chapter 6

3175 Words
It was a wonderful morning at maagang nagising si Gwendolyn. Hindi muna siya pumasok ng PH dahil balak niyang makabonding ng husto ang kapatid bago sila umuwi ng Bacolod. Masaya siya habang naghahain ng pagkain sa mesa ng biglang tumunog ang doorbell niya. "Sweetheart, may tao ata." Pasigaw na sabi ni Anthony. "Oo na, titingnan ko," wika niya at nagdasal na sana may tao siyang madatnan sa pintuan. Baka kasi paper bag na naman. Haya halos napanganga si Gwendolyn sa gulat nang mapagsino niya ang nasa harap ng kanyang pintuan. Well, si Howell lang naman, at habang nakatitig ito sa kanya ay naalala niya kung paano siya nito sinigaw-sigawan. Nakangito ito sa kanya at may hawak-hawak na isang malaking pumpum ng hasmin. She blinked several times making sure she's not daydreaming. Imposible na puntahan siya ng hudyo na 'to. "Naligaw ka ata," wika niya. "Good morning." Bati ni Howell sa kanya sabay ngiti ng pagkapungay-pungay, na ikinataas ng kanyang balahibo. "What do you want?" She hissed at him whole trying to control the turmoil inside her. "Can I come in?" pasimpleng tanong nito. "You left this int my car." Ipakita nito sa kanya ang hawak na paper bags. "No, you can't! Beside, I intentionally left it," sagot niya at tinignan ito ng masama. "These were my gifts for you." "I can perfectly buy myself biscuits and chocolates!" Nabigla man si Howell sa narinig, hindi naman ito sumuko. "Come on, don't tell me you're still mad at me." "And what if I am? " she said sarcastically. Howell sighed. "Gwenneth, please be reasonable." She glared and give him a deadly stares. "Well, sorry but I don't have the interest to accept visitors lalo na pag ikaw!" Napailing nalang ang binata sa kanyang kasungitan. "Gwen naman..." Hindi niya kinibo ang binata. Ang totoo, hindi naman siya talagang galit sa binata kundi nagtatampo lang. Nagkukunwarian lang siyang galit para mapagtakpan ang kaba na naghahari sa dibdib niya. At saka wrong timing pa ang pagpunta nito sa unit niya. Bakit ba naman kasi may ugali itong parang kabute na pabigla-bigla na lang na sumusulpot. At ayaw na din makita ito ng kapatid niya. Madami lang itong itatanong sa kanya pag nagkataon. Wala siya sa mood na magpaliwanag or malagay ang sarili sa hotseat. Knowing her brother, baka ano pa ang isipin noon at sabihin. "Sweetheart, may bisita ka ba?" Boses iyon ng kapatid na nagpakunot ng noo at nagpadilim sa mukha nito. “Who was that?” He asked her, and looked at her strangely. “There's a guy inside your unit? So, is that the reason why you don't want to let me in? Is he your boyfriend?” "Wala ka ng pakialam kung meron man!" Singhal niya saka sinagot ang tanong ng kapatid. "Wala mahal, wala akong bisita. May nagtatanong lang. Ito.kasing si Kuya, mukhang naligaw. Hinahanap niya si Ms. Ashna. Ang sabi ko sa kabilang unit iyon nakatira." Pasigaw niyang sabi at bahagyang lumingon sa kinaroroonan ng kapatid. "Ganun ba , halika kumain na tayo." Howell eyed her angrily, but she just gives him a smirked. "What the hell are you saying?" Napangiti siya na makitang banas na banas ang mukha ng binata dahil sa narinig subalit wala siyang pakialam. Magalit na ito kung magalit. "You know what, have no time for you. Iwan mo nalang 'yan sa lobby desk baka may magkagusto niyan or mas maiging ibigay mo sa makasalubong mo baka matuwa pa. Kung sa tingin mo, I would be nice to you because of it. Then, sorry to say I'm not," wika niya at marahas na sinara ng kanyang pintuan. Howell was frozen for a moment. He shook his head in disbelief. Ganun na ba kalaki ang kasalanan niya kay Gwendolyn