Chapter Sixteen

1332 Words
Pagkapasok na pagpasok pa lamang nila Sebastian ay pinaulanan agad sila ng mga tauhan ni Abner ng bala. Mabuti na lamang at alisto sila at mabilis silang nakahanap ng matataguan. Matalim ang tingin niya ng makita ang matandang 'yon na pinapanood lamang sila mula sa kinatataguan nila. "It's been a long time Arragon sayang hindi mo sinama ang papa mo." Sigaw nito saka sinenyasan ang mga tauhan. Nakapamulsang naglakad ito papunta sa gitna ng bodega. "Harapin mo ako, tayong dalawa lang. Lalaki sa lalaki. Kapag natalo ka? Akin si Adriana pero kapag nanalo ka iyong-iyo na siya." Nakangising sabi nito. Lalong imigting ang bagang niya sa sinabi nito. She's mine! Nilingon nito ang mga tauhan. Maya-maya ay natanaw niyang umalis ang mga ito at umikot sa kabila. Nilingon niya si Grey, nakataas ang baril nito, sinenyasan siya nito saka mabilis itong umalis sa pinagtataguan kasama ng iba pa nilang kasamahan. Mula sa tinataguan ay lumabas siya habang nakataas ang baril. Lalong lumawak ang ngisi nito at tinapon sa sulok ang baril na hawak. "Ako ang balak mong gantihan diba kaya nga hinintay mong lumaki ako." Tumango-tango ito. "You know what namana mo talaga ang ugali mo sa tatay mo."Sabi nito saka nandilim ang mukha. "Ang tatay mo na ang dahilan kung bakit nawala anak ko." Dugtong pa nito. "Alam mo 'yon karma? Iyon yon, sa dami ng masamang ginawa mo 'yan ang kapalit. Sinasamantala mo ang kahinaan ng mga tao sa paligid mo. Binibigyan mo nang tulong pero hinihingian ng kapalit." Galit na sabi niya dito. Nandilim ang mukha nito at bago pa siya makakilos ay mabilis na umigkas ang kamao nito padako sa mukha niya. Sumadsad siya sa lupa, he tasted his own blood. Madilim ang mukhang tumayo siya at lumapit dito.Sinalubong siya nito nang suntok pero naunahan niya ito. Hindi niya nailagan ang sunod nitong ginawa, sinuntok siya nito nang malakas sa mukha. Tinatagan niya ang tayo at hinarap ito, pinunasan niya ang dugo sa gilid nang labi. Umigkas naman ang paa niya, dumapo 'yon sa panga nito dahilan para sumubsob ito sa lupa. Galit naman itong tumayo at hinarap siya. "Matagal kong pinaghandaan 'to alam mo ba 'yon." "Mukhang nakahanda ka nga. Pero sayang eh, matanda kana pano ba 'yan." Pang-iinis niya, nawala ang ngisi nito at nilusob siya. Nailagan niya ang isa, dalawa, tatlong beses nitong pagsuntok. Nakakuha siya nang tiyempo at gigil na binigyan niya ito nang suntok sa sikmura, napangisi siya nang makita 'ko ang pagkahilo nito habang palayo sakanya. Hindi niya ito binigyan nang pagkakataon na gumanti dahil tinadyakan niya agad ito. Kinuha niya ang baril mula sa likuran at tinutok 'yon dito. "You're dead." Ngising sabi niya akmang ipuputok niya na ang baril nang marinig niya ang sigaw na 'yon. "Sebastian! Sebastian!!" Napalingon siya sa direksyon na 'yon. "Adriana!" Sigaw niya, nilingon niya muna si Abner at binigyan ito ng malakas na sipa sa mukha. Humandusay ito sa lupa. Hinanap niya ang pinanggalingan ng sigaw na 'yon, napansin niyang nakabukas ang isang pinto. Pumasok siya don, natigilan siya nang makita niya sa gitna si Adriana at may nakatutok na baril sa ulo nito, hawak ito nang isang malaking lalaki. Pamilyar sakanya ang kwartong 'yon doon siya tinali at pinahirapan noon. Gumapang ang galit sa katawan niya nang makita ang sugat sa labi ng dalaga. "Bitawan mo siya." Banta niya sa lalaki, ngumisi ito. "Sa palagay mo susundin kita ha Arragon?" Kumuyom ang kamao niya. "P-please umalis kana dito." umiiyak na sabi ni Adriana. Umiling siya. No, not now my queen. Bulong ng isip niya. Nanliit ang mga mata niya sana maintindihan ni Adriana ang gusto niyang sabihin at mukhang naintindihan naman nito 'yon, nagulat siya sa bilis nang kilos nito. Binalaiti nito ang kamay nung lalaki nabitiwan nito ang baril. Tumakbo papalapit sakanya si Adriana at yumakap sakanya. Akmang kukunin nong lalaki ang baril nang barilin niya ito sa dibdib. Nakahandusay na ito. Binalingan niya si Adriana at hinalikan sa ulo. "Aalis na tayo ha?" Masuyong sabi niya sa dalaga. "Not now Arragon hindi pa tayo tapos." Napalingon sila ng dalaga ng marinig ang boses na 'yon mula sa likuran nila. "D-denny." Naramdaman niya ang takot ng dalaga. "T-tita." Iyak na sabi nung bata, nandilim ang paningin niya. "Mahihinang tao lang ang kaya mo hayop ka!" Gigil na sabi niya dito, ngumisi lang ito hinaplos nito ang ulo anng bata at diniinan ang pagtutok nang baril sa ulo nito. "P-please w-wag na siya a-ako na lang." Pagmamakaawa ni Adriana. "Iba na ang plano ko adriana kunin mo ang baril kay Arragon." Sabi nito. "H-ha." Gulat na sabi ni Adriana. "At patayin mo sa harap ko mismo ang katabi mo." Dugtong pa nito, ramdam niyang nanginig si Adriana "H-hayop ka." Nanginginig na sabi ni Adriana walang emosyon ang mukhang tinignan niya si Abner. Walang sabi-sabing binigay niya ang baril kay Adriana. NAGUGULUHANG tumingin si Adriana sa binata nang ibigay nito sakanya ang baril. "H-hindi hindi Sebastian." Nakangiting nilingon siya nito at siniksik sa kamay niay ang baril. "Shoot me." Uto nito, marahas na umiling siya. "Ayoko!! hindi ko gagawin 'yon!" Umiiyak na sabi niya. Ningitian lang siya nito saka siya niyakap. "Babalik ako sayo pangako naaalala mo ba 'yang maliit na siwang na 'yan? diyan mo 'ko tinulungang makatakas noon diba? pag nabaril mo na 'ko tumakas kayo nang pamangkin mo. Ako na ang bahala kay Abner." Bulong nito. Hindi. Hindi. Pa ulit-ulit 'yong pumasok sa utak niya. "Ayoko naririnig mo ba yang sinasabi mo ha?!" "This the best thing that you can do to save her please Adriana gawin mo na ang sinasabi ko." Sabi nito. Humikbi siya unti-unti itong lumayo sakanya Umiling siya. "Bilis naiinip na 'ko dito." Narinig niyang sabi ni Abner. Nakita niyang bumuka ang labi ni Sebastian. "I love you." Bulong nito, napapikit siya at napatingin sa pamangkin na luhaan. Kagat ang labing tinaas niya ang baril at tinutok 'yon kay Sebastian. "Barilin mo na siya!" Sigaw ni Abner. Nanginginig siya habang hawak ang baril.Naririnig niya din ang malalakas na putukan sa labas. Nakatitig siya sa mukha ng binata. Hindi niya kayang saktan ito. Hindi. Binaba niya ang baril. Umawang ang labi niya nang lumapit ito sakanya at hawakan ang kamay niyang may baril niyakap siya nito. Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang putok na 'yon. Lumayo siya dito ng bahagya. "Sebastian hindi." Nanginginig na sabi niya nang makita niyang bumubukal ang dugo sa balikat nito "Tumakas na kayo makikita mo ang van nila Grey don, Takbo na ngayon na!" Bulong nito at kinuha mula sakanya ang baril, sa isang iglap ay naiputok nito 'yon kay Abner, natamaan ito sa balikat. Tumakbo papalapit sakanya si Denny, niyakap niya ito. Pinagtulakan sila ni Sebastian papalapit sa siwang. "Takbo na!!" Sigaw nito habang hawak ang balikat. Umiling siya. "A-ayokong iwan ka, please. B-baste." Umiiyak na sabi niya. "Sige na! sige na!" Pinilit siya nitong pinalalabas. "Takbo na!" Sigaw nito. Umatras na sila ni Denny. Nakita niyang kinuha ni Abner ang baril. "Sa likod mo!" Sigaw niya sa binata. Lumingon naman dito si Sebastian at binaril si Abner, natamaan ito sa tiyan muli siya nitong nilingon. "Alis na!" Nakita niyang may nagpasukan pang mga lalaki sa loob alam niya pipigilan 'yon ni Sebastian para hindi sila mahabol ng mga ito. Magkahawak kamay na tumakbo sila ni Denny habang palayo sila ng pamangkin lumilingon siya sa siwang kung san nakatingin sakanila si Sebastian noon siya ang sumisilip at tinitignan kung ligtas itong makakalayo. Pero ngayon siya naman ang tinitignan nito palayo. Humihikbing huminto siya at lumingon sa direksyon na 'yon. Binalingan niya si Denny. "Tumakbo ka na." Sabi niya dito. "P-pero tita- - - - "Sige na please." Sabi niya dito , sinunod naman siya nito. Babalik siya, hindi niya iiwan ang binata. Pero bago pa siya makalapit ay may sumabog na kung ano galing sa bodega na 'yon. Umawang ang labi niya parang kinakapos siya nang hininga nang makita niya ang naglalagablab na apoy mula sa di-kalayuan. "SEBASTIAAAAN!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD