"San tayo pupunta?" Takang tanong ni Adriana kay Sebastian , niyaya siya nitong lumabas at hindi naman nito sinasabi kung san sila pupunta.
"Basta." Nakangiting sabi nito, napatingin na lang siya sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya. Yung isa naman nitong kamay ay nasa manibela.
"Baka masagasaan naman tayo niyan." Sabi niya dito nilingon lang siya nito pero sandali lang. Napatitig siya dito ng umpisa nitong dampian ng maliit na halik ang likod ng kamay niya.
"Kasama kita kaya hindi kita ipapahamak." Sabi nito, tumingin siya sa labas ng bintana para maitago ang sumilay na ngiti sakanya. Ilang oras pa siguro ang lumipas nang huminto na ang kotse. Nakita niyang bumaba na si Sebastian at umikot sa tabing pinto niya, nilahad nito ang kamay sa harap niya.
"Halika." Nakangiting sabi nito, tinanggap niya 'yon habang nakatingin sa mukha nito. Hindi niya akalain na sa lalaking ito siya mahuhulog.
Nagtataka siya sa lugar na pinagdalhan nito sakanya. Walang kabuhay-buhay 'yon, madilim din dahil gabi na at tanging sinag lang ng buwan ang liwanag. Hawak nito ang kamay niya at tinungo nila nang sabay ang isang puno sa dikalayuan. Isa itong malawak na hardin.
"Anong ginaga- - -
Hindi niya na natuloy ang iba pang sasabihin nang sa pagkagulat niya ay biglang umilaw ang paligid namin. Nanlalaki ang mga matang nilibot niya ng tingin ang lugar na 'yon. Ang kaninang walang buhay na lugar nagkaroon na ng kulay magmula sa candle light at mga petal ng rosas sa damuhan. Pati ang puno may ilaw din na parang pasko. Napansin niya din ang isang maliit na mesa sa ilalim ng punong 'yon. Tumingin siya kay Baste na nakatitig pala sakanya.
"A-ano 'to?" Takang tanong niya. natatawang pinisil nito ang tungki ng ilong niya.
"Silly, suprise ko to sayo i want to make you happy Adriana. Mahal kita kaya kahit hindi pa kita lubos na kilala wala akong pakialam, basta 'wag mo lang akong iwan." Nakangiting sabi nito, punong-puno din ng kislap ang mata nito habang nakatingin sa mukha niya. Hindi niya maiwasang maluha sa sinabi ng binata.
Pano ko ba sasaktan ang taong 'to? wala naman siyang ibang ginawa kundi ang protektahan ako. Naisip niya.
Natatakot siya sa isipin na siyang kasiyahan niya siya din ang magwawasak non.
"Halika na." Masuyong sabi nito at inalalayan siya. Habang papalapit sila sa mesa naririnig pa niya ang malamyos na musikang 'yon.
Take my hand
While walk a while
We'll talk a while...
"Can we dance?" Nakangiting sabi nito, tumango naman siya. Hinapit nito ang bewang niya. Lumapat ang dalawang palad niya sa dibdib nito habang sinasabayan nila ng banayad na indak ang tugtug na 'yon.
Kahit ngayon lang iisipin ko na wala akong pwedeng gawin sakanya. kahit ngayon lang at saka ko na iisipin kung anong gagawin ko..
NAKANGITI lang si Adriana habang nakangiting tinitignan si Sebastian na nililinis ang sasakyan. Tumayo siya at lumapit dito.
"Pahinga ka muna." Nakangiting suyo niya dito saka tinanggal ang dumi sa mukha nito. Nakatitig naman ito sakanya.
"Mata mo." Banta niya, ngumiti lang ito.
"You can't blame me. Maganda kasi ang ang kaharap ko." Sabi pa nito, inirapan niya ito.
"May bayad ang titigan ako." Sabi niya pa, maya-maya naramdaman niya pumulupot ang braso nito sa bewang niya
"How much?"
Ningitian niya lang ito.
"Halika kumain na muna tayo. Nagugutom na 'ko eh." Sabi niya saka ito hinila. Hindi niya kayang makipagtitigan sa binata ng matagal. Natatawang inakbayan siya nito. Sabay silang pumasok sa kabahayan at tinungo ang kusina.
"Oh? Ikaw nagluto nito?" Tanong nito, pinaghila siya nito ng upuan umupo naman siya.
"Oo naman marunong kaya ako."
Sinandukan siya ng kanin at ulam. Tinikman nito ang niluto niyang sinigang na niluto nito sakanya noon.
"Wow, it's delicious marunong ka pa lang magluto." nakangiting sabi nito
"Siyempre naman."
Kinuha niya ang gulay sa sinigang at binigay dito.
"Ayoko niyan." Reklamo nito, pinandilatan ito ng mga mata.
"Kainin mo yan."
Kinuha nito ang gulay at binalik sa mangkok.
Arte talaga! sa isip niya.
"Isa para kang bata Baste kumain ka ng gulay" Sermon niya pa dito, nakaismid na umiling ito. Tumalim ang tingin niya dito. Nagsandok siya ng pagkain mula sa pinggan na may kasamang gulay at iniuwang 'yon sa bibig nito.
"Ahh. Ngumanga ka."
Umiling ito, pinanliitan niya ito ng mata.
"Sisipain kita promise!" Banta niya pa at nilapit niya uli sa bunganga nito 'yong kutsarang may pagkain.
"Baste! Para kang bata!" Sermon niya uli.
"I hate vegetable Adri, i don't like that."
Ay arte ha?
Kinuha niya ang upuan at umusog patabi dito.
"Baste sige na hindi kasi kita nakikitang kumakain ng gulay eh." Sabi niya pa pero umiling lang ito
Hay nakuuu mas makulit pa sa bata eh! Sabi ng isip niya.
"Bahala ka diyan." Nakairap na sabi niya.
"Adri naman."
Ngumiti siya at muling humarap dito.
"Kumain ka muna ng gulay." Sabi niya at nilapit dito ang kutsara.Mabuti naman tinanggap nito. Halatang hindi nga ito kumakain ng gulay. Nakangiwi ito habang ngumunguya.
"Very good Sebastian." Parang bata ang sinabihan niya non. Kahit pa nahihiya siya ay dumukwang siya papalapit sa mukha nito at hinalikan ang gilid ng labi nito. Nakita niyang nagulat ito pero saglit lang at agad ding ngumiti, deretso nitong nilunok ang kinakain.
"Isa pa." Nakangiting sabi nito, inirapan niya ito.
"Aba namihasa ka." Sabi niya at hinarap ang pagkain.
"Adri sige na bilis uy." Pangungulit ng binata.
Ningingiti na lang siya sa pangungulit nito. Kinikilig talaga siya sa ganitong side ni Sebastian at baka maisipan niyang ipaglaban na lang ito kahit pa sa tiyo Abner niya.
"SO, bibitawan mo na ang underground?"
Ngumiti lang si Sebastian sa tinuran ni Grey.
"Yes, i have to protect my Queen at saka ayokong mawala siya sakin kung sakaling tumutuloy pa rin ako diyan."
Narinig niyang natawa ang nasa kabilang linya.
"Love can change everything man! " Sabi nito saka natawa.
"So by the way, goodluck then kung kailangan mo ng tulong nandito lang kami." Dugtong pa nito.
He just smiled.
"Okay." sabi niya saka in--off ang cellphone, tumingala siya sa kisame.
Ayaw niyang mag-isip ng masama ang dalaga. His addiction? no drugs, no smoke, no alcohol, Adriana is his addiction and his comfort zone. Tumayo siya para silipin ito. Napangiti siya nang makita itong mahimbing na natutulog. Umupo siya sa gilid ng kama at pinakititigan ito. Nagulat siya ng bigla itong dumilat.
"Hi." Simpatikong ngiti niya dito. Kumunot ang noo nito.
"Sebastian? Ba't nandito ka?"
Tinitigan niya ang maamo nitong mukha.
"I've miss you."
Inirapan siya nito saka tinalikuran siya ng higa.
"Bola ka! magkasama lang tayo kanina 'wag kang ano."
Natatawang pinatong niya ang kamay sa balikat nito. Naramdaman niya ang kiliting gumapang sa kamay niya ng mahawakan ang makinis nitong balat.
Man! hindi ko akalaing makakaramdam ako ng ganito sakanya. Natatawang sabi ng isip niya.
"Kamay mo." Sabi nito. Nakataas ang sulok ng labing sumampa siya sa kama nito at nilapit ang mukha dito. Sinilip niya ang gilid ng mukha nito. Nakapikit ito, unti-unti niyang binuhat ang ulo nito pahiga sa hita niya.
"Hmmm.. bakit?" Inaantok na tanong nito. Banayad niyang hinaplos ang buhok nito gamit ang isang kamay niya habang nakapatong pa rin ang isa niyang kamay sa balikat nito.
"Matulog ka lang diyan dito lang ako." Malambing na sabi niya. Hindi naman ito sumagot, sa tingin niya ay tulog na ito. Kahit anong pigil niya sa sarili ay dahan-dahan siyang yumuko at marahang hinalikan ang pisngi ng dalaga.
Si Adriana lang.