It's now or never. Pa ulit-ulit na bulong ni Adriana habang nakatayo sa harap ng pinto ni Sebastian. Kailangan na nitong malaman ang nakaraan niya. Huminga siya ng malalim saka tumaas ang kamay at kinatok ang pinto nito.
"Come in." Kinabahan siya ng marinig ang boses nito mula sa loob. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba nang hawakan niya ang doorknob at unti-unting pinihit 'yon. Nakita niyang kinakalikot ng binata ang lampshade nito na patay-sindi. Nakasuot lang ito ng boxer at itim na sando.
"Sebastian." Tawag niya dito, itinigil naman nito ang ginagawa saka nilingon siya. Bumaha ang dilim sa loob ng kwarto nito. Tanging sinag lang ng buwan mula sa teresa nito ang nagsisilbing liwanag sa bawat bahagi ng kwarto nito.
"Hey, may kailangan ka?"
Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito alam niyang nakangiti ito. Dahan-dahan siyang pumasok at sinara ang pinto sa likuran niya. Lumapit siya dito.
"Sorry madilim mukhang sira ata ang lampshade ko." Natatawang sabi nito. Tumapat siya dito habang nakaupo naman ito sa gilid ng kama. Tiningala siya nito.
"May sasabihin ka?" Tanong nito. Napalunok siya.
"Ahm, m-meron." Nauutal na sabi niya. Inabot nito ang magkasiklop na kamay niya.
"You look tense ano bang sasabihin mo?"
Bigla siyang naduwag at tila tinakasan siya ng lakas ng loob.
"Ano bang sasabihin mo ha Gemini?"
Gulat na tumingin siya dito. Hindi niya makita ang expression nito. Naramdaman niya ang paghila nito sa kamay niya palapit dito.
"I know the truth babe. Alam ko na ang lahat, sinabi na sakin nila dad."
Lalo siyang nanginig. Papaalisin na ba siya nito? Kamumuhian?
"B-baste s-sorr----
"Sshh. It's okay. Bakit ka mag so-sorry? Ikaw ang nagpatakas sakin non. Kung hindi dahil sayo siguro wala na 'ko ngayon."
Nalaglag ang luha niya.
"P-pero ako ang may kasalanan kung ba---
Hinablot siya nito at iniupo sa kandungan nito. Napayakap siya sa leeg nito.
"Alam ko." Sabi pa nito saka pumulupot ang braso sa bewang niya.
"Alam ko Adriana. Pero nagbago naman ang isip mo hindi ba? so, walang dahilan para magalit ako sayo. Hindi ikaw ang may kasalanan."
Napatitig siya dito. Hindi niya alam kung paano patutunguhan ang sayang nararamdaman dahil sa narinig dito. Tumaas ang kamay nito papunta sa pisngi niya at banayad na hinaplos 'yon. Parang gusto niyang pumikit ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na pumasok sa teresa nito.
"Wala kang dapat ipag-alala dahil don ha? I love you. It doesn't change." Masuyong sabi niya. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya. Niyakap niya ito.
"Salamat Sebastian."
Naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa gilid ng leeg niya. Her heart throbbed. Lalo na nang maramdaman niya ang pagdampi ng labi nito.
"B-baste." Tawag niya sa pangalan nito. Halos mapatili siya ng bigla siya nitong ihiga sa malambot nitong kama.
"Baste!"
"What?" Natatawang sabi nito saka pumatong sakanya. Bahagya niyang naaninag ang mukha nito.
"Hindi mo pa rin ba 'ko sasagutin? Well, i'm willing to wait Adriana. Wag mo ng isipin ang nakaraan ha? Ako na ang bahala sa lahat." Sabi pa niya. Napaka-swerte niyang babae dahil minahal siya ng lalaking 'to. Niyakap nito ang kasalanan niya. Hindi na siya nagsalita ng unti-unting bumaba ang labi nito.
Dumampi-dampi ang labi nito pero agad ding sinakop ang labi niya. She moaned when she feel his tounge. Banayad ang bawat galaw ng labi nito at kahit walang kasanayan ay kusang gumalaw ang labi niya. Naramdaman niyang inangat nito ang suot niyang blusa at hinaplos ang gilid ng tiyan niya.
"Sebastian." She whisper. Iniangat niya ang dalawang braso at niyakap sa batok nito. Handa na siya sa lahat ng gagawin nito nang bigla itong huminto sa paghalik sakanya. Hinihingal na tumingin siya dito.
"Bakit?" Takang tanong niya. Naaninag niyang ngumiti ito at dahan-dahang binaba ang suot niyang blusa. Inayos nito ang nagusot niyang blusa.
"Not now Adriana hindi kapa handa."
Gusto niyang mapasimangot. Pero nakakatuwang isipin na ginagalang siya nito. Binuhat siya nito at maayos na inihiga sa kama nito.
"Not until our wedding." Sabi pa nito. Nanlaki ang mga mata niya at nilingon ito.
"A-anong sabi mo?"
Nakita niyang naghubad ito ng sando saka tumabi sakanya. Tinaas nito ang ulo niya pahiga sa braso nito.
"Sabi ko hangga't hindi pa tayo kinakasal. Kahit ramdam kong parehas tayo ng nararamdaman hindi ko pa rin pwedeng gawin ang bagay na 'yon sayo. Ganon ka kahalaga sakin Adriana, like what i've told you i'm willing to wait."
Naluluhang humilig siya sa dibdib nito, Naririnig niya ang malakas na kabog ng dibdib nito. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa buhok niya.
"Wag ka ng bumalik sa tiyuhin mong 'yon ha?" Sabi pa nito. Nakangiting nag-angat siya ng mukha saka tinignan ito.
"Wala naman akong balak mag-serbisyo uli sakanya eh." Nakangiting sabi niya saka hinaplos ang ilong nito. A perfect pointed nose.
"Good." Hinuli nito ang kamay niya saka 'yon dinampian ng maliliit na halik. Naramdaman niya din ang paghaplos ng isa nitong kamay sa likod niya,
"Inaantok na 'ko Sebastian. Bukas samahan mo 'ko kina mama ha?"
Tumigil naman ito sa ginagawa.
"Oo naman para maligawan ko na din ang mama mo."
Walang pagsidlan ang saya niya. Parang nawala ang nakabarang pag-aalala sa dibdib niya. Nagtaka siya ng kabigin siya nito at pinatalikod sa gawi nito. Bahagya niya itong nilingon.
"Bakit?" Takang tanong niya. Saka niya naramdaman ang pagpulupo ng kamay nito sa bewang niya mula sa likuran. Nakadagan ang leeg niya sa braso nitong nakayakap sa leeg niya, magkapulupot din ang paa nilang dalawa.
"Inaantok na rin ako." Bulong nito sa likuran niya. Napangiti na lang siya saka siniksik ang likod sa dibdib nito na nasa likuran niya. Pumikit na siya.
Thank you God. Thank you for giving me a man like him.
"SAN ka pupunta ?" Takang tanong ni Sebastian sakanya nang makita nitong nakabihis siya. Saglit niyang tinapunan ang suot na damit at saka nilinga ang binata. Lumapit ito sakanya habang nakapamulsa at hinahagod ng tingin ang buong katawan niya. Bigla naman siyang nailang. Simpleng blusa at jeans ang suot niya.
"Mamalengke lang wala na kasing stock 'yong fridge natin eh." Sabi na lamang niya para pukawin ang atensyon nito. Nag-angat ito ng mukha sakanya.
"Wag na si Manang Dena na lang ang mamalengke mamaya. Delikado kapag lumabas ka alam mo naman si Abner." Sabi nito. Napatango lamang siya.
"Sige sabi mo eh by the way magluluto muna ako ha? nagugutom ka na ba?" Tanong niya dito. Ngumiti ito. Hindi siya nakaiwas ng dampian nito ng halik ang sulok ng labi niya.
"Sige luto kana dito lang ako sa kusina." Nakangiting sabi nito. Inirapan niya ito, tiyak na lalandiin lang siya nito doon.
"Che! manood ka na lang sa sala!" Saway niya dito. Tumawa lang ito, nagpaalam na siya na pupunta na siya sa kusina. Ito naman ay nagtungo na sa sala. Naghahanda na siya nang mga sangkap nang tumunog ang telepono na malapit sa hagdan. Sinilip niya si Sebastian nanunuod siya kaya siya na lang ang sasagot ng tawag.
"Hello?
"Gusto mo ba talagang makita ang galit ko ha Ading?" Galit na sabi nang nasa kabilang linya. Umawang ang labi niya , tinignan niya si Sebastian nakita niyang natigilan ito nang makita ang expression niya. Pilit siyang ngumit dito kahit pa kinakabahan siya, gumanti din ito ng ngiti sakanya.
"T-tito Abner."
"Hindi mo sinunod ang sinabi ko. " Sabi pa nito, nanahimik siya.
"Anak! anak?!"
Ginapang nang takot ang puso niya nang marinig ang boses ng kanyang ina sumunod naman ay ang ang boses ng pamangkin niya.
"Narinig mo ba 'yon Adriana? Kaya gusto kong gawin mo ang gusto ko kung hindi buhay nang nanay at pamangkin mo ang magiging kabayaran." Pagkasabi non ay pinatay na nito ang tawag. Namutla naman siya at dahan-dahang binaba ang telephono.
"Sino 'yon?" Nagtatakang tanong ni Sebastian nang lapitan siya nito.
"A-ah si Sen-sen, may sinabi lang siya sakin." Pilit ang ngiting sabi niya. Kumunot ang noo nito.
"Ano daw 'yon?"
"K-kung kailan daw kami magkikita, ang tagal na din naming hindi nag-uusap no."
Tinignan siya nito ng mabuti, yumakap siya sa leeg nito.
"Oh ba't ganyan yang tingin mo?" Natatawang sabi niya dito, mabuti naman at ngumiti na ito at ginantihan ang yakap niya.
"Wala akala ko kung sino 'yon."
Inabot niya ang pisngi nito at hinalikan saka ito tinitigan sa mata.
"Halika na samahan mo na lang ako sa kusinang magluto." Yaya niya. Tumango naman ito at hinawakan ang kamay niya papuntang kusina.
Sa pangalawang pagkakataon hindi ko ipapahamak ang lalaking minahal ako kahit malaki ang kapintasan ko, sa pangalawang pagkakataon ililigtas ko siya.