para pagsarhan siya ng pinto? “Damn! If you think closing the door at my face will affect me, then you're wrong,” he uttered. Howell immediately went down to the lobby. Hindi na siya nag abala pa na gumamit ng elevator. At habang bumababa siya ng hagdan, panay ang mura niya. LULAN ng helicopter, masayang umuwi sina Gwendolyn at Anthony ng Bacolod. Habang nasa himpapawid, excited na nakatuon ang mga mata ni Gwendolyn sa labas. Subrang miss niya na ang kanyang ama. Kaya ng lumapag na ang helicopter sa may dalampasigan ay mabilis siyang tumayo at agad na bumaba mula dito. Napailing nalang si Anthony sa inakto ng kapatid. Mula sa malayo ay natatanaw na nila ang Rest House. At nakita din nila na nakatayo na ang kanilang ama. Halos nanunubig ang mga mata nito ng makalapit na siya. "This is a pleasant surprise!" Masiglang siyang niyakap ni Venincio. "Kasama ko si Gatas," wika niya at niyakap pa ng mahigpit ang ama Masiglang nilapitan sila ni Anthony, na mukhang masayang-masaya sa nasaksihan. "Pinasaya niyo ako mga anak," wika ni Venincio. Nahuhula ito. "Ang papa....talaga, ang drama!" Niyapos ni Venincio ang dalawang anak. "Mabuti naman naisipan niyong umuwi. Akala ko, nakalimutan niyo na may ama kayong naghihintay dito." Tumawa si Gwen ng mahina sa pag dra-drama ng ama. "Pa, busy lang po." "Teka si Francis bakit hindi niyo siya kasama?" "Pa, busy po so Kuya," wika ni Gwen saka niyakap ng ama ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. "Si Papa talaga walang pinagbago, drama king pa din," wika ni Anthony. "Pa, masyadong hectic lang po si Kuya Francis. Unawain nalang po natin siya." "Busy! Kailan ba siya hindi naging busy! Iyang Kuya niyo talaga! Gusto magpayaman pa. Dapat inaasikaso niya ang paglalagay sa tahimik. Tumatanda na siya maging ako. Dapat may apo na siyang ibigay sa pamilya!" "Pa, hayaan niyo na si Kuya Francis. Pasasaan ba at dadalawin niya din kayo. For now, kami muna ni Kuya Anthony ang mag aasikaso sa inyo. I miss you Papa," wika ni Gwen at muling niyakap ang ama sa beywang. "Naku ang prinsesa ko. Marunong ng maglambing sa Papa niya. Oo na, miss na miss ko lang kayong mga anak ko." Inakbayan ni Venincio ang bunsong anak. "Halina na kayo at ng makapagpahinga na kayo. Naku magpapahuli ako nito ng alimasag, yellow fin at hipon kay Roel. Tiyak na matutuwa iyon. Siyanga pala si Ella ay umuwi din kahapon." Sabay na napangiti ni Anthony at Gwen. Alam na alam talaga ng Papa nila ang mga paborito nilang pagkain. "Nandito po si Ella?" "Oo anak, kakarating lang niya noong isang buwan," wika ng Papa niya at ngumiti kay Anthony. "Hayaan niyo sasabihin ko kay Roel na isama si Ella mamaya." Si Ella ay ang bunsong anak ng kanilang hardeniro na si Mang Roel. Mag kasing edad ito at si Anthony. Lihim na napangiti si Gwendolyn, gusto niya kasi ito para sa kapatid. Hindi dahil napakaganda nito kundi napakabait at masipag na bata. Isa na din itong mahusay na Pediatrician, dahil sa tulong ni Papa. Si Papa niya ang gumastos para makapagtapos ito ng medisina. Isang bagay na hinahangaan niya sa kanyang ama. "Di ba isa na si Ella sa pinakamahusay na Pediatrician sa Manila,? wika ni Gwen at biglang binigyan ng isang makahulugang tingin si Anthony. "Hindi lang iyon, balita ko ay may sarili na rin siyang klinika." Proud na sabi ng ama. Ngumiti lang si Anthony. Alam nitong gusto ng ama niya na makatuloyan siya ang sa bunsong anak ni Mang Roel. "Mukhang updated na updated tayo sa buhay ni Ella." Pasimpling man ang patudyo ni Gwen sa kapatid alam niya na may lihim din itong pagtingin sa dalaga. "Wag ka nga malisyosa diyan Gwenneth! Napakaliit ng Bacolod para hindi kumalat ang balita. Saka alam mo naman kung gaano ka proud si Mang Roel kay Ella, lahat ng achievements niyon ay binabalita niya." "Wala na akong masabi kundi ehem ehem" Napailing nalang si Venincio. "Naku mayroon atang niluluto itong bunso mong kapatid. Sabagay maganda at mabait na bata si Ella. Hindi siya mahirap mahalin," wika ni Papa at ngumiti kay Anthony. "Pati ba naman ikaw Pa!" naiiling na wika ni Anthony na nagpatawa pa lalo sa kanila. "Alam niyo naman hindi ako nakikialam sa mga love life niyo, basta masaya kayo, masaya na din ako, kahit sino man ang mahalin niyo ay okey sa akin. Sige na pasok tayo sa bahay ng makaoagpahinga na kayo." Agas silang tumalima sa ama. Tumuloy agad si Gwendolyn sa kanyang silid. Inilagay niya ang mga dala-dala at nagbihis. Nang bumaba siya sa may kusina. Nadatnan niya si Aling Sabel, ang kanilang kusinera, na kasalukuyang naglilimis ng alimasag at hipon. "Ikaw na ba yan Gwen?" Ngumiti ang ginang saka pinunasan ang basang kamay. "Sandali lang at ipaghahain kita ng makakain." Umiling si Gwen. "Busog pa po ako Nay Sabel." "Sigurado ka?" "Oho." Niyakap siya ni Nay Sabel habang ang mga mata nito ay titig na titig sa kanya. "Ang laki mo na Gwen at ang ganda pa. Kamukhang- kamukha mo si Mam Carmelam." "Sabi nga po ni Papa." Madami talagang nagsasabi na halos kawangis niya ang namayaang ina. Maging ang kanyang ama ay lagi niyong sinasabi na nawawala ang pangungulila nito sa yumaong asawa sa tuwing nakikita siya. "Oh bakit parang malungkot ka?" "Wala po kasi akong maalala," wika niya " 'Wag kang makungkot pasasaan ba't babalik din ang iyong alaala." "Sana nga po Nay. Kasi sa tuwing nakikita nila ako, maging si Papa lagi niyang akong sinasabihan na I really do look like her. Sayang at maaga siyang pumanaw. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong makasama at makilala siya. Kahit sabihin pa ni Gatas, na pareho kami ni Mama sa maraming bagay. Magaling din daw itong magluto at magbake ng cake." "Oo, gaya mo. Maganda at masarap magluto si Carmela" "Aling Sabel, pwede po bang ako na ang magluluto ng hapunan. Pakitulungan niyo nalang po ako sa paghihiwa. Gusto ko pong ipagluto si Papa at si Gatas....Ay si Kuya Anthony pala habang nandito po ako," wika niya na para bang pilit na iniiba ang usapan. "Sige kung iyan ang gusto mo. Tiyak na matutuwa si Sir Ven. Balita ko pa, isa ka nang tanyag na Chef sa Maynila. Tunay nga na nagmana ka sa Mama mo." "Hindi naman po, wag niyo na po akong purihin lalo. Nabubusog na ako sa mga papuri niyo Aling Sabel baka lumubo po ang ulo ko at mastugi ako. Maawa po kayo di ko pa po nakilala si Mr Right ko." "Naku ikaw na bata ka! palabiro ka talaga," natatawang sabi ni Aling Sabel. "Oh siya, magsimula ka ng magluto." Mabilis na inihanda nu Gwendolyn.abg mga sangkap at sahog. Hiniwa niya ang mga ito at itinabi. Hinayaan lang siya ni Sabel na kumilos sa kusina. Mabilis niyang naluto ang ilang putahe para sa hapunan. Gumawa din siya ng Ceasar Salad at Macapuno Tart, kapwa paborito ng kanyang Papa at ni Anthony. Habang inihahanda nila ni Sabel ang hapag-kainan, pumasok sa kusina si Roel. "Asan po si Ella?" tanong niya "Naku iha, bukas nalang daw siya makikisalo sa inyo. Sinamahan niya si Tiyo Damian niya sa hospital" "Ganun po ba Mang Roel? Sige po pakisabi nalang po kay Ella na pag may time siya, dumito po siya sa bahay. Gusto ko po siyang makausap para sa medical mission na gaganapin sa Orphanage. " "Sige iha, makakarating. Iiwanan ko na kayo at kakayurin ko pa ang mga buko na pinitas ko kanina." Paalam ni Roel. "Sige po. Pag nagutom po kayo, kumain po kayo ha. Madami po akong niluto. Sabayan niyo po si Aling Sabel. Papabalutan ko nalang po si Ella, para matikman niya ang mga niluto ko." "Salamat iha" nakangiting wika ni Mang Roel bago lumabas ng kusina. Naging masaya at masigla ang hapunan. Madami silang napag usapan. Panay ang iling niya kasi halos naubos ni Venincio at Anthony ang niluto niya. At dahil dito, inalok siya ng ama na magtayo ng sariling restuarant sa kanilang lugar. Subalit tinanggihan niya ito. Hindi naman sumama ang loob ng ama dahil naipinaliwanag niya mabuti dito ang dahilan kung bakit ayaw niya. Napailing nalang ang ama sa paghihinayang. Kilala niya na ang anak,.kahit sa maikling panahon nakasama niya ito. Kakaiba ito kung tumanaw ng utang na loob. Lagi nitong binabanggit na subrang laki ang utang na loob nito sa mga Decini. Sila ang umaruga at nagpaaral dito sa mga panahon na hindi pa nila ito natatagpuan. Kaya kahit anong gawin niya mahirap na bagohin ang desisyon ng anak. Pagkatapos nilang maghapunan ay nagpaalam sa kanila si Venincio. Naiwan siya at si Anthony sa may balcony. "Gusto mo ng kape Gatas?". Alok niya. Tumango ito. Agad tumungo ng kusina para magtimpla ng kape. Pag balik niya may dala na siyang dalawang tasa ng umuusok na kape. "Nabusog ako Gwenneth. Ang sarap ng luto mo, " sabi ni Anthony. Sumimsim ito ng kape. "Pati itong kape masarap din, maswerte ang magiging hubby mo." "Hubby agad!" "Alangan naman kasintahan!" Tumawa nalang siya. "Sana nandito din si Chico. Hays, aalis na ako sa makalawa. Still hindi pa rin siya mahalagilap. Ano ba ang ginagawa niya sa isla ha? " "I don't know. Kasama niya ata ang queen ng buhay niya. Kilala mo ba yung spanish girl na sinasabi nila?". Binalingan niya ang kapatid. "Wait kasama niya si...Lilly?" "So Lilly and name niya." Nagitla siya at agad na kumunot ang noo ko. "Oh gosh! Is he out of his mind? Bringing Lily in his island will make her only attached to him even more." "Ano masama doon?" "Pareho nating alam ang totoo, Gatas! He is still in pain. At worst baka ginagamit niya lang si Lily para masabi niya na kapag move on na siya. But the truth is he hasn't. Hindi niya ba naisip na ginawa niyang kumplikado ang lahat. I'm sure, he is using Lilly para mapagtakpan ang kabigoan niya, lalo na't parehong maayos ang mga buhay nila ate Sarah at Labanos." "Masyado ka naman judgemental kay Kuya," wika ng kapatid at tinignan siya ng masama. "Why don't you give him the benefit of the doubt. Malay mo, mahal niya talaga ang girl." "Mahal? How could you love someone when you are still trapped in your past?" She insisted making him shook his head. "You are not him, my dear sister," wika nito saka ginagap ang kmayang kamay. “I mean hindi ikaw si Francis. So you can't and will never understand him. Paano mo masasabi na hindi niya mahal ang girl na iyon at hindi pa siya nakakawala sa kanyang pighati? Ikaw ba siya? Para malaman kung ano ang nasa kaibuturan ng kanyang puso niya, dapat ikaw siya. Gwenneth, we can't predict or judge people based on their actions. Because the truth is, we really don't know what they truly feel inside. Wala tayo sa kinatatayuan nila at hindi tayo sila. Sana maisip mo iyon. Sometimes our heart will contradict our mind, and our actions doesn't say what we really feel, lalo na for a proud man like Kuya Francis. Kaya bago mo siya paratangan at pag isipan ng masama, isipin mo muna kung talaga bang may kakayahan ka na akusahan siya. He's a good man Gwenneth, why don't you let him explain his side! Pansamantala hayaan muna natin siya, let him resolve his own problems” Natameme siya sa winika ng kapatid. He's getting wiser everyday. Siguro nga, wala siyang karapatan para husgahan si Kuya Francis niya. "Are you ready for New York?". "Oo naman! ready na ready. Actually, I can't wait to be there. Minsan ko ng nakita ang ganda nito and I wanted to go there again," wika niya at agad na nagkislap ang mga mata. "Mag ingat ka doon ha. 'Wag mong pababayaan ang iyong sarili. Kumain ka ng maayos. Sino pala ang kasama mo doon? " "Si Kuya Austin at si Howell" payak niyang sagot. "Eh.... Si.. Cream di mo kasama?" Out of the blue tanong ng kapatid na ikinataas ng kilay niya. "Oh my gulay! Don't tell me you too haven't moved on!" Namula si Anthony sa kanyang winika. Si Cream ay si Wennalyn aka Labanos. Akalain mo, pareho nabighani ni Kuya Francis at Anthony kay Labanos! "Don't tell me you are still in love with her? Really, Gatas?" Pagtutukso niya pa sabay hampay sa braso nito. "No I'm not. Naitanong ko lang. And para sa info mo, I'm in love with someone else. Pro syemore hindi niya alam." "And who's this lucky girl ha, kilala ko ba?" "Yes slight. She's also a doctor" Napatili siya ng bigla na gets kung sino iyon. She can tell that's he's in love with this girl. "Pwede ko bang malaman ang name niya? and how she intruded your heart?". "Ayaw ko nga tsismosa ka kaya." Subalit kinalaunan napilit niya din ang kapatid. He told her everything. Kung paano ng babae pinapabilis ang pagtibok ng kanyang puso tuwing napapadaan ang dalaga. Anthony also narrated how the girl managed to give him sleepless nights. At habang nagsasalita ito, happiness radiates all over his face. So she can't help but to be envious. Sana nga makahanap na din siya ng taong magmamahal din sa kanya ng lubusan. Kasi kahit ayaw niyang sabihin, she also want to be treasured by someone. Naging masaya ang sumunod na araw ni Gwendolyn. Masaya siyang inikot at pinasymyal ang kabuuan ng Bacolod. Maging ang Papa niya ay subrang nagagalak din, lalo pa't asikasong-asikaso niya ito at ni Anthony. Pagkatapos niyang mamasyal ay dumaan siya saglit sa jewelry shop ni Avria, para kunin ang pinagawa niyang kuwentas at bracelet. Samantala pag kauwi niya ay halos naubos ang buong.maghapon niya sa pagkukwe-kwentuhan. Hindi niya namalayan na kailangan niya ng mag impake para sa flight niya pabalik ng Manila. Nalungkot siya bigla. Gusto niya pang makasama pa ang kanyang kapatid at ama. Nasisgiro niyang matagal muli silang magkita-kita lalo pa't pero-pareho silang may trabaho at pinagkakaabalahan. Halos nalungkot siya ng magpaalam na ako kay Papa. "Balik ka uli bunso ha, ipangako mo na aalagaan mo ang iyong sarili," anas na wika ni Papa niya. Nakangiti man ito sa kanya pero alam niyang tulad ni Anthony, nalulungkot din ito sa kanyang pag alis. "Oho Papa, kayo din po ha. Alagaan niyo din po ang inyong sarili. 'Wag po kayong malungkot. Ako lang po naman po ang aalis. Maiiwan pa po si Kuya Anthony dito. Pangako po, sa susunod na pag uwi ko, magtatagal na po ako dito" Niyakap niya ang ama saka hinalikan sa pisngi "Aasahan ko yan anak ha" She hugged her father for the third time. "I will call as soon as I can." She kissed his cheeks. "Mami-miss ko po kayo" She was about to asked Aling Sabel na kunin ang isang box na naglalaman ng pasalubong ko, nang biglang may kotse nahagilap ang kanyang mata na tumigil ito sa harap ng bahay. She arched her brows, the car does look familiar. She was right caused the minute the door opened...her heart beat went wild and her mouth open slowly in shock. What on earth is he doing here?...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD