya sa bilog na buwan sa bandang likuran nito. Wari'y nakangiti 'yon sakanya at nasisiyahan sa nangyari. Huminga ng malalim ang kaharap saka bahagyang yumuko, bahagya pa nitong natamaan ang noo niya. Matangkad ito kaya bahagya itong nakayuko. He's six ft compare to her, 5'2 nga lang ata siya! "I don't know what's wrong with me Adriana." Umpisa nito habang nakayuko, pakiramdam niya pinigilan din niya ang paghinga. Nag-taas ito ng tingin sakanya. Bahagya niyang ginilid ang mukha dahil sa sobrang lapit nito. "Maraming nagbago at nabalik sakin nitong nakaraan lang. Hindi ko alam kung paano 'yon ipapaliwanag kahit sa sarili ko. Pero isa lang ang sigurado ako." He whispered, napakurap siya ng unti-unti pa nitong nilapit ang katawan sakanya. Naramdaman niya ang init ng singaw na nagmumula sa katawan nito. Tinignan niya ito. Hindi niya magawang alisin ang mata dito. "I just wanted to protect you, gusto ko kapag inuutusan mo 'ko. Gusto ko 'yong paraang ng pagbanggit mo sa pangalan ko, gusto kong nakikita ka, naiinis ka sakin. The way you smile, the way you talk. Everything, kahit ata sa simpleng kilos mo gusto ko. At hindi ko alam kung ano 'tong pakiramdam na 'to." Wait? Nabibingi ata ako eh? Hindi niya alam kung anong iisipin sa mga sinasabi nito. "A-ano bang sinasabi mo? ah, m-matutulog na 'ko eh hehe bye." Sabi niya at bahagya itong tinulak. "No, don't." Pigil nito, napapiksi siya ng maramdaman niya ang kamay nito sa tagiliran niya. Tumaas ang sulok ng labi nito. "It's funny you know, imagine? Kailan lang kita nakilala pero pakiramdam ko marami ka ng binago sakin." Basta lang siyang nakatitig dito. Sana nga lang at hindi nito naririnig ang malakas na kabog ng dibdib niya. "I'm just eighteen years old nang may kumuha saking mga di-kilalang tao. Binugbog nila ako, pa ulit-ulit. Magulo ang isip ko non, wala naman kasi akong naging kasalanan kahit kanino. Marunong akong makisama sa lahat ng tao sa paligid ko, hindi ako marunong magmura. Pero dahil sa ginawa ng mga taong 'yon don ako natauhan na kahit wala kang gawin sa kapwa mo sasaktan ka pa rin nila." Bahagyang dumilim ang mukha nito habang sinasabi 'yon. Hindi na niya pinansin ang akward sa position nila. Nararamdaman niya ang galit nito at natatakot siya, lumipad ang buhok niya mula sa likod. "Simula nong magkaroon ako ng chance na makatakas sinabi ko sa sarili ko na hindi na 'ko masasaktan ng kahit na sino. Na wala na 'kong pakialam sa paligid ko. Mas mabuting ako na lang ang manakit kaysa maunahan ako." Sabi pa niya, inayos naman nito ang buhok niya na bumuhaghag na sa mukha niya gamit ang kamay nito. Inipit nito 'yon sa likod ng tenga niya. "But everything has change Adriana, lahat ng binago ko sa ugali ko parang unti-unting nawawala at bumabalik ang dating ako." Hindi niya alam kung gaano kami katagal nagtitigan. Paano kung malaman nito na sangkot pa rin siya sa mga taong kumuha dito? mapapatawad ba siya nito? Maya-maya ay ngumiti ito. "Sige na matulog kana." Sabi nito at bahagyang sakanya. "Sebastian." Banggit niya sa pangalan nito. Gusto niyang sabihin dito ang lahat pero pano siya magsisimula? Bumaba ang kamay nito na nasa bewang niya at hinagilap ang kamay niya. "Halika na." Aya niya saka siya hinila papasok sa loob ng kwarto. Naging sunod-sunuran siya. Umupo muna siya sa kama saka ito tinignan. Kinuha nito ang mga kalat sa mesang maliit na nasa tabi ng kama. Nilingon siya nito, hindi niya makita ang mukha nito dahil madilim liwanag lang ng buwan mula sa balkonahe ang ilaw nila. Humiga na lang siya. Kinumutan siya nito habang nakatingin siya dito. "Gusto mo basahan kita ng kwento para makatulog ka?" Napairap siya, ano siya bata! "Wag na sige na matulog ka na rin. Goodnight." Sabi niya saka pumikit. "Ayaw mo talaga? marami akong kwentong alam. How about fifty-shades of grey?" Mabilis siyang dumilat. Sinipa niya ito ng malakas sa tuhod. Tumawa lang ito ng malakas saka patakbong pumunta sa pinto. Loko 'to! Naalala niyang 'yon ang pinanood sakanya ni Sen-sen. Talagang nagimbal siya sa mga pangyayari nang mapanood 'yon. "Sige na my queen, sleep well. Dream of me." Sabi pa nito. Inirapan niya ito, kahit 'di niya kita ang mukha nito, alam niyang nakangisi ito. "Che!" Singhal niya dito saka siya tumalikod ng higa sa direksyon nito. Akala niya ay umalis na ito. "How about fifty-shades of Grey Darker?" Mabilis siyang umupo at kinuha ang unan. Binato niya 'yon dito, kumaripas agad ito ng labas. Sa pinto tumama ang binato niyang unan. Pagkatapos nitong magtapat ng kung ano-ano mang-aasar na naman ang damuho! "YAN ilagay mo don tapos ito isampay mo diyan. Bilis babagal bagal naman..." Inis na nilingon ni Adriana ang hudyo, nag-umpisa na kasi ang trabaho niya dito. Ang maging katulong! Ang kanyang ina at pamangkin ay may maayos nang tinitirhan at ang lahat ng 'yon ay dahil kay Sebastian. Akala niya magiging madali lang ang trabaho niya pero hindi! dahil mukhang nasisiyahan ito sa paghihirap niya. "Oh bakit ang sama ng tingin mo?" Pinandidilatan ng matang sabi nito sakanya. Inirapan niya ito. "Wala po sir, masaya ho ako sa ginagawa ko. Masaya pala to." Pekeng ngiting sabi niya. "Good." Nakangising na sabi pa nito. Muli niyang hinarap ang ginagawa, nililinis niya lang naman ang malawak swimming pool nito. Ang daming kalat sa bahay ng lalaking 'yon at parang walang nakatira! "Oh 'yon pa oh! nakalutang bilis at mikrobyo ang dala niyan, pagkatapos mo diyan palitan mo ang mga punda kunin mo na rin pati ang mga kumot at kurtina dahil isang linggo nang di nalalabhan 'yon." Utos uli nito. "Opo sir." Sarkastikang na sabi niya. "Yan kung ganyan ka ba naman ng ganyan edi magkakasundo tayo." Pailalim niya itong inirapan. "Madulas ka sana." Bulong niya. "Anong sabi mo?" Tanong nito, malawak siyang ngumiti 'yong halatang peke. "Naku sir wala ho, wala hiniling ko lang na madulas kayo." Sabi ko pero mahina na pagdating ng huli. "Sige, tapusin mo na 'yan kakain pa 'ko ipagluto mo 'ko." Pagkasabi nito non ay tumalikod na ito. Napasimangot siya. Binalik na lang niya ang atensyon sa ginagawa. "Buti naman at wala na siyang iuutos." Bulong niya habang tinatapon sa basurahan ang mga kalat nito. "Ah panget sandali lang, linisin mo na rin pala yung mga banyo ayusin mo na rin pati barado ng lababo ko sa kwarto!" Sigaw nito mula sa loob ng kabahayan. Napapikit siya ng mariin. "Nakuu!" Impit na tili niya. "SIR ayos na sir!" sigaw niya. Mabuti naman at tapos na niyang linisin ang buong bahay nito, inabot lang naman siya ng ilang oras!. Ngayon naman nililinis niya ang banyo nito. Lumabas siya ng banyo, naaubutan niyang parang haring nakahiga ito sa kama at may binabasa. Halos umikot ang paningin niya ng makita na puro papel ang sahig nito. "Tapos kana?" Tanong nito habang nakatutok pa rin sa binabasa. Palihim niya itong inirapan. "Yes sir tapos na." "Okay, nakikita mo yang mga papel sa sahig? linisin mo." Utos na naman nito, nakagat niya ang ibabang labi saka tumingala. "Mahabaging bathala konting pasensya." Piping hiling niya saka kumuha ng walis. Hindi niya alam kung nananadya ba ito o trip lang talaga nito. Kada dampot niya ng mga papel tapon naman ito ng tapon. Napapagod na tumingin siya dito. Tinignan siya nito. "Why?" Tanong nito, ngumiti uli siya 'yong ngiting halatang peke. "Wala sir. " Sabi niya saka niya tinuloy ang ginagawa. Ilang oras siguro niyang natagalan ang paglilinis ng kalat nito buti naman at tumigil na rin ito Nilingon niya ito. "Tulog pala yung hudyo." Bulong niya, astig ito kung gising tapos parang bata kapag natulog. Nilapitan niya ito saka kinumutan, pinagsawa niya ang mga mata sa mukha nito. Ang gwapo nitong mukha. Ang makinis at maputing balat, tinignan niya ang magulo nitong buhok na nakadagdag sa kgwapuhang taglay nito. "Ang tangos ng ilong." Nakangusong bulong niya. Tinignan naman niya pisngi nito na makinis na mamula-mula pa. 'Yong mata singkit. Nilapit niya ang mukha sa mukha nito. Ano kayang itsura ng mata niya sa malapitan kapag dilat? minsan kasi nakakailang siya kapag tumingin eh kaya hindi ko matitigan. Naisip niya. Unti-unting dumilat ang binata. "Ay maganda nga." Sabi niya, nakakahalinang tignan ang mga malalantik na pilik-mata nito. Nakita niyang ngumisi ito. Wow, may curves ang labi niya inferness ha. Natutuwang bulong ng isip niya. "Tapos ka na bang titigan ako?" Nanlaki ang mga mata niya. Tinitigan niya itong mabuti. Mabilis siyang umayos ng tayo nang makitang gising pala ito! tumingin siya sa malayo. Naramdaman niya ang pamumula ng mga pisngi. "A-ano ba?!" gulat na sabi niya, bigla kasi nitong hinawakan ang kamay niya. "Ang gwapo ko no?" Pagmamayabang nito. "Huh! yabang nito." Ismid na sabi niya, inirapan niya ito saka niya hinablot ang kamay. "Tinitigan ko yung mukha mo akala ko kasi may lamok." Pagdadahilan pa niya. Tumawa lang ito saka umupo sa kama. "Di nga." Nanunuksong sabi nito. She rolled her eyes. "Edi 'wag kang maniwala!" asik niya dito saka siya tumalikod. "Hey Adriana wait!" Tawag nito sakanya. Lumingon naman siya. "Ano yon?" May kinuha naman ito mula sa ilalim ng unan, isang maliit na kulay pulang kahon. "Halika, may ibibigay ako sayo." Sabi nito saka inabot sakanya 'yong kahon. Lumapit naman siya at kinuha 'yon. "Ano 'to?" Tanong niya at akmang bubuksan ko ang kahon. "Wait sa labas mo na lang buksan." Malambing na sabi nito, na-touch naman siya sa ginawa nito. Pakiramdam niya nawala ang inis niya dito. "Sige." Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya. "Alagaan mo 'yan ako nagbigay niyan." Sabi pa nito, napangiti na lang siya saka lumabas ng kwarto nito. Naramdaman niya ang kilig, muli niyang naalala ang sinabi nito noong nakaraang gabi. Paglabas niya ay sumandal siya sa labas ng kwarto nito. "Ano kaya 'to? singsing? kasi 'yon lang naman 'yong kakasya dito eh." Nakangiting bulong niya at unti-unti niyang binuksan 'yon. Kung anong lawak ng ngiti niya kanina unti-unti 'yong naglaho dahil sa nakita. Naitapon niya 'yon. Nagsilabasan ang mga maliliit na ipis sa loob ng box na 'yon. Walang hiya talagang hudyong 'yon! "SEBASTIAAAAN!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD