bc

My Handsome Boytoy Is A Tycoon Billionaire

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
sweet
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Nakalahad sa Will and Testament ng Mama ni Abigail na kailangan muna niyang magkaroon ng sariling anak para mapasakanya ang kumpanyang tinatag nito, ang Park Corporation. Kaya naman humingi siya ng tulong sa kanyang Assistant Secretary na si Jackie na hanapan siya ng lalaking magbibigay sa kanya ng anak. Dinala siya ni Jackie sa isang Men's Club kung saan pinakilala sa kanya ang tinuturing Crown Jewel na si Jimmy. Aaminin ni Abigail na guwapo at maganda ang pangangatawan ni Jimmy. At may kung anong kakaiba siyang naramdaman nang makita niya ito. Pero lingid sa kanyang kaalamanan na ang lalaking kinuha niyang Boytoy ay kilalang Mysterious Tycoon Billionaire na si Jimson Lopez Ano ba ang dahilan bakit nagpanggap na Male Model sa isang Men's Club ang isang mayamang tao? Magagawa kaya nilang makabuo ng baby para makasa-kamay na ni Abigail ang Park Corporation?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
HINDI KO MAIWASAN ANG magpakawala ng malalim na buntong-hininga matapos kong tignan ang oras sa screen ng cellphone ko. Halos dalawang oras na akong nakatambay rito sa coffee shop kung saan may usapan kami ni Papa na magkikita. Ilang beses ko na rin siyang chinat pero hindi pa niya ito nakikita. Ngayong araw kasi ang ika-labing walong kaarawan ko. At nangako si Papa na magbobonding kami. Hindi alam ni Mama na magkikita kami ni Papa. I'm sure magagalit siya sa akin kapag nalaman niyang hindi ako pumasok sa school. Napatingin ako sa milktea na inorder ko. Tunaw na rin ang yelo nito. Matabang na rin ang lasa nito. Muli kong kinuha ang cellphone ko. Sinubukan kong tingnan kung may message ba sa akin si Papa. Pero nakita ko lang ang isang post kung saan naka-tag siya. Inusisa ko kung anong post na iyon. At ganoon na lang ang kirot na nararamdaman ko nang malaman kong nasa ibang bansa si Papa kasama ang pangalawang pamilya niya. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko nang makita ko kung gaano sila ka-sweet ng anak niyang si Aliyah. Sampung taong gulang ako noong magdesisyon ang magulang ko na maghiwalay. Maliban kasi sa pambabae ni Papa ay nalululong pa siya sa sugal na naging dahilan para magkaroon siya ng malaking utang. Ngayong walong taon na ang lumipas, nananatili pa rin ang komunikasyon namin ni Papa. Iyon nga lang, sadyang hindi ko maiwasan ang makaramdam ng matinding selos sa tuwing makikita ko kung gaano ka-close si Papa sa isang anak nito. Ako ang legal na anak. Pero parang ako pa ang humingi ng konting atensyon sa Papa ko. Ilang beses nang nangako si Papa, at hindi natutupad. Kaya ewan ko nga ba sa sarili ko bakit umaasa pa akong bibigyan niya ako ng oras kahit lang sana ngayong kaarawan ko. May hinanakit kong pinunasan ang luha ko. Pagkaraan ay binlock ko na mismo ang account ni Papa. Tama si Mama, hindi na dapat ako umasa pa. Hindi na kami ang pamilya ni Papa. Matapos kong iblock si Papa ay saka na ako nagpasya na umalis sa coffee shop na iyon. Parang narinig ko pa nga ang binulong ng ilang mga staff roon. "Hindi yata sinipot ng kadate niya. Kawawa naman!" Hindi ko na sila pinansin pa. Umalis na ako sa lugar na iyon at naglakad-lakad. Ayoko munang umuwi ng bahay. Gusto ko munang mag-refresh ng sarili ko at kalimutan na mayroong akong ama. Kasalukuyan na akong nakaupo sa isang waiting shed nang may isang bata akong napansin na mabilis na tumatakbo. Tulad ko, umiiyak din siya kaya naman nagawa ko siyang sundan ng tingin. Pero bigla akong napatayo sa kinauupuan ko nang makita ko ang pagtawid niya sa kalsada. Hindi na ako nagdalawang-isip pa, mabilis ko siyang sinundan. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kanya nang mapansin kong paparating na jeep. "Yung bata!" Sigaw ng ilang taong naroroon. "Bata!" Tawag ko naman. At saka ko siya mabilis na hinatak. Sa lakas ng puwersa ko ay nawalan kami ng balanse kaya bumagsak kami sa isang basang parte ng kalsada. May ilang tao namang ang tumulong sa amin na makatayo. "Ano ba kasi ang ginagawa mo, bata ka!" Singhal ko sa kanya. Pero imbis na sumagot siya ay malakas na iyak lang ang ginanti niya na siyang labis kong kinagulat at kinabahala. "Tama na, bata! Pasalamat ka na lang niligtas ka niya. Nag-aalala lang si Ate sa'yo!" Anang isang matandang babae. "Oo nga," dagdag naman ng lalaki parang papasok sa trabaho sa mga sandaling iyon, "Tingnan mo nga, ang dami namin rito pero siya lang ang humatak sa'yo! Huwag ka nang umiyak. Nag-alala lang si Ate kaya ka niya nasigawan." Bahagyang humina naman ang pag-iyak ng bata, "Sorry po, ate!" "Wala na iyon!" Nagawa ko na siyang ngitian, "Nasaan ba ang magulang mo? Bakit mag-isa ka lang?" "Tumakas ako sa amin!" Pag-amin ng bata. "Naku, patay tayo d'yan!" Anang matandang babae, "Bakit mo naman ginawa iyon, ijo! Tiyak kong nag-aalala na ngayon ang mga magulang mo!" "Patay na po sila!" Tugon ng batang lalaki saka muling umiyak, "Napasama po sila sa roon sa plane crash na nabalita noong nakaraan!" "Naku!" gulat ng mga nakarinig. "Tahan na!" Nagawa ko nang siyang lapitan at aluin, "Huwag ka nang umiyak. Alam ko naman na binabantayan ka nila ngayon. Kanina nga parang may biglang humila rin sa akin kaya mabilis kitang nahawakan. Ginamit ako ng mga magulang mo para iligtas ka." "Oo," segunda ng lalaki, "Alam mo bang ang layo niya. Pero mabilis ka niyang nahila!" "Huwag ka nang umiyak!" Nagawa kong punasan ang luha niya, "Alam mo ba dapat nasa school ako ngayon pero tumakas ako. Kasi sabi ng Papa ko, magbobonding daw kami kasi birthday ko ngayon. Pero hindi siya dumating. Hindi man lang niya sinabi sa akin na pupunta pala sila sa ibang bansa ng pangalawang pamilya niya. Naghintay tuloy ako ng halos dalawang oras sa meeting place namin!" Napaawang ang bibig ng bata habang nakatingin sa akin, "Ano'ng pangalan mo, ate?" "Abigail Park," tugon ko. "Park? Kaano-ano mo si Sandara Park?" Biro ng lalaki. "Ayy... Wala po!" Nahihiyang tugon ko saka ako napakamot ng ulo, "Half Korean kasi si Mama. Tapos simula nang maghiwalay sila ni Papa, Park na ang pinapagamit na apelyido sa akin ni Mama." "Kaya pala," anang lalaki saka napatingin sa paparating na jeep, "Maiwan ko na kayong dalawa. Sige na, malalate na ako sa trabaho ko!" "Salamat po, Kuya!" Magalang na sabi ng batang lalaki. Sumakay na ng jeep ang lalaki. "Kailangan ko na ring umalis," sabi ng matandang babae, "May schedule pa ako ng checkup! Mag-ingat kayong dalawa!" "Salamat po, Lola!" Sabi ko naman. Naiwan na kaming dalawa sa lugar na iyon. Pinagpag ko ang sarili ko, pero hindi ko maiwasang mag-alala nang makita kong may mantsang kulay itim ang uniform ko at mabaho pa ito. "Birthday mo pala, ate!" Anang batang lalaki, "Gusto mo bang tayo na lang ang magbonding?" "Pero hindi ka ba hahanapin sa inyo?" Nag-aalalang tanong ko. "Hahanapin, pero sigurado naman akong mahahanap nila ako. Saka isa pa, ate. Malapit lang ang mall dito. Bibilhan kita ng damit! Nadumihan ko kasi." Nagtataka akong napatingin sa kanya. "Kaya mo bang maglakad na ganyan ang itsura mo?" Tanong ng bata. "Ilan taon ka na?" Tanong ko sa kanya. "Nine!" Tugon nito. "Nine ka palang pero kung makapagsalita ka parang matanda ka na! Pero sige, nangangamoy imbornal nga ako," pagpayag ko sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Kiss With The Mafia Lord

read
245.1K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
11.2K
bc

In Bed With Kuya Red

read
45.5K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
833.1K
bc

The Heartless Don's Angel

read
78.6K
bc

The CEO's Babymaker

read
70.9K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
213.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook