Chapter Eight

1163 Words
Hinanap ng mata ni Adriana si Sebastian, nakabukas lang kasi 'yong kwarto nito na kaharap lang ng kwarto niya pero walang ito sa loob Bumaba na lang siya at baka nasa swimming pool lang ito. Siguradong patay siya dahil anong tinanghale na siya ng gising. Papasok na sana siya sa kusina para uminom ng tubig nang may marinig siyang sigaw. "Aray! Ba't ang sakit ng mantikang to ha Grey?!" Sigaw ni Sebastian, sumilip naman siya para makita kung ano 'yong ginagawa nito.Nakita niyang nakangiwi ito habang hawak 'yong kawaling nakasalang. Tapos yung cellphone naman nito nakalapag sa tabi ng kalan at naka-loud speaker. "Ano pa?! bilisan mo baka gumising na siya!" Galit na sabi nito habang may pilit na tinatanggal sa kawali. "f**k! Ba't dumikit 'to?!" Inis na mura naman nito. Ano ba kasing ginagawa niya at effort na effort siya?! Bulong ng isip niya habang pinapanood ito. Natalsikan ang pisngi nito kaya lumayo muna ito sa kalan. Sunod-sunod ang murang ginawa nito ng matalsikan ito ng mantika sa pisngi. Narinig niyang nagsalita 'yong nasa cellphone. "Ganyan talaga Sebastian kahit masaktan ka gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo." Sabi nito. Ano daw? sino naman 'yong taong mahal ni Baste? Naisip niya. Umirap siya sa hangin. Lumapit uli ito don sa kawali. "Grey Conde 'wag mo 'kong daanin diyan ano na? Anong sunod dito?" Sabi na naman nito, narinig niyang natawa lalaking nasa kabilang linya. Naiiling na umalis na lang siya don at nagtuloy sa swimming pool area. Uumpisahan niya ng maglinis baka magalit pa sakanya ang hudyong 'yon. Kumuha na siya ng walis tambo at winalisan 'yong gilid ng pool. Hindi pa siya gaanong nagtatagal sa paglilinis nang may magsalita sa likuran niya. "Hey gising kana?" Napalingon siya sa nagsalita. "Ay hindi, aparasyon ko lang to joke lang ako." Sarkastikang sabi niya, he rolled his eyes. "Bitiwan mo muna 'yan hawak mo halika dito." Sabi nito at hinawakan ang braso niya, napatingin siya sa braso nitong puro paso. "Ang dami mong sugat." Komento niya. Hindi siya nito pinansin, dinala siya nito sa hapag-kainan. Nagulat siya nang makita ang mga nakahanda na pagkain. "Para sakin 'to?" Tanong niya. "Oo kumain kana diyan para may lakas ka para maglinis mamaya. Maglalaba kapa." Sabi nito saka siya pinaghila ng upuan. Pag-upo niya ay sinandukan siya nito. "Sige na tikman mo na." Nakangiti namang sabi nito, minsan talaga hindi niya maintindihan ang mood nito. Tinikman naman niya luto nito. "Ano masarap no?" Nakangiting sabi nito, wala pa sa kalahati ang pagnguya niya pero parang gusto niya ng iluwa ang kinakain. Pakiramdam niya ay nangingitim na siya. Kita niya ang takot sa mata nito. "Okay ka lang? pangit ba lasa?" Nag-aalalang tanong nito, pinilit niyang nilunok 'yon saka ngumiti ng pilit. Nag thumbs up siya dito. "M-masharap." Halos hindi bumubuka ang labing sabi niya. Kasi naman napakapangit talaga! pero ayoko naman siyang magdamdam, nag effort pa man din siyang ipagluto ako. Bulong ng isip niya. "Talaga?" Lumawak ang ngiti nito at muli siyang sinandukan ng ulam "Sige ito oh, kain kapa dali." Gosh! kunin niyo na 'ko! "MAY kailangan pa po ba kayo sir?" Mula sa binabasa niyang libro ay tinignan ni Sebastian si Adriana, napangisi siya nang makita ang hawak nito ang mango juice na pinagawa niya. Tinuro niya ang maliit na mesang nasa tabi. "Pakilagay na lang diyan, tapos ituloy mo na yang paglalaba mo." Utos niya at muli niyang binaling ang tingin sa librong binabasa. "Hmp! mabulag ka sana." Napangisi siya nang marinig ang bulong nito. "Bilisan mo na diyan oh, tirik na tirik ang araw isasampay mo pang lahat 'yan." Sabi niya pa dito, sinilip niya ito. Nakita niyang nag-uumpisa na itong magkusot ng mga puting kumot, napangiti siya nang makita ang nakasimangot na mukha nito. Naiiling na muli niyang binalingan ang ginagawa. Ilang sandali pa ay sinilip uli niya ito. Kumunot ang noo niya nang makitang namumutla ito habang sapo ang sariling tiyan. Nilapag niya agad ang binabasa at nilapitan ito. "What the problem ha?" Kinakabahang sabi niya, napatingin siya sa kamay nito. Mahigpit lang itong nakayakap sakanya. "M-masakit m-masakit yung t-tiyan ko." Bulong nito, nilapit niya ang tenga dito dahil hindi niya ito marinig. "Anong sabi mo?" Tanong niya. Hinawakan naman nito ang niya habang sapo pa rin ang tiyan. Namimilipit ito sa sakit. "No!" bulong niya saka niya ito binuhat. Namumutla ang mukha nito kaya mas lalo tumitindi ang kaba niya. Halos takbuhin niya ang garahe ng bahay habang bitbit ang dalaga. Nagmamadali niya itong pinasok sa kotse. HINDI mapakali si Sebastian nang dalhin niya sa hospital si Adriana. Panay ang lakad niya paroo't-parito habang hinihintay kung sino ang lalabas sa pintong 'yon. "Oh God please take care of her. f**k! I'm stupid!." Bulong niya. Maya-maya ay nakita niyang lumabas na ang doctor. Sinalubong niya ito. "Doc, ano hong nangyari?" "Nagkaroon siya ng gastroenteritis o impeksyon na nakuha sa panis o maduming pagkain. Pero okay na siya ngayon, mabuti't naagapan. Ipapayo ko lang na painumin mo siya ng tubig at mas mabuti kung pakainin mo rin ng saging." nakangiting sabi nito. "Oh God thank you." Usal niya. "Sige dito na 'ko iho." Nang wala na ang doctor sa harap niya ay pinuntahan agad niya sa loob si Adriana na inaasikaso naman ng mga nurse, nilapitan niya lang ito ng umalis na ang mga 'yon. Mahimbing ang tulog nito. "Maruming pagkain." Bulong niya saka niya naalala ang pinakain niya dito kaninang umaga. Para dito lang ang lahat ng hinain niya kaninang umaga kaya hindi niya alam kung anong lasa non. "Pero sabi niya masarap naman naubos nga niya eh." Bulong niya saka niya ito tinignan. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa saka tinawagan si Grey. "Hey men." Bungad nito. "Ano ba 'yong tinuro mo sakin ha? Bakit sumakit 'yong tiyan ni Adriana?" Inis na bulong niya. "Ano yung pritong isda at saka sinigang? So what's the problem?" "Nandito kami sa hospital ngayon dahil nananakit 'yong tiyan niya!" "Bakit ano bang luto ginawa mo bukod sa sinunog mo 'yong isda?" Sinilip muna niya si Adriana saka siya lumabas. "Sinunod ko 'yong bwisit na instruction mo!" "Oh 'yon naman pala eh bakit nangyari 'yon?" Takang tanong ng nasa kabilang linya. "I- I don't know okay?! Kinain naman nito ang hinanda niya sabi kasi nito masarap naman kaya pinaubos niya na sa dalaga. "Marunog ka bang magluto huh?" Frustation filled his body. Napahawak siya sa sariling buhok. "Of course dude! graduated ako sa kurs--- "Hindi ko tinatanong okay?" Putol niya sa sasabihin nito. Natawa lang ito pero agad ding natigilan. "Hey wait man tinawagan mo 'ko para magpaturo diba? Pero nakahanda na lahat ng sangkap at nakasalang na ang mga gamit mo sa pagluluto nang tawagan mo 'ko." Sabi nito. Kumunot ang noo niya. "Yes, so why?" "Tell me, hinugasan mo ba ng mabuti 'yong karne at isda? Dahil sabi ni tita Cindy pagdating daw sa kusina wala kang alam at ignorante ka." Umawang ang labi niya. "s**t ang tanga ko!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD