Chapter Ten

1930 Words
"Ay ang cute naman nito." Nakangiting kinuha ni Adriana ang isang picture frame na nakuha niya mula sa kwaro ni Sebastian. Nakatago 'yon sa ilalim ng lamesa ng binata. Tinignan niya ang likod. Lalong lumawak ang ngiti niya ng mabasa niya ang nasa likod non. "Baby Sebastian." Nakangiting basa niya. Wow ang cute niya nong bata pa, ang taba ng pisngi niya. Natutuwang pinagmamasdan niya ang litrato nito. "Akin na 'to." Nakangiting sabi niya. Nanlaki ang mga mata niya nang may maalala siya. Patakbo niyang tinungo ang sala saka tumingin sa kalendaryo. "Oh my gosh! November 5 ngayon. " Bigla siyang na-excite. "Month of the scorpio!" Natutuwang tumakbo siya papunta sa kwarto. Naghanap siya ng mabibihis mabilis siyang nag-ayos ng buhok at nagmamadaling lumabas. Hindi niya alam kung nasan si Sebastian magpapaalam sana siya dito. Pero mukhang mas maganda kung i so-suprise niya ito. Napangiti siya sa naisip. Mabilis siyang lumabas ng kabahayan. Sakto namang may tricycle sa labas ng gate. Pinara agad niya ito. Ilang minuto lang ay nasa labas na sila ng subdivision. "Sigurado akong matutuwa siya kapag nag-regalo ako!" Natuwa siya sa sinabi. Kahit sa paraan man lang na 'to makaganti siya sa kabutihan ng binata sakanya. PANAY ang ikot ng dalaga sa buong divisoria at tumitingin sa paligid kung ano ang magandang iregalo sa binata. Hindi naman niya alam kung anong gusto nito. Mayaman pa naman 'yong loko baka pintasan lang 'yung gift ko sakanya.. "Oh Adriana?" Nilingon niya ang tumawag sa pangalan niya, napasimangot siya ng makita kung sino 'yon. "Bakit?" Mataray agad na sabi niya nang makita ang mukha ng hudyo niyang ex! Ngumiti ito sakanya, kung noon ngiti pa lang nito kinikilig na siya. Ngayon ngiti pa lang nito naaalibadbaran na siya! "How are you babe?" Umingos ang mukha niya ng marinig ang endearment na ginamit nito. "Babe mo mukha mo!" Pagkasabi niya non ay tinalikuran niya ito. Panay ang tingin niya sa mga tindahang nadadaanan. "Ito naman parang wala tayong pinagsamahan." Sabi pa nito na lalong kinairita niya. Pigil ang galit na hindi niya ito pinansin. Tumingin naman siya sa mga t-shirt na panlalaki. "Sinong bibilhan mo? boyfriend mo?" Napangiti siya sa sinabi nito. Hinarap niya ang binata. Bakit ba kinilig ako ng maalala ko ang mukha ng lalaking 'yon? "Hindi kaibigan ko lang, birthday kasi niya ngayon pero hindi ko kasi alam kung anong ireregalo ko eh. " Sabi niya, ngumiti si Junie. "Okay, actually. May hinahanap lang ako dito pero nakita kita kaya nilapitan na lang kita." Sabi pa nito. Hinawakan nito ang kamay niya. "Oh bakit?" Takang tanong niya dito. "I'm sorry for hurting you Adriana nangako ako sayo na hindi kita sasaktan pero sinaktan pa rin kita. I'm really really sorry." Sincere na sabi nito, Tanggap naman niya na pinagpalit siya nito sa iba. Napatawad naman na niya ito pero hindi niya alam kung bakit sa tuwing nakikita niya ang mukha nito naiinis siya. Tinapik na lang balikat nito. "Gusto mong patawarin kita diba? So, samahan mo 'kong mamili nang ipang-reregalo ko sakanya." Nakangiting sabi niya, mabilis naman itong tumango. "Sure!" "SA tingin mo magugustuhan niya 'to?" nag-aalalang sabi niya kay Junie, ayon kasi sa nabasa niya about sa personality ng scorpio may pagka-metikuloso ang mga ito. Halos inabot na sila ng gabi para lang makapamili ng ipang-re-regalo kay Sebastian, hindi kasi siya makapamili ng maayos lalo't hindi naman niya alam ang gusto nito. "Sigurado ako ano kaba ako pa may taste ata 'to?" Pagyayabang nito, binatukan niya ito. "Sige na umalis kana." Nakangiting sabi niya dito. "Okay ba-bye ingat ka din. Kahit masama ugali niyan ni Sebastian, alam ko pagdating sayo malambot 'yan." Sabi nito. Ngayon lang din niya nalaman dito na kilala pala nito si Sebastian. Ningitian niya ito. "Bye." Nang makaalis na ito ay nakangiting pumasok siya sa loob ng bahay. Naabutan niya pa sa sala si Sebastian. "Oh? san ka pupunta?" Takang tanong niya, natakot siya sa aura nito ngayon. Malamig ang bukas ng mukha nito, maging ang klase ng pagkakatingin nito sakanya. "Wala ka ng pakialam." He said, para namang sinuntok ang dibdib niya sa sinabi nito. "N-nagtatanong lang." Utal na sabi niya saka nag-aalinlangang lumapit dito, inabot niya dito hawak na paper bag. "Para say- - - Hindi niya na itinuloy ang sasabihin nang daanan lang siya nito dahilan para mabitawan niya ang hawak. "Aalis ako baka gabihin ako ngayon. Oh baka di na muna ako umuwi." Pagkasabi nito non ay tuloy-tuloy itong lumabas ng kabahayan. Nasasaktang hinabol niya ito ng tingin. Bakit ganon? Ang sakit sa pakiramdam na binabaliwala niya 'ko ngayon? Lumabas siya ng kabahayan, napapiksi pa siya nang bigla nitong sagasaan ang gate, nawasak 'yon. Nag-aalala siya na baka kung anong mangyari dito. Napakabilis ng pagmamaneho nito na para bang may humahabol dito. "Sebastian." Usal niya habang sinusundan ng tingin ang kotse nito. Ano bang ginawa ko? Hindi niya alam kung gaano na siya katagal nakatayo don. Hanggang sa maisipan niyang sundan ang binata. Kinuha niya sa loob ng bahay ang regalo niya para dito saka siya tumakbo palabas. Malayo ang palabas ng subdivision hindi naman siya marunong mag drive kaya nilakad na lang niya 'yon. Pakiramdam niya ang tagal niyang naglakad. Pero hindi niya naramdaman ang pagod sa isiping baka kung anong mangyari kay Sebastian. Paglabas niya nang subdivision ay pumara agad siya ng taxi. "Miss san kayo?" Tanong ng driver. Natigilan naman siya. Hindi niya pala alam kung san ito pupunta. Malapit na siyang panghinaan ng loob nang mag-ring ang cellphone niya. Mabilis niyang sinagot 'yon. "Hello Junie?" "Oh Ading nasa labas na 'ko ng subdivision niyo nang makasalubong ko si Sebastian ha? San 'yon pupunta?" "Hindi ko nga din alam eh. May alam kaba na pwede niyang puntahan?" Natigilan ang nasa kabilang linya. "Hindi ko alam kung gugustuhin mong pumunta sa lugar na 'yon." "Sige na baka may alam ka kung san siya pupunta oh, nag-aalala ako galit kasi siya nung umalis eh." Naiiyak na sabi niya. Hindi siya sanay na ganon ang binata. "Okay, magkita tayo sa labas ng address na ibibigay ko." Binigay na sakanya ni Junie yong address, pagkatapos non ay sinabihan niya na ang taxi driver na puntahan ang lugar na 'yon. Matagal ang biyahe at hanggang ngayon abot-abot pa rin ang kaba ng dalaga Maya-maya pa ay natanaw niya na si Junie. "Ma' para ho." Binayaran niya na si manong driver pagkatapos ay mabilis na bumaba sa taxi. Sinalubong siya ni Junie. "Halika na." Sabi nito, napatingin siya sa malaking club na papasukan. Napatingin siya sa katabi. "Nandiyan siya?" Takang tanong niya. "Yes." Sabi ni Junie saka siya iginayak sa loob nilibot niya ang tingin ko pero ni anino ni Sebastian hindi niya nakita. "Sigurado kang nandito siya?" Paniniguro niya. "Oo nagtanong-tanong ako dito sa mga kakilala namin nasa underground na siya." "Underground?" Takang tanong niya. "Yes, basta makikita mo na lang." Nalilito siya sa mga pinasukan nilang pasilyo. "Oh anong gagawin mo diyan?" Tanong niya kay Junie. May nilabas itong itim na card at idinampi 'yon sa sahig. Na weird-duhan siya sa hugis bilog na sahig na kinatatayuan nila. "Junie Verocilla activate." Nagulat siya sa narinig na malaking tinig. Ano daw? "Ay!" Medyo nawalan siya ng balance nang biglang gumalaw ang kinatatayuan niya buti na lang nahawakan siya ni Junie. Kinabahan siya dahil parang iba ang ambiance ng lugar. Parang elevator na umandar pababa ang kinatatayuan nila. "N-nasan ba tayo?" Kinakabahang sabi niya. "We're here in the underground. Si Grey ang gumawa nito para dito nila isagawa ang mga gusto nila. You can call it hell. " Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Pero ganon na lang ang panlaki ng mga mata niya ng bumungad sakanila ang pulang ilaw na nagmumula doon. Bukod don ay napakaraming tao na lalong pinagtaka niya, lahat nga mga ito ay nakaitim. Napatingin siya sa paligid. Lahat ng ka-immoralan sa mundo nandito na sa lugar. Mga baha ng alak at nanlaki pa lalo ang mata niya nang makita ang dalawang tao na 'yon na gumagawa ng kababalaghan! Ilang beses siyang kumurap habang tinitignan ang mga epektos na hawak ng mga taong nakikita niya. Junie was right. This place is hell. "A-ano bang lugar 'to Junie nakakatakot." Hindi niya maiwasang sabihin 'yon. "Don't worry walang gagalaw sayo dito basta may kasama kang member nila. Kaya lang hindi naman ako active dito. Hawak ako ni Lucioun sa kabila, ayos lang naman dahil pito naman silang lahat dito." Sabi nito. Kung nandito nga si Sebastian ibig sabihin. Napatingin siya kay Junie ng maisip niya ang binata. "Ibig sabihi- - - "Sebastian Arragon is the king of the underground called Dark Society Underworld." Putol nito sa sasabihin niya. Nanahimik siya kita niya ang lawak at dami ng tao sa ilalim ng lugar na 'yon. Napalunok siya kasabay non ay ang pagkakaroon niya ng takot kay Sebastian. Pano kaya kung malaman nito ang nakaraan niya at ang koneksyon niya sa pag kidnap dito? "Yun ang hinahanap mo." Narinig niyang sabi ni Junie, may tinuro ito at sinundan niya 'yon ng tingin Mula sa sulok ng bahagi ng lugar na 'yon nakita niya si Sebastian, nanghina siya ng makita ang ginagawa nito. He was using a drugs, parang tinusok ng karayom ang puso niya nang makita ang nakayakap na babae dito. "Kung hindi mo kaya pwede tayong umatras." "Hindi ayoko nang ginagawa niya." Matigas na sabi niya saka lumapit sa grupo ni Sebastian. "Sebastian!" Sigaw niya dito. Nag-angat naman ito ng tingin at bakas sa mukha nito ang gulat ng makita siya. Binitiwan nito ang ginagawa at saka tumayo. "What are you doing here?!" Kinuha niya ang ginagawa nito saka tinapon 'yon sa sulok. "Alam ko na may kasamaan yang ugali mo, pero hindi ko alam na ganito kaitim ang ugali mo!" Galit na sigaw niya, hindi siya nito pinansin umupo lang ito at hinila ang babaeng katabi nito. Parang gusto niyang umiyak sa ginawa nito. Ibang Sebastian ang nakikita niya. "Hindi kita magulang para sermonan ako get out of my place now or else." Banta nito, galit na sinampal niya ito ng malakas. Nagulat ang mga kasamahan nito. "Or else ano ha?! Ano bang nangyari sayo ha? " Mangiyak-ngiyak na sabi niya dito. "Hindi mo 'ko kilala Adriana. Hindi, kaya 'wag kang umasta na parang kilala mo 'ko. Umalis kana dito kung ayaw mong ipakaladkad kita. Get out of this place." Madiing sabi nito, hindi niya napigilan ang luha. Nanginginig na hinampas niya sa mukha nito ang hawak. "Iyo na 'yan! Sayang, nag-effort pa man din ako na bilhan ka ng regalo dahil birthday mo. Gusto san kitang i-suprise pero hindi ko alam na ganito ka pala. Sana pala hindi kita hinayaang pumasok sa buhay ko at hindi ko sinanay ang sarili ko sa mga ugali mong pinapakita mo sakin! Bwisit ka! Masama ka pa sa masama!!!" Galit na sigaw niya saka siya tumakbo palayo. Wala na siyang pakialam kung sino ang mga nakakabangga niya. "Ading!" Nakita niya si Junie sa sulok katabi ng mini bar mabilis siyang lumapit dito. "Ialis mo na 'ko dito sige na." Umiiyak na sabi niya. Inakbayan naman siya nito. "Halika may short cut dito." "Adriana! Adriana!" Narinig niya ang sigaw na 'yon , pumasok sila ni Junie sa isang itim na pinto na elevator pala. Nakita niyang humahabol pa si Sebastian pero buti naman at nagsara ang pinto. Akala ko totoo ang pinapakita niya pero hindi pumasok sa isip ko na ganitong klaseng tao siya. Iba kasi ang pinakikita niya sakin, ibang-iba. Hindi niya napigilan ang paghikbi habang iniisip 'yon. Ayoko man niyang aminin pero nahuhulog na siya sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD