Ten Years Later
Tinali ni Adriana ang mahabang buhok at tumingin sa malawak na lupa sa harapan niya. Malalim ang iniisip niya habang tumitingin sa malawak na karagatan sa dikalayuan. Lahat 'yon ay maganda sa paningin niya, nagdudulot din ng kaginhawaan ang malamig na simoy ng hangin sa balat niya.
"Hon, ba't nandito ka? kanina pa kita hinahanap ah?"
Unti-unting gumuhit ang masayang ngiti sa labi niya saka maaliwalas na nilingon ang asawa. Inaayos nito ang pagkakatali ng necktie, napatingin siya sa kamay nitong may malaking peklat. Isang mapait na ala-alang hindi niya malilimutan dahil sa nangyari dito. Nakaligtas ito bago pa sumabog ang bodega na 'yon, pero nahagip ng sunog ang kamay nito at nag-iwan 'yon ng malalim na sugat. Ayaw ni Sebastian na ibalik muli sa dating ayos ang balat, para daw kasi sakanya yon ang simbolo na tapos na ang lahat ng gulo sa buhay niya.
Napaka-swerte niya sa asawa, sa loob ng halos sampung taon nila wala itong ibang ginawa kundi ang ibigay ang lahat ng gusto niya. Kahit busy sa inaasikasong negosyo hindi nito nakakalimutan magbigay ng oras para sakanila ng dalawa niyang anak. Nakangiting lumapit siya dito saka hinawakan ang kamay nito.
"Hanggang ngayon hindi ka pa rin marunong." Nakangiting sabi niya habang inaayos ang necktie nito, naramdaman naman niya ang pagpulupot ng kamay nito sa bewang niya.
"Are you happy?"
Nagtaka man siya sa sinabi nito pero nakuha pa rin niyang tumango. Of course she's happy.
"Oo naman, ikaw, kayo ng dalawang anak natin mahal na mahal ko kayo." She said. Pinagdikit nito ang noo nilang dalawa.
"I love you too hon, thank you for staying with me. Kahit minsan nag-aaway tayo pero normal lang naman 'yon sa mag-asawa."
Natatawang niyakap niya ang braso sa leeg nito.
"Sebastian, sa dami ng nangyari satin hindi ako susuko. At saka ako lang naman ang nang-aaway, alam mo naman kaming mga babae mapang-hinala." Nakasimangot na sabi ko. Tumawa naman siya saka tinanggal ang mga ilang hibla ng buhok ko sa mukha.
"Ikaw kasi alam mo namang wala akong babae, for goodness Adriana you're my queen at wala na 'kong balak maghanap ng iba."
Tumingala ako sakanya saka tinitigan ang mukha niya. He looks matured, pero bumagay 'yon dito. Hinaplos niya ang bigote nito.
"Hon papasok pa 'ko." Paalala niya, tinawanan lang niya ito dumausdos ang kamay niya papunta sa leeg nito hanggang sa umabot 'yon sa tenga nito.
"Wala naman akong ginagawa ha?" Pa-insosenteng sabi niya. Gumuhit ang ngisi sa labi nito, nilapit nito ang sarili sakanya. Nanlaki ang mata niya ng maramdaman niya ito.
"Sebastian!" Pinandilatan niya ito ng mata.
"Why? it's your fault." Natatawang sabi nito at bago pa niya malaman ang gagawin nito ay bumaba na ang labi nito.
Naramdaman niya ang pagmamadali sa kilos nito ng umipsahan nitong halikan ang labi niyang nakaawang. Lalo pa nitong pinalalim ang halik, ni hindi niya magawang makahinga kahit saglit dahil sakop nito ang kanyang labi. Wala pa ring pinagbago, hanggang ngayon ay nababaliw pa rin siya sa labi ng asawa.
"Mom!!"
Naitulak niya ang asawa ng marinig ang sigaw ng anak. Akmang tutol pa ang asawa ng pandilatan niya ito.
"Nandiyan ang anak mo!" Saway niya dito, maya-maya ay pumasok na ang pitong-taong gulang na anak niya sa kwarto nila ng asawa. Si Neulux, ewan nga niya kay Sebastian at ito ang pinangalan sa anak.
"Mom bili mo 'ko ng spider man na jacket please!" Nakangusong sabi nito, yumukod naman si Sebastian at ginulo ang buhok ng anak.
"Sige mamaya mamasyal tayo nila mommy ha?"
Hinampas niya ito ng mahina sa balikat.
"Papasok kapa diba?"
Nilingon niya ito.
"Hon sa tingin mo makakapasok pa 'ko?" Sabi nito saka parang may naisip na kalokohan, lumawak ang ngisi nito.
"Iba ang papasukin ko mamaya."
Nanlaki ang mata niya. Piningot niya ito sa tenga.
"Bibig mo!"
"Aray!" Nakangiwing hinawakan nito ang kamay niya na nakapingot sa tenga nito. Pairap na binitawan niya ito saka hinarap ang anak.
"Baby sige mamaya mamasyal tayo ha?" Nakangiting sabi niya dito. Narinig niya ang malakas na tawa ng asawa. Maya-maya ay sumunod naman ang panganay nila na si Sander, nine years old na ito.
"Mom i heard that bili mo din ako ng headset mom!" Hyper na sabi nito na kumapit pa sa tuhod niya.
"Bakit nasan 'yong bago mong headset?" Si Sebastian.
"Na kay Niel po, gusto niya daw po kaya binigay ko."
Naiiling na nilingon niya asawa. Umakbay ito sakanya.
"Sige mamaya bibili tayo ng mga gusto nito. Ahm sige na babies puntahan niyo muna ang lola niyo sa labas."
Nagpalakpakan naman ito saka yumakap sakanila. Bago ito lumabas ng kwarto ay pinaghahalikan niya ang mga noo ng mga ito. Nang lumabas na ito ay siniko niya ang asawa.
"Ikaw! kaya namimihasa ang mga anak mo eh." Saway niya dito, hindi siya nito sinagot basta lang itong nakatingin sakanya. Nakikita niya sa kislap nito ang kakaibang balak.
"What are you thinking ha? Sebastian sasabunutan kita." Sabi niya habang umaatras ng lakas palayo dito. Pumasok siya sa kwarto na karugtong ng terrace nila.
"Wala naman akong iniisip ha? ba't tumatakbo ka?" Nakangising sabi nito habang nakapamulsa. Sumunod ito sakanya sa loob. Natatawang pumunta siya sa kabilang side ng kama.
"Che! alam ko 'yang mga moves mo tigilan mo 'ko!" Sabi niya pero nakapagkit sa labi niya ang ngiti. Unti-unti nitong tinanggal ang pagkakabutones ng suot nitong tuxedo.
"You can't resist my charm hon." Nakangising sabi nito saka lumapit sakanya. Napatalon naman siya sa kama para umiwas dito.
"Isa Baste hihilahin ko yang buhok mo!"
"Nah-ah-ah. na-corner na kita wala ka ng takas." Sabi nito saka natigilan.
Napatili siya ng mabilis itong kumilos at nahablot ang paa niya. Kumuha lang pala ng tiyempo ang loko! mabilis siya nitong niyakap pahiga sa kama.
"Hmm.. ang bango talaga ng asawa ko." Sabi nito habang panay ang halik sa gilid ng leeg niya. Panay naman ang hagikgik niya dahil sa nararamdamang kiliti.
"Isa! may kiliti---hmppp!" Natahimik siya ng mabilis na sinakop nito ang labi niya. She closed her eyes and responed for his kiss. Naramdaman niya ang mga banayad na haplos nito maging ang pagkuskos nito sa hita niya.
"Thank you." Sabi nito sa pagitan ng halik. Tinignan niya ito at bahagyang nilayo ang mukha.
"For what?" Tanong niya dito, Buong pagmamahal na hinaplos nito ang pisngi niya.
"Sa lahat, i found my happiness because of you Adriana. Salamat din dahil kung hindi dahil sa tulong mo noon para makatakas ako wala na sana ako ngayon." Sabi pa nito, dahan-dahang pumasok ang kamay nito sa loob ng bestida niya.
"Ako ang dapat magpasalamat sayo Sebastian. Tinulungan mo 'kong bumangon uli. Kahit buhay mo muntik ng mapahamak dahil sakin hindi mo pa rin ako pinabayaan. And thank you for loving me.." Sabi niya habang titig na titig dito. Naramdaman niya ang marahang paghaplos nito sa bandang tiyan niya.
"Sa tingin ko mamaya na ang confession hon. Lalo nag-iiba ang pakiramdam ko eh." Nakangising sabi nito saka tuluyan ng umakyat ang kamay nito sa dibdib niya. Marahan nitong hinaplos 'yon, she moaned. Marahang naglakbay ang kamay nito sa magkabilang hita niya. Napapikit siya ng maramdaman ang mumunting kiliti na sumigid sa katawan niya dahil sa ginagawa ng asawa.
"Hmmmokay.. I love you." She whispered hinalikan niya ang kamay nitong may malaking peklat. Pumantay ang labi nito sa mukha niya at hinalikan ang noo niya.
"I love you too." At muli ay sinakop ang labi niya.
Alam niyang marami pang pagsubok ang darating sakanila ni Sebastian, pero hindi magiging sukatan 'yon para bitawan ito. At kung may hihilingin man siya, 'yon ay ito ang muli niyang makasama sa susunod niyang buhay. Hindi niya akalain na ang taong niligtas niya noon ay ang taong tutulong din pala sakanya ngayon. Akala niya ay hanggang don lang 'yon at wala nang plano ang tadhana na dugtungan pa 'yon. At si Sebastian na tinuturing niyang hindi niya kompatible ay ang taong mahal niya ngayon. Marami man silang hindi napagkakasunduan sa lahat ng bagay hindi naman nila magawang bitawan ang isa't-isa at dahil 'yon sa kanilang pagmamahalan na nabuo sa hindi nila inaasahang pagkakataon.
The End