"Kakain kana?" Nakangiting bungad ni Sebastian nang pumasok siya sa kusina. Nakita niya ang itlog, ham at hotdog na nakahain sa mesa. Umupo siya sa upuang nandon saka tumingin sa binata.
"Coffee or tea?" Alok nito habang kumukuha ng mug.
"Coffee na lang Baste." Sabi niya saka nagsandok ng kanin sa plato. Maya-maya ay nilapag nito sa harap niya ang isang tasa ng kape.
"Salama---
Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng dampian nito ng halik ang sulok ng labi niya. Matalim ang matang nilingon niya ito. Ngumiti lang ito sakanya.
"Goodmorning my queen." Nakangising sabi nito saka umupo sa tabi niya. Nakangiting umiling naman siya. Hindi niya alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam kapag may nag-aalaga sayo. Buong buhay niya ay pinagsisikapan niya ng mabuti ang lahat para sa kanyang pamilya.
"Anak? Sebastian?"
Napalingon sila ni ng binata ng marinig ang boses na 'yon. Mula sa labas ng kusina ay pumasok ang dalawang tao na may katandaan na.
"Mom, dad? Anong ginagawa niyo dito?" Maang na tanong ni Sebastian. Naiiyak na lumapit ang matandang babae dito at niyakap si Sebastian.
"Anak okay ka lang ba? wala bang nanakit sayo?"
Hindi niya maiwasang mapangiti. Sa tanda ni Sebastian bini-beybi pa rin ito ng nanay which is cute for her. Nahihiyang tumingin sakanya si Sebastian.
"Ma naman, nakakahiya sa girlfriend ko oh."
Natigilan naman 'yong babae saka tumingin sakin. Tumaas ang kilay nito
"H-hi po." Nahihiyang sabi niya, nagulat siya nang irapan siya nito.
"Ma!"
"Hon!"
Halos sabay na sabi ni Sebastian at ng lalaki don sa babae.
"Kasi naman Dexter, inaagaw niya ang beybi ko."
"Ma naman eh!" Sebastian groan. Napangiti na lamang siya, ngumiti sakanya ang ginang at nilahad ang kamay sa harap niya nahihiyang tinanggap naman niya ang kamay nito.
"I''m Cindy and you are?"
"A-adriana po." Sabi niya. Nakita niyang natigilan ito pati na rin ang lalaking kasama nito.
"Adriana, adriana Montadelo?" Sabi nung lalaki. Umatras ang ginang saka lumapit sa asawa.
"O-opo."
"Pwede ba tayong mag-usap Sebastian?" Maawtoridad na sabi nung lalaki. Kinabahan naman siya sa kislap ng mata nang ginang.
"Dito lang ako hon." Paalam sakanya ni Sebastian at hinalikan pa siya sa harap ng mga magulang nito. Sumama ito sa ama. Naiwan sila ng mama nito.
"ANAK kilala mo ba ang kasama mo ha?" Tanong agad ni Dexter sa anak. Tumingin siya sa ama.
"What do you mean? Bakit kilala niyo ba siya?" Tanong ni Sebastian sa ama, huminga muna ng malalim ang kaharap.
"Isa siya sa alaga ni Abner anak." Panimula nito. Kumunot ang noo niya.
"Abner?"
"Anak, si Adriana ang kumuha sayo non siya ang kanang kamay ni Abner. Pamangkin niya si Adriana"
Tinitigan niya ang ama. Ibig sabihin ito si Gemini? Naalala niya ang hilig ng dalaga sa mga zodiac sign.
"Ibig sabihin siya ang tumulong sakin para makatakas sa lugar na 'yon." Sabi niya sa ama.
"Pero hindi ka pwedeng magtiwala sakanya anak, hindi mo alam na baka 'pag nakatalikod ka bigla na lang siyang may gawing masama sayo."
Naalala niya ang kutsilyong hawak nito nang yakapin siya nito.
"I know at hindi ako makakapayag na gumawa pa ng masama si Adriana dahil sa hayop na 'yon." Galit na bulong niya. He want to kill that man!
"So you love that girl huh?"
He smiled.
"Yes, i really love her. " Puno ng kislap ang matang sabi niya sa ama. To hell with her past! all he need is his Adriana.
"I'm sorry my son. It's all my fault kaya umabot sa ganito ang galit ni Abner." Sabi pa ng ama. Nagtaka naman siya.
"What do you mean?"
"Anak ni Abner si Tonyo. Si tonyo ang kalaban nang grupo ko dati. I almost kill him, pinahiya ko siya sa maraming tao. I was bad at that time nasigawan ko pa ang mama mo non, kaya nag-away kami. Akala ko maayos na si Tonyo non nung nasa hospital siya pero dahil pala sa kahihiyan nagpakamatay siya. Hindi ko din alam na ang nakabangga ko ay isang malaking tao, Abner is a drug lord my son, hindi niya ako ginantihan dahil mas masakit ang gagawin niya sakin. Ikaw, ikaw ang gusto niyang paggantihan para maramdaman ko ang sakit nang pagkawala ng anak niya."
Nakatingin lang siya dito. Iyon pala ang puno't dulo ng lahat kaya ganon na lang ang galit nito sakanya noon?
"Kaya kami umuwi nang mama mo para sabihan ka anak. Kailangan mo nang bumalik sa Canada delikado ka dito kung nakatakas ka noon siguradong hindi ka niya pakakawalan na ngayon"
"No dad, haharapin ko siya."
"Anak ma-----
"Bumalik na kayo ni mom sa Canada. Mas magiging ligtas siya don at kapag nalaman ng Abner na 'yan na bumalik kayo dito baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon. Kaya ko ang sarili ko dito dad."
Wala namang nagawa ang ama niya kundi ang bumuga ng hangin. Kilala siya nito.
"Kung 'yan ang gusto. Pero sa susunod naman sagutin mo ang tawag namin, nag-aalala ang mommy mo sayo."
Ngumiti siya saka tumango.
"Copy dad."
Tinapik nito ang balikat niya.