"Bwisit siya! Anong akala niya hihingi pa 'ko ng tulong sakanya matapos kong makita ang ugali niya?!"
Humihikbing sabi ni Adriana habang nag-eempake ng mga gamit. Aalis na siya isang beses niya lang nakita ang galit nito kaya natatakot siya na makita uli 'yon kapag nalaman nito ang nakaraan niya. Pansamantala doon muna siya sa bahay na binigay ni Sebastian sakanyang ina, kapag nakahanap siya ng trabaho ibabalik rin niya ang itinulong sakanila ng binata.
"Anong ginagawa mo?"
Natigilan siya ng marinig ang boses na 'yon.
Sumunod pala ang hudyo! Gigil na sigaw ng utak niya.
Tinuloy pa rin niya ang pag eempake ng mga gamit at hindi pinansin ito.
"Ako ang bumili ng maletang 'yan." Sabi nito.
Huh! Nilingon niya ito. Nakasandal ito sa pinto at naka-halukipkip. Para itong hari ng kadiliman sa paningin niya. Inis na kinuha niya uli ang mga damit sa maleta.
"Edi iyo na!" Bulong niya, binitbit niya ang mga damit.
"Teka akin 'yang sapatos na suot mo." Sabi uli nito, nanliit ang mga matang hinubad niya ang sapatos at binato 'yon dito.
"Iyo na! isaksak mo sa baga mo!"
Nakakita siya ng plastic bag sa sahig kaya kinuha niya 'yon.
"Oops akin din 'yang plastic."
Kuyom ang kamaong hinarap niya ito.
"Letse ka! ang damot mo!" Sigaw niya at nilagay niya pa rin ang mga damit sa plastic. Naramdaman niyang lumapit ito sakanya, kinuha nito ang mga damit niya at saka nilayo sakanya.
"Isa! Ibalik mo sakin 'yan Sebastian! Ano ba?!" Sigaw niya habang inaagaw ang mga damit dito. Pero tinaas nito 'yon at dahil maliit lang siya ay hindi niya abot 'yon.
"Pwede ba! kung lutang ka ngayon 'wag ako ang paglaruan mo!" Galit na sabi niya rito. Nakita niyang natigilan ito saka unti-unting binaba ang mga damit niya. Kukunin niya sana 'yon pero nilayo lang nito 'yon sakanya. Sa sobrang inis niya ay sinuntok niya ito sa mata. Napaurong ito sa sobrang lakas ng suntok niya.
"Ouch! f**k! ouch!!' Daing nito habang hawak ang mata.
"Ikaw kung inaakala mong natatakot ako dahil kilala ka ng lugar na 'yon wala akong pakialam! Bwisit ka!" Galit na hinablot niya ang damit pero inagaw din nito.
Naku! bwisit!
"Hindi ka pwedeng lumabas ng bahay, hindi mo pa 'ko nababayaran." Sabi niya habang hawak ang mata.
"Wag kang mag-aalala dahil babayaran kita!"
Parang gusto niyang pagsisihan ang ginawa nang makita ang nangitim nitong mata. Nakokonsensyang nilagpasan niya ito.
"Saka ko na lang kukunin 'yong mga gamit ko." Sabi niya saka lumabas ng kwarto.
"Adriana!" Tawag na naman niya pero hindi niya ito pinansin.
"Adriana wait."
"Ano ba---
Hindi niya na natuloy ang sasabihin nang lingunin makita niyang nakaluhod ito. Nilapitan niya ito.
"Tumayo ka nga diyan para kang baliw!" Sita niya, umiling ito saka hinawakan ang kamay niya.
"Wag mo naman akong iwan oh hindi ko na uulitin 'yong ginawa ko kanina promise." Pagmamakaawa nito.
Ano? Siya nagmamakaawa? Namamanghang sabi ng isip niya.
"Tigilan mo 'ko sa drama mong 'yan Sebastian." Sabi niya at tatalikod na sana.
"Please pangako magbabago ako. Actually tinigil ko na 'yon simula nang dumating ka sakin." Sabi pa nito. Inis na nilingon niya itong muli.
"Wag mo nga 'kong pinagloloko Baste. Baka nakakalimutan mong sinigawan mo 'ko kanina? At ano ba 'yong sinabi mo? wala akong karapatan diba kasi hindi mo nga naman ako ka ano-ano?" Mataray na sabi niya, umiling ito saka hinawakan ang kamay niya.
"It just a mistake. Sorry, hindi ko na uulitin 'yon. Nang dumating ka lahat 'yon tinanggal ko na sa buhay ko"
Kumunot ang noo niya sa mga sinasabi nito.
"Yong nakita mo kanina nadala lang naman ako kasi , tinatawagan ko yung cellphone mo kaninang umagang umalis ka pero hindi mo sinasagot. Tapos makikita ko na lang na kasama mo 'yang ex mo."
"Oh eh ano naman 'yon sayo huh?" Nagtatakang sabi niya. Humigpit 'yong hawak nito sa kamay niya.
"I'm jealous Adriana." Anito.
Natulala siya.
"Nagseselos ako dahil importante ka sakin. Nagseselos ako dahil natatakot ako na baka maisipan mong balikan siya at iwan ako dito." Tumayo ito at pumantay sa mukha niya.
"Hindi mo lang alam kung anong nararamdaman ko sa tuwing napapahamak ka. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya kapag nakikita ka."
Nakaawang lang ang labi niya habang nakatingin dito.
"Lahat ng masasamang ginagawa ko kaya kong baguhin para sayo. Sinigawan kita kanina dahil nakita mo ang mga ginagawa ko. 'Yon ang bagay na ayokong makita mo kasi baka layuan mo 'ko." Masuyong sabi nito habang hawak pa rin ang dalawang kamay niya.
"Maybe i'm a badboy, i smoked, i drunk at yung nakita mo kanina oo, palagi kong ginagawa 'yon sa tuwing may pagkakataon ako." Nilapit nito ang mukha sakanya.
"But when it comes to you i wanted to be a best man, i would kill to protect you kahit mapahamak ako"
Hindi niya magawang magsalita sa mga sinasabi nito. Parang may kung anong pandikit yong labi niya at hindi niya 'yon maibuka.
"Ich liebe dich, my Adriana. " He whispered. Naalala niya ang binulong nito sakanya nung nasa hospital sila.
"Alam mo ba kung anong ibig sabihin non? I love you. I love you Adriana."
Hindi pa rin niya magawang magsalita. Nakatitig lang siya sa binata.
"Hindi kaba magsasalita diyan? Wala ka bang sasabihin? Nag-confess na 'ko sayo oh." Sabi pa nito, napabilis ang pagkurap niya ng mga mata.
"Ahm, ehem." Panimula niya kinuha niya ang sariling kamay na hawak nito.
"G-gutom lang 'yan ikain mo 'yan." Sabi niya saka siya tumakbo pabalik sa kwarto, pero bago pa siya makapasok ay may sinabi ito.
"I courting you Adriana! until you love me back!" Sabi nito, napahinto siya ng ilang saglit pero pumasok din agad sa loob. Ni-lock niya ang pinto.
"Nagbibiro lang siya.." Sabi niya habang umiikot sa buong kwarto, tumingala siya. Hanggang ngayon malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya. Bumalik uli sa isip niya ang mga pinagtapat nito kanina.
"Mahal ako ni Sebastian." Bigla siyang ngumiti. Pero naudlot 'yon nang tumunog ang cellphone niya, alam niyang iniwan niya 'yon mula sa likod ng unan. Kumunot ang noo niya nang makitang ibang number ang nandon.
"Hello?"
"Ading."
Umawang ang labi niya nang makilala kung sino 'yon.
"Tito Abner." Usal niya. Kumabog sa kaba ang dibdib niya. Alam ba nito kung nasaan siya?
"Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa mo ilang taon na ang nakaraan ha? pinakawalan mo si Sebastian Arragon." Sabi nito, binalot ng takot ang puso niya.
"T-tito Abner."
"By the way kakalimutan ko ang kasalanan mo pero ang kapalit non." Pabiting sabi nito.
"A-ano po 'yon tito?" Lalong tumindi ang kaba niya narinig niya ang nakakatakot nitong tawa.
"Patayin mo si Sebastian Arragon at gusto kong sa mismong kamay mo mangyari 'yon dalhin mo ang bangkay niya dito. Kung hindi alam mo na ang mangyayari Ading alam mong iba ako magalit sa mga traydor at hindi mo gusto 'yon diba? at kahit malaki ang utang na loob ko sa tatay mo kaya kong saktan ka."
Napapikit siya ng mariin. Kilala niya kung pano ito magalit.
"A-alam ko po."
"Good, nagkakaliwanagan ba tayo?"
"O-opo maliwanag." Bulong niya.
"Good girl asahan mong tatawagan kita ngayong linggo tandaan mo may mata akong nakatutok sayo at kung di mo gagawin ang inuutos ko asahan mong ako ang gagawa non." Makahulugang sabi nito saka pinatay ang tawag. Nakatitig siya sa saradong pinto. ilang sandali pa ay tumayo siya at walang emosyong lumabas ng kwarto, hinanap ng mata niya si Sebastian naabutan niyang nasa kusina ito at may kausap sa cellphone.
"Talaga? good, send me a flower sigurado ako magugustuhan 'yon ng Adriana ko. Of course, kaya ko nga siya liligawan eh para sagutin niya 'ko. Yes, yes, insan s**t! I really love Adriana." Sabi nito, nakatalikod ito sa gawi niya kaya hindi siya nito napansin.
Napapikit siya ng mariin nang marinig ang sinabi nito.
I'm sorry Sebastian, i'm sorry.
Kinuha niya ang kutsilyo na nakapatong sa lamesa at walang emosyon na nilapitan ito. Tinaas niya ang hawak na patalim. Tinitigan niya ang nakatalikod na katawan nito. Nangilid ang luha niya habang nakatingin dito. Habang tumatagal ang tingin niya sa nakatalikod nitong katawan isang bagay ang umaalingangaw sa isip niya.
"I love you Adriana."
Napakurap siya ng marinig 'yon. Unti-unti niyang binaba ang hawak. Bumalik sa isip niya ang mga mabuting ginawa nito sakanya. Ang mga bagay na binibigay nito na nakapagpapasaya sakanya.
"Ah, hindi pa pala kumakain si Adri- - - -
Hawak ang patalim na niyakap niya ito mula sa likod.
PARANG tangang nakangiti lang siya habang nakatingin sa kawalan , iniisip niya kung ano ang mga gagawin niya para mapasaya ang dalaga. Napapailing siya. never in his wildest dream na darating siya sa puntong kailangan niya pang paghirapan ang babaeng gusto niyang makuha.
"Ah, hindi pa pala kumakain si Adri- - - -
Hindi niya na natuloy ang iba pang sasabihin dahil biglang may yumakap mula sa likuran niya. Hinawakan niya ang kamay ng taong 'yon.
"Adriana?"
"S-sorry, sorry Baste." Humihikbing bulong nito, hinawakan niya ang kamay nito at humarap dito. Nagulat siya nang makita ang kutsilyo sa kamay nito.
"Anong gagawin mo dito?" Takang tanong niya, hindi siya nito sinagot pero alam niya na kung bakit nito hawak ang patalim na 'yon. Kinuha niya ang kutsilyo sa kamay ng dalaga at niyakap ito.
"Nagugutom kana ba?" Masuyong tanong niya, Naluluhang tumingin ito sakanya
Alam ko may nililihim siya pero para sakin hindi na mahalaga 'yon.
He wipe her tears then kiss her temple.
"Tumahan kana lalo kang pumapangit eh." Nakangiting sabi niya. Hinampas siya nito sa balikat.
"Sira!" Nakangiting sabi nito. Inakbayan niya ito at iginaya palabas ng kusina.
Sa dami nang pinaiyak at sinaktan 'ko si Adriana ang hindi ko papangaraping maranasan 'yon sa piling ko.
"DIYOS ko po Dexter pano kung totoo nga 'yang balita ni Cento?" Nababahalang sabi ni Mrs. Arragon, lumapit sakanya ang asawa at inakbayan siya.
"Kung totoo nga ang sinabi ni Cento, kailangan nating balaan ang anak natin uuwi tayo sa pilipinas mahal 'wag kang mag-alala." Masuyong sabi nito saasawa. Parang gumaan naman ang pakiramdam ng ginang.
"Akala ko hindi magiging malaking issue para sa ama ni Tonyo ang bagay na 'yon. Akala ko nakalimot na siya, 'yon pala hinihintay niya lang na lumaki ang anak natin para makaganti." Naluluhang sabi ng ginang. Niyakap ito ni Mr. Arragon.
"Wag mo nang isipin 'yon matatapos din 'to. It's all my fault kaya ako ang aayos ng gusot na 'to."