Palakad-lakad sa buong kabahayan si Sebastian. Kaninang magising siya ay hindi niya na nakita si Adriana, nag-aalala siya na baka nalaman na nito ang pagkawala ng ina at pamangkin nito. Ang alam niya ay maayos ang seguridad ng mga ito. Naisipan niyang pakialaman ang gamit ng dalaga, nakahinga siya nang maluwag nang makita ang mga gamit nito. Kinuha niya ang wallet na nakita niya at pinakialaman niya 'yon. Don niya nakita ang i.d niya noon at saka litrato. 'Yon ang dala niyang mga gamit ng kinuha siya ng mga tauhan ni Abner. Bigla siyang kinutuban ng masama lalo na ng maalala ang expression ng dalaga ng sagutin nito ang tawag kahapon. Mabilis siyang bumalik sa kwarto at tinawagan ang pinsang si Grey.
"Hello, i-trace mo ang lugar ni Abner ngayon na." Utos niya.
"Copy, actually 'yon na nga rin ang ginawa ko ngayon."
"May pakiramdam ako na pinuntahan siya ni Adriana f**k! my queen is stubborn." Inis na sabi niya.
"Ano pa nga ba?" Natatawang sabi nito, maya-maya ay narinig niya ang tunog na mabilis na pagtipa nito sa keyboard.
"Got it. Pumunta ka na sa hide-out natin."
Nagmamadaling kinuha niya ang jacket na itim na nasa kama.
"I comin' don't forget to take the gangs and ready to war."
KINAKABAHANG pumasok si Adriana sa bodega, parang dejavu ang nangyari dahil don din dinala noon si Sebastian. Huminga siya ng malalim.
"Abner harapin mo 'ko nasan ang sila mama?!" Sigaw niya sa buong bodega. Maya-maya ay biglang umilaw ang buong bodega. Nakita niya si Abner na nakatayo sa taas ng second floor nang bodega at nakadungaw sa baba.
"Ohh ang kanang kamay ko." Nakangising sabi nito, matalim ang tinging binigay niya dito.
"Hayop ka nasan sila mama?!" Sigaw niya, pumalatak ito at hinaplos ang baril na hawak.
"Talagang hindi mo sinunod ang gusto ko no? mahal mo ang lalaking 'yon ha? Kaya kahit buhay mo ang kapalit."
"Oo, dahil hinding-hindi ko siya ipapahamak ako ang papatay sayo tandaan mo 'yan Abner" Bantang sabi niya dito. Ngumisi ito.
"Gusto ko 'yan. Pero kailangan mo 'kong labanan."
Kuyom ang kamaong sinalubong niya ito. Bumaba naman ito sa hagdan at binaba ang baril na hawak. Wala siyang pakialam kung kadugo niya ito. Ang mahalaga lang ay mapatay niya ito.
"Hindi pa sapat ang kakayahan mo para talunin ako ng ganon na lang Adriana. Sisiguruhin kong pipira-pirasuhin ko ang katawan mo at ibibigay ko kay Sebastian."
"Talaga? subukan natin." Nanghahamong sabi niya dito.
Tumakbo siya at nilusob ito, nailagan nito ang suntok niya at hinawakan ang kamay niya. Binalaiti nito 'yon.
"Aaahhh!!" Daing niya umangat ang tuhod niya papunta sa sikmura nito. Napaatras ito habang hawak ang sikmura. Lumusob ito habang kuyom ang kamao. Mabilis niyang nailagan 'yon, pero hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Malakas na sinuntok nito sikmura niya gamit ang isang kamay nito Nandilim ang paningin niya. Nanghina ang tuhod niya at napaupo siya sa sahig.
''Hindi mo 'ko matatalo Ading. Kung tutuusin hindi mo naman ako kadugo eh. Isa lang din ang ama mo sa tauhan ko at dahil malaki ang utang na loob ko sakanya dahil sa pagligtas niya sa buhay ko non kaya tinuring ko siyang malapit sakin. Pero hindi ibig sabihin non na kukunsitihin ko ang katrayduran mo." Pagkasabi nito non ay sinampal siya nito ng malakas.
SAMU'T-Saring emosyon ang muling naramdaman si Sebastian nang makita ang lugar na tinakasan niya noon. Hind niya akalaing muli niyang babalikan ang lugar na nagdulot sakanya ng isang bangungot. Huminga siya nang malalim at nilingon si Grey pati na rin ang iba pa nilang kasamahan.
"Ano bang gusto mong gawin namin sakanya ha? Sa mabilis na paraan o sa unti-unting paraan?" Tanong ni Ellifard muli niyang tinignan ang malaking lumang bodega.
"Tignan natin kung hanggang saan ang kakayanin niya."
HABANG sa itaas naman ng bahagi ng lumang bodega ay nandon si Abner, napangisi ito nang makita ang mga lalaking nakaitim sa labas ng bodega, tinignan niya ang lalaking nangunguna mga naka-ducati monster ang mga ito at sa likod naman ng mga ito ay mga itim na van alam niyang may laman itong mga gamit laban sakanya. Nilingon niya si Gibo.
"Ilabas mo ang lahat nang tao natin mag-uumpisa na ang laban."